Chereads / ODESSA (Tagalog) / Chapter 5 - BAGONG-BUHAY

Chapter 5 - BAGONG-BUHAY

"Odessa, halika na anak, pumasok ka na loob, kanina ka pa diyan sa balkonahe, dumidilim na."

Napukaw ang pag-mumuni ni Odessa sa boses ng kanyang Ina.

Ngumiti ang dalaga, mula sa kanyang kinauupuan ay tumindig siya at lumakad papasok sa kanilang bahay na pansamantalang tinutuluyan.

Lumapit siya sa kanyang ina, nakangiti man itong sumalubong sa kanya ay bakas sa mukha nito ang pagdadalamhati sa namayapang asawa.

Hinaplos ni Aira ang buhok ng anak.

"Ma, halos isang linggo na simula nung namatay at inilibing si Papa, nagdadalamhati parin tayo." wika nito.

Napabuntong-hininga si Aira "Sa totoo lang anak, di ko talaga kaya, pero nak andiyan ka e, kailangan kong kayanin para sayo. Alam ko naman na hindi magugustuhan ng Papa mo kung pababayaan kita ang sarili ko." sabi ni Aira

Napangiti ng bahagya si Odessa sa sinabi ng kanyang Ina.

"Ma pag-iigihan ko, para sayo at para narin kay Papa, magsisikap ako para sa ating dalawa, pangako yan." ika ng dalagita.

"Nandiyan pala kayo, Aira at Odessa, kanina pa kayo tinatawag ni Nanay kakain na daw tayo"

Napalingon ang mag-ina sa nagsalita at sabay nila itong nginitian.

"O sige Jess, susunod na kami." sagot ni Aira.

Tumango naman ito at naglakad na papunta sa sala.

"Jess!" pahabol ni Aira.

Napahinto sa paglalakad ang kapatid na lalaki at lumingon sa kanya.

"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin ng anak ko pati narin sa pagtanggap ng labi ni Joaquin, nakakahiya man pero malaki ang utang na loob ko sayo."

Napailing si Jess sa sinabing ito ng kanyang kapatid "Wala iyon, kuya mo ako at tsaka pamilya tayo. Dadamayan ka namin sa oras na kailangan mo kami, kaya tama na yang drama at sumunod na kayo sa akin nagugutom na ako." sagot naman nito.

Sabay sabay silang pumasok sa sala, kita pa ni Odessa ang kanyang Lola at Lolo na nakaupo na sa hapag kainan at naghihintay sa kanila.

"Halina na kayo at lumalamig na itong bagong saing na kanin at itong specialty ng Nanay nyo na sinampalukang manok." aya ng kanyang Lolo Lucio.

Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain hanggang sa nagtanong kay Aira ang Lola ni Odessa.

"Aira anak, anong plano niyo ni Odessa ngayon?"

Naging seryoso ang usapan na naging dahilan upang tumahimik sila.

Saglit na uminom ng tubig si Aira saka sumagot sa tanong ng ina.

"Siguro po dito muna kami ni Odessa sa bahay ni Jess, pumayag naman po si Jess na pansamantala muna kaming tumira habang naghahanap ako ng trabaho at malilipatang Apartment." sagot ni Aira.

Nagkatinginan ang mag-asawa sa sagot ng kanilang anak.

"Ah Lo, La, Tutulong nalang po ako kay Mama, siguro po maghahanap muna ako ng trabaho sa darating na bakasyon, tutal naman po eh malapit ng matapos ang school days namin." sabat ni Odessa.

"Mainam yan Odessa, may alam kong trabahong pwede mong pasukan." nakangiting wika ng kanyang Tito Jess.

Sasagot na sana ang dalaga sa sinabing iyon ng kanyang Tito Jess ng biglang magsalita ang kanyang Lolo Lucio.

"Odessa, apo hindi mo na kailangan pang magtrabaho pa, dahil may plano na kami ng Lola mo para sa inyo."

Nagkatinginan ang mag-ina sa sinabing iyon ng matanda.

"Isasama namin kayo sa pagbalik namin sa Maynila, alam kong welcome kayo sa bahay ng Tito Jess mo, pero anak..." tumingin muna ito kay Aira bago muling nagsalita. "Mas gugustuhin namin na doon na kayo sa amin tumira para naman may kasama kami ng Tatay mo doon, malapit ng umuwi ang pamilya ng Kuya Jess mo galing Leyte, sumama nalang kayo sa amin sa Maynila." paliwanag ng kanyang Nanay Celine.

Saglit na natahimik ang mag-ina.

"Marami pong mga alaalang naiwan dito si Joaquin, sa totoo lang ho gugustuhin kong maiwan kami dito." sagot ni Aira.

Tila nalungkot ang mag-asawa sa sinabing iyon ng kanilang anak.

Ngunit nagpatuloy si Aira sa pagsasalita. "Pero kung wala na po kayong makakasama ni Tatay sa Maynila, sige po pumapayag na po ako, alam ko naman po na nakakaabala din ako kay Kuya Jess."

Ngumiti ang mag-asawa sa sinabing iyon ni Aira.

"Salamat naman anak, bukod sa makakasama namin kayo ng Tatay mo e doon na rin ang apo naming si Odessa, nasabik din akong alagaan ang apo ko dahil malayo kayo sa amin nila Jess." sabi naman ng kanyang Nanay Celine.

Lumapit ng bahagya si Odessa sa kanyang ina at nagtanong. "Ma, paano po yung pag-aaral ko?"

Tila narinig ito ng kanyang Lolo Lucio "Iha, wag kang mag-alala, kung ililipat ka man namin ng paaralan ay hindi ka mahihirapan, malapit ang paaralan sa ating tahanan, sakto at magko-kolehiyo ka na."

"Tama ang Lolo mo Apo, mas maraming opurtunidad ang pwede mong puntahan doon, maging ang mga kursong wala dito sa probinsya ay pwede mong makuha doon, at may mga scholarships din silang ini-o-offer." sagot naman ng kanyang Lola.

"Nay, maraming salamat ho sa tulong niyo sa amin ng anak ko, dibale ho pagdating po doon ay hahanap ako ng pwedeng maging trabaho para makabawas naman sa mga gastusin sa bahay at pagpapa-aral kay Odessa."

"Walang anuman yun anak, hay naku, ituloy na natin itong hapunan natin, sulitin natin itong panahon na magkakasama tayong pamilya." sagot naman ng kanyang Lola Celine.

Sa kabila ng kanilang lungkot at dalamahating naranasan dulot ng pagkamatay ni Joaquin, ay sumibol naman ang panibagong pag-asa lalo na sa mag-inang Aira at Odessa.

Paano kaya nila haharapin ang buhay siyudad? Ano kaya ang landas na kanilang tinatahak? Ano kaya ang magiging lagay ng kanilang pamilya lalong lalo na si Odessa sa kanyang pupuntahang bagong lugar?

Itutuloy..