Wala na siyang magandan9g rason kung bakit niya nabasag ang mamahaling gamit nito gayung aminado siyang hindi siya nag ingat.. Tanging iyak na lamang ang naisagot niya dahil sa matinding kahihiyang inabot sa binata.Akala niya iba ito dahil nga parang napaka ayos naman nitong makipag usap sa kanya,kulang na nga lang at isipin niyang may gusto rin ito sa kanya dahil sa pinapakita nitong kabaitan ngunit malaki pala iyong pagkakamali.Wala na siyang anumang mukha ang maipapakita sa mansion at wala na rin rason para manatili pa rin siya doon.
Halos ramdam pa niya ang pangangapal ng mukha dahil sa labis na kahihiyan sa pamilya san viejo. Walang nagawa ang senyora dahil sa labis na galit ng binatang amo,maging ang mga kapatid nito ay hindi ito napigilan sa pamamahiya sa kanya.halos naririnig pa niya ang bosea nito na umaalingaw- ngaw sa loob ng mansion kanina.
"punyeta Dorothea!!!" ganun kaba katanga at kahit nakasabit na sa dingding ay kaya mo pang basagin!!ganda lang ba ang meron ka pero utak wala!!"bulalas nito na animo'y asong ulol na kulang na lang at sakmalin siya.
"sir sorry po talaga.. babayaran ko nalang po iyon."umiiyak na wika niya.
"huh!??babayaran? do you think kaya mong bayaran iyong nabasag mo?!! "sabay tawa nito nG nakakaluko!!
"huwag kang magpaawa sa akin!!bisto ko na ang mga kagaya niyo!!!anong ibabayad mo, sarili mo??!"pang iinsulto nito sabay duro at saka siya pinasadahan ng tingin!! Hiyang hiya siya at gusto niya itong sampalin dahil wala itong karapatan na bastusin ang pagkatao niya.
'"oo sir Raveen!!, tama ka po!!Wala po akong pinag aralan, tatanga tanga ako!! pero hindi ho ako kagaya ng ibang babae gaya ng iniisip mo!! nagkamali man po ako, pero hindi naman po yata brutal iyon para apakan mo na ang pagkatao ko at babuyin!! umiiyak na sagot niya.Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para sagutin ito, pero hindi na niya hahayaan na aapakan ang pagkatao niya ng kahit sino man sa mga ito.
"Raveen!!" narinig niya ang tinig ng senyora mula sa itaas ng hagdan.Hindi niya alam kung matagal na ito roon, pero buo na ang desisyon niya.
"mam, pasensiya na ho kayo, pero sobra pa po sa nabasag na salamin o anumang bagay ang pangmamaliit sa akin dito.kaya mam, babalik po ako kung may pambayad na po ako sa nabasag kung mamahaling frame ni sir!"" pero mam, tao din po ako, at hindi ko po kasalanan kung naging maganda lang po ako at walang utak."" halos mapugto ang hininga niya dahil sa labis na sama ng loob sa mga ito.Maging ang kanina'y nangagalit na binata ay hindi nakaimik.. Wala siyang naririnig kahit sino man sa myembro ng pamilya san viejo na kanina pa pala nagmamasid at walang nagsalita.
Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkaawa sa kanya ngunit hindi na siya patitinag.Kailangan niyang maging matatag para sa sarili at hindi na kaylan man papa api..
"senyora, hindi na ho ninyo kailangang ipagtabuyan ako at kusa na po akong aalis.!!kung may sapat na po akong pera babayaran ko po iyong naging utang ko sir.. ang binata naman ang hinarap niya."at kung tatanungin niyo po ako kung saan ako maghahanap ng pera, sa ngayon di ko pa alam, ngunit kahit kaylan sir hindi ko dudumihan ang pagkatao ko para lang sa sinsabi mong pera!!!"
sa mga sinabi niya ay hindi ito nakaimik,animo'y gulat na gulat ng makita nito kung paano siya lumaban.Lahat ng nasa paligid ay tikom ang mga bibig hanggang sa umalis siya sa harapan ng binata.
"Thea, sigurado ka naba sa gagawin mo?"tanong sa kanya ni amelie ng sundan siya nito sa loob ng kanilang kwarto upang kunin ang kanyang mga gamit.namumugto na ang kanyang mata sa kakaiyak,ngunit bakit hindi niya maintindihan kung bakit parang ganun kahirap iwan ang lugar na iyon.Ngunit kailangan niya na kasing maging matapang at matatag na harapin niya ang mga susunod na hamon sa buhay niya.
""Sigurado na ako Amelie,kailangan kong gawin ito para sa sarili ko."sagot niya habang umiiyak.
"hindi ko nga akalain na gagawin iyon ni sir Raveen sayo.,crush ko pa naman siya, pero sa ginawa niya sayo ay naku hate ko na siya."nalulungkot pa nitong dagdag.
"papaano pala iyan, saan ka pupunta?'
"papaano na ang mga plano mo ngayon?",bakas sa mukha nito ang pag aalala.
maging siya ay saglit ding nag isip,ngunit mas nanaig ang galit niya sa ngayon kaya hindi siya nagpatinag.
"sanay akong mamuhay ng mahirap amelie, kaya kailangan ko ding matuto kung paano lumaban amelie.!:matatag niyang sagot rito saka agad na tinapos ang kaunting gamit na nililigpit niya.Kailangan niyang makaalis sa mansion sa mas madaling panahon.Pupuntahan nalang niya uli ang kaibigan niyang si Simione.
"Hindi mo na ba hihintayin si manang soleng?"
maya maya'y tanong na naman nito.
"hindi na siguro amelie, pakisabi na lang kay manang na maraming salamat sa lahat.." wika niya habang hindi mapigilan ang magpatak ng kanyang mga luha..
"thea, hindi ka naman pinapaalis ni senyora, kahit nga si sir raveen hindi ka naman pinapaalis.. muli ay hirit nito.
"hindi ko na kailangang kaladkarin pa nila ako palabas ng mansion amelie, kahit papaano naman nakakaintindi at may kahihiyan naman ako, oo, nagkamali ako, pero hindi naman ibig sabihin noon na hayaan ko nalang na apakan nila ang pagkatao ko, tama na ang ipahiya ako sa harapan ng mga amo natin, pero yung sarili mo na mismo ay hindi mo na kayang irespito dahil lang sa hinayaan ko ang ibang tao na tanggalan ako ng dignindad." mahabang sagot niya.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga ganung pananalita niya, ngunit ang alam lamang niya ngayon ay ang labis niyang pagkamuhi sa binatang amo, at ang tanging lalakeng bumihag ng puso niya, umasa pa naman siyang maging mas malalim pa sa pagiging katulong o sabihing umaasa siyang mapapansin siya ng binata.Kaya nga siguro ganun kasakit para sa kanya ang mga binitawang salita ni Raveen dahil nga mas umasa siyang mapapansin siya nito.
"aalis na ako amelie maraming salamat sa lahat." iyon ang huli niyang pagkakataon para masilayan ang napakagandang mansion kaya nga minabuti niyang magpaalam sa matandang senyora dahil kahit papaano at mas naging mabuti naman ito sa kanya...
"wala itong nagawa,at maging ito ay nalungkot sa nangyari at humingi ng paumanhin.
Ayun dito, hindi nito hawak ang isip ng bunsong anak kaya mas minabuti na lamang ng senyora na umalis na lamang siya...
Alam nito ang kanyang kalagayan, ngunit mas nanatili pa rin itong mas mataas keysa inaasahan niya.Hindi man ito nagsalita, ngunit batid niyang mas kinakampihan pa rin nito ang bunsong anak, ngunit masyado na nga yatang napakababa ng tingin ng mga ito sa pagkatao niya, at hindi niya hahayaang maging siya ay mawalan ng tiwala at pagmamahal sa sarili niya.
Sa isiping iyon siya nanatiling kumakapit habang binabagtas ang pasilyo palabas ng mansyon, bitbit ang mga alaalang kaylan man ay hindi niya kakalimutan, alaalang nagturo sa kanya kung panu mahalin ang sarili at pahalagahan.Alam niyang wala siyang pupuntahan at wala din siyang babalikan ngunit ang natitirang pagmamahal sa sarili niya ang siyang kakapitan niya ngayon upang mas maging matatag at matapang.
Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak na naman sa kanyang pisngi saka huminga ng malalim.
"Tay, gabayan niyo po ako ngayon, hindi ko po alam kung saan ako pupunta, alam ko po na nakikinig ka at nakikita mo po ako, tulungan niyo po ako."mahihinang salita na namumutawi sa kanyang mga labi habang dahan dahan siyang naupo sa isang tabi.Pagod na ang kanyang mga paa sa kakalakad, may kaunti naman siyang naipo'ng pera ngunit hindi iyon sapat dahil ang totoo ay hindi niya rin alam kung saan siya pupunta.Nakakasakay naman na siya ng mga jeepney tuwing sinasama siya ni aleng loleng sa pamamalengke nito, ngunit tanging iyon lang yun at hindi niya alam ang ibang puntahan sa siyudad.Gusto niyang matawa sa sarili, sa tanda niyang iyon ganun palang ang alam niya!! kaya nga siguro ganun na lamang ang pangmamaliit sa kanya ng ga naging amo dahil ganda nga lang naman talaga ang meron siya.Napaka inosente pa nga naman niya sa maraming mga bagay,.
"Hindi!!maigting niyang sambit."simula ngayon kakayanin ko."! pagpapalakas niya ng kanyang loob saka tumayo at sinukbit ang kanyang maliit na bag na naglalaman ng kanyang mga damit at mga gamit na iniwan ng kanyang tatay isko saka nag abang ng sasakyan na pwedi niyang sakyan papunta sa kung saan.
SA kabilang banda;
Nag aalala si Aleng loleng ng malaman nito ang pag alis ni Dorothea, halos mag iiyak ang matanda dahil sa sama ng loob nito sa binatang amo.Hindi niya lubos akalain na ganun ang gagawin nitong pamamahiya sa dalaga kahit pa sabihin nitong may kasalanan si Dorothea ngunit sobra naman yata ang pang aalipusta nito sa pagkatao ng dalaga.
Naiintindhan niya ang naging sitwasyon ni Dorothea dahil napamahal na siya sa dalaga,sadyang napaka inosente nito sa maraming bagay dahil nga sa kinalakhan nito.
"manang, hanapin natin si Dorothea, baka ano ang mangyari doon."nag aalalang wika ni amelie habang nakasalampak ang matanda sa upuan.
"saan natin hahanapin?"anang matanda.
"baka naman ho nasa labas lang siya ng hacienda, wala naman siyang pupuntahan eh".
"Iyon na nga ang inaalala ko amelie, saan siya pupunta?!hindi niya alam amg pasikot sikot sa lugar na ito.. maraming mga masasamang tao at baka pagtangkaan pa ang buhay ng batang iyon."bakas sa tinig ng matanda ang lubos na pag aalala.
"akala ko pa naman mabait iyang si sir Raveen, iyon pala kasing taas din ng sungay ng girlfriend niya ang sungay niya!".bulalas ni amelie.Hindi na niya inisip pa kung may makakarinig ba sa mga salitang binitawan niya.
"Anong sabi mo!!"?"Mataray na tanong ni sophie ng bigla itong sumulpot sa harapan nila.
"mam,wala po.. sabi ko po iyong baka namin nAPutol ang sungay..!" kagat labing sagot nito.
"iba ang narinig ko!""mataray na sabi nito.
"eh iba naman po pala ang narinig mo mam sophie, iba din naman po ang sinabi ko eh."pamimilosopo ni amelie rito.Naiinis kasi siya sa kamalditahan ng babaeng ito.
"at namimilosopo ka pa ngayon!".halos umusok ang bumbunan nito sa galit sa dalaga.
"mam, sophie talaga naman ho na nagsasabi ng totoo itong si amelie, talagang naputulan ng sungay ang alagang baka nila mam, at nagkamali lang ho yata kayo ng dinig"buti na lamang at kinampihan siya ng matandang mayurdoma at kung hindi kanina pa siya nasabunutan nang war freak na syota ng kanilang amo.Umingos lamang si sophie at saka tumalikod,ngunit bago pa man ito umalis ay hinarap silang dalawa ng matanda.
"ito ang tandaan ninyo huh.. kapag nakarinig pa ako na kinakalaban ninyo ako at pinagtsitsismisan ang pangalan ko di ako mag dadalawang isip na palayasin kayo."!pagkasabi nito ay saka mabilis na umalis.
Naiwan naman silang dalawa ng matanda na naiiling.
"hayyy.. naku sana maghiwalay na kayo ni sir at napaka war freak mo.!!"bulalas ni amelie.
"pssstttttt!!!tumigil ka na nga!! ikaw mapapahamak ka dun sa mga pinagsasabi mo.. kita mo muntik ka na kanina!!" saway ng matanda sa kanya.
"nakakainis lang kasi mang eh";
"eh, sa wala tayong magagawa at mga katulong lamang tayo., oh sya.. bumalik kana sa trabaho mo at ng hindi tayo napapagalitan.. Ipagdasal nalang natin na sana walang masamang mangyari kay Dorothea sa labas.wika nito saka bumalik na sa kusina.