samantala sa SAN NICOLAS;
Nag iinit parin ang dugo ni Raveen sa kanyang nobya kung kaya pinatay niya ang kanyang celphone upang hindi ito makatawag.oo,aminado siyang mahal niya ang kanyang nobya ngunit nitong mga nakaraang araw ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit laging pumapasok sa isip niya ang kanilang katulong na si thea.
Marahil siguro ay nakukuonsensuiya dahil sa nangyari at sa pang aalipusta niya sa pagkatao nito,ngunit bakit maging sa panaginip niya ay naroon parin ang dalaga.Hindi man niya masisisi si sophie kung bakit ganun na lamang ang selos nito sa dalaga dahil talagang maganda naman talaga ito.
"IHO,,'napalingon siya sa nagsalita.
"gud evening tito bethoreo"bati niya sa matandang don nang makalapit ito sa kanya.
"mukhang Malaki ang problema mo ah"napapangiting wika nito sa kanya.
'hindi naman tito.. gusto ko lamang mag unwind.. Lalo na dito sa hacienda Savahannah"parang nakakalimutan ko kasi ang mga problema ko."ngumiti siya sa kaharap.
"well tama ka ng pinuntahan iho.. Lalo na at alam mo naman na ako lamang ang mag isa dito ngayon at napakalungkot nang mag isa.."bakas sa tinig nito ang lungkot.
"I understand you tito" ikaw naman kasi ayaw mno pang mag asawa hanggang ngayon" pagbibiro niya rito."Raveen iho,, gustuhin ko man ay hindi parin nawawala ang alala ng aking mag ina..makakasakit lamang ako kung pipilitin kung palitan sila ditto.. itinuro pa nito ang dibdib saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"si savahannah lamang ang babaaeng mamahalin ko hanggang sa mamatay ako.. at ang aming anak na si Beathrice.."tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan nang Don.Naawa siya rito at mas mabuting sabihin na mas humahanga siya sa katapatan nang matanda na kahit matagal nang patay ang mag ina nito ay iyon parin ang nanatili sa alaala ng matanda."
"napakaswerte mo at andiyan parin ang iyong nobya na nagmamahal saiyo raveen.. at kung siya na talaga ang para saiyo ay huwag mo nang sayangin pa ang pagkakataon."sa sinabi nito ay bigla yata siyang natauhan.. tama ito,, matagal na sila ni sophie ngunit bakit ganun ang kanyang nararamdaman,, bakita parang may kulang? bakit parang iba sa kanyang pandinig at pakiramdam ang isiping gusto niyang makasama ito habang buhay?Bigla aya maraming pumasok sa kanyang isipan ngunit agad din niya iyong sinuway..
mahal niya ang kanyang nobya.. alam niyang awa lamang ang anumang nararamdaman niya para kay thea at doon lamang iyon.
"kaylan pala ang kasal iho..?balita ko matagal na kayo ni sophie right"?uminom ito ng tsaa na hawak nito matapos siyang tanungin,.
"wala pa sa plano namin tito,, mas maigi kasing mas makilala anamin ang isa't isa'".huminga siya nang malalim.
"tama ka iho.. lalo na at sa panahon ngayon maraming naghihiwalay kahit nga kasal na"muli itong huminga nga malalim"kung sana buhay si Beathrice.. malamang ay gugustuhin kong ikaw ang kanyang mapangasawa dahil alam kung mas magiging masaya ang ank ko saiyo."nagulat siya sa sinabi nito.Hindi niya alam na ganun pala kalaki ang kagustuhan nitong mapangasawa niya ang namatay nitong anak.
"hindi rin kasi natin matuturuan ang puso tito"seryusong tugon niya sa matanda.Huminga lamang ito nang malalim saka ipinagpatuloy ang pag inom ng tsaa.Siya naman ay muling pinagmasdan ang malawak na paligid ng hacienda,, sa tuwing nasa san nicolas siya ay pakiramdam niya ay nakakalimutan niya ang lahat ng kanyang problema.. iba kasi ang dating nito sa kanya.Iba naman kasi ang negosyo nila at larangan niya kung kaya iba ang dating noon sa kanya.
anyway,, nakalimutan niya pala na may kaibigan naman siyang may ganun ding larangan sa negosyo ngunit lagi itong busy at matagal narin naman silang hindi nagkikita.
:::::::
:::::::
::::::::
Samantala,,nagulat si thea kinabukasan nang maaga siyang tinawag nang binata.. hindi na kasi sila nagkita kagabi dahil nga madaling araw na ito dumating at isa pa ginabi narin siya nang uwi kagabi dahil nga napasarap ang kwentuhan nila ng mga bagong kaibigan,, inihatid na nga lamang siya nang mga ito dahil nga wala na siyang kasama pauwi nang mansion.
"wahhhh!!! napaigtad siya nang mula sa kanyang likuran ay ginulat siya ni xander..
"jusko sir naman po.. ang aga niyo naman po yatang nanggugulat!!napapakamot niyang reklamo rito.
"ikaw naman masyado ka namang nerbiyosa!!ha!ha!ha!natatawang sabi nito.
"goodmorning po pala sir"aniyang naging seryuso sa kaharap.
"goodmorning"nakangiting tugon nito.
"uhm< may kailangan ka po ba sir?"aniya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"well naman,, kaya lang namiss lang kita makita.. hindi kasi kita nakita kagabi."sumeryuso ito habang nakatitig sa kanya.
"hay naku!!! ayan na naman po tayo sir eh,, ang aga aga mo na naman po mang asar eh!!" napapakamot sa batok na saBI niya sa binata.
:"im serious thea">>mas lalo lamang ito naging seryuso..
" anyway,, ito nga pala may binili ako sayo.. "mula sa likuran nito ay inilabas nito ang isang paper bag na sa tantiya niya ay mamahalin,, hindi niya kasi iyon nakita kanina dahil nga itinago nito iyon sa likuran nito.
"ano po ito sir? kunot noong tanong niya.
"I bought clothes for you,, lalo na at mukhang wala ka yatang mga maayos na damit."
"ho??"aniyang naguguluhan."eh wala naman po akong pambayad nito sir,, isa pa po ang sahod ko dito ay iniipon ko po para sana maipagpatuloy ko ang pag aaral ko",inosenteng wika nkiya.
"thea hindi naman kita sinisingil eh lalo na at alam ko naman iyon.. free iyan.. kung baga regalo ko iyan saiyo lalo na at naging mabuting tao ka.."
"eh..hindi ko po ito matatanggap sir eh">wika niya saka muling ibinalik ang paper bag na hawak niya.
"no,, pinigil nito ang kanyang kamay,,"tanggapin mo na thea,, magagalit ako saiyo pag hindi mo iyan tinanggap,,kunyari ay nanlalaki pa ang mga mata nito ngunit nakangiting tikom ang bibig.
wala siyang nagawa kundi ang tanggapin na lamang ang bigay nito kahit pa nahihiya siya sa binatang amo.
Tatalikod na sana siya nang muli itong magsalita.
"uhm thea,,
"sir,, aniyang natigilan.
"about doon sa sinabi mo na ipagpapatuloy mo ang pag aaral mo,, I CAN HELP YOU""walang kaabog abog nitong sabi.
"ho?"naku po masyadong kalabisan naman na po siguro iyon sir?"aniyang himdi makapaniwala.
"no!!! hindi iyon kalabisan thea,, if nahihiya ka pwede ka naman maging schoolar under our company".nakikita kong matalino ka,, at huwag mong sayangan iyon".
Kulang na nga lang na tumalon ang puso niya sa labis na kaligayahan dahil sa sinabi nito.
"totoo po ba iyan sir?"hindi makapaniwalang tanong niya.
"mukha ba akong nagbibiro thea?"mas kumunot ang noo nito haang nakatingin sa kanya.
:"hindi naman po kasi sa ganun sir,, kaya lang po kasi sa edad kung ito ay nasa highschool pa lang po ako"?nahihiyang pag amin niya.
"so what?? marami namang mga alternative system na makakatulong sa kagaya mo hindi ba?? kung may pangarap ka thea just focus it.. huwag mong isipin ang ibang tao.. im willing to help".nakangiting pahayag nito.
Hindi niya lubos maisip na ganun kabuti ang binata sa kanya.. halos wala siyang mapagsidlan ng kanyang kaligayahan sa balitang iyon.
Siya na isang hamak na katulong ay papag aralin nito..!!!ito na nga yata ang sagot sa kanyang mga dasal.. ang lahat nang paghihirap niya at mga pangarap niya ay magkakaroon na nang katuparan..
"maraming salamat po talaga sir xander.. aniyang napapaluha dahil sa labis na kaligayahan.
'HUWAG KA MUNANG MAGPASALAMAT THEA" ang kailangan mo lamang gawin ay ang ayusin lahat nang kailangan mo at pwede kitang ipasok sa isang alternative system.. at kung makapasa ka doon ay pwede ka nang makapag college agad"paliwanag nito.
Naalala niya si manang loleng s sinabi ng binata,, ito din iyong laging sinasabi ng matanda noon na dapat daw niyang pasukan upang hindi na siya dumaan pa sa mas mahabang proseso,, sa halip mas mapapadali noon ang taon niya sa pag aaral.
'ano ready ka naba?"nakangiting tanong nito sa kanya na sinagot lamang niya ng isang masayang ngiti.
;;;;;;;;:::::
::::::::::::::
Gaya nga nang sinabi sa kanya nang binata na papag aralin siya nito ay tinupad nga nito iyon.
Matapos nga ang isang linggo ay sinabihan siya nitong maari na siyang magsimula sa pag aaral sa kalapit lamang nilang bayan,ang bayan nang san nicolas.May isang paaralan doon na tanging ang mga kagaya niyang may edad na nag aaral sa elementarya at highschool na dapat ay nasa kolehiyo na.Dalawang beses lamang iyon sa loob ng dalawang linggo at anim na buwan ang kanyang bubunuin upang makapag exam, at kung papalarin siyang makapasa ay maari na siyang makapag aral ng kolehiyo.Sa una ay nahirapan siyang makipag sabayan lalo na at siya ang mas pinakamatanda sa klase,,ang isa pa nga niyang ikinahihiya ay ang pag hatid lagi sa kanya ni xander tuwing pumapasok siya.Minsan nga ay pinagtitinginan na siya nang kanyang mga kaklase lalo na at nalaman ng mga ito na katulong lamang siya nang mga GO.
"SIR,,huwag niyo na po akong ihatid at mag jejeep na lamang po ako pagpasok". isang umagang sabi niya sa binata habang nag hahanda siya nang pagkain nito.Iyon kasi ang lagi itong sinasabi sa kanya na kailangan niyang suklian ang tulong nito sa kanya sa pamamagitan na pag aasikaso at paglapit niya rito na hindi niya maintindihan,.
"why"? may problema ba thea?"kunot noong tanong nito sa kanya.
"ho"? eh wala naman po sir,, iyon lang naman po kasi eh nakakahiya naman po kasi eh!" pag amin niya.
"eh bakit ka naman mahihiya thea,, eh diba nga pinagtatrabahuan mo naman ang lahat ng ito,, so anong masama doon.. kung iniisip mo ang sasabihin ng mga kakilala mo,, so hayaan mo sila.. tinutulungan lang kita thea,,okay?"Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito at mas napagtanto niyang tinutulungan lamang siya ng binata kung kaya hindi niya kailangan mahiya,, pagbubutihan na lamang niya ang kanyang trabaho nang sa gayon ay masuklian man lamang niya ang tulong nito sa kanya.
Dumaan pa ang mga araw,, mas lalong naging abala si thea sa kanyang pag aaral.. mas naging subsob siya rito dahil gusto niyang ipakita kay xander na hindi ito nagkamali sa pag papaaral nito sa kanya,.Hindi na nga siya nag karoon ng pagkakataon na magkausap pa sila nila ara at aleng lorie kung kaya namiss niya ang mga ito lalo na ang matanda.Iwan ba niya ngunit hindi niya talaga maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang awa na nararamdaman niya sa matanda.
Abala siya noon sa pagdidilig nang mga halaman sa hardin sa paligid nang mansyon nang lumapit sa kanya si Xander.
"thea anong ginagawa mo?"seryusong tanong nito sa kanya.
"sir,, nagdidilig po" tugon niy na hindi man lamang ito tinatapunan nang tingin.
"bakit ikaw ang gumagawa niyan.. dapat ang gardener na ang gumagawa niyan at hindi ikaw"!
Nagulat siya sa naging reaksiyon nito at talagang inagaw pa ang hawak niyang hose.
'Teka sir....agaw niya sa hose mula rito,
"ako na ang gagawa!!"muli nitong inagaw ang hawak niya kung kaya hindi na siya nagsalita pa,,
"trabaho ko ito eh,,, ano ba ang nangyayari sa lalakeng ito.. lahat yata nang ginagawa ko lahat nalang inaagaw kung hindi man inuutos sa iba"pagtataka niya sa sarili.Nahihiya na nga siya sa mga kasama niya lalo na kay manang LUZ lalo pa ngayong pinapaaral siya ni xander,Hindi niya alam kung ano ba talaga ang totoong pakay ng binata kung bakit nito iyon ginagawa at kung ano man iyon ay malalaman niya iyon pag dating nang tamang panahon.