Chereads / Princess Dorothea / Chapter 18 - CHAPTER18

Chapter 18 - CHAPTER18

ANIM NA BUWAN ANG MABILIS NA LUMIPAS

''nakapasa ka thea!!!!!"halos magsisisigaw siya sa labis na kaligayahan dahil sa naging resulta nang kanyang exam,Hindi lamang iyon, siya lang naman ang nangunguna sa kanilang exam kung kaya ayon sa naging guro nila ay maari siyang makakuha ng kursong gugustuhin niya dahil kahit hindi man siya dumaan sa tamang proseso sa highschool ay naipasa naman niya ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang exam.'

"congarats thea!!"masayang bati sa kanya nina ara at aleng lorie.. talagang hindi nawala ang mga ito sa naging graduation niya.

"maraming Salamat po aleng lorie.." napapaluhang wika niya..

"eh sa knight and shining armor mo,, hindi kaba magpapasalamat?"tukso sa kanya ni ara nang Makita nito ang papalapit na binata.

"ano kaba naman ara,, marinig ka">saway ni aleng lorie sa dalaga.

" oo nga naman ara.. nakakahiya"dugtong niya.

"hi.. thea,,congrats.. nakangiting bati sa kanya ng binata.

"maraming Salamat sir">sagot niya nang makalapit ito sa kanila ngunit bigla rin siyang napaigik nang sikuhin siya ni ara dahil sa sobrang kilig nito sa kanilang dalawa ng kanyang amo.Alam kasi nito ang mga pagpaparamdam sa kanya ng binata kung kaya nga iniiwasan niya ito kahit pa sabihing pinapaaral siya nito.

"ano ba ara"pabulong niyang saway sa kaibigan.

"kinikilig kasi ako thea>> halos hindi nito mapigilang mapaliit ang boses dahil sa tuwa nito..

"huwag mo nga bigyan ng malisya ara,:"

"thea hindi ako nagbibigay nang malisya,, pero ang gwapong boss mo,, ayan ang hindi makatago nang malisya.. sabi ko naman sayo eh,,may gusto iyang si sir xander sayo"!pabulong na wika nito.

"ara naman eh!! mabait lang na tao si sir"

"hay naku,, aminin mo nalang kasi.pang aasar nito.

"iwan ko sayo ara"

"bakit thea wala kabang nararamdaman man lang sa boss mo?" sa gwapo niyan wala talaga"?mas Lalo pa siya nitong tinukso,natigilan siya sa sinabi nito.

" oo nga,, napakabait ng binata sa kanya..halos lahat yata ginagawa na nito ngunit bakit hanggang doon lamang ang pakiramdam niya.Bakit wala man lang kahit kilig siyang nararamdaman kay xander.Kung tutuusin nga ay dapat ganun ang mararamdaman niya dahil sa mga ipinapakita nito sa kanya ngunit baki ganun?Bakit si....iwinaksi niya ang isiping iyon dahil ayaw niyang masira ang kanyang araw lalo na at dapat magdiwang siya dahil nakapasa siya sa isang alternative learning system kaya pwede na siyang mag aral sa kolehiyo.

"ano thea,, saan mo gusto mag celebraTE today"?tanong sa kanya ng binata habang nag uusap sila ni ara.

"ayeeeehhhh""tukso pa sa kanya ng dalaga.

"naku sir,, okay lang naman po.. isa pa sir nakakahiya na po.. kayo na nga po iyong nag sponsor sa pag aaral ko tapos kayo pa talaga ang magboblow out".nahihiyang sagot niya.

"thea,, ano kaba!!huwag ka mahiya.. diba nga sabi ko sayo tutulungan kita hanggat kaya ko.. kaya please don't be shy.. okay:"?wala siyang nagawa kundi ang tumango na lamang sa binata. Ayaw niyang abusuhin ito lalo na ang kabutihan nang mga ito pero gaya nga nang sinabi ni xander sa kanya ay tutulong ito hangga't sa kaya nito na walang kapalit at sana nga ay totoo iyon.Hindi man niya maibalik ang tulong nito ngayon ngunit nangangako siyang tatanawin niyang utang na loob iyon.

;;;;;;;;;;;;;;;;

;;;;;;;;;;;;;;;;

::::::::::::::

"hi pre,, what's up?masayang bati ni Raveen sa kaibigan mula sa kabilang linya.Ang kaibigan niya iyon since college sila at halos ilang buwan din itong hindi na nag paparamdam sa kanya dahil nga marahil ay busy ito sa mga negosyo nito.

"it's been a while pre huh"" natatawang wika ng binata sa kabilang linya.

"im so sorry pre,, hindi rin kita natatawagan kasi ive been busy this past few months alam mo naman mag isa ko nalang itinataguyod ang farm dahil mahina narin si mama">paliwanag nito sa kanya.

"that's fine pre.. medyo namiss ko lang ang kwentuhan natin about chicks!!hahaha!!!natawa siya sa huling sinabi niya.

"that's true pre,, pero honestly may nakita na ako.."pagbabalita nito.

"wahhhh!!! really!! wow pre,, parang excited na yata ako niyan.. ano kaylan ang kasal?muli siyang tumawa..

"wala pa pre,, medyo mahirap ito eh.. masyadong pilipinang pilipina".sumeryuso ito.

"wow.. your so lucky man">

"yes pre.. at gusto ko nga sana na makilala mo siya para naman pag niligawan ko na siya ay alam kong masasabi mong hindi ako nagkamaling pumili.. and you know pre hindi lang siya maganda sa labas but she is beautiful inside..'bakas sa tinig nito ang pagmamalaki,.

"mukhang excited ako pre..bulalas niya..

"eh kayo ni sophie kumusta na kayo"?natahimik siya saitinanong nito sa kanya. hindi kasi lingid dito ang tungkol sa nobya niya lalo na at isa ito sa nagpakilala sa kanya sa dalaga.

"well,,huminga muna siya nang malalim"hindi kami ngayon okay pre,.. medyo nagkakalabuan kami dahil narin sa pagiging selosa niya">malungkot niyang sagot.

"oh sorry pre.. i dont know that.. pero baka pwede niyo namang pag usapan iyan diba."?

"hindi ko lang alam pre,, masyado na akong nasasakal sa kanya,,, ang hirap sabayan nang ugali niya,,"

"okay pre,, ganito nalang.. pag may time ka baka pwede ka bumisita dito sa san felipe"para makilala mo narin ang babaeng sinasabi ko saiyo".

"hahahah!!!tumawa siya saka muling nagsalita,,."yeah sure.. para medyo maiba naman ang nature ko,, lalo na at medyo hindi okay ang relasyon namin ngayon ni sophie.. gusto ko lang makalimot kahit papaano.. last time pala pumunta nga ako ng Hacienda savahannah kaya lang hindi na ako dumaan diyan dahil nagmamadali rin akong bumalik dito sa maynila.. pero baka sa susunod dadaan ako diyan para makita ko naman iyang pinagmamalaki mo"!!hahaha!! sabay silang nagkatawanan.

Marami pa silang napagkwentuhan nang binata ngunit nagpaalam narin ito dahil busy daw ito ngayon.. napangiti siya dahil sa ibinalita sa kanya ng kanyang kaibigan.. sa wakas nakahanap narin ito nang babaeng nagpatibok nang puso nito lalo na at masyado itong pihikan pagdating sa babae.. mas ayaw nga nito nang babaeng nagpapakita nang motibo rito mas gusto nito ang babaeng dedma ito dahil ayun dito ay doon ito mas naeengganyo na kilalanin ang isang babae.

Naalala niya ang kanyang nobya,, ayaw man niyang umabot silang dalawa sa ganung sitwasyon ngunit mas mabuti na siguro ang ganun keysa magkasakitan na sila pareho.

Aminado syang minahal niya si sophie,, ngunit bakit unti unti iyong nawawala habang tumatagal sila lalo na noong nakita niya ang ugali nito.

Napakaselosa nito at nasasakal na siya sa ganung set up nang dalaga..Nanatili lamang siyang nakaupo sa sofa nang marinig ang isang boses na nagsisisigaw habang nasa bungad pa lamang nang mansion.'"

"Raveen babe mag usap tayo!!!mula sa labas ay dinig na dinig niya ang sigaw nang dalaga.

napamura siya dahil sa inis dahil sa pag eeskandalo nito.

"Raveeeennn!!! ano ba.. mag usap tayo"! muli ay sigaw nito habang papasok^^ sa loob,, hinarangan ito ng kanilang katulong ngunit wala itong nagawa.

"ano ba bitiwan mo nga ako!!!" nanggagalaiting sigaw nito habang itinulak si amelie kung kaya hinarap na lamang niya ang pag eesakndalo nito.

"hey!!! ganyan ka naba ka freak ngayon sophie?" naiiritang bungad niya rito.

"eh bakit mo ba ako pinagtataguan huh raveen"?nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa kanya,,.. wala man lamang pakialam kung may mga tao ba roon sa loob ng mansion.nataon naman kasing wala doon ang kanyang mga magulang.

"stop it sophie!! you should act like an adult and not a child!!"galit niyang wika..

" yes I did!!!pero hindi mo n ako kinakausap!!!may iba na ba huh!!?"pakiramdam niya ay nag iinit ang kanyang ulo sa sinabi nito..

"iba"? are you insane?!!wala akong iba sophie.All I want is space!! nakakasakal na ang pagiging selosa mo!!!"

"bakit??"wala ba akong dapat ipagselos huh raveen"all these years ay okay naman tayo.. pero nang dumating lamang iyong babaeng gubat na iyon ay nag iba na ang lahat!!"sumbat nito sa kanya.

"iyan ang problema saiyo sophie!! pinag iinitan mo iyong tao na wala naman talagang ginagawa saiyong masama!!

"wala"?!! eh ang paglandi niya saiyo.. hindi ba iyon masama?? inilayo ka niya saakin!! kaya ito na tayo ngayon!!!" sigaw nito.

"pwede ba sophie,, huwag ibalik saakin ang pagiging selosa mo!! walang ginawa si thea.. okay,, and please matagal nang wala yung tao pero hanggang ngayon ay pinag iinitan mo parin!!!"mas galit na siya sa pagkakataong iyon.

"kung ako saiyo,, umalis kana!! wala lamang pupuntahan ang usapan na ito!!" leave.. hanggat nakakapagpigil pa ako!!" madilim ang mukhang sigaw niya sa dating nobya.

Kita niya sa mukha nito ang poot at galit habang nakatitig sa kanya.

" okay i will leave for now..,pero ito ang tandaan mo.. raveen.. hahanapin ko ang babaeng kinababaliwan mo at sisirain ko rin ang buhay niya,, kasama ka!!" mapuno nang galit na pahayag nito saka padabog na lumabas nang mansion.

Habang siya ay nanatiling nag pupuyos sa galit sa dating nobya... hindi niya alam kung totohanin nito ang banta nito kay thea ngunit ipinagdasal na lamang niyang sana ay hindi na nito guluhin pa ang dalaga dahil baka hindi na nito iyon makayanan.Tama na ang pangmamaliit nito sa babae at ang pananakit niya nang dandamin nito.

Huminga siya ng malalim habang muling inalala ang araw na nasaktan niya si thea.

:::::::::

::::::::

:::::::

Ilang linggo lamang ang nakalipas ay aligaga na naman si thea sa kanyang mga kailangan para sa unang pasukan niya sa kolehiyo.Walang kahirap hirap siyang nakapasok sa isang unibersidad sa bayang iyon lalo na at halos lahat yata nang kanyang galaw ay nariyan si xander na tumutulong sa kanya.Maging si ara ay natuwa rin lalo na nang malaman nitong isang unibersidad lamang ang kanilang papasukang dalawa,.

Masaya rin si aleng lorie para sa kanya nang malaman nitong papasok na siya sa kolehiyo.

'EH,, ang pagpaparamdam saiyo nang amo mo thea.. ano papasa naba?"isang hapon ay nag uusap sila ng matanda at ara sa kubo nang mga ito.

"ho.. naku po aleng lorie alam naman po siguro ninyo kung ano na lamang po ako na uri nang babae">aniyang malungkot ang mukha,.

"thea< hindi tumitingin sa antas nang pamumuhay si sir raveen lalo na nga diba at napakalapit niya saiyo.?"kawawa naman iyong si xander.'naiiling na wika nang matanda.

"aleng lorie,, huwag na po natin pilitin si thea na gustuhin niya si sir xander.. dahil isa pa,, hindi kaba nagtataka aleng lorie kung bakit niya pinapaaral si thea eh baka nahihiya siya na ang magiging nobya niya ay di hamak na katulong lang naman">sabat ni ara.

Bahagya siyang napaisip sa sinabi nang kaibigan.. oo nga naman,, kung hindi nito siya ikinahihiya ay bakit nga naman siya nito papag aralin":iwinaksi niya ang isiing iyon lalo na ay ayaw niyang pagdudahan ang kabaitan sa kanya ni xander.

"saka aleng lorie,, papaano mo naman po nasabing gusto nga po ako ni sir xander gayung hindi naman po siya nanliligaw>:"seryusong wika niya.

"talaga thea?!! hanggang ngayon hindi parin umaamin si sir saiyo?!! bulalas ni ara na hindi makapaniwala.

"eh ramdam na iyon ni thea!!" sabat naman ni aleng lorie,,.

" pero thea huh,, pwera biro.. alam mo ang swerte mo diyan kay sir xander.. bukod sa pogi na mayaman pa at mabait ba"!dagdag pa ni ara.

" hay naku,, iawan ko saiyo ara.. eh hindi nga nanliligaw eh!:bulalas niya,,

" eh kung manligaw ba naman thea.. may pag asa ba"?halos sabay na tanong nang dalawa.

Hindi siya nakasagot sa tanong na iyon.. dahil ang totoo niyan ay hindi niya talaga alam..

mahal niya ang binata ngunit bilang amo at kaibigan lang at hindi na hihigit iyon..

" dahil ba si raveen parin ang nasa puso mo"? sigaw nang isang bahagi nang isip niya.

ayaw man niyang aminin ngunit ang lalakeng nang insulto at nang alipusta nang pagkatao niya ay hanggang ngayon ay naroon parin nakatago lamang sa bahagi nang puso niya.

Hindi na lamang siya nagsalita sa dalawa,, ayaw niyang isipin nang mga ito na ginagamit lamang niya ang binatang amo para sa kanyang pangarap.

Sa totoo lang naman kasi ay hindi kailangan pang sabhin nang binata sa kanya na gusto siya nito dahil kung tutuusin nga ay mas higit ang pinaparamdam nito sa kanya.: