Chereads / Princess Dorothea / Chapter 19 - CHAPTER 19

Chapter 19 - CHAPTER 19

DAHIL weekends at walang pasok si thea kung kaya aligaga siya sa lahat nang kailangan niyang tapusing trabaho sa loob nang mansion.Wala noon si manang LUZ dahil pinauwi ito nang mga anak nito sa probinsiya nito kung kaya talagang walang tigil siya sa maghapong paglilinis.

"thea.. pwede ba kitang makausap"?napalingon siya nang tinawag siya ni senyora charlotte mula sa ikalawang palapag nang mansion.Seryuso ang mukha nito nito ngunit hindi naman ito galit kung kaya dali dali niyang iniwan ang kanyang trabaho at nilapitan ang amo.

"senyora.. may kailangan ka po ba?" puno nang pagalang na tanong niya sa kaharap.

""yes.. pwede bang sa kwarto ko tayo mag usap" anang matanda.

Nagtataka man sa ikinikilos nito ngunit sumunod na lamang siya.

'THEA,, panimula nito..

" may kasalanan po ba ako..?"kinakabahang tanong niya..ngunit ngumiti lamang ito.

'NO IHA.. "huminga ito nang malalim bago nagpatuloy.

"alam kung Mabuti kang bata thea at nakikita ko iyon… hindi kami nagkamali sa pagtanggap namin saiyo dito sa san felipe at sana thea mangako ka saakin.. puno nang pakiusap na wika nito..

" ano po ang ibig niyong sabihin mam?" naguguluhang tanong niya.

"inamin saakin ni alexander ang tungkol saiyo.. na gusto ka niya maging nobya…

"ho!!?"bulalas niya dahil hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ng binata..

"mam.. pasensiya na po kayo pero mam.. wala naman po akong balak na....pinutol nang matanda ang anu pamang sasabihin niya " relax iha" hindi ako galit.. ang pakiusap ko lang sana ay huwag mo sanang sasaktan ang aking anak.. hindi ko pa Nakita si xander na naging masaya at sayo pa lamang..

" pero mam.. wala po kaming relasyon ni sir xander"kabadong sagot niya sa matanda..

"I know" at nererespito ko ang desisyon mo.. pero sana iha, huwag mo baliwalain ang pagmamahal saiyo nang anak ko.. hindi ako mapili sa sinumang babaeng gugustuhin ni xander basta ay huwag lamang siyang sasaktan..''

"pero mam,mahal ko po ang anak niyo bilang amo at doon laman po iyon.. kung ano man po sana ang magiging desisyon ko mam sana po ay maintindihan niyo po ako,, ang gusto ko lang naman po ay ang makapagtapos po ako sa pag aaral ko ngayon mam...at pagtatrabahuan ko po iyan ng mabuti at ipinagpapasalamat ko po ang kabutihan ninyo saakin,"puno nang pagpapasalamat na wika niya sa butihing ginang,".

"naiintindihan kita thea". ang akin lang na sana ay hindi masaktan ang aking anak".puno nang pakiusap ang binitiwang salita nang matanda.

"makakaasa po kayo mam".ngumiti siya nang buong puso bago nagpaalam rito.

Alam niyang napakabuti ni senyora charlotte lalo na sa katulad niya, hindi man siya nito lubos na kilala ngunit tinanggap siya nito sa mansion at pinaaral pa,, malaya din siyang makipagkaibigan sa mga anak ng mga magsasaka na nakapalibot sa hacienda at farm nang mga GO.

:::::::::::::::::::

::::::::::::::::

::::::::::::::::::::::SA KABILANG BANDA,

Nag ngingitngit si sophie sa matinding galit kay thea,, hindi man niya alam kung nasaan ang babaeng gubat na iyon ngunit gagawin niya ang lahat upang maibalik ito sa lugar na dapat nitong kalagyan.Nagkahiwalay sila nang nobyo niyang si Raveen dahil sa babaeng iyon.. akala nga niya dahil wala na ito sa mansion nang mga Veliejo ay matitigil narin ang kahibangan nang kanyang nobyo,, hindi man nito sabihin na may pagnanasa ito sa babaeng iyon ngunit ramdam niya iyon sa titig pa lamang ni Raveen rito,.

"oo, aminado siyang insecure talaga siya sa thea na iyon dahil maganda naman talaga ito,, iyon nga lang ay nakita niya ang fondness ng binata rito kung kaya gumawa siya nang paraan para magalit ito sa babaeng gubat na iyon,,

Biglang nag flash back sa kanyang isipan ang ginawa niya bago paman napalayas ang babaeng iyon..alam niya kasing napakahalaga nang frame na naregalo niya kaya raveen noon galling france,, bukod kasi sa rare ito,, ay talagang pangarap iyon nang kanyang nobyo at alam niyang kapag nasira iyon nang kahit na sino man ay talagang mag uusok ang ilong ni Raveen sa may kagagawan nito,, kaya nga nakabuo siya nang plano..

Wala noon ang buong mag anak dahil lumuwas nang ibang bansa ang mga ito kasama si raveen at dahil nga labas pasok siya sa mansion ay ginawa niya ang kanyang plano.. pinalitan niya ang painting na nakadikit sa dingding at nilagyan niya nang crack at inilipat niya sa gilid nang table nang binata dahil sigurado siyang kapag nasagi iyon at nahulog ay sigurado siyang isusumpa talaga nang kanyang nobyo ang makakssira niyon .Alam niyang si thea ang naglilinis nang kwarto ni raveen dahil narinig niyang iyon ang usapan nito at nang kasama nitong katulong kung kaya nagtagumpay siya na mapalayas ito sa mansion.Ngunit mas nadismaya siya nang mahuli ang babaeng iyon na hinalikan ang larawan ni raveen kung kaya mas lalong nag susumidhi ang galit niya rito kasabay nang unti unting pagtabang sa kanya ni raveen.

"pababayaran mo ang pagsira mo nang relasyon namin ni raven!!!..hahanapin talaga kitang babae ka at ibabalik kita sa pinanggalingan mo!!"puno nang poot na sigaw niya habang umiinom nang champagne.ilang linggo na kasi na hindi siya kinakaausap ni raveen at halos pinagtataguan siya nito,, ngunit sa halip na magkaayos sila ay mas itinaboy lamang siya nito.. masakit iyon sa kanya Lalo na at matagal na ang pinagsamahan nila nang binata,, tanging mga alaala na lamang nilang dalawa ang kanyang iniisip dahil wala na ang kanyang nobyo.. ngunit gagawin niya ang lahat upang maibalik lamang ang pag iibigan nila.Sa ngayon ay magpapalamig muna siya.. nag iisip siyang magbakasyon muna sa malapit na kaibigan nang kanyang mommy..

speaking of her mother,, isa pa ito na problema niya..

masyado kasi itong naging kampante na mapaibig nito ang mayamang DON BETHOREO DABOISE isang kilalang negosyante at haciendero sa buong mundo,Pangarap nang kanyang ina na mapangasawa ang napakayamang don upang maisalba nito ang kanilang paluging HACIENDA,,ngunit hanggang ngayon ay wala paring nangyayari,, baon parin sila sa utang,, ang kanyang fashion company ay naapektuhan na dahil isa rin siya sa kinukulit nang bangko na nautangan nila.. Naiinis siya sa kanyang inang si Martha SAn Gabriel dahil hanggang ngayon ay hindi parin nito nakukuha ang DON, kung tutuusin halos dalawampu't isang taon nang patay ang mag ina nito ngunit hanggang ngayon ay ipinagluluksa pa nito ang namatay na donya,at ang nag iisang anak nang mga ito.

Huminga siya nang malalim.. at muling uminom nang alak.. Hanggang kaylan ba niya pagtitiisan ang kahibangan nang kanyang ina..Ilang saglit ang lumipas ay tumunog ang kanyang telepono at ang kanyang ina iyon..

"hello,, mom.. iritableng sagot niya sa kabilang linya,,

"hi iha,, masayang bati nito..

"mukhang may magandang balita ka sakin ah,, parang ang saya saya mo yata ngayon."? taas kilay niyang wika..

"ofcourse iha!! guess what"?bakas sa tinig nito ang excitement..

"nanalo ka na naman sa casino"? nakatirik ang mga matang tanong niya,,.

"no.. mas masaya pa diyan"tumawa pa ito,,

"mom,, hindi ako manghuhula okay,, tell me!!mas pinaingit pa niya ang kanyang boses..

"ikaw naman,, masyado ka saakin..everytime na nagkakausap tayo ay pakiramdam ko ay ayaw mo akong kausap>> nagtatampo nitong sabi.

"just tell me okay". nakabusangot niyang sagot..

" okay fine.. well,, inaya lang naman ako ni Don Bethoreo na mag dinner today..!!'puno nang excitement na pagbabalita nito.

"ohhh??!! really??" for what daw?"matabang niyang tugon.

" ikaw naman parang hindi ka excited huh..naiinis ang tono nito..

"why should I MOM,,? almost twenty one years ka na yata na nagpapapansin sa Matanda na iyon at ngayon ka lamang napansin."

. puno nang pang aasar na sabi niya,.

"For God sake sophie huh,, wag mo nalang kaya akong kontrahin.. ang for sure isa ka rin sa makikinabang!! be a good daughter to me.. okay"!! pagalit nitong wika..

SA halip na sagutin niya ang kanyang ina ay bumontong hininga na lamang siya.. Ayaw man niya sa nais nitong gawin ngunit ayon dito ay iyon lamang ang paraan upang maibalik sa kanila ang kanilang mga nawalang negosyo.. kasalanan naman talaga ito nang kanyang ina.. kung hindi lamang ito naadik sa casino at pinalago na lamang sana nito ang mga negosyo nila na naiwan nang kanyang namayapang ama,,

" are you there!?" napapiksi siya nang muling magsalita ang kanyang ina..

" yes.. mom.. tamad niyang sagot..

" parang hindi ka naman yata masaya,,.

" no mom.. okay fine,, gudluck,, okay.. napapailing niyang sabi..

" hahaha!!! thank you iha..alam mo naman isa ito sa mga pinangarap ko.. and I will assure you na pagkatapos nang dinner date namin ni BETHOREO.. ay hindi na niya ako makakalimutan"" tumawa pa ito sa kabilang linya nang nakakaloka.

" well,, its good for you mom.. goodluck..' seryusong sabi niya saka nagpaalam sa kausap,

Kailangan niya nang magpaalam sa kanyang ina dahil baka kung saan na naman mapunta ang kanilang usapan lalo na ngayong nag iinit na naman ang kanyang ulo lalo na at naalala niya ang mukha nang thea na iyon..

;;;;;;;;;;;;;

:::::::::::::

:::::::::::

SI raveen naman ay naisipang sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa bayan nito kung kaya dala ang kanyang black everest ford ay binabagtas niya ang kahabaan nang kalsada na napapalibutan nang puno nang mga mangga at niyogan.. Malapit na siya sa mansion nang kaibigan niya at sigurado siyang matutuwa ito kapag nakita siya,, hindi na siya tumawag rito dahil gusto nga niyang masorpresa ito.. matagal narin naman kasi na hind siya nakakapunta sa farm nito.. dahil halos busy din siya sa kanyang mga negosyo.. ngunit ngayon ay talagang naglaan siya nang panahon upang makalimutan man lamang niya ang kanyang mga problema..

Malapit na siya sa mansion at talagang excited na siya na muling makabonding ang long time friend niya.

"hi tita.. how are you"?nakangiting bati niya sa ina nang kaibigan na si senyora charlotte GO saka humalik sa pisngi nito,bakas sa mukha nang matanda ang kasiyahan nang makita siya,, kakarating lamang niya at ang senyora ang kanyang naabutan doon.

"ohh,, iho,, raveen ang tagal mo bago muling nakabalik rito sa san felipe.. kumusta iho..!"?masayang bungad nito sa kanya.

" im sorry tita,, medyo busy kasi eh,, so ngayon lamang ako nagkaroon nang pagkakataon na makabisita rito sa inyo.. si alexander ho tita">?inilibot niya ang kanyang paningin sa pagbabakasakaling makita roon ang kaibigan.

" oh no.. he is not yet here.. may sinundo lamang.. " nakangiting tugon nito.

" Is it a girl"? nakatawang tanong niya..

" yes.. alam mo naman iyang kaibigan mo pag nagmahal"?.anyway iho.. maupo ka muna at ipaghahanda kita sa katulong nang makakain.. alam kung gutom ka na dahil mahaba ang byenahe mo mula maynila hanggang dito sa san felipe.''"nagpaalam muna ito sa kanya upang tumawag nang katulong.. habang siya naman ay naupo sa malambot na sofa.. namimiss niya ang lugar na iyon.. doon kasi lagi ang puntahan niya noong kabataan pa iya.. dahil walang ibang kaibigan si xander dahil likas nga sa kaibigan niya ang pagiging mahiyain at tahimik.

"iho,, kumain ka muna"> napalingon siya nang marinig si senyora charlotte kasunod nito ang dalawang katulong na may dala nang tray nang pagkain.

"naku tita,, talagang nag abala kapa"?nahihiyang wika niya..

"naku iho,, ano kaba.. minsan ka na nga lang bumisita dito saamin.. kaya enjoy ka muna dito.. kumain ka muna habang hinihintay mo si xander at maya maya ay andito na iyon.. galing kasi iyon sa farm.. at dumeritso iyon sa unibersidad". pagkukuwento nito,,.

" why?? pumapasok ho ba siya tita?"kunot noong tanong niya..'

" no iho,, gaya nang sinabi ko,, sinusundo iya ang isa sa mga pinapaaral namin,,.napangiti ito.

"wow huh,, isa sa pinapaaral niyo tita.. it means schoolar ninyo?"

"yes iho,, at nililigawan narin nang kaibigan mo">napangiti siya dahil sa sinabi nang matanda..

" malamang maganda po ito at talagang hatid sundo pa ni xander"?pagbibiro niya..

"you are right,, hindi lamang maganda iho.. napakabait pang bata,, nakikita ko sa kanya ang sarili ko noong kabataan ko pa">napapangiti ito habang sinasabi iyon.

"maswerte pala ang babaeng iyon kung ganun"dagdag pa niya..

Masaya ang kanilang pag uusap ng senyora at halos lahat yata ay naekwento na nito ang mga panahon hindi siya nakakabisita sa san felipe.Isang oras din ang nakalipas at napagod yata ang matanda kung kaya nagpaalam itong magpapahinga muna at siya naman ay naghintay na lamang kay xander.. kung kaya abot langit ang saya niya nang marinig niya ang pagdating nang sasakyan nito at sigurado siyang matutuwa ang kanyang kaibigan.