Chereads / Princess Dorothea / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Habang nagluluto si Dorothea ng pananghalian nilang ng kaibigan ng may marinig siyang tumatawag kay simione mula sa labas ng bahay nito.

Dali dali siyang lumabas para alamin kung sino ang tumatawag sa kaibigan niya,wala kasi ito dahil may nilakad sandali.

"ano po iyon? nakasilip siya sa maliit na butas ng pintuan habang inaalam kung sino ang dumating.

Ang kaibigang bakla din ni simione,tulad nito nag bubugaw din ito ng mga babae,pero mas marami din itong mga kakilalang mayayaman dahil bukod sa pagbubugaw, nagpapasok din itong ng mga kasambahay.

"ate bunny, wala po dito si simione," binati niya ito sabay bukas ng marahan sa pintuan para mapagbuksan ito at makapasok.

"ay, ikaw pala iyan Dorothea.."malambing nitong wika.Hindi gaya ni simione na maskuladong bakla, itong si bunny mukhang babae dahil na rin siguro sa mga ginagamit nito sa katawan."

:"halika po pasok ka po ate bun""

" naku thea huwag na lang, wala na man pala si simione.. may kailangan. kasi sana ako sa kanya."

"ano po ba iyon at baka pwedi ko naman ipaalam ko nalang pagdating niya.

" pwedi ka naman siguro anuh?? kasi alam mo thea, May nagpapahanap kasi sa akin na kasambahay,isang mayamang pamilya saka urgent hiring kasi eh, eh si semione lang naman ang halos maraming kilala na pwedi ko ipasok na kasambahay.'paliwanag nito.

Hindi na siya nag isip, siya kailangan niya ng trabaho lalo na at nahihiya na siya sa kaibigan niya. Ayaw niya naman na kasi na maging pabigat sa kaibigan niya.Sapat na ang mga naitulong nito sa kanya.

"pwedi ako nalang??

Boluntaryo niya rito.

"Seryuso ka ba Dorothea?"hindi makapaniwalang tanong nito.Napangiwi tuloy siya lalo na nang bigkasin nito ang buong pangalan niya.

" oo naman, kailangan ko kasi ng mapapasukan eh, pero wala naman akong pinag aralan at alam kung walang tatanggap sa akin,pero siguro naman sa pagiging katulong meron." nakangiting paliwang niya rito.

"ohh siya!! sigurado ka na diyan huh?? at tatawagan ko na ang employer mo para makapasok ka na bukas.

Tumango na lamang siya,.

Tanging kailangan na lamang niya ay ang pagpapaalam sa kaibigan niya. malamang papayag naman iyon dahil matinong trabaho naman ang papasukan niya.

Masaya siyang nag aayos ng kunting gamit na dadalhin niya kung saan siya mamamasukang kasambahay habang nakamasid ang kaibigan niyang si semione.Masaya nga ito ng malamang may mapapasukan na siya. Naalala nga tuloy niya ang kinilalang ama dahil sa mga paalala nito sa kany."mag iingat ka roon huh?? alam ko namang madali mong matuto tunan ang pagiging kasambahy., ikaw pa"" saka huwag mo papabayaan ang sarili mo...paalala pa nito. Natawa tuloy siya dahil sa drama nilang mag kaibigan.

" ano kaba, kala mo naman kung saan ako pupunta, eh halos nga isang sakay lang naman papunta sa papasukan ko.Nagkatawanan tuloy sila.

Kinabukasan,Sinamahan siya ni bunny sa papasukan niyang pamilya at halos malula siya sa sobrang laki ng bahay ng mga ito.

Naalala niya tuloy ang tirahan niya na barong dati., at malamang kahiy sa gilid lang ilagay ang barong barong hindi iyon makikita sa sobrang laki ng bahay ng mga...

Naputol ang pag iisip.at pag iikot niya ng paningin nang mula sa itaas ng hagdan ay may narinig siyang tunog ng sandalyas tanda na may bababa sa hagdan.

At halos nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang pababa..Isang may edad na na babae ngunit napakaganda parin nito.nakangiti pa ito habang pababa ng hagda

"Hi madam,, agad bati ni bunny rito ng nasa harapan na nila ang magandang babae.Binati niya na din ito.

uhm"magandang araw po madam.Naiilang niyang bati sa rito.

"and you are??" nakangiti pa rin ito sa kanya habang sinisiapat nito ang kanyang kabuuan. Naisip niyang baka pinag aaralan lamang nito ang pagkatao niya lalo na at marami na ngayon ang mga manloloko.

" uhm, Dorothea po mam." nahihiyang wika niya.

"oh,, nice name huh'" gusto niya sanang matawa rito kung panu nito nasabi na nice name ang pangalan niya. Kahit hindi man siya nakapagsalita ng english pero nakakaintindi naman siya kahit papaano.

" uhm salamat po mam." tanging nasambit na lamang niya.

"uhm madam, siya pala iyong sabi ko na ipapasok kong kasambahay sayo kahapon.Huwag kang mag alala mam, mabait naman itong si Dorothea iyon nga lang po eh first time niyang magpakatulong at kailangan niya lang sigurong maturuan.Tama ba Dorothea?"

"opo mam, ngayon lang po talaga ako nakapagtrabaho." Nahihiyang pag amin niya.

"That's fine Dorothea, basta masipag ka at gusto mo talaga ang trabaho mo,walang problema sa akin iyan."nakangiting paliwanag nito sa kanya.Bagamat kinakabahan siya,pero naroon parin ang kagustuhan niyang magkaroon ng sariling trabaho lalo pa at wala naman siyang tinapos.Kaya nga pagkatapos siyang interbyuhin ng magiging amo niya ay tinawag na nito ang mayorduma at ipinagkatiwala na siya rito.Nakita niya rin na may ibinigay ang senyora kay bunny,malamang komisyon nito iyon dahil naipasok siya nito.

"Ito yung magiging higaan mo Dorothea, magkakasama naman tayo sa iisang kawarto pero may kanya kanya tayong mahihigaan,Ayuko rin ng makalat huh,!mataray na palala ni Soleng ang mayorduma.

Hindi naman siya makalat at alam niya naman kung papaano maging malinis sa paligid kahit lumaki siya sa isang magulong lugar. Lalo na at halos ang higaan niya ay parang

"Huwag ka po mag alala manang Soleng,magiging masinop po ako pagdating sa mga gamit."Wika niya saka ito nginitian.Alam niyang ganun talaga ang tao lalo na at bago pa lamang siya, pero magiging mabait din ang matanda sa kanya lalo na pag nakuha na niya ang kiliti nito.Sa ngayon kailangan niya lang munang unawain ang matanda.

MAkalipas ang dalawang linggo, mas mabilis natutunan ni Dorothea ang mga gawain niya, Hindi narin niya halos naiisip ang mga pangyayari sa buhay niya dahil naging busy siya sa mansion.Naging mas malapit na rin si Soleng sa kanya kaya hindi na siya nahihirapan pa na pakisamahan ito.Maging ang iba nilang kasamang kasambahay ay naging mas mabait na sa kanya.Minsan pa nga ay tinanong siya ng mga ito kung may lahing banyaga ba siya at ganun na lamang siya kaganda.Natawa na lamang siya dahil di niya alam kung paano sagutin ang tanong ni Amalie na halatang tsismosa talaga.Kasama niya ito sa paglilinis pero may sarili itong toka,ito iyong naglilinis ng kwarto ng anak ng senyora na kahit ngayon ay hindi pa niya nakikita.Ayon kasi kay Amalie,minsan lang pumunta ang binatang anak ng senyora.Ang dalawang anak naman kasi nito ay halos nasa america na nakatira at may sarili naring pamilya at ang binata na lamang ang nanatiling nasa maynila pero bihira lamang ito umuwi ng mansion dahil busy daw ito sa mga negosyo.Tanging ang matandang Señior Carlos San viejo at ang senyora na lamang ang nakatira sa malaking mansiyon.Naisip nga niyang napakalaki ng mansiyon na iyon at dadalawa lamang ang nakatira.Minsan nga halos hindi pa nila nakikita ang mga ito dahil halos palaging wala ang mag asawa.Napaka lungkot tuloy ng mansiyon.Kahit nga kasi marami silang mga tauhan ng mga San viejo pero hindi rin sila halos nagkakausap dahil sa kanya kanya nilang gawain sa loob ng mansion.Tanging si amelie nga lang ang nakakausap niya dahil likas na yata rito ang pagiging tsismosa at panay din ang buntot nito sa kanya gayung may sarili din itong gawain sa loob ng mansion.Ito nga ang naglilinis sa kwarto ng binatang anak ng senyora pero siya kahit sumilip man lang sa nasabing kwarto ay hindi niya pa nagagawa.

Araw ng Sabado at busy siya sa pagwawalis sa likod ng mansiyon.Wala kasi ang hardenerong si mang Tupe dahil umuwi ito ng probinsya at siya ang naatasang maglinis ng hardin.

"Thea,,!!Thea!!" humahangos na lumapit sa kanya si Amelie habang may bitbit pa itong pagpag na gawa sa balahibo ng manok.

"oh.. bakit parang hinahabol ka yata ng sampung demonyo amelie?" nagtatakang tanong niya rito ng makalapit ito sa kanya.

"kasi naman may balita ako!""

"ayan ka na naman eh" ano na namang balita iyan amelie?" natatawang tanong niya rito habang tuloy parin siya sa ginagawa..

"siiii sir Raveen andiyan!!""halos patili nitong sabi.Maging siya ay natawa sa reaksiyon ng kaibigan, animo'y sinasapian ito o di kaya'y sinisilian ang puwetan sa sobra yatang kalikiligan.

"Talaga??" maging siya ay naexcite din ng malamang dumating ang binatang amo.Basi kasi sa naging kwento ni Amelie napakagwapo daw ng binata at napakabait pa.

"kaya lang kasi may kasamang impakta"sabay busangot ng kaibigan.

"huh? sinong impakta?? kunot noong tanong niya rito. Wala naman kasi itong nababanggit sa kanya na may impakta doon sa kanila.Pangit ang ugali.!.

"!hay naku yung jowa niyang mala anghel pero impakta naman ang ugali.!!" sabay tirik ng dalawang mata nito, nagtaka tuloy siya kung ano ang ikinaiinis nito sa nobya ng binata

" bakit mo nasabi na impakta ang ugali!"?

"hay, naku sabagay Thea hindi ka pa pala nakikita non kaya hindi mo pa alam. At saka baka pag nakita ka nun, naku baka pag initan ka pa noon kasi iisipin niya na baka lalandiin mo si Sir Raveen lalo na't napakaganda mo." wika nito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

"ano naman ang koneksyon non? eh ikaw na nga ang nagsabi diba na mag jowa sila? so bakit naman siya matatakot na maagaw sa kanya si sir Raveen kung gayung napakaganda naman niya" kunot noong wika niya.

"hay naku, dimo kasi alam ang babeng yon, alam mo ba kaya umalis yung dating katulong na napalitan mo, dahil diyan sa impakta na yan? pinahiya niya sa karamihan si Carmen at sinabi pa niyang haliparot..ayon nahiya si Carmen noon lalo na at party yon ng pamilya nila senyora,.. Pagkukuwento nito sa nasabing dating katulong.

"eh baka naman nagpakita nang motibo si Carmen," aniya.

"hindi ah.. agad salo nito.. Natalisod kasi si Carmen noon at saktong kay sir Raveen siya bumagsak.. syempre nakita ko naman na talagang natalisod si Carmen, kaya lang napahiya na nga yung tao eh lalo pang pinahiya... lalo na at maganda rin iyong si carmen..at lalo na ngayon mas maganda ka."

Namula siya dahil sa naging papuri ni amelie sa kanya.Hindi kasi talaga siya sanay na pinapamukha sa kanya na maganda talaga siya.Simple lang kasi siya at walang kaarte arte sa kanyang katawan.

."masyado mo naman yata na akong binobola amelie huh"natatawang sabi niya rito.

"totoo naman na maganda ka ah.. "pero Dorothea, may boyfriend kaba?"walang kagatol gatol na tanong nito na ikinasamid niya.

"ano kba naman amelie!! bulalas niya nang makabawi sa pagkasamid."

"wala akong boyfriend!! saka ni'y hindi pa nga iyan sumagi sa isip ko, isa pa hindi pa ako naiinlove nuh!""totoo iyong mga sinabi niya,,ngunit may isang bahagi ng utak niya ang biglang nagpaalala ng taong unang nagpatibok ng puso niya.Pero binaliwala na lamang niya iyon,Ayaw niya na rin naman isipin pa ang lalakeng iyon dahil suntok sa buwan na makita pa niya ito.kahit nga siguro makita niya ang lalake ay hindi naman siya nito mapapansin dahil isa lamang siyang hamak na katulong at walang pinag aralan.