Chereads / Princess Dorothea / Chapter 9 - chapter 9

Chapter 9 - chapter 9

Makalipas ang ilang linggo tahimik na din naman ang buhay ni Dorothea kahit papaano.Wala kasi ang mag asawang San viejo at ang among binata dahil sa business trip ng mga ito sa Europe.Kaya medyo kalmado siya na hindi guguluhin ng nobya ng among binata ang buhay niya at kahit ng mga kasamahan niyang mga katulong.

Simula din noong nanghingi ito nang pasensiya sa kanya ay hindi pa naman ito pumupunta doon,palibhasa laging wala din si Raveen kaya hindi naman naliligaw si sophie doon.At dahil nga walang mga amo at wala naman silang pagsisilbihan, at ayaw niya namang mag off dahil nag iipon nga siya para naman sa pinaplano niyang mag aral ulit sa tulong ng bagong platamorma ng DEP- ED na kahit ang kagaya niya ay pwedi nang makapagbalik eskwela.Ayaw pa nga sana niya noong una dahil nahihiya siya dahil nga matanda na siya para mag aral ulit.Ngunit sadyang makulit si Amelie at Aleng Soleng na mag aral siya. Ayon kasi sa mga ito ay kailangan niya iyon para naman hindi na siya maging ignorante sa mga bagay bagay at hindi na rin siya laiitin ng kahit sino.Iyon din naman ang hiling ng tatay Isko niya noon,ang makapag aral siya kahit papaano at hindi masadlak sa hindi magandang trabaho.

Si aleng soleng na kasi ang tumayong nanay niya sa kanya sa mansion at si amelie naman ang kanyang naging kapatid.Nakakatuwa lang isipin na kahit papaano pala ay hindi lahat ng tao mababa ang tingin sa kanya lalo na estado ng buhay at pagkatao niya.

Habang nasa loob sila ng kanilang kawarto ay nagkukulitan sila ni amelie, maging ang matandang kusinera ay nakikipagkulitan na din naman sa kanya, kaya saglit niya din naman nakalimutan ang kanyang mga hinaing sa buhay.Habang nagkukwentuhan sila ay nakahiga sa kanya kutson si amelie habang ang dalawang paa nito ay nakaangat sa gilid ng pader kung saan nandoon nakalagay ang mga gamit niya.Habang ginagalaw galaw nito ang mga paa ay hindi sinasadyang natabig nito ang kanyang kahon kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit kasama na ang mga ala ala niya sa yumaong tatay tatayan.

Mabilis na nagkalat ang mga gamit niya at ang iba pa nga ay nabasag dahil nga nasa pinakataas siya na parte ng higaan.

"Hala,, sorry!! bulalas ni Amelie at muntik pa itong mahulog sa higaan niya.

"ikaw naman kasi amelie, ang likot likot mo naman!!" saway ni aleng soleng rito at agad namang bumangon..

"Naku thea, sorry talaga huh.. " nahihiyang hinging paumanhin nito.

"okay lang iyan..aniya saka unti unting pinupulot ang mga nagkalat niyang gamit.

"tulungan nalang kita ako naman kasi may kasalanan eh"agad din itong nakipulot sa mga gamit niya.Hawak nito ang silver na kahon na nabasag dahil sa matinding pag bagsak sa semento.

"hala ano ito?" bulalas ni amelie habang hawak hawak ang nabasag na silver na kahon.

" ang galing merin ka palang ganito thea!!ang ganda nito huh!!" hindi niya iyon pinansin noong una, ngunit sadyang makulit ito kaya kinuha niya ang nabasag na kahot.

"akala ko hindi ito nababasag" aniya na nagtataka, "

"kanino ba iyan? ibig ko sabihin sino nagbigay niyan sayo?" curious na tanong nito sa kanya.

"ikaw talaga amelie, nakabasag ka na nga ng gamit nitong si thea, makikiusyuso ka pa!!"malay mo binigay ng boyfriend niya iyan."anang aleng soleng na naiirita sa kakulitan ni amelie.

"wala po akong naging boyfriend manang,"nahihiyang wika niya.

"eh aba!!sa ganda mong iyan!"wika nito na hindi makapaniwala.

" kasama daw po iyan noong natagpuan ako ni tatay Isko sa gubat.. hindi niya nga iyan mabuksan kaya hindi alam ni tatay kung ano ang laman niyan."

"parang kwentas ang laman thea"!!bulalas pa ni amelie habang sinisilip ang parte ng maliit na kahon na nabasag.

"ito oh, tingnan mo!! oh silipin mo kaya!! inilapit pa nito sa kanya ang kahon..

"ikaw talaga amelie!! lahat nalang ano!!"saway ulit ng matanda rito.

"si manang naman eh!!" nagtataka lang kasi ako kung bakit may ganito si thea lalo na diba sabi sa kanya ng tatay isko niya ay kasabay ito noon nung mapulot siya sa gubat, eh malay mo naman aleng soleng diba, uto yung susi para makilala ni thea ang mga magulang niya!" seryusong wika pa nito. Maging siya ay napaisip din sa mga sinabi nito, kaya kinuha niya ang kahon at sinubukang buksan, dahil nga nabasag ito kaya mabilis niyang nabuksan ang kahon at tumambad ang kulay ginto na kwentas na may hugis pusong pendant.Sa gilid ng pendant ay may nakaukit na tatlong titik.

" Hindi niya maintindihan ang tatlong letra kaya binaliwala niya ito at inilagay sa isang maliit na lagayan ang kwentas.

"bakit di mo kaya isuot thea? ang ganda kaya niyan!"muli ay pangungulit ni amelie.

'"pakialamera talaga ang babaeng ito!!saway naman ng matanda sa kaibigan.

"pero bakit mo nga ba itinago iyan thea, eh sa halip na isuot mo?."anang matanda sa kanya ng muli niyang ibinalik sa kanyang mga lagayan ang kwentas ngunit wala na sa kahon.

"eh, si manang bakit nangingialam din'"pag bibiro riti ng dalaga.

" aba't makukurot na kita sa singit amelie!"napipikang wika nito sa kaibigan.

" si manang naman hindi mabiro." peace manang..binibiro lang kita!"" sabay tawa pa nito kasabay ng pagtaas ng dalawang daliri tanda na nagbibiro lamang ito.

"pero thea, tama naman si manang eh, bakit ayaw mo isuot.? malay mo mayayaman pala ang mga magulang mo?!" gaya nang napapanood ko sa telebisyon diba manang?"dagdag pa nito.Ngunit inirapan lamang ito ng matanda.

"puro ka kasi imahinasyon amelie kaya pati tuloy buhay ni thea ginagaya mo sa mga napapanood mo." saway pa nito saka tumayo na at lumabas ng kwarto.

" oi,, halina nga kayo at magsikain na tayo at anong oras na, kaya pati tuloy kalukuhan naiisip niyo na..sumunod na kayo sa kusuna thea at nang makakain na tayo". Aya pa nito sa kanila bago tuluyang lumabas.

" Tapusin na natin ang pagliligpit thea at baka magalit na naman yung matanda." natatawang biro pa nito sa kanya saka binilisan ang pagkilos kaya nagkatawanan na lamang silang magkaibigan.Sa dami kasi nilang mga katulong ay hindi naman lahat nagkakasundo kaya nga sila lamang ni amelie ang naging malapit sa isat isa dahil sadyang magkaedad lamang sila at talagang napakakulit nito.Samantalang ang iba naman kasi na may mga asawa na ay hiwalay naman kasi sa kanila dahil malapit lang naman ang mga bahay ng mga ito kaya hindi na kailangan ng mga ito na manatili sa mansion.Kaya tanging silang tatlo lamang ang nasa mansion,dahil si aleng soleng ay taga samar naman at si amelie naman ay wala na ring kamag anak kagaya niya.Balak na nga ng matanda na umuwi na ng kanilang probinsiya ngunit wala pa itong nahahanap na makakapalit rito dahil nga dito na ito tumanda sa mansiyon at hindi na nag asawa.Kung hindi nga lang niya ito pinakiusapan na manatili na lamang ito sa mansiyon ay matagal na itong umuwi.Ayon kasi sa matanda may kapatid naman siya na pwedi niyang uwian,ngunit mas nanaig ang awa nito sa kanya kaya nananatili pa ito roon.

"Oh, siya amelie at thea, nag long distance sa akin sila senyora claudia, pauwi na sila bukas kaya siguraduhin niyo raw n malinis ang kanilang mga kwarto.Maging si sir Raveen ay pabalik na rin."Pagbabalita ng matanda isang umaga habang nag aalmusal sila.

agad namang napatili si amelie sa balita nito..

" ayyyeeeyyy!! kinikilig nitong bulalas!makikita ko na rin sa wakas ang aking man of my dreams.!!" pumipikit pa ito habang sinasabi iyon.

"ayan, nagsimula na naman ang kalandian!! sita agad ni aleng soleng dito.

"si manang talaga!!"irap ng kaibigan, "kinikilig lang naman ako".nakabusangot nitong sabi.

"oo nga naman manang" kampi niya sa kaibigan.Alam naman kasi niya na nagbibiro lang naman ito.

"Si manang kasi, palibhasa hindi nagka boyfriend, kaya ayan ang sungit!" pang aasar pa nito."

"aba't!!"akmang hahampasin nito ang dalaga..

"tama na po iyan manang baka tumaas na naman ang dugo mo".ikaw din,."agad na niyang sinaway ang mga ito bago pa mapunta sa pikonan ang usapan ng dalawa.

"si manang kasi ang kj"!talagang hindi paawat na rason nito, hindi pa sana ito titigil kung hindi pa niya pinandilatan ng mata.

"maglilinis na lang po kami manang,..para wala nang mangungulit saiyo at baka mapagalitan tayo bukas."Inaya na niya si amelie sa taas kung saan naroon ang mga kwarto ng kanilang amo.

Kung dati may kanya kanya silang kwarto na nililinis, iba na ngayon dahil ayaw na ni amelie na mag isa ito at sabay na silang dalawa na naglilinis kahit saan parte man ng mansion.

natatakot daw kasi ito mag isa, pero ang alam niya talaga ay gusto lang naman nito na kakwentuhan siya.

Nasa loob na sila ng kwarto Ni Raveen at talagang napakakulit nitong si amelie.Hinihimas himas pa nito ang higaan ng binata saka kunyari binabanggit ang pangalan ng binata.Natatawa naman siya habang pinagmamasdan ang kalokohang ginagawa nito kaya hindi niya napansin ang larawan ng binata na nakasabit sa gilid ng mesa nito kung saan siya nagpupunas habang ang mga mata ay nakatingin sa ginagawa nia amelie kaya natabig niya ang larawan nito na nakalagay sa isang babasaging frame.

Bigla siyang napasigaw sa sobrang pagkagulat, kasabay ng matinding takot dahil sa nagawang kasalanan.

"hala thea!! bulalas agad ni amelie ng makita ang nadurog na frame ng amo.

"patay!!"halos pinagpapawisan maging ang singit niya sa sobrang kaba".

"panu na ito,!! aniya na nanginginig at hindi alam ang gagawin.

"naku' kahit ako thea hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, iyan pa naman ang pinagawa ni sir Raveen na frame noong pumunta siya ng france." wika pa nito na animoy maiiyak na.

"katapusan ko na talaga ito amelie, papalayasin na ako dito, papaano na ang plano ko na mag aral uli, saka saan naman na ako pupunta,"!nangingilid na ang mga luha niya habang unti unting pinupulot ang nabas na frame ng amo.Kinuha niya ang larawan nito na naipit ng mga bubog saka dahan dahang inipon ang mga iyon.Ngunit sadya nga yatang pag nasimulan ng malas ay tuloy tuloy na dahil hindi niya napansin ang matulis na bubog at tumusok iyon sa kanyang daliri at halos mangiyak ngiyak siya sa sobrang sakit.

"arrray!!" sigaw niya habang hawak ang nasugatang kamay.

"thea,!! ano ba naman.. di ka naman nag iingat!!"pag aalalang sambit ni amelie na natataranta kung ano ang uunahin.

"manang!!"malakas nitong sigaw dahil sa pag aalala sa kanya.Lumaki siya ng bundok at madami na ring beses siyang nakakita ng dugo at mas malala pa ang mga iyon, kaya hindi siya natatakot sa sariling sugat.Mas natataranta pa nga si amelie keysa sa kanya.

"amelie!! huwag ka na nga sumigaw!wala ito!may naputol yata na kunting bubog sa ilalim ng laman kaya hindi maampat ang pagdurugo.."wika niya habang pinipisil ang nasugatang parte ng kamay at mas lumakas ang pagdurugo nito.Maya maya pa ay nakapasok na ang matandang kusinera at nakita ang nangyari.

maging ito ay nagulat din dahil sa pagkabasag nang frame ni Raveen.

"anong nangyari?"bulalas nito habang nahihingal pa dahil sa pag akyat nito sa hagdan.

"manang, nabasag ko po ang frame ni sir Raveen.!"" humihikbing sumbong niya dahil na rin sa takot.

"Naku thea, sa dami dami ng pweding mabasag ito pa talaga!! " nag aalalang wika pa nito.

"bakit ho manang?" anang amelie sa matanda."iyan diba yung dala ni sir Raveen na frame galing france.?"dugtong pa nito.

"hindi lang yan galing ng france, eh regalo yan sa kanya ng nobya niyang si sophie"!naiiling nitong sabi.

"ho!???sabay halos nilang bulalas ni amelie.

"lagot na naman tayo nito pag nalaman ng impaktang iyon na ikaw ang nakabasag ng frame na niregalo niya kay sir."pag aalalang sambit ni amelie.

"o,,sha sha!! ayusin niyo na iyan." iligpit niyo na ang mga kalat na yan.. at gamutin mo na din iyang sugat mo thea nang maampat na ang pagduro niyan,.At ako na ang bahalang magsabi kay Raveen,."huwag kang mag alala at mabait naman ang batang iyon."pangungunsula sa kanya ni Aleng soleng.

"pero manang, papano kung malaman ni mam sophie lalo na pag andito si sir Raveen, lagi din nakabuntot ang babaeng iyon, isa pa manang papano mo sasabihin eh bukas andito na sila sir?"reklamo ni amelie..

"eh kaya nga diba, ako na ang bahala."naiintindihan mo ba ako.?"hinawakan pa siya ng matanda sa braso para alalayan na palabas."tapusin mo na iyan amelie at gagamutin ko lang ang sugat ni thea."bilin pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ng amo.

"Manang, salamat ho".mahinahong wika niya habang pababa sila ng hagdan.

"thea, parang anak na ang turing ko saiyo, lalo na at nakita ko kung gaano ka kabait na bata, at ayukong may kung anong gawin na naman saiyo ang spoiled brat na nobya ni Raveen.."Masyado kasing mainit ang dugo ng babaeng iyon saiyo kaya malamang palalakihin nito ang isyo, kaya huwag kang mag alala at ako ang bahala."sa sinabi ng matanda sa kanya ay para siyang nakatagpo ng karamay sa mga oras na iyon at higit sa lahat para siyang nagkaroon ng totoong ina na handang gawing panangkalan ang sarili mailigtas lamang ang anak niya.

"