Kinabukasan, bagama't' madaming nainom kagabi si raveen ay hindi niya alintana ang kanyang hang over, ayaw niyang pansinin iyon dahil nga kagabi pa niya naiisip si thea.Napakalayo na nang babae sa thea na nakilala niya, lumalaban na ito at kita niya sa mga mata nito kagabi ang galit sa kanya.Naekwento na nga sa kanya nang kaibigan ang tungkol sa nararamdaman nito kay thea at nasasaktan siya sa isiping iyon.Hindi na lamang siya nagsalita pa na kilala niya ang dalaga at dati itong nanilbihan sa kanila.Nasabi sa kanya ni xander na isa sa mga schoolar nila si thea at napakasipag nito sa pag aaral.Halos buong usapan nito ay si thea ang bida at talagang hindi maitatago nang kanyang kaibigan ang pagmamahal nito sa dalaga at hindi niya mawari kung bakit siya nasasaktan nang ganito.
Bumuntong hininga siya habang nakatanaw sa malawak na Hacienda nang mga GO, mula sa kwarto na kinalalagyan niya. napakaganda nang paligid na di hamak na mas malawak keysa sa kanila.. Palibhasa kasi maynila iyon at limitado lamang ang mga kalupaan na dapat sa isang Hacienda hindi kagaya nang sa mga GO.Habang abala ang kanyang mata sa pagtitig sa mga magagandang tanawin sa labas ay napansin niya ang babae na kanina pa yata may inaayos sa labas nang mansion kung saan isang malawak na hardin ang naroon na halos lahat yata nang bulaklak ay namumukadkad.
Mas lumapit siya sa may bintana upang mapagmasdan ang babae,, ngunit biglang kumabog ang kanyang dibdib nang makilala ang babae,, si thea iyon at abala ito sa pagtatanggal nang mga patay na damo at lantang mga bulaklak habang parang may kinakausap.. nakagilid ito kung kaya hindi niya masyado Makita ang magandang mukha nito,, ngunit kahit nakatalikod man ito ay aminado siyang kabisado na niya ang magandang mukha nang dalaga.Naisipan niyang bumababa upang sana ay puntahan ito ngunit mas sumama lamang ang kanyang loob nang matanaw ang papalapit dito.Si Xander iyon at kagaya niya ay maaga din pala itong nagising,, alam niyang pareho silang maraming nainom kagabi ngunit hindi niya alam na ganun din pala katibay ang kaibigan niya,.Nakangiti pa ito habang papalapit kay thea,, bagama't hindi niya naririnig ang pinag uusapan nang dalawa ay kitang kita niya ang saya sa mukha ni thea.Nakaramdam siya nang matinding inis ngunit mas pinili niyang bumaba at puntahan ang mga ito
:::::::::::::
::::::::::::
Natatawa si Xander habang tinutulungan sa ginagawa si thea,, nahihiya man ang dalaga dahil nga sa pag tulong sa kanya nang binatang amo ay hinayaan na lamang niya ito. Ayaw niyang isipin nitong iniiwasan niya ito na kahit pa iyon naman talaga ang kanyang plano lalo na sa nangyari kagabi.Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya makapaniwala na magkaibigang matalik pala si xander at raveen. Ilang ulit man niyang sabihin sa kanyang sarili na hindi iyon totoo ngunit mas ipinapamukha iyon sa kanya ng panahon.Halos wala siyang tulog sa kakaisip sa nangyari, hindi niya rin maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang saya ngunit ang lungkot na nararamdaman niya, kung kaya nga hito siya sa hardin at inaabala ang kanyang sarili upang hindi niya maiisip ang binata.
" bakit kasi ang aga mo na naman dito sa hardin,, saka hindi kapa yata nagkakape eh?" pansin sa kanya ni Xander habang abala siya sa kanyang ginagawa.
"mas maganda kasing mas maaga para hindi malanta ang mga halaman na na nagagalaw.. nakanginting sagot niya bagamat hindi dito nakaharap.
" yeah that's true,, pero dapat uminom ka muna ng kahit na anong mainit at baka sikmurain ka niyan,, isa pa hindi mo naman na dapat inoobliga ang sarili mo sa ganito dahil dapat nagpapahinga ka naman..lalo na ngayon wala kang pasok," puno nang pag aalala na sabi nito sa kanya.
Huminga siya nang malalim saka tumayo na at hinrap ang binata.
"okay lang naman po saakin na magtrabaho at isa pa sanay po ako,, saka sir,, katulong pa din po ninyo ako".
" oppsss.. sir na naman'!!.. saka pwede ba tanggalin mo na iyang "po" na iyan at parang nakakailang eh,:" sabay tawa nito.
" hay naku sige na nga"..napapakamot niyang sagot.
" at dahil tinawag mo na naman akong "sir.". gaya nang napag usapan natin ay magbabayad ka"!
"hala!!wala naman po akong pambayad eh": natatawang sagot niya.
" yeah.. at gusto ko ang bayad ay sabay tayong magkakape dito sa hardin">> diba magandang ideya iyon."nakataas pa ang dalawang kilay nito habang natatawa sa reaksiyon niya.
Naiiling na lamang siya habang pumapayag''
" sige kuha muna ako nang kape nating dalawa"aniya saka akmang tatayo upang pumunta nang kusina..
" no.. sabay pigil nito sa braso niya."ako na ang kukuha"" baka dika pa bumalik"> pagbibiro nito.
"pero.....hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang halikan nito sa noo.Nagulat siya sa ginawa nito ngunit hindi na siya nakapagreact dahil mabilis itong naglakad palayo sa kanya.Nanatili na lamang siya sa kanyang kinatatayuan,, ngunit bigla siyang napaigtad nang mula sa likod nang ,makapal na halamanan ay lumabas si Raveen,
" hi,,.goodmorning"bati nito sa kanya na wala man lamang kaemo emosyon.. bakas sa mukha nito ang lungkot ngunit hindi niya alam kung bakit.
"goodmorning sir"kalmado niyang tugon rito.
"mukhang ang saya saya ninyo ni xander ah"pilit ang ngiti na sabi nito.. bigla tuloy siyang kinabahan sa isiping baka nakita nito ang paghalik sa kanya ni xander, ngunit bigla din iyong sinagot nang kabilang bahagi nang utak niya.." eh ano naman kung nakita..!!
"uhm,, nakikipagkwentuhan lamang siya sir.tanging sagot na lamang niya rito,, isa pa pinagalitan niya ang kanyang sarili.. bakit ba siya nagpapaliwanag sa mokong na ito,?, at saka bakit ba parang natutuliro siya!! napapiksi siya ngunit hindi niya iyon ipinakita rito.
" balita ko matagal ka na raw dito sa kanila,, at balita ko rin ay nag aaral ka na sa bayan.. and im happy to hear that,.'"seryusong wika nito na ikinainit nang kanyang ulo.
"mukhang naekwento yata saiyo ni xander ang tungkol sakin sir"sarkastikong sagot niya.
hindi ito sumagot sa kanya ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa kanyang mukha at kung hindi nito iyon titigilan ay baka malamang ay matunaw na siya sa titig nito,, at bakit ba para siyang kandila na unti unting nauupos sa titig nito?.
"Im sorry"puno nang lungkot na wika nito na hindi niya maintindihan.. bakit ito humihingi ng paumanhin sa kanya,, para saan..
"alam kung minaliit kita thea,, alam kung napakasakit na sinabi ko iyon saiyo noon ngunit dala lamang iyon nang galit ko at hindi ko iyon intension na sabihan ka nang ganun kasasakit na salita"hindi niya alam kung totoo ba iyon o pinagluluko lamang siya nito,, ngunit puno nang pagsisisi ang mga mata nito..
Sasagot na sana siya ngunit biglang dumating si xander kung kaya agad niyang inilayo ang paningin dito,,
" hi bro.. goodmorning.. akala ko tulog kapa kaya hindi na kita inisturbo sa kwarto mo,,andito kana pala"> masayang bungad nito sa binata.
"ah,.. yeah.. nakita kasi kita kanina eh.. kaya nga ako lumapit rito sa hardin kaso nawala ka,,.. napataas siya nang kilay nang marinig ang sinabi nito sa binata..ngunit nanahimik na lamang siya..
" may dala pala akong kape,, kaso kulang yata ito,,,itinuro pa ni xander ang dala nitong tray sa kaibigan.. saka muling nagsalita.."teka papakuha ako nang kape sa katulong,"wika nito sabay akmang tatawag ngunit pinigilan niya ito.
"ako nalanh,, katulong parin naman ako dito<>'singit niya ngunit seryusong humarap sa kanya si xander.
" no,, stay here.. okay,,.marahang wika nito saka tumawag nang ibang katulong,siya naman ay nahhihiya sa ikinikilos ni xander lalo na at sa harapan mismo ni raveen.Ano na lamang ang sasabihin nito sa kanya,,.
" anyway bro,, gusto ko pala ipakilala saiyo.. siya iyong naikukwento ko saiyo. si Thea.."pagpapakilala nito sa kanya,, hindi niya alam kung ano ba dapat ang magiging reaksiyon niya dahil kilala naman talaga niya ito..at hindi lamang kilala.. ito lang naman ang lalakeng unang nagpatibok nang puso niya,.
"hi..,, nice meeting you thea,, I heard a lot about you".ngali ngaling batukan niya ang binata dahil sa sinabi nito at pag aarte nito na ngayon lamang sila nagkakilala lalo na nang iabot nito ang kamay sa kanya. Ayaw man niyang gawin iyon ngunit ayaw niyang magtaka si xander kung kaya nakisabay na siya sa drama nito.
" nice meeting you too sir"ngumiti siya nang pagkatamistamis saka iniaabot din ang kanyang kamay.. ngunit agad ding bumitaw rito dahil sa hindi niya maipaliwanag na kuryente na gumapang sa kanyang kaibuturan nang mahawakan ang kamay nito.
Maging ang binata ay halatang napapiksi nang mahawakan nito ang kanyang kamay.. ngunit patay malisya na lamang siya upang hindi iyon mapansin ni xander..
"she's so beautiful nga bro huh.. you're so lucky". ngumiti ito at muli syang tiningnan.. ngunit tama ba ang nakita niya?lungkot ba iyon? ngunit bakit naman.
" you are right bro"nakangiting pagmamalaki nito,, saka lumapit sa kanya at bahagya nitong hinawakan ang kanyang kamay..
" right thea"?hindi siya makasagot sa tanong nito sa kanya dahil narin nahihiya sitya sa paghawak nito sa kanyang kamay.
"mas maswerte nga ako eh,,:" kung hindi dahil sainyo ay malamang wala na ako ngayon."sa wakas ay sagot niya.
kita niya ang pagtataka sa mukha ni raveen dahil sa sinabi niya,, ngunit si xander ang muling nagsalita.
"that's true bro.. muntik nang marape si thea noong pinalayas ito nang amo nito.. mabuti na lamang at sa sasakyan ko siya nakapagtago at ayon nahimatay sa matinding takot.. kung kaya kinabukasan ko na nalaman na may sakay pala ako galing maynila,,"natatawang pagkukuwento nito.Ngunit iba ang nababasa niya sa mukha ni raveen,, biglang dumilim ang mukha nito at mahigpit nitong kinuyom ang kamao.
"mabuti nalang at safe siya"> batid niya ang galit sa tinig nang binata dahil sa hitsura nito.
"are you okay bro"?pansin rito ni xander daahil animo'y leon ito na handang sumakmal anumang oras bagamat hindi nagsasalita.
"no bro.. medyo masakit lang ang ulo ko.. dami kasi nating nainom kagabi"alam niyang nagsisinungaling ito ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin.
Isa pa bakit naman ito magagalit kung nalaman nito na muntik na siyang marape matapos siyang umalis sa mansion nang mga ito eh wala naman itong pakialam sa kanya.
"yeah.. kahit ako nga sumasakit ang ulo ko eh"". dagdag pa rito ni xander.
"oh siya maiwan ko muna kayo.. magpapahinga muna ako bro,, mas sumakit pa yata ang ulo ko eh,."pagpapaalam nito saka tumingin sa kanyang mukha,.nakita niya ang lungkot sa mukha nang binata ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin,, tanging sinundan na lamang niya ito nang tanaw,
MATAPOS ang mahabang araw ay hindi talaga maiwasan ni thea ang mag alala ngayng alam na ni raveen kung nasaan siya,, paulit ulit ding bumabalik sa kanyang isipan ang sinabi nito kanina na " im sorry" hindi niya alam kung bakit...ngunit pinagalitan niya ang kanyang sarili.. may nobya ang binata at kahit wala ito ngayon ay ayaw niyang isipin na may pag asa siya dahil isa pa ay nariyan si xander na halos kulang nalamang ay itali siya upang hindi siya mawala sa paningin nito.. ngunit talagang nag aalala siya,, oo,, malaki ang utang na loob niya sa binata ngunit doon lamang iyon,, at hindi niya maibigay ang pagmamahal na gusto nito..
Bumuntong hininga siya at saka tumayo.. alam na niya kung saan siya pupunta ngayon.. wala si xander dahil may pinutahan ito sa bayan at ang damuhong na si raveen ay natutulog pa ito..kaya umalis siya nang hindi nagpaalam.