Masayang dumating sa mansiyon ang mag anak habang abala naman ang lahat para sa pag hahanda ng pagkain ng mga bagong dating.Hindi lamang kasi ang mag asawa at binatang san viejo ang dumating kundi maging ang dalawang kapatid nito kasama ang kani kanilang pamilya.Maligaya ang lahat at kinumusta ng nakakatandang kapatid ni Raveen si aleng soleng.Nagbiro pa ang bagong dating rito.
"parang hindi ka tumatanda yaya soleng ah!""natatawang biro dito ni reymond ang panganay ng mga san viejo.
"ikaw talaga reymond, hanggang ngayon ay bolero ka pa din."natatawang ganti ng matanda na ikinatawa ng lahat.Napabaling sa kanya ang tingin ng lalake, saglit siyang tinitigan nito sabay nagsalita.
"oh, may bisita pala kayo?!" pansin nito sa kanya. bigla siyang nahiya dahil napagkamalan siyang bisita sa halip na katulong ng mga ito.
Hindi kasi ganun kaistrikta ang senyora kaya hindi sila inuobligang mag suot ng unipormeng pangkatulong.kimi siyang ngumiti sa mga ito ng sabay pang naglingunan sa kanya ang bagong dating.
"naku sir hindi po ako bisita rito, wika pa niya na kulang na lang ay matunaw siya sa hiya,.
"katulong niyo din po ako.."pag amin niya.
"oh really??"'singit naman ng isa pang lalake na kakababa lamang ng sasakyan. malamang ito ang pangalawang anak ng mag asawang san viejo, dahil nakikita naman na niya ito sa nga larawan sa family room ng mga san viejo.
"diko alam na may bago pala tayong napakagandang katulong.. "napapangiting wika pa nito na sinundan pa ng malagkit na tingin sa kanya.
"bibig mo kuya rex at baka marinig ka ni ate sabrina.!"" saway ni raveen dito dahil napansin siguro nito ang malagkit na tingin nito sa kanya.
"ano ba, magsipasok na nga kayo at lalamig ang pagkain..:"kukulitin pa sana siya ng mga ito kung hindi lang tumawag ang senyora.
narinig pa niya ang sabi ni rex habang papasok sa loob ng mansion.
"ang ganda huh!"akala ko hindi katulong!!sayang bro!! sinabayan pa nito ng malakas na tawa..
pakiramdam niya ay nanliliit siya dahil sa narinig!! ganun ba dapat ang basihan ngayon, kailangan pag maganda ba o anong hitsura mo, mayroong nababagay lang ba dapat na trabaho saiyo?.huninga siya ng malalim habang inaalo ang kanyang sarili.Kinakabahan pa nga siya sa pweding gawin ng binata sa kanya kung malaman nito ang pagkabasag niya ng mamahaling photo frame nito.Baka paalisin na siya nito sa mansiyon..
Namamaga pa nga ang kamay niyang natusok at nasugatan ng bubog kahapon kaya lang mas kailangan niyang tumulong,sa mga kasamahan para wala naman masabi ang mga ito.Tutal binalot naman niya ng maliit na tela ang kanyang palad kaya hindi iyon masyadong magagalaw.Napansin niya ang pa sulyap sulyap na tingin ng binatang amo sa kanya habang kumakain na ang mga ito pero binabaliwala niya iyon at ginawang abala ang sarili, at baka makalimutan niyang amo ito at mahumaling na naman siya sa kagwapuhan ng binata pasalamat nga siya at hindi pa dumarating ang nobya nito kaya wala pang mga mata na nanggagalit ang tingin sa kanya.
"Excuse me thea, pahingi kami ng tubig here!" senenyasan pa siya ng senyora kung saan niya ilalagay ang water pitcher.Kinabahan siya ng makita ang direksyon na tinuturo nito,Bigla siyang kinabahan ng makita ang binata. Saka naman ito tumingin sa kanya kaya di sinasadyang nagkasalubong ang kanilang mga mata.Pakiramdam niya ay may mga dagang naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib.Nakita pa niyang binaba nito ang tingin sa hawak niya kasabay ang pangungunot ng noo nito."excuse me po sir"marahan itong umusog para bigyan siya ng daan para mailagay ang pitcher sa gitna ng dining.
"thank you..wika pa nito na sa mga kamay niya nakatingin. Maging ang mga kapatid nito at mga asawa ay nakatingin din sa kanya na animoy binabasa ang pagkatao niya, sanay na siya sa ganung sitwasyon na mas napapagkamalan siyang ibang lahi keysa sa isang simpleng katulong.Kahit nga kasi anong isuot niya ay nanatili pa din ang kanyang ganda,naalala nga niya noon na sabi ng kapitbahay nila na baka naanakan ng isang banyaga ang kanyang ina at sa galit nito tinapon siya dahil hindi nito matanggap na maanakan.
"kung wala na po kayong iuutos senyora, babalik na po muna ako sa kusina. Kiming paalam niya sa mga ito at mabilis na iniwan ang dining area habang nagkakasayahan ang buong pamilya ng mga san viejo, hindi lang naman kasi dahil sa nahihiya sa sa mga tingin ng mga lalakeng Mo,kundi naiinggit siya sa buong pamilya ng mga ito,. natanong niya tuloy sa kanyang sarili kung may magulang lang sana siya ganun din kaya siya kasaya sa mga ito.
Tapos na ang mga amo nila sa halos isang oras din na kwentuhan habang kumakain at kanya kanya na ang mga itong nagsipasok sa kani kanilang kwarto para na din magpahinga dahil pagod din ang mga ito sa mahabang byahe.
Dahil wala naman na silang ginagawa at ang ibang kasamahan nay nasa kabilang panig ng mansion kung saan may kubo doon at naglalaro ang mga ito ng pusoy kaya naisipan niyang pumunta sa tinatambayan niya para magmuni muni.Pakiramdam niya kasi pag nandoon siya sa likod na bahagi ng mansion at tanaw niya ang luntiang paligid ay gumagaan ang pakiramdam niya.Nakakalimutan niya ang mga pinagdaanan sa buhay at pakiramdam niya'y wala siyang anumang isipin at siya lamang ang nag iisang tao sa mundo.
Muli siyang sumandal sa pader at saka ninamnam ang malamig na simoy ng hangin habang nakapikit.Ngunit bigla siyang dumilat ng biglang lumabas sa kanyang imahinasyon ang imahe ni Raveen..
"hala!! okay ka lang Dorothea!! umayos ka nga!! hindi pwedi!!"pagalit niyang saway sa sarili.
"anong hindi pwedi?.bigla siyang napabalikwas sa kanyang sinasandalan sa sobrang gulat nang may nagsalita mula sa kanyang likuran.
kaya hindi niya nabalanse ang sarili at naitukod ang kamay niyang may sugat at namamagA pa.
"aughh!!arayyy!! tili niya ng bumagsak siya sa lupa.. pakiramdam niya'y maiihi siya sa sobrang sakit, ngunit agad namang naiibsan iyon ng bigla siyang daluhan ng binata..
'are you okay!"nag aalalang tanong nito habang hawak siya nito sa beywang.hindi nga siguro nito napansin na yakap na siya nito.
kahit masakit at nahihirapan siyang igalaw ang naipit na kamay ay pinilit niyang kumawala rito.
"okay na po ako sir.; aniyang tinitiis ang sakit.
"im so sorry.. nagulat yata kita!!" hinging paumanhin nito ngunit di parin siya binibitawan.
kung may makakakita sa kanilang dalawa iisiping nag hahalikan sila sa ganung sitwasyon.nakaharap kasi ito sa kanya habang nakaluhod At hawak siya sa balakang, at siya naman ay nakaupong patagilid at nakabalanse ang kanang kamay.Gusto niya sanang kiligin dahil sa nangyari, subalit agad naman siyang natauhan ng maalalang amo niya ang nakayakap sa kanya.titig na titig ito sa kanya na animoy hinihintay lang nito na magpaubaya siya. bago sa kanya ang pakiramdam na iyon, kaya pakiramdam niya'y pinagpapawisan siya ng malagkit at gusto niyang pumikit at namnamin ang init ng hininga ng binata, ngunit nagsalita ito.
"are you okay thea? nanumbalik ang kanyang kaluluwa at biglang napahiya rito.
"pasensya na po kayo sir".nahihiyang wika niya nang makabawi.
"ako nga dapat ang mag sorry sayo, at nagulat yata kita." nakangiting sagot nito at saka hinawakan ang kanyang kamay.Gusto niya sanang bawiin ang kamay niyang hawak nito ngunit pinigilan nito iyon.
"stay your hand." saway pa nito sa kanya na animoy bata ang kinakausap.
" oh shit!!what happened to your hand?" bulalas nito nang makita ang hitsura ng kamay niya.Masakit iyon at mas lalong namaga at nagdurugo dahil sa pagkakatukod niya rito.
Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin niya.Natatakot siya na baka ang pag aalala nito ngayon ay mapalitan ng galit dahil sa pagkabasag ng frame nito kahapon,At iyon ang ayaw niyang mangyari, ngunit ayaw niyang magsinungaling dito.Dahan dahan nitong tinanggal ang binda na nilagay ni manang soleng kanina sa kamay niya.
"napaano ang kamay mo thea?"muling tanong nito na sa pagkakataon na iyon ay tagalog na dahil sa pag aakala nitong hindi niya naintindihan ang unang tanong nito.
Naiintindihan niya iyon, ngunit natatakot lang siyang mag sabi dito ng totoo.
"ano po kasi sir.. nagkakandautal niyang sagot.. ano po kasi.. hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin dahil sa takot rito.
buti nalang at tumonog ang telepono nito kaya hindi na siya nito kinulit pa.
"hello,? sagot nito sa telepono."yes hon.. alam na niya kung sino ang tumatawag rito at sigurado siyang si sophie iyon..""yeah..yeah.. im here lang naman sa likod nang mansion.. just wait there okay..saka nito pinatay ang telepono at ibinulsa bago siya hinarap nito.
:"oh ano thea, okay ka lang huh?,, kailangan ko na kasi bumalik sa loob ng mansion at nandiyan si sophie tukoy nito sa nobya.
dagling napawi ang kaninang saya niya at napalitan iyon ng lungkot ngunit wala siyang karapatan na makaramdam ng ganun at hindi siya magugustuhan nito.Kanina ang paglapit at pag alalang nakita niya sa mga mata nito ay dahil tauhan siya ng mga ito at wala ng iba pa.
"okay na po ako sir.. ngumiti pa siya habang ginagalaw ang kamay niya.
"are you sure huh!! " paniniguro pa nito sa kanya.
"sige na po sir, puntahan niyo na po si mam, at baka namimiss na po kayo noon."pagbibiro pa niya rito para ipakita na okay na siya.kung tutuusin nga mas mabilis nawala ang sakit sa kamay niya keysa sakit sa dibdib niya at iyon ang hindi niya maintindihan.Parang ayaw pa nga yata nitong iwan siya, kaya lang muling tumunog ang telepono nito.. Kaya di na ito nagdalawang isip na iwan siya roon.nakita pa nga niya mula sa malayo ang pagkaway ng nobya nito.
"atat masyado."" bulong niya na ikinagulat niya din naman.bakit ganun ang nararamdaman niya.. bakit siya nagagalit sa nobya ng amo niya gayung ito ang minamahal na binata.
Nanatili lamang siya doon ng mga ilang oras, hindi na muna siya bumalik sa loob ng mansion at baka makita siya ni sophie at baka bigla na naman mag init ang dugo nito sa kanya.
pasalamat din naman siya kanina kahit papaano dahil nasave siya sa pagdating nito dahil kung hindi ay nalaman na nang binata ang kasalanan niya. Ngunit alam niyang hindi magtatagal ay malalaman din nito na wala na sa dingding ng kwarto nito ang mamahalin nito photo frame.At mas malala pa nga siguro ang mangyayari kung ang nobya nito ang makadiskubre at baka matindi pa sa mura ang abutin niya lalo pa at ito ang nagregalo sa binata.
Ilang araw din ang lumipas at kahit papaano ay hindi pa naman nahahalata ni Raveen ang pagkawala ng frame sa kanyang dingding dahil narin naman sa palagi siyang busy.
Lalo na ngayong mga nagdaang mga araw at hindi siya mapakali sa mga bumabagabag sa kanya lalo na pag naaalala niya ang nangyari kay thea noong nakaraang araw.Hindi niya sinasadyang gulatin ito, natanaw niya kasing papunta ito sa likod nang mansion kung saan mula sa kanyang kwarto ay tanaw ang bahaging iyon.Kaya hindi niya alam kung bakit naiisipan niyang sundan ang dalaga dahil nakita niyang animoy may dinaramdam ito dahil na rin sa nakita niyang binda sa kanang kamay nito Napansin niya iyon habang naglalagay ito ng tubig sa hapag nila, iyon nga lang at hindi niya ito makausap dahil sadyang umiiwas ito at halos nandoon lahat ang kanyang mga kapatid.Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya sa kuya rex niya ng tingnan nito ang dalaga ng may pagnanasa.
kaya nang sinundan niya ang dalaga at nagulat ito sa pagdating niya at mas lalong di niya napigilan ang sarili na muntik na sana itong halikan,. Nakita niya kasi ang lungkot sa mga mata nito, at hindi lang iyon ang mga labi nitong animo'y nang aakit sa kahit sino mang lalake na makakita nito.Natauhan lang siya nang tumawag si sophie sa kanya., ngunit sa halip na maging masaya sa pagdating ng nobya niya ay mas nakaramdam pa siya ng pagkainis rito.Hindi niya rin maintindihan kung bakit noong nagsisiping sila ni sophie ay mukha ni thea ang nakikita niya.
"oh!!shit!!natampal niya ang sarili ng maanalisa ang nagyayari sa kanya.
"do I love her?"di makapaniwalang tanong ng isip niya.
"maybe not..anang isang bahagi ng utak niya..
"yes, she is beautiful pero gaya ng ibang mga babae na hindi namin ka lebel ay pera lang ang habol.. at isa pa baka taktika lang nito iyon na magmukhang kaawa awa para mgkaroon ng simpatya niya.Madami kasi siyang kakilala na naluko din ng mga babaeng kagaya ni thea.
"pero napaka inosente niya"anang kabilang utak niya na agad naman niyang sinang ayunan dahil iyon naman talaga ang nakikita niya.Sumandal siya sa unan at nakatanaw sa isang bahagi ng kwarto niya.Nagtaka at nangunot ang noo niya ng may mapansing kakaiba sa bahagi ng dingding na mas malapit sa night table niya.Inaanalisa niya kung ano nga ba ang kulang at nawawala roon.At ganun na lamang ang pagkadismaya niya ng mapansing wala doon ang pinakamahal niyang photo frame na talagang pinasadya pa niya sa france. At hindi lang kasi iyon basta bastang photo frame, isa kasi iyon sa mga mamahaling frame na naiuwi niya from abroad.
mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto at pinatawag sa ibang katulong ang kung sino mang naglilinis ng kwarto niya,hindi na nga niya napansin na nakaboxer shorts lang pala siya at walang pang ilalim na suot.
Kinakabahang nagtatakbo si amelie upang puntahan si thea na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa likod ng mansion.
"Thea!!jusko thea!!""hingal na hingal ito habang hindi magkaugaga sa pagsasalita.
"bakit na naman ba amelie,? kung mang iistorbo ka na naman ngayon, pwedi ba mamaya nalang at kailangan ko na itong tapusin at may iniuutos pa si manang soleng sa akin."agad niyang sita dito at hindi tumitingin dito dahil nakapukos ang mga mata niya sa ginagawa.
"hindi ito pangungulit saiyo nuh!!nakabusangot nitong sagot."si sir Raveen pinapatawag ang kung sino mang naglilinis ng kwarto niya!! Naku thea nalaman na yata ni sir na wala na doon ang frame na nabasag mo""!!sa sinabi nito ay agad kumabog ng malakas ang dibdib niya at mabilis na binitawan ang hose na hawak niya.
"jusko amelie!!tanging naisambit niya!! anong gagawin ko.. aniyang natataranta na din.
"puntahan mo na iyon at baka magwala pa si sir."taboy pa nito.
"samahan mo ako amelie..aniyang natatakot humarap sa amo.Ngunit maging ito ay kinakabahan dinsa maaaring gawin sa kanya.
Dahan dahan siyang lumapit sa binatang amo na halos nandidilim ang mukha dahil sa matinding galit dahil isa man kasi sa mga kasamahan niya ay walang makakapgsabi sa nangyari"si siir!!"hindi niya alam kung papaano batiin ang amo dahil sa nakikitang galit sa mukha nito.
"yes thea?!buo at mataas ang boses nito ng harapin siya,malayo sa lalakeng nakasama niya ng sandali noong nakaraang araw.
"ikaw ba ang naglilinis ng kwarto ko?!"walang kagatol gatol na tanong nito sa kanya .
"ooopoo sir.. magkandautal niyang sagot.
"may ginalaw kaba sa kwarto ko thea?! muli ay tanong nito.
"sir.. ano po kasi eh.". sagot niya sa nanginging na boses.
!""ano??!! pakiramdam niya ay kulang na lang na tirisin siya nito sa sobrang pagkadismaya.
"sorry po sir!! nangingilid ang mga luhang panimula niya.
"shit!!dont cry thea!!" iritableng saway nito sa kanya."just tell me directly!!"kung ano ang nagyari at nawawala ang mamahalin kung photo frame.."
"sir, sorry po.. diko po kasi sinasadyang mabasag noong naglinis ako ng kwarto mo."tuluyan nang gumaralgal ang boses niya sa sobrang takot at pagkapahiya."
"at bakit hindi mo sinabi?!""mas lalong nag abot ang kilay nito dahil sa sobrang pagkakunot at galit sa kanya..
"sir, sasabihin ko naman po sir, kaya lang po kasi di na po ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sayo."paliwanag niya.
"do you know kung magkano iyon huh??"" nandidilat ang mga matang tanong nito.
Tanging iling lang din ang naisagot niya dahil wala naman siyang idiya kung gaano kamahal ang frame na iyon.Dahil nga kahit sariling celphone ay wala siya.Aminado siyang hindi siya nakapag aral pero hindi siya ganun kabobo para lang tanungin siya kung alam niya kung magkano iyon dahil wala naman talaga siyang ideya sa presyo ng mga ganit ng mga ito.
"