Chereads / Princess Dorothea / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

Samantala;

Habang nakaupo si thea sa may isang bangkito kung saan may isang malaking puno ng kamatsili di kalayuan sa pinangalingang mansion ng mga Monte carlo.Bitbit niya ang kanyang maliit at lumang bag nanf bigla na lamang may lumapit sa kanyang tatlong lalake na mukhang sanggano.

Malapit na noong magdilim at hindi pa rin niya alam kung saan siya pupunta.Si Simione kasi na tanging inaasahan niya ay wala rin sa bahay nito ayon rito ng tumawag siya sa isang payphone.

"Hi miss ganda, mukhang kami yata ang hinihintay mo ah."nakangising bati sa kanya ng isa sa mga lalake. Mukha itong tulisan sa pelikula dahil sa hitsura nitong makapal ang begote at naninilaw ang ipin.Maging ang buhok nito ay animoy walang suklay suklay.

"pasensiya na ho,may hinihintay po kasi ako."nanginginig ang mga tuhod niya sa takot habang pinapanatiling kalmado ang boses.

"ganun ba, wala pa naman yata ang hinihintay mo sa amin ka na muna sumama.." anang isa naman na mukha yatang kagagaling lang sa pakikipag amok dahil putol putol ang ipin nito.Akma namang lalapit ang isa upang hawakan siya sa kamay ngunit mabilis siyang umilag.

"mga kuya may hinihintay po talaga ako.. kinakabahan na siya, ngunit kailangan niyang maging alerto kung lalapit uli ang lalake.Naghahanap siya ng tyempo na matakasan ang mga ito dahil sigurado sya na mapapahamak talaga siya.

pinagmasdan niya ang paligid at madalang ang mga tao na dumaraan sa lugar na iyon.Nag aagaw dilim na rin at baka ano pa ang mangyari sa kanya sa labas.

"Diyos ko tulungan niyo po ako.."usal niya sa sarili..

"Pulissss!!!"" sigaw niya ng makahanap nang tiyempo at mabilis na itinulak ang isa sa tatlong lalake at mabilis na tumakbo bitbit ang kanyang bag.

"hooyyy!!bumalik ka rito..!!animo'y mga hayok na leon na nagpapaligsahan sa paghabol sa kanya ang tatlo.Nginig man ang kanyang mga tuhod ngunit pinilit niyang tumakbo upang makalayo sa mga lalakeng humahabol sa kanya.

"wwooooohhh!!yari ka talaga pag naabutan ka namin!!..mas lalo mo lang kami pinapasabik!!hahhaha!! ako mauuna huh!!.. hahhah!!"" parang mga baliw ang mga ito habang nagsisigaw habang hinahabol siya.

"Diyos ko tulungan mo po ako!!"" tanging sambit niya habang hindi alam kung saan pupunta.Napakalayo na nang natakbo niya at wala yatang balak ang mga ito na tigilan ang pag hahabol sa kanya.Malapit na siyang sumuko, at minuto na lamang at igugupo na siya ng kanyang mga paa.Nawawalan na siya nang pag asa ngunit isang puting sasakyan ang nakaparada sa isang tabi habang nakabukas ang pintuan ng driver backseat nito.Hindi na siya nagdalawang isip pa at agad siyang pumasok roon saka ikinubli ang sarili.Hindi na siya makikita ng mga humahabol sa kanya dahil madilim na ang parteng iyon.Sa sobrang kapaguran ay bigla na lamang siyang nahimatay.

Samantala,

Naiinis si Alexander ng mga oras na iyon at napakalayo pa nang kanyang babyahiin at sakto namang nagluko ang kanyang makina.Kakadeliver lamang nila ng copras at iba pang produkto na nanggagaling sa kanilang farm, nauna na ang truck na ginamit nila kanina sa pagdeliver at nagpahuli siya upang asikasuhin ang transaksiyon at bayaran ng copra.Ngunit sa kasamaang palad ay saka namang pagkasira ng kanyang sasakyan.Di niya alam kung ano ang nangyari kaya minabuti niyang ayusin na lamang ito.Ipinarada niya ang kanyang sasakya sa isang makahoy na bahagi ng lugar na iyon.Mabuti na lamang at kumpleto ang gamit niya kaya hindi siya nahirapan sa pakukumpuni ng kanyang sasakyan.Bagamat mag isa ay nagawa niyang ayusin ang kanyang makina, isa din naman kasi iyon sa mga pinag aralan niya noong panahong nag aaral pa siya.Ayon kasi sa mga magulang niya mas maiging may alam siya sa makina at kung sakaling magkaroon man ng aberya ang kanilang sasakyan sa daan ay hindi na nila kailangang tumawag ng magkukumpuni nito lalo na sa mga alanganing oras.At hjndi nga nagkamali ang kanyang mga magulang at nagamit niya ang ang kaalamang iyon.Si Alexander ay isang farm Interprenuer, kung baga siya ang namamahala ng kanilang mga negosyo lalo na pagdating sa kanilang farm.Hindi lamang kasi niyogan at vegetable farm ang kanyang inaasikaso kundi maging ang iba pa nilang mga farm sa ibat ibang bahagi ng western at northern luzon.Siya din ang namamahala sa pagdadala ng mga ito sa iba't ibang bahagi ng pilipinas at maging sa ibang bansa.Nag iisa kasi siyang anak na lalake ng mga Go,at ang dalawa niyang kapatid na babae ay ayaw naman sa pagsasaka kaya sa kanya naiwan ang kanilang farm.Maliban kasi sa niyog ay mayroon din silang malaking plantasyon ng mangga, at halos kada tatlong buwan lamang niya ito nabibisita dahil nasa bandang pangasinan ito.Minsan nga nakakalimutan na niya kung paano maging buhay binata at sadyang isinubsob na lamang niya ang kanyang sarili sa kanilang negosyo.Kahit nga pakikipagdate ay nakalimutan niya na nga, sabagay hindi pa naman siguro siya malayo sa kalendaryo.. kakatapos niya lang pala lumagpas sa kalendaryo.

Napangiti siya saka ipinagpag ang palad na nadumihan at saka ipinunas sa kanyang tuwalyang dala.Mabilis niya na ring inayos ang kanyang mga gamit saka tumayo at ibinalik ang kanyang gamit sa likod ng sasakyan. Napansin niyang nakaawang ang pintuan ng driver back seat at akma na sana niyang bubuksan upang tingnan kung bakit bukas ito, ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono.

Ang mama niya ang tumatawag.Naisip niyang baka nag aalala na ang ina at magtatanong na naman ito kung anong oras na naman siya makakarating.

"hello ma?"bati niya sa kabilang linya.

"iho, nasaan kana ba? "nag aalalang tanong nito, kaya sa halip na buksan ang pintuan ng saskyan ay itinulak na lamang niya ito pasara saka kinausap ang nag aalalang ina.

ipinaliwanag niya rito na nasiraan siya, gusto pa nga sana ng butihing ginang na ipasundo siya sa driver nito, ngunit sinabi niyang pauwi na siya at maayos na ang sasakyan niya.At upang hindi na mag alala ang ina, ay mas minabuti niyang umuwi na lamang.Hindi niya napansin ang isang taong lulan niya na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Kinabukasan ay maagang nagising si Alexander, bagamat halos madaling araw na siya nakarating sa san- Felipe mula sa maynila,Apat o limang oras ang byahe mula roon papunta sa kanilang bayan.Dagdag pa ang isang oras na traffic sa EDSA kaya halos alas dos ng madaling araw na siya nakarating sa kanila.Nakalimutan na nga niya ang kanyang gamit sa sasakyan at hindi na muna niya kinuha dahil pagod na din naman siya.Bagama't kahit alanganing oras man siya makakapagpahinga o makatulog ay talagang mas sanay ang kanyang mga mata at katawan na gumising ng alas sais ng umaga.Bitbit ang kanyang kape ay marahan siyang lumabas sa kanilang balkonahe upang doon ituloy ang pag inom ng kape.Tulog pa din ang kanyang ina dahil halos naghintay ito sa kanya magdamag.Matapos ang kanyang pag inom ng kape ay bumaba siya upang puntahan ang kanyang sasakyan.Naalala niyang may naiwan siyang pera na bayad sa deliver nila kahapon.Hindi niya ipinasok sa bangko ang kalahati dahil magbibigay siya ng sahod sa mga tauhan nila na halos nakapalibot lamang na nakatira sa kanilang sakahan.

"Magandang umaga ho sir," Binati siya ng kanilang mayordomang si aleng Luz,matagal na din naman ito sa kanila kaya pinagkakatiwalaan nila ang matanda.

"Gudmorning manang", bati niya rito."Ah, manang may jacket pala ako sa sasakyan na naiwan kagabi, nandoon ang pera nakasobre, pakikuha naman please."marahang utos niya rito.Iniutos na lamang niya sa matanda ang bagay na iyon dahil maliligo siya ng maaga at hindi siya nakapaglinis ng katawan nang nagdaang gabi.Agad namang tumalima ang matanda at inabot ang susi ng sasakyan mula sa kanya.

Tatalikod na siya upang muling pumasok sa kanyang kwarto nang biglang sumigaw ang matanda.Kaya mabilis siyang lumabas upang alamin ang nangyari.

"Jusko sir!!""nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ng makalapit siya.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin manang".kunot noong tanong niya rito dahil sa di maipaliwanag nitong reaksyon.

"Ssirr"..halos magkandautal nitong wika,"alam kong hindi ka pa nag aasawa kasi masyado ka lang busy pero sir, hindi ko lubos akalain na magagawa mo ito!!.. pwedi ka namang magbayad eh.. wag ka lang papatay.."natatarantang wika nito na mas ikinakunot ng kanyang noo.

"ano ba manang.."ano bang pinagsasabi mo?" di nakatiis niyang tanong saka mabilis na lumapit ng sasakyan."

"Sir, yung babae, bakit mo ginawa sa kanya yan!!""

naguguluhang bulalas ng matanda.Kaya mas lumapit siya sa sasakyan at mas nilakihan pa ang pagbukas ng pintuan at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat kung anong ibig sabihin ng matanda.

"my God!!""who is she!"" bulalas niya ng makita ang isang babae na nakahiga nang pabaluktot sa loob ng kanyang sasakyan.Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatabunan ang mukha nito ng mahaba nitong buhok.

"Iyon nga ang tanong ko sir eh,!!::dugtong pa ng matanda.."bakit mo ito ginawa sir.."?muli'y ulit nito.

"manang, mali ang iniisip mo!! I dont know nga kung bakit nandiyan yang babae na yan.. Hindi ko kilala yan!!"" naguguluhan niyang sagot na animo'y iniimbistiga ng sampung pulis!!

kinabahan siya, Naisip niya ang pera sa jacket niya at malaking halaga din iyon.Ngunit hindi niya mahila ang jacket dahil nadaganan ito nang naturang babae.

"eh, bakit nandito ito sir? papaano ito nakapasok nang sasakyan mo?"

"kahit ano manang hindi ko alam."Totoo iyon, dahil kahit anong isip niya ay wala siyang maalala na may pinasakay siyang babae kagabi.

"patay na ba iyan sir?"magkadikit ang mga palad nito na animo'y natatakot.

"I dont know:".

"Malalaman natin yan manang."pagkasabi noon ay mabilis niyang hinatak ang kanyang jacket upang malaman kung buhay pa ba ang naturang babae.

"Dugo sir!!.. bulalas ni aleng luz.

Ngunit nadismaya siya ng malamang hindi dugo ang nasa jacket niya.

"laway manang."nadidiri niyang sagot rito saka akmang bibiruin ang matanda na iapapaamoy ang naturang jacket niya.

Natigil lamang silang dalawa ng gumalaw ang babae.

Hindi parin niya makita ang mukha nito dahil hawak nito ang ulo na animo'y nahihilo,kaya maging mukha ay hindi niya nakikita dahil nakalugay ang napakahabang buhok nito.

Nakasubsob ito sa upuan at may hawak hawak itong lumang bag.Hindi gumagalaw ang babae at animo'y hindi nito nararamdaman ang kanilang prisensya at nanatili lamang itong tulog.

Ngunit dahil sa pag iingay ng katulong dulot na rin ng pagkataranta nito ay saka lamang ito gumalaw at biglang napabangon ng maramdaman sila.Gayun pa man nanatiling nakatakip sa mukha nito ang magulong buhok kaya hindi niya ito mamukhaan.