KINABUKASAN halos abala ang lahat para sa pag hahanda ng pananghalian ng pamilya San Viejo.Samantalang si Dorothea ay nasa kusina para tumulong na rin sa paghahakot ng pagkain ng mga amo.Napapailing na lamang siya habang tinitingnan ang bawat pagkain na nakahain sa hapag,napakarami nito para sa apat na tao lamang.Naisip niya tuloy kung papaano mauubos nang mga ito ang nakahain na pagkain na napakarami.Naalala niya ang pumanaw na kinilalang ama, kahit nga kasi masarap na pagkain ay hindi man lang ito nakatikim.Naawa siya sa tatay Isko niya dahil kahit isa man lang sa mga pagkain na nasa harapan niya ngayon ay hindi man lang natikman ng matanda.Namatay itong ignorante sa mga kilalang pagkain.Sana nakapagtrabaho na siya noon para sana kahit papaano ay nabilhan niya man lang ito ng masarap na pagkain bilang pasasalamat rito sa walang kapantay na pagmamahal ng kinilalang ama.
"hoy!!tulala ka na naman diyan!!" nagulat siya nang bigla siyang tapikin ni amelie na nasa harapan niya."ano bang iniisip mo? kunot noong tanong nito ng hindi siya umimik.
" wala,naalala ko lang ang tatay Isko, namatay kasi siya na hindi man lang nakakain ng masasarap na pagkain gaya ng mga ito." nalulungkot niyang wika.
"wag mo na kasi isipin iyon, hindi naman na kasi maibabalik ang dati, ang importante kasi yung ikaw ngayon,kahit papaano nakakain mo na ang gusto mo, at safe ka dito sa bago mong tinitirhan."tinapik siya ng kaibigan tanda na naiintindihan siya nito.Ngumiti na lamang siya at bumalik na sa kusina.
Ngunit ilang sandali pa ay tumunog ang intercom sa kusina,tanda iyon na may tumatawag mula sa dining area.Hindi kasi nakasanayan ng mga san viejo na habang kumakain sila ay may mga katulong sa paligid, ang importante lang kasi ay ang maihanda ang lahat ng kailangan ng mga ito kapag kumakain.Hindi na bago sa kanya ang pagsagot ng intercom dahil maging iyon ay itinuro sa kanya ng mga kasamahan, maging ang pagamit ng talkin Radio ay nakabisa na niya dahil kailangan nila ang mga iyon upang hindi na mahirapan sa pag hahanap o pagtawag sa bawat katulong kapag kailangan ang mga ito.
Pinindot niya ang answer button ng intercom at mahinang sumagot.
'yes po mam,"mahinahong sagot niya.Hindi kasi alam kung paano ang panimula sa pagsagot kaya bahala na.
"Sino ang nandiyan sa kitchen"anang boses sa kabilang linya.
nagtataka man dahil kadalasan na tumatawag ay ang senyora Claudia o di kaya'y ang senyor carlos nila.Naisip niyang baka ang binatang anak ito ng mag asawa dahil sa mas bata ang boses nito at buo.Simula pa kasi kahapon ng dumating ang mga ito ay hindi parin niya nakikita ang binatang anak ng mag asawang san viejo dahil naging aligaga siya sa gawain sa likod at kabilang parte ng mansion.
"Siii,,Dorothea po sir..""kinakabahang sagot niya lalo na at parang napakasuplado ng boses nito.
"uhm, aleng Dorothea pakidala nga ng basahan at timba, may natapon kasing soup pakipunasan nalang please.." Anang wika nito.
Ngali ngaling batukan niya ito kung nasa harapan niya lang.. aba^at tinawag talaga siyang manang porke't pang matanda ang pangalan niya.Gusto niya sanang magreklamo pero baka bigla tuloy siya nitong patalsikin! mahirap na.
Tanging siya na lamang ang nandoon sa kusina kaya wala siyang pweding mautusan dahil nahihiya siya humarap sa mga amo habang kumakain.Wala naman na si Amelie dahil may inutos si Aleng Soleng rito.
Bitbit ang basahan at maliit na timba,kiming pumasok si Dorothea sa Dining area.Saktong nasa bandang harapan niya ang senyora kaya ito na lamang ang kinausap niya.
"uhm, madam andito na po ako.. "nahihiyang wika niya.Tumango ang matanda at kinausap ang binatang anak.
"ah, iho,andito na si Dorothea..pagpapaalam rito ng matanda.
"ah manang, here oh,."sabay turo nito sa ilalim ng mesa kung saan may ntapon ngang sabaw..Ngunit hindi parin naktingin sa kanya.Sa pangalawang pagkakataon, nainis na naman siya dahil tinawag na namn siya nitong manang.Nakita niyang tumaas ang kilay nang isang napakagandang babae habang tinitingnan siya!!pakiramdam niya ay binabalatan siya nito ng buhay.Malamang ito yung sophie na kasintahan ni Sir Raveen..Anang utak niya. Napakaganda nito at halos nangingintab ang balat nito dahil sa sobrang kakinisan at kaputian.
parang gusto niya tuloy maiinggit rito..
oo, maganda siya! mukha nga siyang banyaga,makinis naman ang kanyang balat ngunit hindi nito maiikakaila na laking hirap siya dahil nanunuyo ang kanyang balat.Hindi niya kasi hilig ang bumili ng pampaganda dahil nga kahit pambili ng pagkain noon ay wala sila ng tatay isko niya.
Nakita niyang tumayo ang binata,habang nakatalikod parin ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito at saka nito tinuro ang natapong sabaw.HInila nito ang nakaharang na upuan upang bigyan siya ng daan para makuha ang natapong sabaw sa ilalim ngunit hindi parin ito nakatingin sa knya.Tanging likod lamang at gilid ng mukha ang kanyang nasisilayan.Napakagwapo nga nito bagamat gilid palang at likod ang nakikita niya.Sana naman humarap ito sa kanya para naman masilayan niya ang kagwapuhan nito gaya ng sinasabi ng kaibigan niyang si amelie.
"Tutunganga ka nalang ba diyan!!"nagulat siya ng sitahin Siya ng magandang babae! hindi niya kasi napansin na natigilan siya at sa halip na gawin ang trabaho na pinapagawa sa kanya.
"pasensiya na po mam"nahihiyang wika niya.
"bago ba itong muchacha mo tita!?mataray na tanong nito kay senyora Claudia.
"yes iha, she is more than 2 weeks palang here."seryusong sagot nito na animo'y nadis appoint sa pinakitang ugali ng dalaga.
"kaya pala tatanga tanga!!walang kagatol gatol na wika nito na siyang nagpainit ng mukha niya.Gusto niyang umiyak dahil sa kahihiyan pero pinigil na lamang niya iyon.Dali dali niyang pinunasan ang nakakalat na sabaw upang makaalis na sa harap ng mga ito.
"hey, hon don't be like that " narinig niyang saway ng binata rito.Hindi niya napansin na nakatingin na ito sa kanya dahil nga nasa ilalim siya ng mesa.Dahil narin siguro sa pagmamadali niya kaya sa bigla niyang pagtayo ay naumpog siya sa gilid ng mesa.Halos gusto na lamang niyang matunaw eoon dahil sa labis na kahihiyan..Hawak ang nauntog na ulo niya ay pinulot niya ang nabitawang basahan..sabay alis na sana ngunit nabangga na naman siya sa isang matigas na bulto.. Hindi niya talaga alam kung bakit umandar na naman ang pagiging tanga tanga niya at sa harapan pa talaga ng mga ito.Maluha luha na siyang nanghingi ng paumanhin sa mga ito.Bakas sa mukha ng matandang senyor ang pagkadismaya,ngunit awa naman ang nakikita niya sa mukha ng senyora.Habang natatawa at naiiling naman su Sophie.Nang humarap siya para sana humingi ng dispensa sa binata dahil sa pagkakabangga rito ay ganun na lamang ang kalabog ng dibdib niya.Halos hindi siya makapagsalita at nakatitig lamang siya sa gwapong mukha nito.Ang gwapong mukha na kaylan man ay hindi nawala sa isip niya, ang gwapong mukha na nagparamdam sa kanya ng kakaiabang pakiramdam noong araw na makita niya itong duguan dulot ng aksidente.Ang lalakeng hindi niya lubos akalain na makikita pa niya ulit.
"are you okay man..."" oh.. sorry sorry,.. itinaas pa nito ang dalawang kamay ng mapagtanto nitong hindi pala siya ganun katanda!""pasensiya na.. pero okay ka lang Dorothea right?" kunot noong tanong nito sa kanya.Nakita niyang saglit siya nitong pinasadahan ng tingin at parang may inalala ngunit saglit lang iyon.
"next time be careful."mahinahong wika nito.
"pasensiya na po sir."maluha luhang wika niya habang hindi na nakatingin rito.ayaw niya kasing makita ng binata ang labis na kaligayahan niya dahil sa muli nilang pagkikita..ay mali pala,ang muli niyang pagkakita rito.
"Next time kasi huwag kang tatanga tanga!!"naiiritang sabat ni sophie dahil marahil nahalata nito ang titig niya sa binatang amo."
"pasensiya na po mam, hindi ko po sinasadya""hinging dispensa niya rito ngunit tinaasan lamang siya nito ng kilay.
Mabuti nalang at nagsalita ang butihing senyora.
"oh,, sha sha!!bumalik na kayo sa pagkain at lalamig ang pagkain natin,saka ikaw Dorothea bumalik kana sa kusina.,"mahinahong utos nito.Mabilis siyang umalis sa dining area at dumiretso sa maid quarters at doon ibinuhos ng lahat ng kahihiyan na nangyari sa kanya.
ang saya niya na sana dahil muli niyang nakita ang lalakeng laging nasa panaginip niya! Ngunit puro kahihiyan ang lahat ng naranasan niya dahil sa pagiging tanga tanga niya kanina!! Ipinahiya na nga siya ng sophie na iyon, ngunit lalo siyang ipinahiya ng sarili niya.Hindi niya kasi maitago ang pagkamangha ng makita ang binata kaya napatitig siya sa mukha nito.Inubos niya ang lahat ng kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng pag iyak, at baka lilipas din iyon.
sasarilihin na lamang niya ang nangyari at hindi na ipagsasabi sa kahit sino sa mga kasamahan niya maging kay amelie at baka pagtawanan lamang siya ng mga ito.Sa halip susubukan niyang mag ingat sa susunod para hindi ulit mapahiya.
Ilang araw din ang nakalipas,talagang sinasadya ni Dorothea na hindi mautusan pagdating sa Dining area.Maging sa palibot ng mansiyon ay kulang na lang na magtago siya huwag lang siyang makita ng binata o maging ng kasintahan nito.Akala pa naman niya hindi ang mga ito magtatagal roon dahil nga^ ayon kay amelie bihira lang umuwi roon ang binata.Pero ilang araw na nas mansion pari ito.Nakita niya kaninang umga ang magkasintahahan na naglalampungan habang naliligo sa pool.Nasa itaas siya noon at naglilinis ng salamin sa kwarto ng senyora at saktong doon siya napatingin sa ibaba.Halos madurog ang puso niya habang pinapanood ang dalawa na naglalampungan.Hanggang nakita nga niya na binuhat ng binata si Sophie Papasok ng mansion at hindi na niya alam ang mga sumunod pa na nangyari.
Gusto niyang pagalitan ang sarili niya ..bakit ba siya nasasaktan ng ganito? bakit ba siya naluluha? ano ba ang ibig sabihin ng nararamdaman niya?
BIGLA siyang natauhan at nabalik sa huwisyo ng bigla siyang mabangga sa isang maliit na bulto.At halos mabingi siya ng biglang dumapo ang kamay nito sa pisngi niya kasabay ang malakas na sigaw nito.
"!ano ba??!!hanggang ngayon parin ba tatanga tanga ka parin!!galit na bulalas nito matapos siyang masampal.
"sa sunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo!! oh my Gosh!! look!! nalagyan na nang alikabok itong white shirt ko!! Ang tanga mo kasi!!!!!""dinuro duro pa siya nito ng paulit ulit
"Tingnan mo!!tingnan mo!! halos nagsisigaw ito sa harapan habang pinipilit siyang tingnan ang nadumihan raw nitong damit na kung tutuusin wala namang alikabok na nakadikit.At lalong hindi niya kasalanan na nabangga niya o ito ang nakabangga sa kanya dahil nagpupunas siya ng pader sa hallway ng dumaan ito.Kaya hindi niya talaga ito napansin.Hindi nga siya nito binibigyan ng pagakakataon na magpaliwanag sa halip ay kinuha nito ang hawak niyang basahan saka inihampas sa mukha niya..
"ohhh!!!!ayan !!ayan!! lamunin mo!! at baka mawala iyang pagiging tanga mo.""mataas ang boses na sabi nito habang ihinahampas sa mukha niya ang maalikabok na basahan.
Gusto niyang manlaban,ngunit natatakot sa para sa sarili niya.Naisip niyang kahit anong gawin niya dahil mayaman ang babae kaya wala siyang panama rito.Sinasalag na laman niya ang bawat hampas nito ng basahan habang umiiyak.Awang awa siya sa kanyang sarili.
Habang nasa ganung pangyayari sila ay biglang lumabas ang binata mula sa kwarto nito.Nakita nito ang gingawa ng kasintahan nito sa kanya kaya mabilis itong lumapit at inagaw ang hawak ni sophie na basahan!!
"enough!!!""sigaw nito ng hindi parin maawat ang babae.
!""what is this hon?? !!bakit mo sinasaktan ang katulong si Dorothea?!!" nagtatakang tanong nito ng mkabawi!!
"that stupid,idiot and bullshit lady!! ako na naman ang binangga!!" nahihingal na sumbong nito.Gusto niyang magpaliwanag sa binata ngunit hindi siya makapagsalita dahil sa matinding pag iyak.Ngayon siya naman ang hinarap nito.
"is that true Dorothea?"madilim ang mukhang tanong nito sa kanya at baka isang maling sagot niya lang ay sakalin siya nito...
""eehhh sii..siirrr.. halos magkandautal utal na panimula niya ngunit agad sumingit si sophie.
"ioh??seee?!!hindi makasagot ang muchacha na iyan right kasi true ang sinasabi ko hon... hay naku iwan ko ba iyang si tita at kumuha pa ng katulong na kasing tanga ng babaeng yan!"muli ay pang iinsulto nito.
"enough!!agad na saway ni Raveen rito.
"Dorothea, iwan mo muna kami!"utos nito sa kanya sa mahinahong boses.Kaya agad siyang lumayo sa mga ito at baka lalo pang madagdagan ang pananakit sa kanya.
Dinig na dinig pa niya ng pababa siya ang pag aaway ng dalawa!!
"ipagtatanggol mo pa ang muchacha na yun?!mataas ang boses ni sophie na animo'y hindi papatalo sa kahit anong laban.
"That is not what I mean hon.. ang akin lang is tao din sila!! may mga puso din sila!!kaya don't ever do that!!
"ah!!so kinakampihan mo na ngayon ang tangang babae na yon!!"
"no!!hindi ko kinakampihan!!pero bakit kailangan mo manakit? yun ang point ko doon!!:"
!""no,,!!iba ang nakikita ko!! you know what Raveen, baka nga habang nakatalikod ako ay inakit ka naman ng babaeng iyon!!ganyan naman talaga yung mga mahihirap na yan!! ""makakita lang ng pwedi gatasan kakagat na!!mariin ang boses na pangungutya nito.
Dinig na dinig niya mula sa pinagtataguang pader sa baba ang salitan ng mga salita ng dalawa.!!narinig niyang ilang ulit siyang hinamak at nilait ni sophie.At ilang beses din siyang ipinagtanggol ng binata.Naisip niya kung paano naatim ng binata ang gayung klaseng ugali ng nobya nito.Ngayon niya lang din naisip na hindi dapar siya maiinggit sa babaeng yun dahil kung tutuusi mas may respeto pa siya sarili niya keysa sa kagaya ni sophie.Bagamat awang awa siya sa sarili ngunit nagpapasalamat pa din siya sa binatang amo dahil ipinagtanggol siya nito bilang isang tauhan sa impakta nitong nobya.
Natatakot siyang baka maulit na naman ang ginawa ni sophie sa kanya lalo na at ipinagtanggol siya ng amo.