Chereads / Princess Dorothea / Chapter 4 - Chapter 4:

Chapter 4 - Chapter 4:

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Raveen habang kausap ang girlfriend niyang si Sophie, ito ang kasintahan niyang nagmula sa mga kilalang angkan.Isang sikat na modelo ang kasintahan niya at Isa rin itong CEO ng beauty company;Sa edad nitong 27 isa na itong magaling na businesswoman, magaling sa lahat ng bagay maging sa kama!" napangiti siya ng pilyo ng maalala ang hubo't hubad nitong katawan.He is sweating right now while driving his latest model sports car.His hottes't girlfriend is driving him crazy right now.!!parang gusto niyang paliparin ang kanyang sasakyan pabalik ng manila kung saan siya naka stay at ang kanyang long time gf na si sophie..Galing kasi siya sa San Nicolas kung saan pinuntahan niya ang family friend and also family business partner ang mga kilalang angkan ng Daboise.Yun nga lang hindi siya nakapagpasabi na darating siya, kaya hindi sila nagpang abot ni señior Beathroe Daboise.Kakaalis lang nito papuntang france para asikasuhin ang mga negosyo ng pamilya nito.Mahirap hagilapin ang matandang Señior simula nang mangyari ang trahedya sa mag ina nito..Halos limang taon ding napabayaan nito ang kanilang mga negosyo, ngunit noong makabawi ito sa kalungkutan halos doblehin nito ang kanyang katawan para lang maayos ang mga napabayaang negosyo.

Almost 15 years noong bumisita siya sa mansion ng mga Daboise sa Hacienda savahannah,nakita niya pa noon ang itsura ng mansion, kulang na nga lang ay maging hunted mansion na ito dahil napabayaan at ayaw ipabago ng Señior. Ngunit laking pagkamangha niya kanina ng makita ang paligid, mas gumanda pa nga yata ngayon ang mansion keysa noong nabubuhay pa si Savahannah Roi Daboise

"hey hon, !! are you there?" napakurap siya ng mula sa kabilang linya ay nagsalita ang kasintahan niya.

"yes hon!!Im still here"napangiti ulit siya ng pilyo sabay dugtong"and also trying to fight my feelings..woah,, its getting harder hon, while thinking your naked whole body!!"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito sa kabilang linya,"hon, its been a while palang na di tayo nagkita at ganun mo na agad ako kamiss??"" hagikhik pa nito na animo'y kinikilig.

"ofcourse!!!" sino ba naman ang hindi makakaramdam ng init gayong napakaganda ng girlfriend ko""mas lalong napahagikhik ito sa pagka flatter. Kulang na nga lang yata na magpang abot ang dalawang teynga nito para pumalakpak..Iyon ang punto ng usapan nilang magkasintahan ng di mamalayan ni Raveen ang pagtawid ng isang binatilyo,Bigla siyang nagulat kasabay ng pagpihit ng manebela pakanan upang hindi mahagip ang tumawid, ngunit mas lalo siyang nagulat ng dalawang tao ang pwedi niyang mabangga, Nag uusap ang mga ito sa gilid lamang ng kalsada malapit sa tulay ng pasig. Kaya mas nalito siya, kaya sa biglaang pangyayari hindi na siya nakabawi at tuloy tuloy ang pagbunggo niya sa isang poste ng kuryente, Halos narinig pa niya ang sigaw ng babaeng muntik niyang masagi.,Hindi na niya ito namukhaan dahil agad nandilim ang kanyang paningin.

Dalawang oras na ang makalipas simula ng mangyari ang aksidenteng nasaksihan nila Dorothea at Semione.Halos hindi parin siya makapaniwala sa nangyari.Muntikan na silang dalawang magkaibigan.;naisip niya tulo'y bigla na baka nga totoo ang sabi ng matanda sa kanya na napapahamak siya sa tuwing nasa labas siya ng bahay.

Maging ang kanyang ama ay nag alala ng malaman nito ang nangyari. Kakarating lang ni mang Isko, halos hindi pa ito nakakarating ng barong barong,tinatawag na agad ang pangalan niya.

Malamang sinabihan na ito ni semione tungkol sa nangyari. Pero sana hindi nito sinabi ang dahilan ng pagpunta niya sa kaibigan, at baka atakihin ang kanyang ama sa sobrang galit sa kanya.Nagsisi naman na siya kung bakit naisipan niyang magtrabaho sa ganung uri ng trabaho. Nadala lang kasi siya sa mga pang aalipusta ni aleng ambrosia kanina.Hindi niya naisip ang kanyang ama., kaya laking pasalamat niya na rin an hindi ganun ka epokrito ang kaibigan niya at hindi siya hinayaang masadlak sa pag hohostess.Bagkus pinagalitan pa siya nito.Maswerte pa din pala siya..wala naman siyang yaman, pero may totoong kaibigan naman siya na hindi hahayaang magpatuloy sa maling desisyon. Bigla ay pumasok sa isip niya ang mukha ng lalakeng nabangga kanina.Sa tanang buhay niya,kanina lang siya nakakita ng ganun kagwapong lalake. May mga gwapo nga sa kapitbahay niya, pero mga magnanakaw o di kaya'y tulak ng droga.

pero yung lalake kanina, kahit may tumutulo na dugo sa pisngi nito pero nakita niya ang kabuuan ng mukha ng lalake. Ang mga labi na mapupula, hindi lang dahil sa natuluan ng dugo kundi sadyang napakaganda ng korte ng mga labi ng lalake.Ang ilong nito na tila matutusok ka kung masasagi ka sa sobrang tangos ng ilong.. May mga kunting buhok sa gilid ng mukha na panibagong tubo , Iyon ang nagbibigay ng appeal sa lalake.Napiksi siya ng marealize ang kanyang naiisip.Hindi naman siya ganun, pag nakakakita nga siya ng mga gwapo, baliwala lang iyon, pero ngayon kakaiba tlaga parang may kung anong nabuhay sa kaibuturan niya habang naiisip ang kaawa awang lalake.Naalala pa niya ang muntikang pagkabunggo nito sa isang binatilyong tumawid, at sila naman sana ang mababangga pero mas pinili nito na tuluyang ibangga ang magarang sasakyan nito sa poste ng kuryente.Hindi niya nakita ang driver sa loob kung hindi pa nabasag ang salamin nito.Bago pa man ito nawalan nang malay nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya." sana okay lang siya." mahinang usal niya.

"sino ang okay lang anak?"bigla siyang napa igtad ng marinig ang boses ng ama.Nakalimutan niya palang halos magkatabi lang sila nito, nakalimutan niya nga na barong barong lang pala ang tirahan nila;kaya kahit nga siguro bulong maririnig nito.

"sino yung okay lang sana?"muling tanong nito nang di siya agad sumagot.

"ah, eh.. yung bata po kanina tay..oo,"" tama yung..yung bata po."halos magkandautal niyang sagot rito.Mukhang hindi yata siya makakapagsinungaling rito.Halos pati yata kadulo-duluhan ng kuko niya alam nito.Panu ba naman halos silang dalawa lang naman ang magkasama araw araw.

"aba eh parang iba naman yata anak ang tinutukoy mo kanina." nanunuksong wika nito."anak aba, eh kanina pa kita tinitingnan,malayo yata ang naiisip mo."bumangon na ito mula sa maliit na papag na hinihigaan nito.

"ah, ano po kasi tay, si aleng ambrosia po pala naningil na naman kanina." agad niyang iniba ang usapan para hindi na siya kulitin pa nito.

"aba,!!naningil na naman ang bakukang na iyon"!! muntik na siyang mapahagalpak ng tawa ng marinig ang sinabi nang ama..marunong din naman pala itong mang okray.

"aba eh ang pangit na iyon, makapaningil, akala mo kanya itong mga barong barong dito sa ilalim ng tulay.!"tuluyan na talaga siyang natawa dahil sa mga pingsasabi ng ama. Akalain mo ba naman marunong ang tatay niyang magsalita ng pangit.

"aba, bakit ka natatawa Dorothea? "napangiwi siya.. ayan na naman yung pangalan na yan. hay,, bakit ba kasi kailangan isunod sa namayapa niyang ina ang pangalan niya..

"kasi naman po kayo kung makapanglait doon sa matanda."natatawa na lamang niyang sagot.

"eh sa totoo naman."!!aba'y napakahirap na nga para sa atin ang bente sa isang araw, eh kikilkilin pa niya.!!"pagmamaktol ng ama.

Tama nga naman ito,napakahirap para sa kanilang mag ama ang makakita ng pera,, samantalang sa pinanggalingan nila hindi naman iyon kailangan.Lahat naman kasi ng kailangan nilang mag ama ay nandoon na.Yun nga lang mas mapanganib..

"hayaan mo po tay, hindi na po kayo mahihirapan pag nakatrabaho na po ako."panigurado niyang sagot rito.

Bigla itong nalungkot sa sinabi niya.

"anak, alam kung malaki kana,at kailangan mo na nga sigurong maging matapang, matuto sa buhay at matutong mag isa.Darating kasi ang araw na mawawala ako anak,, at ayukong iwan ka nang nag iisa.Nasa tama edad kana, iyon nga lang ayuko na pasukin mo ang trabahong hindi maganda."alam mong wala tayong pinag aralan, pero napakaganda mo anak, iyon lang ang meron ka. Pero Dorothea, bilang tatay mo, Nakikiusap ako, alam mong iningatan kita anak upang hindi ka lang mapahamak, lahat ginawa ko sa abot nang aking makakaya, pero anak".. tumigil ito at nakita niyang nangingilid ang mga luha ng matanda."Sana naman huwag mong papasukin ang pagbibinta ng laman."!bigla ay para siyang sinakluban ng malamig na bagay!! bigla niyang naalala ang ginawa niya kanina.Nagsumbong kaya si semione?"" tanging naisip niya. Alam niyang hindi magkakaganun ang ama kung hindi nito nalaman ang binalak niya kanina.Pero minabuti niyang magkunyaring inosente sa sinasabi nang ama upang hindi na ito maskatan pa. May paninindigan kasi ito sa buhay, kaya kahit wala nga siyang pinag aralan, at kahit dalaga na siya, hindi ito pumayag na magtrabaho at gawin siyang alila ng ibang tao. Andon pa rin kasi ang ugaling bundok niya, ang pagiging inosente sa mga bagay bagay. Kaya nga iyon din ang dahilan kaya mas gusto lang nito na andon siya manatili sa loob ng barong barong nilang mag ama.Minsan nakaka imbyerna na ang ganung buhay, nakakasawa na.Pero wala siyang magawa keysa mapahamak sa labas.