Masakit at halos di maigalaw ni Raveen ang kanyang katawan ng magising siya. Di niya alam kung bakit andoon siya sa kwarto na iyon.Dahan dahan niyang iginalaw ang kanyang kamay, pinakiramdaman ang sarili kung may kulang ba sa katawan niya.Habang inaalala ang nangyari sa kanya.
Biglang bukas naman ng pintuan at siyang pagpasok ng isang maganda at seksing babae
"Oh my God hon!!agad bulalas nito nang makita siya.!Im so thankful at minor fracture lang ang tama mo..!!"Are you okay now?? may masakit ba sa katawan mo."" Alalang tanong nito.
"Sssshhhhhh!!!!"" im okay,, don't worry about me, makita lang kita,, masaya na ako.. and look at me.. Im still handsome!!"" pagbibiro niya ng makita ang lubos na pag alala ng kasintahan.
"Ikaw huh, pinakaba mo ako.. malambing nitong tugon sabay halik sa labi niya.
"Im so sorry hon,.. iniwasan ko kasing mabundol ang binatilyong tumawid, pero ito tuloy ang kinahinatnan ko."nakangiting wika niya.
"Yes,, the police told me already, and nakita ko na rin ang cctv footage bago ka maaksidente."" AND I hate those poor kids!!palibhasa mga walang alam sa mundo, kundi ang magnakaw!! saka kahit nga siguro pagbabasa hindi alam, eh bawal naman tumawid doon!!" nakabusangot nitong wika habang nagtataasan ang mga kilay.
Nagulat man siya sa pangmamata nito sa kapwa tao, pero naisip niyang sadyang nag aalala lang talaga ito dahil sa nangyari sa kanya.
" hey, don't worry, okay naman na ako.. baka bukas pwedi na akong lumabas. I want to go home na..you know!"" sabay kindat sa kasintahan, at napahagikhik na lamang ito. Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga kamag anak niya,mga kakilala at mga kaibigan. Maging si Señior Beathiore ay napaaga din ang balik sa maynila nang mabalitaan nito ang nangyari.Kakarating lamang ng matanda galing ng france, at agad dumiretso ito sa St. lukes Hospital kung saan nakaconfine ang binata.
maging ito ay nag alala, dahil nga sa hacienda nila galing ito at dahil hindi siya naabutan ng binata roon. Kaya masisi niya rin ang sarili kung may nangyari rito, lalo na't parang anak na niya ang turing rito.
'oh,, raveen iho??..im sorry about what happened, nabalitaan ko sa telebisyon ang nangyari. At nalaman ko rin na galing ka sa hacienda Savahannah,kaya agad akong umuwi..Hindi naman kasi iyan mangyayari sayo kung nadatnan mo lang ako sa mansion.""Mahinahong paghingi ng paumanhin ng matanda. kahit sa edad nitong fifty, hindi parin maitatago ang angkin kagwapuhan nito.Nanatili pa ring matipuno ang pangangatawan nito, hindi nga makikita ang edad nito sa pangangatawan at awra nito.
" tito, don't blame yourself,. masyado lang siguro akong naging kampante sa pag mamaneho,kaya ito ang napala ko.:."
"that's why you have to be careful next time." agad namang salo ng kanyang inang si claudia.
At her age, she has a very strong personality,kahit napakasimple ng damit nito ngunit naroon pa rin ang taglay nitong ganda.
Nasa likod nito ang kanyang ama, He is Carlos San viejo a multi millionaire man with strong posture same with her loving mom..
" I will mom". itinaas pa niya ang kanang kamay tanda ng kanyang pangako.
Will, totoo iyong pangako niya.
He will be more careful next time, saka ang sarap kaya mabuhay kasama ang pinakamamahal niyang babae.Iyon nga lang wala na ito roon, maagang nagpaalam si Sophie, even though ayaw pa nitong umuwi pero wala itong choice, mayroon kasi itong dadaluhang events kaya kahit mommy niya ay hindi na nagpang abot at ang dalaga.
MAKALIPAS ang mga araw hanggang naging buwan at sumunod pa, Kung ang dating hirap ni Dorothea mas nadagdagan pa yata ngayong halos hindi na makabangon ang amang si mang Isko.Ilang araw nang nakaratay ang ama, wala din silang pera para maipagamot ito sa doktor,maging pambili nga ng gamot wala na. Buti na lamang at kķ nandiyan ang kaibigan niyang si Semione, lagi itong nasa tabi ng dalaga maging mga pangangailangan nilang mag ama ito ang nagbibigay. Nahihiya na siya rito, pero ito yung nagpupumilit na bigyan sila. Lalo na daw sa sitwasyon ng kanyang ama,isa pa ayaw nang kaibigan na maisipan n naman niyang magtrabaho sa club.Kaya nga kahit nahihirapan ito, okay lang daw basta importante hindi siya mapahamak.
"Dorothea.."paos at halos hirap nang magsalita ang ama.Tinawag nito ang pangalan niya kahit nasa gilid lamang siya ng papag nito,Hindi niya kasi ito iniiwan at natatakot siya na baka anong mangyari sa ama kapag naiwan ito kahit saglit lang.pinisil niya ang halos nangangapal nitong mga palad dulot ng kalyo.
"Tay, andito lang po ako." marahang wika niya habang hindi binibitawan ang kamay nito.
"a..nnakkk:,,,muli ay sambit nito.Halos pinipiga ang puso niya sa sobrang awa sa ama.!!
"tay,huwag na po muna kayong magsasalita,,.. nahihirapan po kasi kayo.""pero sa halip na manahimik ito, muli nitong tinawag ang pangalan niya. Saka may itinuturo itong bagay mula sa gilid ng kanilang papag.Sinundan niya ng tingin ang bagay na tinuturo nito,at nakita niyang ang baol na tanging gamit nila ang tinuturo nito.
Nagtataka man, tumayo upang kunin ito,
"buksan mo anak... " marahang wika nito.
kahit naguguluhan at kinakakabahan sa inaasal ng ama, pero nilakasan niya ang kanyang loob.
"ano po ba ang meron sa baol na yan tay.?lakas loob niyang tanong sa ama habang binubuksan nito ang kahon.Saglit itong tumigil, at inilabas ang isang kahon na gawa sa silver. Iyon yung kahon na sinabi ng ama na napulot nito sa gubat noon.
"ano po ba yan tay?"marahan niyang tanong.
"anak, ito yung gamit na kasama mo ng makita kita sa gubat.."panimula nag ama.Napakunot siya dahil hindi maintindihan ang sinasabi nito.
"patawarin mo ako anak, pero siguro panahon na para malaman mo ang totoo.. " nangingilid na ang mga luha nito at halos nahihirapan na rin itong huminga.
"Tay, ano po ang pinagsasabi mo?? Diba sabi mo.. pinutol nito ang sasabihin niya ng hawakan siya nito sa pisngi,
"patawarin mo ako dorothea anak, itinago ko saiyo ng matagal ang totoo. Pero panahon na para malaman mo ang katotohanang hindi ka namin anak ng nanay mo doray.Nagsinungaling ako anak dahil yon lang ang paraan para mabuhay ka ng normal, kahit ako anak hindi ko alam kung sino at ano ang pinanggalingan mo" Umiiyak na ito habang Nagsimula itong magkwento ng buong pangyayari at kung panu siya nito nakuha.
Ilang oras na ang lumipas, ngunit hindi parin maintindihan ni Dorothea ang buong pangyayari, Halos wala paring tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha, hindi niya lubos akalain na ang amang kinilala niya sa loob ng mahigit bente'y taon ng buhay niya eh hindi pala niya talaga totoong ama. Pero kahit hindi man niya ito totoong ama, ni'y hindi niya naramdaman iyon.Pero ang mas masakit kasi sa kanya ay ang katotohanang wala na siyang masasandalan ngayon., matapos kasing sabihin nito ang totoo sa kanya,nahirapan na itong huminga at ngayon isa na itong malamig na bangkay.Hindi man malinaw para sa kanya ang buong pangyayari, at ang buong kwento ng kanyang ama pero isa lamang ang iniwan nito sa kanya Ang kahon na gawa sa silver kung saan mayroon itong susihan pero wala naman ang susi nito roon, kaya papaano niya malalaman kung ano ang laman ng kahon na iyon kung hindi naman mabubuksan.
Napakaswerte niya sa kinilalang ama, kung tutuusin hindi na nito kailangang umalis sa lugar na kinasanayan nito para lang sa kanya.
mas nahirapan at naranasan nga nito ang maalipusta ng kapwa tao nang dahil lang sa kanya, sa kagustuhan nitong mailapit siya sa kabihasnan,kaya mas pinili nito ang magulong lungsod kaysa tahimik na gubat.Ngayon hindi niya alam kung paano magsisimula na wala na ito, kung papano lumaban sa buhay Lalo na at ang kagaya niya ay nanatiling walang alam sa mundong ginagalawan niya..
maging ang pag aasikaso ng bangkay ng ama ay kaibigan pa niya ang gumawa.Tulala lamang kasi siya at halos hindi makausap ng matino.Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang sulok iniisip ang magiging kapalaran niya ngayong wala na ang kinikilalang ama.Lalo na at wala siyang ibang alam gawin sa buhay,kahit siguro pagpapakatulong ay mangangapa pa siya.
paano na siya ngayon.?
Makalipas ang isang linggo simula ng mailibing si mang isko,.hindi na ito pinatagal ng baranggay dahil nga wala naman silang pera na ipapakape sa mga taong pupunta sa lamay . Hindi na rin nagpasugal para nga makaiwas na din sa kaguluhan at wala rin naman silang paglalagyan ng kabaong nito dahil nasa ilalim nga sila ng tulay.Malaking tulong sana iyon, kaya lang mas minabuti na lamang niyang humingi ng tulong sa kapitan nila para mapalibing agad ang ama.Matapos ngang maipalibing ang ama, pangalawang problema na naman.
panu naman kasi, wala talagang ka puso puso itong si aleng ambrosia, alam naman nitong kakamatay pa lamang mg ama niya at nagluluksa pa siya, pero wala paring awa siya nitong pinalayas sa barong barong na tinitirhan nilang mag ama.
Hinagis pa nito ang gamit niya maging ang iniingatang baol o kahon ng tatay niya.Sa harapan niya bumagsak iyon kaya lahat halos ng laman ay nagkalat, kasabay doon ang mamahaling kahon na napulot ng ama niya at kulang na lamang yata na kaladkarin siya nito para mawala agad roon. Matapos mapulot ang lahat ng gamit niya, maging ang paborito niyang bistida ay hindi nakaligtas sa mapang hamak na bunganga ng matanda.
Lahat na yata ng panlalait at panghahamak nito sa pagkatao niya ay ginawa na nito.
halos lahat ng mga kapit bahay niya ay nanonood lamang habang pinapahiya siya ng matanda walang naglakas loob na ipagtanggol siya lalo na ang mga kababaihan roon.
Mabuti na lamang at dumating si Semione ang kaibigan niyang bakla at ipinagtanggol siya nito. pero muntik pa itong mapaaway ng dahil sa kanya.
"ano okay kana?." mahinahong tanong nito nang makarating sila sa bahay nito.
"maupo k nga muna"" iminuwestra pa nito ang bangketo sa harapan niya.
"besh,,.diko alam kung anong gagawin ko ngayon."tuluyan na niyang binitawan an emosyong kanina pa gustong kumawala.
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong wala na si tatay'"wala naman akong alam puntahan,kahit sarili ko nga diko kilala.!!Diko alam kung ano ba talaga ako, minsan naisip ko besh na sana makita ko ang totoo kung" mga magulang.'!!:walang gatol niyang bulalas at pinakawalan ang lahat ng kamyang sama ng loob.
"hay, naku besh eh papaano mo naman kaya malalaman kung sino magulang mo gayung kahit si mang isko hindi rin alam kung saan ka nanggaling."Isa pa alam mo besh, kahit ako naguguluhan din eh kung paano ka nakarating sa gubat na pinanggalingan mo. , kasi kung babasihan ko lang yong look mo, at saka mukha mo,di kasi maikakailang anak banyaga ka eh. Sa ganda mong iyan oh!! iminuwestra pa nito ang kayang mukha at katawan habang .""nakakunot noo pang nakatitig sa kanya. pi
Maging siya ay napaisip din,nag isip siya na baka patay na ang mga magulang niya na totoo, kagaya kasi ng pagkakaalam niya, mapanganib ang gubat ng sutakil o sukriyat kaya siguro ng dumayo ang totoo niyang magulang namatay ito dahil sa mga mababangis na hayop.Pero papaano nga ba siya nakarating sa gubat na iyon gayong napakalayo na nito sa kabihasnan
.Basi din kasi sa kwento ng kanyang tatay, walang ibang pagkakakilanlan sa kanya.,Maliban sa sinasabi nitong maliit n kahon n kahit ngayon ay hindi parin nabubuksan..
Tama ito, marami naman talagang nagsasabi na hindi siya mukhang pinay lang.Basi kasi sa kanyang mukha mas mapapagkamalan siyang banyaga keysa simpleng pinay.
Iyon nga lang naging kulay tan na ang kanyang balat dahil lumaki siya sa kabundukan at ngayon nga ay sa isang squater naman.
"maraming salamat huh at pinatuloy mo ako rito.inilibot pa niya ang paningin sa paligid ng medyo may kalakihang bahay na inuupahan ng kaibigan.Mag isa kasi itong tumitira roon dahil mas gusto nitong makawala sa pambubugbog ng ama dahil di nito matanggap na bakla ito." hay naku thea wala iyon. ,""iwinasiwas pa nito ang mga kamay.Napangiti din siya ng marinig ang tawag nito sa kanya.Sabagay, kahit ito ayaw din ng pangalan niya, masyadong pangmakaluma, kaya nga gusto nitong tawagin siyang thea keysa Dorothea.
"huwag kang mag alala besh, maghahanap din ako ng trabaho.,marami naman sigurong trabaho na pwede kong pasukan kahit di ako nakapag aral."positibong wika niya.
" thea huh, basta ang pinangako mo sakin,, kahit anong trabaho, basta huwag lang ang pagbibinta ng laman." Nandilat pa ito ng mga mata sa kanya, Bigla na naman tuloy niya naalala ang kinilalang ama.Saludo siya rito kahit wala na ito.Dahil kung ibang tao pa ang nakakuha sa kanya, malamang matagal na siyang pinagkakitaan o di kaya ay ibininta.
"maraming maraming salamat besh."niyakap niya ito dahil sa lubos na pasasalamat.
"hay, naku sino paba ang magtutulungan
kundi tayo tayo lang naman,..Isa pa para ma kitang kapatid nuh??at ayuko rin na multohin ako ni mang isko dahil pinabayaan kita.""
"Kaya simula Ngayon, ako na ang tagapangalaga mo."Understood.??nakangiting tanong nito,.saka oh, ngiti ka naman diyan.
nakakabigat ng vibes eh nuh."pagbibiro nito.
Ngayon kahit papaano nagpapasalamat siya na kahit mag isa na lamang siya sa buhay pero hindi siya pinabayaan ng Diyos at nagpadala siya ng katulad ni simione para tulungan siya.
kahit naman kasi nagbubugaw ito ngunit ayaw nito ng gamoong trabaho para sa kanya.
At napakalaki ng pasasalamat niya rito lalo na ngayong wala na si mang isko.
Kaya nga kailngan niya nang mag isip ng pweding trabaho na mapasukan siya. Kahi pagkakatulong papatusin na niya, ang importante may matitirhan siya.