Ilang oras din ang makalipas ngunit halos hindi parin matigil sa pag iyak si Dorothea.awang awa siya sa knayang sarili dahil sa pang aalipusta ng nobya ni Raveen.kanina pa din siya pinapatahan ng kaibigan niyang si amelie,Napakasakit lang talaga isipin na pag mahirap at walang pinag aralan, ay ikaw ang sisihin sa kasalanang hindi mo naman ginawa.
Maya maya pa ay humihingalnna lumapit sa kanila ang kasamahang si Delia.
'thea!!""thea!!"" halos magkandautal utal ito sa paglapit sa kanya.
"Bakit anf OA mo naman Delia!! anang amelie nang hindi siya umimik.
"Si mam sophie, umalis na!! pagbabalita nito..
"eh di mas maganda at wala na ang impakta na yun"!!bulalas naman ang kaibigang si amelie.
Pero sa nabalitaan ay mas lalo lamang nadagdagan ang takot niya na baka pag initan siya ng among si Raveen dahil nga sa paglayas ng kasintahan nito.
"Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang galit ni mam sophie sa akin, gayung wala naman akong ginagawa!!mahinahon niyang wika sa dalawa.
"hay ,naku nagtaka kapa eh insecure kasi siya sayo dahil mas maganda ka sa kanya.. ""agad namang sagot ni Delia na inayunan ni amelie
kahit ano pa ang sabihin ng mga ito ay hindi parin siya mapakali sa isiping baka ipatanggal siya ng sir Raveen niya dahil sa nangyari.
kinabukasan ay wala pa namang balita galing sa mga amo niya kung tatanggalin na ba siya sa trabaho niya.Pero bago pa man mangyari ang mga iyon ay pinag igihan muna niya ang kanyang trabaho. ayaw niya kasing mawalan siya ng trabaho at muling bumalik sa gilid ng tulay.Nagsipag siya at halos pinakamaliit na dumi ay nililinis niya.Iniiwasan niya ring makasalubong si Raveen dahil natatakot siyang masisi nito sa nangyari at pag alis ng nobya nito kahapon dahil sa kanya.Pagkatapos niyang magawa ang lahat ng trabaho niya ay minabuti niyang pumunta sa pinakagilid ng mansion kung saan alam niyang walang pumupunta roon.Iyon ang lagi niyang tinatambayan tuwing wala silang ginagawa.Napakatahimik kasi ng parte na iyon at pakiramdam niya ay pag aari niya ang lugar na yon.Nakakapag isip din siya doon o di kaya minsan ay nagbabasa siya ng mga dictionary o di kaya'y mga kung ano anong libro,Lalo na at gusto niya ring matuto kahit papaano.Habang nakasandal siya sa pader at nakatanaw sa malayo at inaalala ang lugar na pinanggalingan niya,may kung anong kirot ang pumpukaw sa puso niya"".Ano kaya ang naging buhay ko doon kung nanatili lang kami ni tatay sa sutukil."tanong niya sa sarili na agad din naman niyang sinagot.Malamang tahimik at hindi kagaya sa nangyayari sa kanya ngayon.. Inaapakan ang pagkatao niya,huminga siya ng napakalalim upang aluin ang kanyang sarili.Sa mga nag daang araw ay iyon ang mga natutunan niya sa sarili,..Ang kausapin ang sarili pag may iniisip siya habang nakapikit.Kaya nga hindi niya namalayan ang paglapit ng binatang amo sa kanya.
"Thea,what are you doing here?!!"muntik na siyang mahulog nang magulat siya ng biglang may magsalita sa likuran niya.,buti na lamang at napasandal siya sa kabilang pader kaya hindi siya natuluyang mahulog., ,nasa pinakasulok pa naman siya ng mansion kung saan wala na ngang makakapansin sa kanya roon kaya nagtataka siya kung bakit naroon ang binata.
"Naku sir pasensiya na po..may iniisip lang po kasi!""kandautal na hinging paumanhin niya rito,.Tanungin niya sana ito kung bakit din ito naroon... NgunTheait nagflashback sa utak niya ang maaring isasagot nito sa kanya.
"Ofcourse!!this is our home..!!anang tinig nito sa utak nia..
"are you okay?? kunot noong tanong nito sa kanya ng hindi siya sumagot at bagkus ay nakatingin lamang siya rito.
"are you okay??" ulit nito ng hindi parin siya sumagot.
"uhm..opo sir.. pasensiya na po.." at saka siya mabilis na humakbang ngunit tinawag siya nito.
"Wait, Dorothea?.. I mean TheA....thea.. yeah
kandautal nitong wika na animoy pinaglalaruan lng nito ang pangalan niya."Thea, nalang po sir.. masyado po kasing mahaba ang pangalan ko pag buo po sasambitin.Nakangiting wika niya.Tatalikod na sana uli siya ng muli itong magsalita..
"You know this part of mansion is my santuary...Kumunot ang noo niya ng mabanggit nito ang "santuary". pero may hindi siya naintindihan sa sinabi nito.
"Ano po yung santuary sir?" nahihiyang tanong niya rito.Pero sa halip na pagtawanan siya nito ay hinarap siya ng binata at seryuso na itong nagsalita.
"Santuary.. it means lugar na lagi kung binabalikan.Tamabayan.." Nakangiting paliwanag nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang tibok ng puso niya ng ngumiti ito.
"Salamat po sir.. pasensiya na po kayo, hindi ko kasi naintindihan ang ibig sabihin at ang madaming english."Nahihiyang pag amin niya rito.
"I understand kaya huwag kang mahihiyang magtanong sa akin..
Thank you po sir"naiilng niyang pasalamat rito.Ihahakbang na sana niya ang mga paa ng bigla ito uling magsalita.
"uhm,thea,about what happened, humihingi ako ng paumanhin sa naging asal sayo ng nobya ko..'Id never expect na magiging ganun siya ka bayolente..'Nakatungo ito na animoy nahihiya sa ginawa ng nobya nito.
"okay lang po yung sir, naging tanga tanga naman po ako eh...
"hey!! dont say that.. masyado ka lang naging mabait ..wika pa nito na lalong ikinatuwa ng puso niya.Kung pwedi nga lng magtatalon dahil sa sobrang saya na sabihan siyang sadyang mabait lang.
"iiwas nalang po ako sir.. para hindi n po magalit si mam sophie saakin."
Alam mo Thea, napakaswerte ng magulang mo at napakabait nang anak nila."
"wala na po akong magulang sir., agad niyang sagot dito dahil iyon nga naman ang totoo.
"I am sorry..nakita niya ang biglang lungkot sa mg mata nito.
"pero mga kumopkop lang po sila sakin, pero kahit ganun po hindi ko po naramdaman na hindi nila ako totoong anak..kaya hindi ko na po siguro kailangan hanapin ang totoong magulang ko dahil kung tutuusin iniwan lang naman nila ako sa gubat at pinabayaan."nagulat siya sa kanyang sarili kung bakit ganun ang mga namutawi sa kanyang labi pero iyon naman talaga ang totoo, dahil kung mahal siya ng totoong mga magulang ay hindi siya ng mga ito pababayaan sa gubat na iyon."ngunit salamat kay tatay isko at hindi niya ako pinabayaan..mahal na mahal koopo yun..,"pagmamalaki niya sa binatang amo.Ngumiti lamang ito habang pinakikinggan ang kanyang mga kwento.Nakalimutan niya nga na amo niya at binata at katulong lamang siya nito.
Matapos siya magkwento ay ito naman ang nagsalita.
"anyway this part of this mansion is my santuary"ngumiti ito ,I mean tambayan namin."bigla itong tumigil na ikinakunot ng noo niya...Parang gusto niyang masaktan dahil sa isiping baka si mam sophie na nobya nito ang tinutukoy nito ng sabihin nitong namin.Napansin siguro nito ang naging reaksyon niya kaya nagpatuloy ito sa pagkukuwento.
"Mahabang panahon na ang lumipas ng maging tambayan namin ito ng kababata ko. ito yung lagi naming puntahan ng baby kung kababata dati.. siguro mga 3 years old lang ako noon at ito yung paborito naming puntahan dalawa tuwing may dinner party dito sa mansion at kasama siya."ngumiti ito saka nagpatuloy.
"pareho kasi kaming mahilig sa mga magagandang tanawin although karga karga ko siya dahil hindi pa naman siya nakakapaglakad that time.Gusto niyang matawa dito, kahit pala sing tagal na nang ilang dekadang pagkakatayo ng mansion na iyon pero iniisip parin nito ang sinasabi nitong kababata.
"saan na po siya ngayon sir?" pasimpleng tanong niya dahil masyado naman yatang naging madrama ang binata at hindi siya sanay roon.
"well, unfortunately, wala na siya... nasama siya sa aksedente kasama ang mother niya."malungkot nitong sagot.
Maging siya ay nalungkot din dahil sa kaalamang patay na pala ang kababata nito.
Gusto pa nga sana niyang magsalita ngunit biglang tumunog ang celphone nito kaya iniwan siya nito agad na walang pasabi at narinig pa niyang hon ang sinabi nito kaya sigurado siyang ang nobya nito iyon ang tumawag.
Gusto nga niyang batukan ang sarili, masyado naman yata siyang naging excited na iba na ang ibig sabihin ng pakikipagkwentuhan ng binatang amo,naiinis na nga lang siya sa sarili dahil saglit niyang nakalimutang katulong pala siya ng mga san viejo at hindi kung ano pa man.
Ilang oras lang simula ng tumawag ang nobya ni Raveen ay dumating ito.Napakaseksi nito sa suot nitong terno na sleeveless na halos kita na ang pusod nito at pants na bakat na bakat ang malalaking hita nito.Hindi siya ang nakasalubong nito sa sala dahil agad siyang nagtago sa kabilang parte ng mansion upang iwasan nalang ang babae. Bagamat alam niyang wala siyang kasalanan ngunit mas minabuti niyang uniwas nalang at baka magkagulo naman sila.Ngunit talagang nanadya yata ang panahon dahil naririnig na naman niya ang boses ni amelie na tinatawag siya.
"thea!!!thea!!tawag nito sa pangalan niya.
"andito ako,,mahinang tugon niya sa pagbabakasakaling hindi marinig at makita.
""Naku thea, hinahanap ka ng bruha!! " bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"bakit na naman ba? may nagawa ba akong kasalanan.? kinkabahang tanong niya rito.
"Iwan ko, pero ikaw kasi hinahanap!! iwan ko nga eh kung anong nakain noon at parang ang bait yata.."" nakabusangot pa nitong dagdag.."oh siya puntahan mo na doon at baka magmukhang lion na naman iyon"
"kinakabahan ako mie"
"hay naku wag kang kabahan sasamahan naman kita eh, saka siya nga dapat matakot diba, wala k naman ginagawa eh."sa mga sinabi nito ay napilitan na siyang tumayo upang puntahan ang nobya ng amo.
"Hi thea!!"agad na bati ni Sophie sa kanya ng makalapit siya rito..Nakita niya ang binata na nasa tabing upuan lamang at parang nakikinig lang sa kung anong pag uusapan nila ng nobya nito .
"mam, tawag niyo daw po ako!! alangang tanong niya rito.
"yes, thea I want to say sorry about whAt I did to you last time."masyado lang kasi akong naging OA, I mean madami kasi akong iniisip.. kaya sorry talaga huh."malambing pa nitong wika sa kanya na ikinagulat niya, at maging si amelie ay siniko siya.
"oh ayan thea huh, nag sorry na ako." dagdag pa nito na ikinainis niya.. Ngunit dahil nga katulong siya at mahirao lang ay wala naman yata siyang karapatan para magmataas pa.. total naghingi naman ito ng tawad sa pamamahiya sa kanya.
"okay na ho iyon mam,"may kasalanan din naman ako eh". pagpapakumbaba niya.Naramdaman niyang siniko siya ng kaibigan ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.
"sir Raveen pasensiya na rin ho kayo, masyado lang po akong tatanga tanga."nahihiyang pghingi niya ng paumanhin sa mga ito..
"okay na iyon thea, sana next time mag iingat ka nalang para hindi ka nakakaaksidente."Si raveen na ang nagsalita dahil may kinikilikot sa kanyang celphone ang dalagang amo.
"kung wala na pp kayong iuutos sir at mam, pwedi na po ako makabalik sa trabaho."agad na siyang nagpaalam bago pa man tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sobrang awa sa sarili.
Ngunit bakit ba kasi ganun, bakit nasasaktan siya tuwing nakikita niya ang dalawa at lalo na ngayon at okay na uli ang mga ito.
"hoy!!!babae, naniniwala ka ba sa sinasabi ng bruha na iyon!?nagulat pa siya ng bigla siyang kalabitin ng kaibigan niya habang naglalakad sila pabalik sa kanilang housemaid area.
"eh, nanghingi naman siya ng sorry diba?"
"hay naku thea!!!wag ka nga magpa uto sa babaeng iyon!!" baka kunyari lang iyon nuh para mapaniwala niya si sir Raveen na talagang humingi siya ng pasensiya pero ang totoo may pinaplano siya para mapaalis ka dito sa mansion."
"okay lang naman iyon sa akin amelie, ang akin lang naman eh wala naman akong ginagawang masama, isa pa sa nangyari kasi last time may kasalanan naman ako doon eh."pag amin niya dito.
"iyan ang mahirap sayo thea eh, ikaw mismo ang nagtuturo sa kanila na apakan ang pagkatao mo!""Ito huh paalala lang, huwag na huwag ka talaga maniniwala sa babae na iyon lalo na at napaka impakta talaga noon., isa pa ngayon lang yan humingi ng sorry sa ginawa niya.. eh kung ako nga sayo eh, dapat sambunatan din ang babae na iyon. "mahabang litanya nito sa kanya.
"oo na po, tatandaan ko po iyan" natatawang biro niya rito na sinagot lang nito ng irap.
"halika na nga, bumalik na nga lang tayo sa trabaho natin at baka pati iyon mapagalitan pa tayo." Mabilis na niya itong iniwan at bumalik siya sa kanyang trabaho.
Hindi na niya inisip ang mga plano ng dalaga na nobya ng amo dahil alam niyang wala naman siyang gigawang masama sa babae.Isa pa kahit ano man ang mararamdaman niya sa kanyang among binata ay hindi naman iyon masusuklian dahil nga may nobya na ito at higit sa lahat isang katulong lamang siya ng mga ito,at kahit kaylan hinding hindi siya mabibilang sa mga social na pamumuhay ng mga ito.
n
.