Chereads / Princess Dorothea / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Gaya nang napagkasunduan ay nagtrabaho na nga bilang isang kasambahay si Dorothea sa mansion ng mga Go, At tama nga ang sinabi sa kanya ni manang Luz napakabait nga ng Ginang, si senyora Charlotte Go.Wala na ang padre de pamilya ng mga Go at ito na lamang ang natitirang kamag anak ni Alexander dito sa pilipinas dahil halos lahat ng mga kamag anakan ng mga ito ay naroon na sa China dahil nga doon naman talaga nanggaling ang Ama ni Alexander.Sa iksi pa lamang ng panahon na ipinamalagi niya sa mansion ng mga ito ay nakita niya kung gaano kabuti ang ginang at ang mga taong naroon.Hindi kagaya sa Mansion ng mga Veliejo na may kabutihan naman ang mga tao doon ngunit hindi ganun kabuti kagaya ng mga Go.Si manang Luz ay hindi naman nagsasawang turuan siya sa mga dapat niyang gawin sa loob ng mansion upang sa gayun ay matuwa naman ang kanilang mga amo.Samantalang ang binatang Go ay hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganun na lamang ito kailap sa kanya at kasungit.Lagi nga itong nakasimangot sa tuwing nakikita siya nito.At sa tuwing ito'y nag uutos ay tila ba sinasadya nitong pahirapan siya.Parang gusto yata nitong sumuko na siya at umalis na lamang.Ngunit kahit gustuhin man niya iyon ay ayaw niyang gawin dahil alam niyang ligtas siya sa lugar na iyon at talagang wala naman siyang kakilalang mapupuntahan.

"Dora".. palinisan naman ng sasakyan ko.. at masyadong maputik".. Tinig iyon ni Alexander na ngayon ay pababa ng hagdan at may dala dalang gamit na hindi niya alam kung ano.

" Aba,!! bakit yata sa katulong mo na iniuutos ang paglilinis ng sasakyan iho samantalang noon naman ay ikaw naman ang gumagawa niyan"sita ng butihing ginang nang marinig nito ang iniutos ng binata sa kanya.

"mama, hayaan mo nalang muna si Dora diyan at may pupuntahan ako."sagot nito sa ina.

"pwede mo naman iutos iyan kina Pabling."tukoy nito sa Driver nila.

"wala ho mama, may iniutos din ako."

"okay lang naman po mam,, tapos naman na po ako sa trabaho ko kaya lilinisan ko nalang po ang sasakyan ni Sir."sangit niya sa mag ina at baka saan pa mapunta ang pag uusap nang nga ito.

"sigurado ka Thea."anang ginang sa kanya na mas appriciate pa yata ang pangalan niya at hindi kagaya ng anak nito na Dora talaga ang tawag sa kanya.

"Opo mam..'nakangiting sagot niya saka nagpaalam sa mga ito upang puntahan ang naturang sasakyan upang simulan nang linisin.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan Thea!!"?nag aalalang nilapitan siya ni manang Luz habang abala siya sa paglilinis ng sasakyan ng binatang amo.

"eh, iniutos po kasi saakin ni Sir Alexander na linisan itong sasakyan niya at may lalakarin daw siya".sagot nita matanda habang patuloy parin sa ginagawa.

"aba!!umiba yata ang ihip ng hangin at saiyo na ipinagawa iyang paglilinis, eh samantalang hindi niya iyan ginagawa.. kasi dito sa mansion ang babaeng katulong ay tanging sa loob lamang ng mansion at labas ang nililinisan at hindi na kasama ang sasakyan, eh bigla yatang nagbago ang nangyayari".pagtatakang wika ng matanda.

"Hayaan mo na po manang at kaya ko naman po gawin, isa pa bilang pasasalamat na lamang din po dahil po sa pagtanggap nila saakin dito kahit pa isa akong estranghero sa lugar na ito."

"Hay naku bata ka talaga."" Basta sabihin mo lamang saakin kung hindi mo na talaga kaya ang ipinapagawa saiyo ni Sir Raveen"Nagtataka nga ako kung bakit naging ganyan iyan simula ng dumating ka dito sa San Felipe eh".anang matanda.

"Baka ayaw niya lang po saakin manang kasi baka akala niya po nagsisinungaling ako sa kanya."

"hay naku, hindi sa ganun.. napapaisip ako baka nagkakagusto iyan saiyo dahil talagang hindi ganyan ang batang iyan".Nagulat siya sa sinabi ng matanda.

"Naku manang baka ho marinig kayo.. nakakahiya po.!!" agad niyang saway dito.

"Hindi nga Thea. pwera biro, sa ganda mong iyan ay hindi talaga maitatangging magustuhan ka ni Sir".Natatawang biro nito sa kanya.

"Naku manang.. ang isang kagaya ko po.. na walang pinag aralan ay magugustuhan... naku malabo po iyan manang.. Hanggang katulong lang po talaga ako manang.. nangyari na po iyan saakin."Hindi niya naiwasang malungkot ng maalala si Raveen, ang dating naging amo na inaakala niyang magugustuhan siya nito ngunit sa bandang huli ay ito mismo ang mananakit at mang iinsulto ng kanyang pagkatao.

"Bakit Thea nagmahal ka naba?"Biglang tanong ng matanda sa kanya.Natawa siya sa naging reaksyon nito.

"Wala na iyon manang.. isa pa alam ko naman na hindi mamahalin ang isang kagaya ko.. isang ignoranteng babae at walang pinag aralan."Tuluyan na siyang napaluha ng maalala ang nakaraan.

"Naku huwag mong sasabihin iyan bata ka!!'Hindi porke't nasaktan ka sa una at inalipusta ay ganun parin ang mga susunod.. hindi lamang marahil para saiyo ang lalakeng minahal mo."pang aalo nito sa kanya.

"Salamat manang.."kiming wika niya.

"O, siya ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo at kakain na tayo "Iyan pala ang pinunta ko saiyo upang ayain ka kumain.. hay naku nagdrama pa tuloy tayo".. Natatawang sabi nito.

"opo manang".. malapit narin naman na itong matapos.'. susunod na lamang po ako".sagot niya saka kinuha ang isang timba na may tubig upang simulang banlawan ang sasakyan ng binata.Hindi niya napansin ang mga matang kanina pa sa kanya nakamasid at ang mga matang puno ng awa habang siya ay tinitingnan dahil sa mga narinig nito kanina na usapan nila ni manang Luz.Ngunit ang narinig lamang nito ay ang sinabi niyang huli.

Hindi naman kasi sinasadya ni Alexander na marinig ang pinag uusapan ng dalawang katulong ngunit dahil lumabas siya upang tingnan sana ang sasakyan kung tapos nang linisan ng dalaga ngunit iyon ang kanyang nadatnan kung kaya agad siyang nagtago sa likuran ng iba pa nilang sasakyan.Narinig niya ang pangmamaliit ng dalaga sa kanyang sarili at naaawa siya para rito.Kung tutuusin ay ayaw naman talaga niyang gawin iyon sa dalaga ang utusan ng kung ano ano at sungitan ito ngunit gusto niyang makita kung gaano ito katibay.At unti unti na nga niya itong napapatunayan na mabuting tao nga ito.Ilang beses na siyang naglagay at nag iwan ng mga mamahaling bagay at malalaking halaga ng pera sa kanyang kwarto ngunit hindi nito iyon ginagalaw.Maging mga alahas na kunyari naiiwan niya ay hindi rin nito pinapakiaalaman.Pinakitaan niya ito ng hindi maganda upang hindi ito mag alangang gumawa ng masama,ngunit talagang tama si manang Luz mabuting babae si Thea.Minsan sinasadya niya ring tawagin ito sa mas pangit nitong pangalan upang makita niya kung may itinatago itong hindi kaaya ayang ugali, ngunit gaya ng nauna ay mali parin siya.

Palagi niya rin itong inuutusan upang galitin ito ngunit hindi ito nagrereklamo at sa halip ay ginagawa nito ng tama ang trabaho nito.Wala itong kaarte arte sa katawan kahit pa sabihing napakaganda ng dalaga,hindi rin ito daring manamit kagaya ng mga kilala niyang magaganda na kahit pa walang pinag aralan upang makaagaw ng pansin ng kagaya niya.Kakaiba nga ang estrangherang dalaga,Sa maiksing panahon na nakakasama niya ang dalaga ay napapatunayan nga niyang iba ito sa mga dalagang kilala niya.Napakasimple nito at maging ang mama niya ay natutuwa rin sa dalaga.Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan itong naglilinis ng kanyang sasakyan.Hindi naman talaga niya iyon gawaing ipalinis sa katulong ang kanyang sasakyan dahil siya talaga ang gumagawa noon o di kaya ang driver nila, ngunit isa iyon sa mga pagsubok niya sa dalaga kung magrereklamo ba ito, ngunit sinunod nito ang iniutos niya na walang pag aalinlangan.

Nakita niyang tapos na itong naglinis ng kanyang sasakyan at pumasok na sa loob ng mansion patungo sa kusina kung kaya agad din siyang sumunod dito.

Naabutan niyang kumakain na ang kanilang mga katulong at isa na doon si Thea, umubo siya ng bahagya upang agawin ang pansin ng mga ito.

"sir may kailangan po ba kayo?"Si manang Luz ang nagsalita.

"yup manang, si Dora sana".napatingin sa kanya ang dalaga ng marinig nito ang sinabi niya."

"may kailangan po kayo Sir"kiming tanong nito sa kanya.

"oo sana.. pero mamaya nalang Dora, pagkatapos mo kumain ay magpapasama sana ako saiyo sa Niyogan at kailangan ko ng alalay."seryusong pahayag niya .

"Aba!!" bakit naman biglaan yata sir, eh hindi mo naman iyan ginagawa dati"?Sabat ni manang Luz habang tinitingnan siya ng nakakaluko.

"Kailangan ko kasi ng kasama ngayon manang lalo na at masakit ang ulo ko."pagsisinungaling niya

"Talaga ba sir?"pang aasar nito.. mabuti na lamang at nagsalita ang dalaga.

"okay lang po manang.. tapos na man na po ako..sige sir magbibihis lang po ako at medyo basa po ang damit ko."pagkasabi nito ay agad itong tumayo at pumasok sa Maid Quarters.

"hintayin na lamang kita sa labas Dora.."wika niya saka iniwan ang iba pang mga tauhan na naroon.

Ayaw niya na kasing asarin pa siya lalo ng matandang mayordoma lalo na at alam na alam nito ang karakas niya dahil ito lang naman ang nagpalaki sa kanya.

Si Dorothea naman ay dali daling nagbihis ng kanyang maluwang na T-shirt at mahabang pants lalo na at sinabi ng kanyang amo na niyogan ang pupuntahan nila kung kaya iyon ang kanyang isinuot.Hindi na siya nag dala ng kung ano ano at baka mapagalitan pa siya ng binata at lalo na pati at mainit ang dugo nito sa kanya.

Narinig niya ang pag bosina nito tanda na tinatawag na siya.

Halos kulang na nga lang na takbuhin niya ang hagdan pababa upang agad makarating sa sasakyan.

"Pasensiya na po sir."aniya at bubuksan na sana ang pintuan ng sasakyan sa backseat ng magsalita ang binata.

"dito ka sa frontseat Dora."seryusong sabi nito.

"H-ho?"alangan siyang napaatras dahil nahihiya siyang sa tabi nito maupo.

"bakit ayaw mo?"kunot noong tanong nito sa kanya.

Hindi na lamang siya nagsalita upang hindi na ito magalit at agad naman siyang lumipat sa tabi nito.Pareho silang walang imikan habang tumatakbo ang sasakyan at binabaybay ang malawak na taniman.Napakaganda ng tanawin na nakikita niya at parang pakiramdam niya ay bumabalik siya sa dating lugar na kinalakhan niya.Ang bundok Sutakil.Bakas ang saya sa kanyang mukha habang nakatingin sa labas ng sasakyan hindi niya alintana ang panaka nakang pagtingin sa kanya ng binata.

"mukhang nag eenjoy ka ah "Hindi na ito nakatiis sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

"ang ganda po kasi sir'"parang batang sagot niya sa binata.

"Mas maganda pa diyan ang makikita mo mamaya lalo na iyong falls sa niyogan.. tiyak mag eenjoy ka."masayang sabi nito.Nagulat siya sa ikinilos nito ngayon.. tama ba ang kanyang narinig.!!Masaya ito habang sinasabi nito iyon at talagang ngumiti pa sa kanya?!Hindi ba siya namamalikmata lamang.?

"eh... may trabaho naman po ako mamaya sir."nahihiyang sabi niya.

"Sinong may sabi saiyo..Wala naman tayong gagawin sa farm at bibisitahin ko lamang ang niyogan kung pwede naba sa sunod araw mag ani."sagot nito ngunit hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin.

"Ho!!eh di ba ho may ipapagawa kayo saakin kaya nga po ninyo ako isinama"nagugulamihang sagot niya.

"Yeah.. itong pagsama mo.. part ito sa trabaho mo..Naguguluhan talaga siya sa sinasabi ng binata ngunit hindi na lamang siya nagreklamo at baka magalit pa ito at mahirap na.