Chereads / Princess Dorothea / Chapter 3 - Chapter 3:

Chapter 3 - Chapter 3:

Maingay, magulo at napaka usok ng lugar na iyon. Lugar kung saan mas pinili ni mang isko at Dorothea na pumunta matapos ang muntikang pagkamatay sa gubat ng sutukil ng kanyang ama. Halos sampung buwan din ang kanyang paghihirap matapos ang muntikang pagkamatay dulot ng kagat ng mababangis na hayop na iyon. Kaya nga noong panahon na gumaling na ang matanda ay agad itong nagdesisyon na lisanin ang gubat sutakil at manirahan sa kabihasnan,at para na rin sa ikabubuti ng pinakamamahal niyang si Dorothea.Ipinangako niya rin sa kanyang asawang si Doray kung saan niya sinunod ang pangalan ni Dorothea na hindi niya kaylan man papabayaan ang kanilang anak. Dahil ito na lamang ang nagbigay ng lakas sa kanya para mabuhay sa islang iyon.

At ito na nga, labing limang taon ang lumipas at nakasanayan na nilang mag ama ang ingay ng syudad.,Nakakabingi at nakakasulasok ang amoy ng paligid,malayo sa gubat na kanilang pinanggalingan, tahimik ngunit mapanganib.Kaysarap langhapin ng simoy ng hangin mula sa mga nagyayabungang punong kahoy.Kaysarap din pakinggan ang bawat huni ng ibon.Samantalang dito sa siyudad, hindi huni ng ibon ang maririnig mo kundi ingay ng mga sasakyan:sigawan ng mga batang kalye!,at lalong masakit sa teynga ang bunganga ni aling ambrosia.!!

"hayyyy ,,ayan na naman siya.:;"

mahinang usal ng dalagang si Dorothea habang nakasilip sa maliit na butas ng kanilang barong barong na mag ama.

"Dora!!""malakas na tawag ng matanda sa mas pangit pa yatang pangalan nia!!

"andiyan na ho!" nakabusangot niyang sagot.

panu ba naman kasi, pwedi naman sanang thea o Dore ang itawag sa kanya, Talagang sasadyain pa ng matanda na tawagin siyang Dora.hay,, gusto niya sanang mag sentimiento na naman, panu kasi sinunod talaga ng tatay Isko niya ang kanyang pangalan sa yumao niyang ina.Sabagay, bakit pa niya kailangan sisihin ang ama, eh,hindi nga niya nasilayan ang kanyang ina. Ayon kasi sa kwento ng tatay Isko niya, namatay ito matapos makagat ng mabangis na hayop sa gubat. Marami pang kwento ang kanyang ama pero hindi na niya iyon masyadong natandaan.

"hoy!! Dora!!bigla siyang nagulat ng mapagtantong nasa harap na ang matandang land lady daw.!

"aling ambrosia naman!! nakakagulat naman ho kayo!"

"anong nakakagulat, eh aba'y sabihin mo pinagtataguan niyo akong mag ama.!"pagalit nitong sagot.

"hindi naman ho.. bakit ko naman ho iyon gagawin."?muling sagot niya. "saka bakit niyo ako hinahanap? saka bakit parang highblood na naman yata kayo??"nangingiting sagot niya.

"aba' y sino ba naman ang di mahahighblood niyan, eh halos dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad ng upa niyong mag ama.!!"nakabusangot habang nanlalaki ang dalawang butas ng ilong nito.. habang ang buhok ay kung may ano anong nakasabit.

"hay naku aling ambrosia, wala po si tatay., nasa kabilang baranggay po nangangalakal."

saka diba po, alam mo naman na nagpapagamot pa si tatay, kaya nga po kung pwedi eh sa sunod buwan nalang po" mahinahon niyang pakiusap sa matanda.

"aba eh Dora, 50 pesos na nga lang yung buwan niyo dito na upa, eh di pa ninyo mabayaran,, eh masyado naman yatang nakakaabuso kayo.!!nanggagalaiti nitong sagot.napaisip tuloy siya!! bakit ba kasi ganun kahirap ang buhay nilang mag ama, ganun ba kalupit ang tadhana para sa kanila,, ultimo yata bente pesos ang hirap hanapin, lalo na at nagpapagamot pa ang tatay niya.

Napaisip tuloy siyang pwedi naman siya magtrabaho o di kaya sumama nalang sa tatay niya tuwing mangangalakal eto.Pero bigla niya rin naisip ang nangyari sa kanilang mag ama noong sumama siya rito mangalakal, muntik siyang magahasa ng mga tambay at addict.Kung hindi lang dumating ang baranggay, malamang pareho sana silang mag amang naaagnas na ngayon.Kaya simula din ang insedenteng iyon, hindi na siya pinapayagan ng matanda na sumama rito at baka maulit na naman ang nangyari sa kanila. Panu ba naman kasi, agaw eksena talaga ang ganda niya, dami nga nagsasabi sa kanya na baka anak siya nang engkanto doon sa pinanggalingan nilang gubat ng sutakil.

Ang layo naman kasi ng hitsura niya sa kanyang ama, maitim ito, pandak, kulot ang buhok at malaki ang pangong ilong.. Iniisip na nga lng niya minsan na baka sa nanay Doray niya siya nagmana, kahit nga kasi larawan nito wala siyang nakita, eh panu ba naman wala namang camera sa gubat.Eh kahit nga andito na sila sa siyudad eh wala nga siyang cellphone, kahit nga bahay na matino, wala!!

kaya ito tuloy nakatago lang siya lagi sa barong barong nilang mag ama na inuupahan nila kay aleng ambrosia, isa pa hindi naman talaga iyon sa matanda yung barong barong na yun, talagang naniningil lang ito at nananakot pa kung di makabayad. Nakatayo lang kasi ang barong nilang mag ama sa gilid ng tulay. Hindi rin naman siya nakapag aral kaya nga ganda lang meron siya, pero hindi naman ibig sabihin na porke't di siya nakapag aral eh hindi na siya marunong mag basa!! marunong naman siya kahit papaano...

"oiii,!! Dora kinakausap kita!"" abay, tititigan mo lang ba ako ng ganyan!! muli'y pukaw ng matanda sa kanya.

'ah eh',^ sorry po aleng ambrosia, eh kasi naman po kayo, nagagalit na naman, eh papangit kayo niyan."! saka diba nga ayaw mong maestress ka, kaya chilax lang po at mamaya sasabihan ko na po si tatay.." Intindihin mo nalang po sana kami ngayon.'"

"aba'y kitagal ko na kayong iniintinding mag ama!!"" litanya nito, sa halip na pakinggan ang sinasbi niya.

"eh, kung nag" puta" ka nalang sana eh di tiba -tiba ka sana ngayon.'!!" sayang yang ganda mo Dora': aba^ eh pagkakitaan mo na, kesa naman iburo ka ng ama mo rito.!!"biglang parang sinampal siya ng sampung kamay ng paulit ulit dahil sa mga sinasabi nito.. Hindi niya mapigilang mapaluha, gusto niyang sigawan at pagsasampalin ito, pero naiisip niya ang laging paalala ng ama, di baleng magutom sila, basta't may dangal.!!Kaya sa halip na sumagot, tinalikuran na lamang niya ito, at pumasok sa kanyang silid na naharangan lamang ng pinagtagping lumang kurtina.

ang sama ng kanyang loob, lalo na't kauri lamang niya ang nanghahamak sa kanya."Ganito na lang ba dapat?" tanging nausal niya sa sarili.

napakaramot naman ng panahon, yung iba nakakapag aral, pero ako hanggang grade 3 lang "kahit nga piso hirap pa kaming mahanap.

"Panu kaya kung subukan ko yung mga sinasabi nila?" panigurado magkakapera kami ng tatay. Hindi na rin niya kailangang magpakahirap mamasura at napakatanda niya na." habang naiisip niya ang bagay na yon, mas lalong lumakas ang iyak niya. awang awa siya sa sarili at sa kanyang ama. maging ito ay laging naaalipusta ng mga tao,.Pero dahil nga ignorante at walang alam, kaya laging nagpapakumbaba ito..Minsan nga pati sa bintahan ng kalakal dinadaya pa ang matanda.Minsan naisip niya sadyang malupit pa nga yata ang mga tao keysa mga hayop doon sa gubat :naisip niya nga minsan na bumalik nalang at doon nalang manirahan habang buhay, malayo sa mapangmata at mapang alipustang lipunan.

Bigla siyang tumayo at kinuha ang kanyang nag iisang damit mula sa baol na dala dala pa nila galing gubat ng sutukil, tanging iyon lamang ang hindi iniwan ng kanyang ama.Kahit nga saan sila mapadpad lagi iyon dala ng ama., wala namang ibang laman iyon kundi isang kahon na gawa sa stainless, may susihan ito, pero wala ito doon. Sabi ng tatay niya napulot daw nito ang bagay na yon, kaya tinago nalang; hindi rin kasi alam ng ama kung ano ang laman ng bagay na yon.Kinuha niya ang nag iisang damit na napulot ng ama noong nangangalakal sila, isang mahabang bistida na may mga nakabordang rosas na pula.Napakaganda ng damit na yon, at talagang napakaganda ng hubog ng kanyang katawan pag suot niya ang damit na yon.Iyon nga lang may punit ito sa bandang gilid,pero ginawaan niya na iyon ng paraan. Natahi niya na ang magandang damit at ngayon nga ay suot niya na, alam niya na kung saan siya pupunta para makahanap ng pera."Bahala na " ang importante ay makapagpahinga na si tatay"hindi niya naman malalaman eh." mahina ngunit buo niyang usal sa sarili.

Marami siyang mga kakilala na nandoon din nakatira, mga babaeng nagtatrabaho sa may umiilaw na lugar. Minsan nga inaya siya ng mga ito sumama, pero nagalit ang tatay isko niya. Iyon ang unang beses na nagalit ang kanyang ama sa kanya.Kaya sinunod niya ang kagustuhan nitong manatili na lamang sa barong nila.

Binabaybay niya ang maliit ng eskineta palabas sa mabaho nilang lugar ng marinig niya ang tawag sa pangalan niya.

"Hi thea!""si amboy iyon.Ang tambay na anak ni aleng ambrosia..

"Hi Dore.. isa pang bati ng mga nakatambay sa daraanan niya.. halos laging ganun ang eksena tuwing lumalabas siya,kaya nga pati mga may asawa parang mga asong ulol kung makatitig sa kanya. Pati tuloy mga babae doon, parang ang sama ng tingin sa kanya samantalang wala naman siyang ginagawang masama.Nasundan pa ang mga tawag na iyon may sumisipol, kunyare kumakanta; pero hindi niya iyon pinansin.Mabilis niyang binaybay ang daan palabas, kung saan malaking kalsada na at halos walang putol ang mga naghahabulang mga sasakyan.

"Doroteeee!!isang malanding boses ang tumatawag sa pinalanding pangalan niya.

Si Semione iyon, kaibigan niyang bakla.Sa dami nga yata ng pwedi niyang maging kaibigan;ito pa talaga ang nakagaanan niya ng loob.halos ito lang kasi ang nakakaintindi sa pagiging ignorante niya noon. Hindi siya nito pinagtatawanan lalo na noong bagong salta pa lamang silang mag ama doon.Bagkus tinuturuan siya nito,kaya nga niya ito nakagaanan ng loob.

"Semione" nakangiting bati niya sa kaibigan. mabilis naman itong lumapit sa kanya at saka kinurot ang matangos niyang ilong.

"hay, naku bakla kaylan ka paba papangit?"nakatawang biro nito, at iyon ang laging biro nito sa kanya.

"kahit anong isuot mo talaga bakla ang ganda mo talaga"!!Parang gusto ko tuloy manigas!!"bulalas nito sabay takip ng bibig..

Tanging tawa na lamang ang naisagot niya.. sanay na kasi siya sa kaibigan kaya wala na ang mga ganoong biruan.

"aba eh suot mo yata ang mahiwaga mo saya de buda"!!muling biro nito. "saan naman ang lakad mo.?"nakangusong turo nito sa damit niya.

"hay, naku ikaw talaga semione puro ka kalokohan,"!! natatawang tinampal niya ang kaibigan. "may kailangan kasi ako sayo eh at alam kung matutulungan mo ako."

"pera??!!hay naku day^wala rin ako niyan.. you know naman naospital si fudra!! iwinasiwas pa nito ang malalaking kamay sa ere.,,

"hindi naman pera ang kailangan ko sayo eh, "trabaho"!bulalas niya."yung alam mong trabaho para sa akin."

"what""!!!halos magputukan yata

ang ugat nito sa leeg sa lakas ng boses nito.

"ang OA mo naman,."sita niya rito.

"hoy!! babae, don't tell me na napasukan na ng hangin yang utak mo at nagpapahanap ka ng trabaho sa akin.!"" biglang nanlisik ang mga mata nito habang nakapameywang na nakaharap sa kanya.

"alam mo naman ang trabaho ko diba!!at malamang papatayin ako ni mang Isko pag nalaman niyang ibinugaw kita.!! nakaklurke^y

kaya^ yung fudra mo!!"Tinatago ka nga doon sa palasyo niyo." natatawang biro nito. Itinuro pa ang barong barong nilang mag ama mula sa malayo.

"kaya lang kasi e...pinigilan agad nito ang sasabihin niya saka muling naglitanya!!

"Naku!! naku!!"tigilan mo ako Dorothea!! " napangiwi siya ng marinig ang buong bigkas nito sa pangalan niya."alam kong malaki ang kikitain ko sayo lalo na't never been touch ka!!" itinusok pa nito ang hituturo sa balikat niya."kaya lang girl, ikaw lang yong best friend ko., at ayukong masira ang buhay mo dahil lang sa kahirapan.Marami namang mga trabaho na bagay sayo, sa ganda mong yaan!!"" hinawakan nito ang kanyang baba sabay pihit pakabila ng kanyang pisngi Naantig ang puso niya, muli ay tumulo ang kanyang luha.,"gusto ko na kasing makaalis sa lugar na ito.Iyong malayo sa pang aalipusta ng mga taong nakapaligid sayo."napahikbi siya.

" girl,'sumeryuso ang mukha ng kaibigan,.

hindi rason ang pag binta ng sarili para lang makaahon sa hirap.Isa pa huwag mo sayangin ang ganda mong iyan para lang magkapera.

at hindi ko papayagan na sirain mo ang buhay mo Dorothea. " ! nakatirik ang mata nitong pangaral sa kanya. bigla ay nakaramdam siya ng hiya sa kaibigan. Tama ito, napakaswerte niya at naging kaibigan niy ang baklang bugaw

na eto. Magsasalita pa sana siya nang magulat sa paparating na rumaragasang sasakyan. Kasabay ang pagbangga nito sa poste kung saan malapit lang silang magkaibigan na nakatayo.

Takot at magkahalong emosyon ang nararamdaman nilang dalawa, habang nakatingin pa din sa magarang sasakyan na ngayon ay nayupi na ang unahan. Maging ang sakay nito ay makikita na rin mula sa labas nakayuko sa manebela at wala nang malay dahil sa malakas na pagkakaumpog nito.