"mukhang nag enjoy sa pakikipagkwentuhan kanina sa anak ni mang REX".Iyon ang bungad sa kanya ni xander habang pabalik sila ng mansion.KAnina pa kasi sila halos walang imikan kung kaya ito na mismo ang nagbukas ng usapin.Hindi narin sila nakapunta sa sinasabi ng binata na fall dahil nga naging busy ito sa pakikipag usap sa mga tauhan nito kanina, kung kaya maging siya ay hindi narin nito inistorbo pa'
"oo nga po sir eh.. ang saya po kasi kasama ni ara."
"buti naman kung ganun:" wika nito habang abala sa pagmamaneho.
"akala ko po ba sir uutusan niyo ako kung kaya isinama niyo ako sa plantasyon" nagtatakang tanong niya sa binata.
"who told you that?"kunot noong tanong nito sa kanya.
"ho,,.. eh diba po kaya niyo po ako isinama sa plantasyon dahil nga po may ipapagawa kayo saakin"?
"ha!ha!ha! Thea,, sinabi ko lang iyon para sumama ka.. isa pa bilang pasasalamat ko narin sana saiyo kung kaya isinama kita para narin sana mag enjoy ka Lalo na doon sa falls ang problema lang kasi hindi natin napuntahan iyon dahil nga ang dami ko ring ginawa sa plantasyon.. pero hayaan mo sa sunod."
.'nilingon siya nito ng bahagya ngunit agad din nitong ibinalik ang atensiyon sa daan.Talagang hindi siya mapakali dahil nga sa ipinapakita nitong kabaitan sa kanya Lalo na at parang biglaan naman yata iyon.
"Sir,, alam mo naman po siguro na dapat naroon ako ngayon sa mansion dahil baka po hanapin ako ni mam charlotte" nag aalalang wika niya.
"ano kaba thea.. ipinagpaalam kita kay mama^ isa pa marami naming mga tauhan ang naroon..
"eh sir">>>
"huwag kana kumontra thea.. gusto ko lang makabawi sa pagiging masungit ko sayo.. pasensiya kana alam mo naman sigurong hindi ganun kadaling magtiwala sa mga estranghero diba." wika nito ngunit hindi parin siya tinitingnan.
"naiintindihan ko po kayo sir xander..nagpapasalamat nga po ako dAhil kahit paano sa lugar niyo po ako napunta at baka po ano na ang nangyari saakuin ngayon."buong pusong sabi niya.
"and you're safe here in san felipe.. you can also stay here forever."natawa siya sa huling sinabi nito.
"forever??wala sa sariling bigkas niya sa katagang iyon.
"yes.. if you want."seryusong tugon ng nito na ikinatahimik niya.Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi nito ngayon dahil alam niyang wala iyong kasiguruhan.. marahil kagaya ni Raveen ay nagpapakita lamang ito ng awa sa kanya ngunit sa bandang huli ay ito lamang din pala ang magpapahiya sa pagkatao niya,Masakit isipin na hanggang ganun lamang iyon at talagang umasa lamang siya.. kung alam lamang sana niya kung sino ang kanyang mga magulang eh di sana hindi siya naghihirap ng ganito,hindi sana siya naawa sa kanyang sarili.
Bigla ay naalala niya si aleng Lorie., mas kawawa nga siguro ito keysa sa kanya dahil kahit sarili nito ay hindi nito kilala.
"are you okay thea?"bigla siyang napaigtad ng magsalita ang binata.
"o-opo sir."alangan niyang sagot.
"natahimik ka kasi eh"
"pasensiya kana sir xander may naisip lang po talaga ako.:aniyang nahihiya sa kanyang amo.
"what is that?'baka naman makatulong ako"
"hindi,, okay lang po sir."tugon niya saka ibinaling sa labas ang kanyang atensiyon upang hindi na mag tanong pa ang binata.Hanggang sa makarating sila ng mansion ay hindi narin ito nagtanong pa ng kung ano ano tungkol sa kanya.kaya nga ng pagdating na pagdating nila sa mansion ay agad siyang nagpaalam rito upang mailayo ang kanyang sarili sa binata.. batid niya kasing maraming mga matang nakatingin sa kanya at maging si manang Luz ay nangungusap rin ang mga matang nakatitig sa kanya.
"mukhang nagkakamabutihan na kayo ni sir xander ah"pukaw sa kanya ng matanda noong gabing abala siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan ng kanilang amo.
"manang hindi naman po.. talagang isinama lamang po ako ni sir"sagot niya habang abala sa kanyang ginagawa.
"naku thea... kilala ko na iyang binatang amo natin,, nagsisimula na iyan sa pagpapakita niya ng interest saiyo..basta mag iingat ka lang."'sa sinabi nito ay natigilan siya.halos ganun din kasi ang sinabi sa kanya ni aleng loleng noong nasa Mansion pa siya ng mga Veliejo.
"manang LUZ, alam ko po ang hangganan ko.. isa pa isang hamak lamang akong katulong at hindi alam ang pinanggalingan kung kaya malabo po na magustuhan ako ni sir XANDER.."aniyang hindi tumitigil sa ginagawa.
"Thea,, wala sa klase ng pamumuhay nakabase ang ating mga amo.. lalong wala sa hitsura thea.. alam kung napakabuti mong bata at iyon ang nakikita kong magugustuhan saiyo ni sir xander,, "parang sigurado nga ito sa mga sinasabi sa kanya.Hindi na lamang siya sumagot at mas pinili na lamang niyang manahimik.. kung mangyayari nga naman kasi iyon ay natatakot siya na baka mapalayas na naman siya sa mansion dahil sa pag ibig na iyan kung kaya habang maaga pa ay kailangan na niyang iwasan ang binata.
::::::::
:::::::
Kagaya nga ng sinabi sa kanya ni Xander kahapon ay heto na naman ito ngayon at kinukulit na naman siyang samahan itong pumunta ng mango farm kung saan medyo may kalayuan mula sa san Felipe.. ayaw niya talagang sumama dahil nga gusto na niyang iwasan ang binatang amo.
"hey,, thea..samahan mo na ako,, please." pagmamakawa nito sa kanya habang abala siya sa pag aayosng malaking pasilyo ng mansion.
"eh.. sir marami pa po talaga akong gagawin at baka po mapagalitan na po ako niyan ng mama mo".naiiritang sagot niya rito.
"ipinagpaalam na kita kay mama"walang kaabog abog nitong sagot.
"pero sir">>...reklamo niya ngunit wala na siyang nagawa nang bigla na lamang siya nitong hatakin sa kamay..
"halika na... samahan mo na ako"' promise ngayon lang ito.."wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa binata.
"::::::
Medyo may kalayuan nga ang naturang mango plantasyon nang mga ito kung kaya medyo hapon na nang makarating sila doon..hindi gaya ng niyogan na masyadong malinis ang paligid ngunit itong manggahan ay hindi lahat ng bahagi ng ng puno ay malinis kung kaya noong napadaan sila sa isang puno ng mangga ay bigla na lamang itong nasabit sa isang matinik na bagay at nasugatan.
"oh.. my....reklamo nito habang hawak ang isang paa.Siya naman ay nag aalalang nilapitan ang binata.
"sir okay ka lang po ba".nag aalalang tanong niya. "bakit po kasi dito tayo dumaan' sermon niya rito.
"im sorry,, hindi ko kasi nakita na may bulbwire pala."nakangiwing sagot nito.
"akin na nga po" aniya saka kinuha ang ang kamay nitong kanina pa nakahawak sa nasugatan nitong paa,ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya niya ng makitang gasgas lamang iyon,.
"sir.. niluluko niyo ba ako.. eh wala naman sugat eh" aniyang naiirita sa kaharap..
tumawa ito at muling nagsalita..
:ha!ha!ha!..mukhang nag alala ka talaga ah.. nang aasar nitong tawa.
" hindi ho kayo nakakatuwa sir".. napipikon niyang sabi.
" hey im sorry,, sinubukan ko lang naman kung hanggang saan ang pag aalala mo saakin' mas lalo siya nitong tiningnan nang nakakaluko,.
"Sir,, tauhan niyo po ako at malamang ay mag aalala ho ako sainyo dahil kapag may masamang mangyari saiyo ay tiyak na hindi ho tayo makakablik ng mansion,"sermon niya rito ngunit balewala iyon sa binata at nagpatuloy lamang ito sa pagtitig sa kanya.
"you know thea i think i like you" pagkasabi nito ay mas lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya.
Ngunit bago pa man nito magawang halikan siya ay agad na siyang lumayo rito.
" kung inaakala ho ninyo sir na ganun ako kadaling klase ng babae.. nagkakamali ho kayo.. dignidad na laman ho ang meron ako at hindi ko aapakan iyon.' pagkasabi noon ay agad niyang iniwan ang binata na nagulat sa sinabi niya.. hindi nito akalaing tatanggihan niya ang sinabi nito kanina.Galit man siya sa binatang amo ay tiniis na lamang niya iyon hanggang sa makabalik sila ng mansion.
nalaman din niyang hindi naman pala iyon ang dapat puntahan nila kanina kundi sa kabilang bahagi pala ng plantasyon kaya mas lalong nagngingit ang kanyang inis sa binata.
wala na kasi itong nagawa kanina matapos niya itong iwan.Pakiramdam niya ay pinapaikot lamang siya ng binata para makuha ang gusto nito sa kanya.
::::::::
:::::::
Ilang araw din ang lumipas bago siya uli nakausap ni xander lalo na at naging busy ito sa pag dedeliver ng mga produkto nito sa maynila kung kaya nagkaroon siya nang pagkakataon na mapuntahan sa niyogan si ara,hindi na kasi siya kinukulit ng binatang amo simula ng nagalit siya rito.
"oiii miss ganda.!!! bungad sa kanya nang makita siya.
'magandang araw ara.. nakangiting bati nuya rito,.
"buti na lamang at nakabisita ka saamin ate thea lalo na at kami lang ni aleng loreng ang narito ngayon dahil wala si tatay at sumama kay sir xander paluwas ng maynila.
"magandang araw thea,.masayang bati sa kanya ng matanda.kung noong una niya itong nakita ay nakatalukbong ito at talagang balot ang mukha upang hindi makita ng sinuman,ngunit ngayon ay wala ito ni'y isang talukbong at talagang kita niya ang sunog sa mukha nito.Npatitig siya sa mukha nito at halos mamangha siya ng makitang napakaganda ng babae kahit na sunog ang parteng kananng mukha nito.Ang napakatangos nitong ilong na kahit nga siguro lumipas man ang edad nito ay mananatili itong matayog.
"bakit thea,, natatakot kaba sa mukha ko"?nagtatakang tanong sa kanya ng kaharap.
"a--ba hindi po aleng loreng.. napapaisip lang po ako n kung hindi po siguro nasunog ang kabilang bahagi ng mukha mo ay napakaganda niyo po siguro".namamanghang wika siya.
"kagaya mo kaganda"?natatawng biro nito.
"mas maganda pa nga po yata saakin eh" aniyang natawa narin.
nakita niya ang biglang pag ilap ng mata nito at naging malungkot.
:"iyon nga lang wala akong maalala.. di bale nga sigurong nasunog ang mukha ko basta may maalala lamang ako..ngunit wala talaga. sumasakit lamang ang uko ko sa tuwing pinipilit ko na may maalala sa aking nakaraan".malungkot nitong pahayag.
Ramdam niya ang lungkot nito kung kaya hindi niya napigilan ang sarili na mayakap ito.
"hayaan niyo po.. darating po ang panahon na maaalala niyo rin po ang nakaraan niyo.. "
"sana nga thea" napapaluhang sabi nito.
"naku kayong dalawa alam niyo para kayong magnanay.. kung hindi nga lang sunog ang mukha ni aleng loreng,, eh baka magkamukha pa kayo."natatawang biro sa kanila ni ara na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa.. kung kaya sabay na lamang silang nagkatawanan.
Hindi niya man maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya sa tuwing nakakasama niya ang mga ito pero isa lamang ang sigurado siya ang masaya siya at magaan ang loob niya sa mga ito at nakakalimutan din niya ang kanyang mga problema.
"kain na nga tayo at baka magkaiyakan pa kayong dalawa diyan.. nagluto ako ng buko pie.. masayang inihanda ni ara ang kanilang meryenda at masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain.