Gulantang habang pupungas pungas na napabangon si Dorothea ng maramdaman ang dalawang tao sa kanyang harapan.Hindi niya maalala ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi, Napaupo siya sapul ang kanyang noo habang nakayuko,inaalala ang nangyari at kung paano siya nakarating doon. Kinakabahan siya ng maalala ang huling nangyari habang hinahabol siya ng tatlong masasamang lalake at pumasok siya sa isang sasakyan, at tanging iyon lamang ang kanyang naalala.
"Diyos ko po"'!!tanging naiusal niya ng mapagtanto na baka nakuha siya ng mga lalakeng iyon kagabi dahil nawalan siya nang malay.Parang wala siyang lakas ng loob na harapin ang sino ma'ng nasa kanyang harapan,Hindi niya makita ang dalawang tao na kanina pa nakamasid sa kanya dahil nga natatabunan ng kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha.Ngunit bigla siyang napaayos ng upo nang magsalita ang isa sa kanyang kaharap..
"Manang, okay ka lang ba, bakit ka ho andito sa sasakyan ni sir Alexander?"nagtatakang tanong ng isang babae sa kanya.
"manang, Paano ka nakasakay sa sasakyan ko?"dugtong pa ng isang lalake.Nang marinig ang mga iyon at mapagtanto niyang mali ang kanyang hinala dahil nga tinawag siya nitong manang, ibig sabihin lang yun ay akala nito matanda talaga siya at naligaw doon.Unti unti nawala ang kanyang takot at saka hinawi ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang mukha upang humingi ng tawad sa mga ito.
"sir, mam, patawad po.. panimula niya habang hinahawi ang kanyang buhok, ayaw pa niyang humarap rito dahil talagang nahihiya siya.
"ale,, inuulit ko, papaano kang nakapasok sa sasakyan ko.?"tinig iyon ng lalake at inulit lamang nito ang tanong kanina.Nakakainis lang din ay talagang pinangangalandakan nito ang pagtawag sa kanya ng ale.Gusto niya sana maiinis, iyon nga lang mas nanaig pa rin ang kanyang hiya at takot para sa maaring gawin ng naturang lalake.Hindi pa man niya ito tinintingnan sa mukha ay sigurado siyang mayaman ito ayun na din sa tawag ng naturang babae sa lalake. Narinig niya kasing tinawag ito ng babaeng sir.Hinawi niya ng tuluyan ang kanyang buhok at humarap sa dalawa.Kitang kita niya ang panlalake ng mga mata ng mga ito. Maging ang lalake kanina na bakas sa tinig ang inis ay nakita niyang biglang naging maamo ang mukha nito.Nanlalake din ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala sa nakikita.
"halllaaa"!!gulat na bulalas nang babae na nasa likuran nito habang titig na titig sa kanya.Nakita niyang bumuka ang bibig nito at mahinang nagsalita."ang ganda sir"
ginalaw pa nito ang amo upang agawin ang pansin nito na parang naka freeze sa ere.
"Sssirrr,, mammm.."kandautal niyang panimula."patawarin ninyo po ako, hindi ko po sinasadyang makarating at makatulog sa sasakyan ninyo,..Hinahabol po kasi ako ng masasamang lalake kagabi, kaya noong makita ko po na nakabukas ang inyong sasakyan ay agad po akong nagtago, pero nawalan po ako nang malay."mahabang paliwanag niya,Ngunit titig na titig parin ito sa kanya."sir, okay ka lang ba?"pukaw ng babaeng nasa likuran nito kaya agad naman itong bumalik sa huwisyo.
"uhm, ehh..ale.. uhm no,miss.. right? "kandautal nitong wika hindi inaalis ang mga mata sa kanya."Kung saan ka man galing, at kung totoo nga ang sinasabi mo sa akin, eh dapat sa mga pulis ka na pumunta at hindi dito sa sasakyan ko..."papaano mo mapapatunayan sa akin na talagang wala kang intensiyon na masama, gaya nang pagnanakaw.. at nagkataon lang na nakatulog ka."matigas ang mga salitang binitiwan nito.Gusto man niyang mainis ngunit mas nanaig ang takot niya para sa kanyang sarili.Una kasi hindi niya alam kung nasaan siya, pangalawa, may kasalanan nga naman siya dahil pumasok siya sa sasakyan nito na walang paalam.Hindi niya masisisi ang lalake na mag isip na masama patungkol sa kanya dahil sa kabilang banda siya naman talaga ang mas may kasalanan.Kaya upang hindi na humaba pa ang problema ay mas pinili niyang magpakumbaba at magmakaawa rito dahil iyon na talaga ang nararapat niyang gawin.
"sir,.. patawad po.. maawa po kayo sa akin,huwag niyo po ako ipapa pulis.. hindi po ako masamang tao sir, Talagang nagipit lang po ako kagabi at wala po akong mapuntahan.hindi mapigilang nangilid ang kanyang mga luha."uhm, miss, bumaba ka muna please.. iminuwestra pa nito ang kabilang pintuan upang makababa siya at magkaharap sila.Natatakot man ay agad siyang bumaba, hindi pa din binibitawan ang kanyang bag.Nang makababa siya ay ganun na lamang ang tingin sa kanya ng lalake na tila hindi makapaniwala sa nasa harapan nito, tinitingnan siya mula ulo hanggang paa at pabalik, animo'y kinakaliskisan siya nito.
"Sir, inuulit ko po, hindi po ako masamang tao..Talagang takot na takot lang po ako kagabi."Sa halip na makinig sa kanya ay binalingan nito ang kanina pang nasa likuran nitong katulong.
"manang, pakitimplahan naman siya ng mainit na gatas at mukhang hindi pa yata siya kumakain.,"seryuso pa din ang mukha nito habang sinasabi ang katagang iyon.
"yes sir, "agad naman tumalima ang naturang katulong.
"miss, halika, mag gatas ka muna.. at nang makapag usap tayo ng maayos.,"pagkasabi nito ay nauna na itong naglakad patungo sa isang pasilyo.Doon lamang din niya napansin ang napakagandang paligid,natatakot siya sa maaring gawin sa kanya ng binata dahil wala pa rin itong sinasabi sa kanya at sa halip pinatimplahan pa siya ng gatas.Mukha naman itong mabait at wala pa rin itong ginagawang masama sa kanya.Habang naglalakad sila, napansin niyang napakaganda mg paligid at di niya maiwasang magsalita..
"sir, mawalang galang lang po, pwedi po ba ako magtanong."?
"go ahead.".seryuso pa din ito.Nawala na ang tila pagkagulat nito sa kanya kanina at napalitan na iyon ng napakaseryusong mukha.
"anong lugar po ba ito sir?" pasensiya na po kayo, hindi ko po kabisado ang mga lugar."natatakot at nahihiya niyang pag amin sa lalake.
"this is Hacienda San Felipe.Northern luzon ito."matabang nitong sagot.
nauna itong nakarating sa isang mesa sa labas lamang ng napakalaking mansion. Bigla tuloy niyang naalala ang pinanggalingang mansion, kaha kahapon lang ay ganun ang kanyang inalisan at tila ba napakahirap isipin na baka gaya nang pinanggalingang mansion ay ganun din ang ugali ng mga tao rito.Napansin siguro nito ang kanyang naging reaksyon,kaya ito naman ang nagtanong.
"ikaw, saan ka ba galing?
"your parents, alam ba nila ang nangyari sayo kagabi?"kunot noong tanong nito.Sasagot na sana siya ngunit biglang dumating ang katulong na may dalang gatas at tinapay saka ibinigay sa kanya.Saka lamang niya naramdaman ang gutom na kahapon pa pala niya nararamdaman. hindi siya nakakain dahil na din sa nangyari.
"manang luz, pakibigyan siya ng pagkain at pakisamahan muna siya rito."binalingan nito ang matandang katulong at akmang aalis ngunit hinarap siya nito.Kinabahan siya at baka masama ang plano ng mga ito
"enjoy your meal."pagkasbi noon ay iniwan siya kay manang luz.
Siya naman ay hindi muna ginagalaw ang ibinigay na pagkain ng matanda.
"Kumain kana eneng..maya maya ay wika ng matanda ng mapansin marahil nito na hindi niya kinakain ang pagkain na ibinigay nito sa kanya.
"Salamat po manang.."Kiming wika niya sa kaharap.
"eh,, eneng.. kung hindi mo mamasamain.. maari ko bang malaman ang pangalan mo?Nakangiting wika nito..
"Dorothea po mam.."nakatubgong sagot niya sa kaharap.
"Naku.. huwag mo akong tawaging mam at katulong lang din naman ako rito.".
"pasensiya na ho.. aniya.
"ate luz"dagdag ng matanda sa kanya.
"salamat po ate luz"nakangiting sabi niya.
"oh siya.. kainin mo na muna iyang pagkain mo.. at mamaya pagbalik ni sir ay marami siyang itatanong saiyo."
"ate.. hindi po ako masamang tao.."nahihintakutang sabi niya sa matanda.
"eneng.. alam ko.. sa hitsura mo pa lamang na iyan.. naku huwag kang mag alala ako ang bahala saiyo.."sa sinabi nito at tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib.Marami pa ding itinanong sa kanya ang matanda at lahat iyon ay walang kagatol gatol niyang sinagot kung kaya pakiramdam niya ay mas nakahanap siya ng bagong kakampi sa pamamagitan nito.
Maya maya ay may nakita siyang paparating.. ang kaninang nag iisang binata ay may kasama na at mukhang nagdala pa yata ang mga ito ng baranggay. Bagama't wala siyang kasalanan ay nakaramdam parin siya ng kaba dahil nga baka ipakulong siya ng lalake dahil sa kasalanan niyang pagpasok sa sasakyan nito na walang pahintulot.
"Magandang umaga manang Luz"bati ng isa sa mga kasama ng lalake kanina.
"oi.. magandang umaga naman kapitan pedrico"bati rin dito ng matanda.Hindi nga siya nagkamali talaga pa lang tumawag ng baranggay ang lalake.Sabagay hindi niya ito masisisi dahil nga stranghero siya sa bayang iyon.Ilang sandali pa ay sa kanya naman tumingin ang matandang kapitan.Nahihiya man siya ngunit kimi niya itong binati.
"magandang umaga pi sir."natatakot niyang wika.
"magandang araw eneng.. naku sir alexander mukhang napakaganda naman yata ng magnanakaw na nakapasok sa sasakyan mo."pagbibiro nito sa binata na tinawag na Alexander,iyon pala ang pangalan nito ngunit wala siyang pakialam lalo na nang malaman niyang sinabi nitong magnanakaw siya na wala naman siyang kinuha kahit ano.
"sir.. hindi po ako magnanakaw."hindi nakatiis niyang sagot sa kapitan.
"naku mukha nga."anang kapitan habang tinititigan siya nito na tila ba hinuhubaran.
Wala siyang magawa kundi ang manahimik na lamang at baka ano pa ang gawin ng mga ito sa kanya kapag sumagot pa siya.
"Alam mo naman siguro eneng kung bakit kailangan naming imbistigahan ka.. lalo na at sumakay ka ng walang paalam sa sasakyang ni sir Alexander"seryusong paliwanag nito.
"Naiintindihan ko po"Lakas loob niyang sagot.
"Oh siya.. simulan na natin."pagkasabi nito ay inilabas nito ang isang notebook at ballpen at nagsimulang magtanong tungkol sa kanya.
"Pangalan?"
"Dorothea Escovar po"
Sunod sunod ang katanungan ng kapitan sa kanya at sinagot niya iyon ng walang halong takot at pagsisinungaling.Maging ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa sasakyan ng tinawag na Alexander at kung bakit hindi siya nito namalayan.Sinang ayunan naman ng lalake ang sinabi niyang may tatlong lalake na humabol sa kanya dahil ayon dito ay nakita nito ang tatlong lalake malapit sa sasakyan niya na animo'y may hinahanap at siya nga marahil iyon.
"mabuti na lamang at bukas ang sasakyan ni sir alexander at baka kung hindi ka nakasakay sa sasakyan niya ay malamang nasa balita kana ngayon".Sabat naman ni manang luz matapos siyang magkwento.Halos lahat nga yata sa buhay niya ay nasabi niya na para lamang hindi siya nito ipakulong.
"Sir Alexander, may nawala ba na mahahalagang gamit sa sasakyan mo?"Ito naman ang tinanong ng kapitan matapos siyang maibistiga.
"for now wala naman, kumpleto din ang pera sa jacket na nahigaan niya."seryusong sagot nito.
"kung gayun,eh anong plano mo dito sir?siya ang tinutukoy ng kapitan.
"Pwede na siyang umuwi"matabang nitong sagot.
"ho.. pero sir hindi ko po alam ang lugar na ito at wala po akong uuwian.. wala po akong pamilya."bigla siyang nagmakaawa sa binata lalo na at natatakot siyang baka maulit na naman ang nangyari sa kanya kagabi at baka sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga siya makaligtas pa.
"Sir, baka naman pwedeng dumito na muna siya sa atin.. at kulang din naman tayo ng katulong ngayon."Sabat ni manang Luz.
"Hindi madaling magtiwala sa kapwa manang Luz".Sagot naman ng kapitan."Pero kap,hindi rin madaling manghusga di po ba?"balik dito ng matanda na nagpatahimik sa kapitan.
"oo naman luz, pero sa akin lang sana eh pwede naman siya doon muna sa baranggay hanggang hindi siya nakakahanap ng matutuluyan".Sa sinabi ng kapitan ay bigla siyang natakot lalo na at parang huhubaran siya nito kung makatitig.
"Ako ho ang mananagot kung may gagawin mang masama itong si Dorothea Sir,kawawa naman itong bata at baka mapahamak pa sa kung saan,Tingnan mo naman ang hitsura nito".wika nito na parang kinonsensya pa ang binatang amo.
"o, siya.. ikaw ang mananagot diyan manang.. bantayan mo na lang iyan"Pagkasabi nito ay inaya na nito ang kapitan palabas upang doon na lamang magpatuloy sa pag uusap.
Bagama't hindi maganda ang pagtanggap sa kanya ng magiging bagong amo niya ngunit nagpasamat parinsiya rito kahit hindi na uyon pinansin ng huli.Kaya sa matandang mayordoma na lamang siya nagpasalamat.
"Ate Luz, maraming salamat po sa pagtatanggol ninyo saakin."mangiyak ngiyak niyang niyakap ang matanda.
"Naku wala iyon, magaan ang loob ko saiyo Thea at alam kung mabuti kang bata kaya pag igihan mo ang trabaho mo dito sa mansion at mababait ang mga tao dito lalo na iyang si sir Xander, naku mana iyan sa mama niya.. napakamaawain... "kwento nito sa kanya na ikinatuwa niya.
"oh siya.. halika na sa kusina at ayusin mo na iyang gamit mo.."Aya nito sa kanya kung kaya agad siyang sumunod sa matanda.Ngunit habang nakasunod siya rito ay taimtim siyang nagpasalamat sa panginoon na hindi parin siya pinabayaan lalo na rin ang kanyang tatay Isko, alam niyang nakagabay parin ito sa kanya hanggang ngayon.
"