Chereads / ODESSA (Tagalog) / Chapter 1 - PROLOGO

ODESSA (Tagalog)

🇵🇭KIJ
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 29.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGO

Napasinghap ako kasabay ng pagmulat ng aking dalawang mata. Agad kong naramdaman ang paglabas ng malamig na pawis sa aking noo at kamay. Habol ko ang aking hininga na halos nanginginig pa, hapong-hapo ang pakiramdam ng aking katawan.

Madilim ang paligid. Wala akong maaninag. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng aking puso.

Saka ko lang naramdaman ang matinding pananakit ng aking katawan. Napapikit akong muli sa sakit. Pinilit kong bumangon, inipon ko ang aking natitirang lakas upang makabangon at makaupo.

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng aking luha na dumaloy sa aking magkabilang pisngi, bumalik lahat sa aking alaala ang mga naranasan ko.

Napahikbi ako, hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa sinapit ko. Naikuyom ko ang aking kaliwang kamay.

"Gagantihan ko sila, babalik ako. Hindi sila pwedeng maging masaya habang ako'y nagdurusa. Magbabayad sila, magbabayad sila!"