Limang taon na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mansion ng Daboise de francia. Ang dating masayang mansion, ang makulay na paligid, ngayo'y animo'y nababalutan ng naglalakihang mga puno.. magulo, at parang walang nakatira kung titignan.Ang dating mabulaklak na paligid ay halos natatabunan na ng damo, walang sigla at walang buhay ang nalulusaw na kulay ng muwebles sa labas at loob ng mansion.Iyon ay sa kagustuhan na rin nang Señor Daboise na huwag na ayusin ang paligid ng mansion at ayaw niyang maalala ang kanyang mahal na asawa at anak.Dahil noong nabubuhay pa ang mga ito tanging ang labas ng mansion at mga halaman ang pinagkakaabalahan ng mabait na senyora habang pinapasikatan ng araw ang kanilang unica ija'ng si Beathrice hannah Daboise.Tatlong buwan pa lamang ito ng makasama sa pagsabog sa sinasakyang jet sevice ng pamilya Daboise ang senyora at ang nag iisang anak ng mag asawang Daboise na hanggang ngayon wala ni'y isang labi o kahit gamit man lamang ng mga ito ang natagpuan.
Malamang nasabay na din iyon sa pagkatunaw ng erplano matapos itong sumabog sa himpapawid.
'"Sana sumama nalang ako!!!huhuhu!!sana magkakasama kami ngayon sa kabilang buhay!!"Hinagpis ng Don habang nasa sulok ng kanyang madilim na silid. Hanggang ngayon bumabalik balik pa rin sa imahinasyon niya ang usok at larawan ng sumabog nilang jet service.Naririnig pa niya ang boses ng kanyang mahal na asawa habang nanghihingi ito ng tulong sa kanya.Lagi niya rin napapanaginipan ang iyak ng kanilang sanggol at ang pagkatunaw ng mura nitong katawan mula sa sa apoy dulot ng pagsabog ng eroplano.Kung nakasama lang siguro siya!! may nagawa sana siya para mailigtas ang kanyang mag ina. Naalala pa niya nang inaya siya ng kanyang asawa na pumunta sa isang pagtitipon ng pamilya nito. Mahalaga ito roon, at kailangang mauna ito upang ito ang mag organisa sa mga dapat gawin. Isa kasing malaking pagtitipon ang magaganap sa angkan ni senyora Savahannah Roi Mabbvue, lahat kasi ng angkan ng mga mabbvue sa buong bansa o saan man galing ng bansa ay magtitipon tipon upang sumali sa taunang selebrasyon ng kilalang angkang mabbvue.Kaya nga mas napaaga ang pag alis nito at dahil nagkaroon ng aberya ang kanilang hacienda hindi agad nakasama ang senyor, at sa halip ay pina una na lamang ang kanyang mag ina.
"Bethoreo', !! biglang nanumbalik ang senyor sa kasalukuyan ng may tumawag sa kanyang pangalan
mula sa nakabukas na pintuan ng kanyang silid."Bethoreo!!"ulit ng isang boses ng hindi i1to nagsalita.
"mama^!marahang boses ngunit naroon pa rin ang pait at sakit dulot ng nakaraan.
"iho!ang dilim na naman ng iyong silid,"sinabi ko naman na sayo,.. kailangan mo din mag unwind!! its been five years simula ng mawala ang iyong mag ina. kailangan mo nang lumimot, tingnan mo, napapabayaan mo na ang mansion, ang hacienda savahannah, ang rancho roi.. ang mga businesses natin in manila!!In france, maging sa ibang bansa anak! napapabayaan mo na!!!"mahabang litanya ng matandang senyora pollycianna Daboise.Kung hindi pa ako bumisita dito hindi ko pa makikita ang hitsura ng mansion.Siguro it's time para magkaroon ka na ng katuwang sa negosyo at.....""
agad niyang pinutol ang ano pa mang sasabihin ng matanda. Ayaw niyang sa kung saan naman mapunta ang usapan. Last year pa nito inaalok sa kanya ang pag aasawa, ngunit sadyang hindi niya lng ito pinapansin. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi ipagpapalit ang kanyang nasirang mag ina.
"Mama`` sinabi ko naman saiyo na hindi na ako kaylan man mag aasawa.. hindi ko ipagpapalit ang aking pinakamamahal na si Savannah,umaasa akong buhay pa ang aking mag ina!"matigas at mapanindigang wika ng Don.
"Iyon na nga ang sinasabi ko saiyo Bethoreo,wala na ang iyong mag ina.. wala na ang aking apo.. kaya anak nakikiusap ako saiyo.. move on...please.. Its been five years at kahit isang gamit at palatandaan na nagpapatibay na buhay pa ang iyong mag ina ay walang nakuha at nakita.. kaya please.. You need to let them go."puno nang awa na wika ng matanda.
"Mama``please.. I want to be alone.."Puno ng sakit na pagtataboy niya sa kanyang ina.
Walang nagawa ang matandang Senyora kundi ang iwan muna siya at hayaan na lamang sa kanyang pagluluksa dahil kahit gaano man katagal ng panahon na lumipas ay mananatili parin sa kanyang puso ang nag iisang babaeng minahal niya.Si Savannah Roi Mabvue Daboise.
"Tatay!!tatay!!!mabilis at halos mapugto na ang hininga ng batang si Dorothea ng makitang sugatan ang kanyang ama.,
"Dorothea,, anak!""halos nanginginig na ang boses ni mang isko ng marating ang kanilang kubong mag ama. Sugatan siya matapos maka engkwentro ang isang lobo,at ito na nga ang laki ng kanyang sugat at hindi maampat ang pagdurugo nito.Natatakot din siyang pumikit at mawalan ng malay habang hindi pa nakakarating sa munting kubo nila, kaya pinilit niyang ihakbang ang mga paang kanina pa gustong bumagsak. kailangan niyang lumaban.!! papaano na ang kangyang anak kung iiwan niya itong mag isa,,sa mura nitong edad hindi malayong mamatay din ito sa isla sutakil at iyon ang ayaw niyang mangyari,Kung saan nakapagdesisyon na siyang lisanin ang isla na iyon, kung saan malapit nang matapos ang bangka na ginagawa niya upang syang magamit nilang mag ama pagtawid patungo sa kabihasnan ay siya namang paglusob ng lobo kung saan siya nangunguha ng kahoy na kulang niya sa pagawa ng kanilang bangka.
"tatay!!"" anong nangyari sayo!!bakit po daamimmii mo dugo!!"" magkandautal na tanong ng batang si Dorothea. Sa murang edad nito ay hindi maikakaila ang angking ganda nito kahit na lumaki ito sa kagubatan, hindi maikakailang may dugong bughaw ito at angking talino.Ngunit bakas sa batang babae ang pagiging maliksi kahit pa sa kagubatan ito lumaki dahil nga iyon ang kanyang itinuro sa kanyang anak.
"wala eto anak!!" maliit na sugat lamang ito.. huwag mong alalahanin si tatay, makakaya ko ito,basta sundin mo lng kung ano ang sasabihin ko. ""pinipilit ng matanda na tatagan ang kanyang boses kahit na gusto niya na bumagsak. Mabuti na lang at marami siyang halamang gamot kaya pwede niya iyon magamit sa panahon na ganito.
Inutusan niya si Dorothea na magpakulo ng tubig, at itinuro ang dapat nito gawin.
kahit limang taon pa lamang ito pero nahasa na itong magtrabaho sa loob ng bahay dahil na rin siguro sa kawalan ng ina kaya maaga siyang natuto.
kaya nga kahit anong sabihin ng matanda ay agad namang ginagawa ni Dorothea ng buong tapang.
Wala sa bukabularyo niya ang matakot sa dugo.Iyon ang itinuro sa kanya nang matanda simula noong siya'y maliit pa lamang.
ultimo lahat ng mga halamang gamot at kung ano ano pang gamot at herbal ay itinuro nito sa kanya at ipinatanim sa kanya nang sa gayun ay malaman niya kung anong uri ng halamang gamot ito.Halos ilang oras na ang nakakalipas ay wala paring ulirat ang kanyang ama..Napakalaki ng sugat nito kung kaya talagang maraming dugo ang nawala rito dahil sa kagat ng lobo.
"TAtay... gumising kana".umiiyak na sambit ni Dorothea sa natutulog na ama.Naampat na ang pag durugo ng sugat nito dahil sa nilagay nitong ugat ng kugon.Naglaga siya kanina ng dahon ng bayabas upang malinisan ang sugat ng ama.Kaya nga habang natutulog ito ay unti unti na niyang nililinisan ang malaking sugat nito.Gusto man niyang magpahinga ay natatakot ang munting bata dahil sa pag aakalang mawawala ang kanyang ama kapag natulog siya.Ngunit hindi na nga siguro kaya ng kanyang munting katawan ang pagod kung kaya nakatulog siyang hawang ang sirang damit na siyang pinapampunas niya sa sugat ng ama.