Chereads / ODESSA (Tagalog) / Chapter 3 - AKSIDENTE

Chapter 3 - AKSIDENTE

Napatigil lamang siya ng biglang may humawak sa kanyang balikat.

"Miss hanggang dyan ka nalang, makinig po tayo para hindi na makadagdag pa sa kapahamakan." wika ng isang bumbero.

Napatingin na lamang siya sa bumberong humaharang sa kanya gusto man niyang magpumilit ay hindi nito ginawa, umatras nalang siya at nakihalo sa mga taong nakikigulo sa nagaganap na sunog.

"Joaquin! Joaquin! Diyos ko! Yung asawa ko nasa loob ng bahay, please Manong iligtas niyo po siya."

Mula sa di kalayuan ay nahatak ng tinig na iyon ang atensyon ni Odessa napalingon siya at mula sa kanyang kanan ay nakita niya ang nagpupumilit na ina at nakikiusap sa isang bumberong naroon.

"Manong yung asawa ko po nasa loob, di pa lumalabas yun, b-baka po kung ano na ang nagyari sa kanya sa loob." wika ng kanyang ina.

Agad siyang tumakbo papalapit sa kanyang ina na patuloy parin sa pakikiusap sa bumberong kaharap.

"Ma! Ma! Anong nangyare? B-bakit nasa loob pa po si Papa?" nagugulumihanang tanong ng dalagita.

Napatingin si Aira sa anak, doon na nagsimulang tumulo ang mga luhang tila kanina pa pinipigilan, buong higpit niyang niyakap ang anak habang humihikbi, inalo naman ito ni Odessa sa pamamagitan ng paghaplos sa likod ng kanyang ina.

"Kasama na dapat natin ang papa mo ngayon, kung hindi lang siya pumasok muli sa loob para sana kunin yung mga mahahalaga niyang dokumento para sa pagpunta niya sa Dubai." wika nito.

"P-paanong nagkasunog? Bakit aalis si Papa? Ma, naguguluhan po ako." wika naman ni Odessa.

"Tumabi muna kayo diyan! Padaanin niyo kami!"

Napatingin ang mag-ina mula sa loob ng nasusunog nilang bahay ay inilabas ng hindi hihigit sa limang bumbero ang isang stretcher, agad na lumapit ang mag-ina umaasang si Joaquin ang nasa stretcher na iyon.

Ibinaba ang stretcher, at siya namang lapit ni Aira upang makita kung sino iyon.

"Joaquin! Asawa ko! Bakit pumasok ka pa kasi sa loob?" mangingiyak nitong sambit.

Napasinghap si Odessa ng makita ang walang malay niyang ama na nakahiga. Nagtamo ito ng mga sunog sa pisngi, leeg, braso,kamay, binti at merin itong tama sa ulo. Kung itatantiya ay malala ang sinapit nito mula sa loob, hawak din nito ang isang plastic envelope na naglalaman ng mga papeles.

"Papa!" yan na lamang ang nasambit ni Odessa, habang nakahawak sa braso ng Inang umiiyak.

"Manong salamat po sa pagliligtas sa asawa ko, kailangan po siyang madala sa hospital." wika nito at marahang hinahaplos ang buhok ng asawang walang malay.

Tumango ang hinihingal pang bumbero, agad nitong kinuha ang walkie talkie na nasa kaliwang bahagi ng kanyang bewang at may pinindot pagkatapos ay nagsalita.

"Emergency, Kailangan namin ng Ambulansya dito sa Barangay Tampo. Magmadali hindi maganda ang lagay ng biktima." wika nito.

Hinarap ng bumbero ang mag-ina. "Misis, malala ang mga paso sa iba't-ibang parte ng katawan ng inyong asawa, naabutan pa naming may nakadagan na kahoy sa kanya, mukhang tumama ito sa kanyang ulo, pahirapan din ng kunin namin siya, masyado ng makapal ang usok sa loob, sa kanyang sitwasyon dapat siyang dalhin agad sa pagamutan."

Habang nakikipag-usap ang mag-ina ay nilalapatan naman ng paunang lunas si Joaquin na hindi parin nagkakamalay sa mga oras na iyon.

Tunog muli ng sirena ang pumukaw sa atensyon ng mag-ina, agad na tumabi ang mga taong nakikiusyo kasabay ng pagbungad ng dalawang lalaking nakaputi at lumapit sa kinaroroonan nilang pamilya.

Agad na binuhat ng dalawang lalaki ang stretcher ng walang malay paring si Joaquin na agad namang sinundan ng mag-ina.

"Joaquin, mahal, gumising ka na, ligtas ka na mahal." wika ni Aira habang nakaupo sa loob ng tumatakbong ambulansya, hawak ang kanang kamay ng asawa.

"Pa! Lumaban ka, kailangan ka namin ni Mama." wika naman ni Odessa.

Mabilis ang mga pangyayari, agad nakarating ang ambulansyang sinasakyan ng pamilya ni Odessa sa Hospital upang bigyang lunas ang asawa.

Inilabas ng mga umalalay na nurse ang stretcher ni Joaquin sa sasakyan at nagmadaling iginayak at itinulak papasok ng Hospital.

Pagpasok, agad tinignan at pinulsuan ng doktor ang pasyente.

"Nurse! Ihanda ang mga gamit! Dalhin ito sa agad sa ER." wika ng babaeng Doktor na sumalubong sa kanila.

"Misis, hindi po kayo pwedeng pumasok muna sa loob, kami na po ang bahala sa asawa niyo." wika nito.

Di na nagpumilit pa si Aira. Naipasok na si Joaquin sa loob ng Emergency Room, samantalang naupo naman sa nakahilerang upuan ang mag-inang Aira at Odessa.

Naihilamos ni Aira ang sariling palad sa kanyang mukha.

"Ma, wag kang mag-alala magiging okay din si Papa."

Napatingin at napangiti si Aira sa anak. Hinawakan nito ang kanang kamay ng anak, kailangan niyang maging matatag para sa kanya at sa kanyang asawa.

Halos kalahating minuto silang nakaabang para kay Joaquin, di mapakali si Aira lalo na't di talaga ito nagkamalay ng dalhin sa hospital.

Bumukas ang pinto ng Emergency room at iniluwa nito ang Doktor na tumingin kay Joaquin, halatang katatapos lang nitong asikasuhin ang pasyente dahil suot pa nito ang face mask na gamit sa loob

Agad na lumapit ang mag-ina upang alamin ang lagay ng kanilang padre de pamilya

"Dok kamusta po ang lagay ng asawa ko?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa sitwasyon nina Aira, Odessa at ng Doktor.

Napabuntong-hininga ang doktor na tumingin kay Joaquin, pagkatapos ay tinanggal ang face mask na nakatakip sa ilong at bibig nito.

"As for now Misis, hindi pa rin po nagigising ang asawa niyo, bukod sa burn injuries ay nagtamo din ang asawa niyo ng head injury, marahil ay natamaan ito ng kung anong matigas na bagay sa loob ng nasusunog niyong bahay, at sa tingin ko ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala paring malay ang mister niyo."wika ng doktor.

Nagkatinginan ang mag-ina. Hinawakan ni Odessa ang ina sa bandang bewang nito bilang suporta sa inang tila mauupos dahil sa narinig.

"Dok, ano po ang maari nating gawin para mapabuti ang kalagayan ng asawa ko." tanong ni Aira sa doktor.

"Misis, kailangan nating agad ipa-CT scan ang inyong asawa, para ma-check ang ulo niya, bukod dito kailangan natin ng mga gamot upang magamot ang mga paso at lapnos sa katawan ng inyong asawa umabot sa 2nd degree ang kanyang mga paso sa kanyang katawan."

"Okay po Dok, basta po para sa ikabubuti ng asawa ko." sagot naman ni Aira.

"Don't worry misis, gagawin namin ang lahat para mapabuti ang asawa mo." sagot naman ng doktor sabay hawak sa kanang balikat ni Aira.

"Nasa Class C room number 9 daldalhin ang asawa niyo, at siya nga pala sumunod po kayo sa akin para maibigay ko na ang reseta ng mga gamot niya at pati narin ang request form para sa gagawing CT scan."

Agad sumunod ang mag-ina sa doktor upang makuha ang reseta. Ilang sandali pa pagkatapos makuha ang reseta ay lumabas ang mag-ina sa opisina ng nasabing doktor.

Habang naglalakad papunta sa nasabing silid kung saan nakalagak ang asawa ay napukaw ang katahimikan ng mag-ina ng biglang magtanong si Odessa.

"Ma, kailan kaya magkakamalay si Papa?" wika ni Odessa.

Tumingin si Aira sa anak. "Hindi ko alam anak, pero sana magkamalay na siya, kinakabahan ako para sa kalagayan ng Papa mo. " wika ni Aira sa anak.

Saglit na nagkaroon ng maikling katahimikan sa pagitan ng mag-ina habang naglalakad at hinahanap ang silid ni Joaquin.

"Sana naman paggising ng tatay mo, tuluyan ng bumuti ang kanyang pakiramdam."

Ngumiti si Odessa sa Ina, kahit parehong nag-aalala ang dalawa para sa kanilang padre de pamilya ay pareho nilang tinatatagan ang loob kahit na halos lahat ay nawala sa kanila matapos ang nakakapanlumong sunog.

"Paging Dra. Domingo, there was an emergency at Room 09 Class C. again, Paging Dra. Domingo, there was an emergency at Room 9 Class C we need you immediately,"

Umalingawngaw sa loob ng Hospital na iyon ang tinig ng babaeng nurse dahil sa mga speaker na nasa kanto ng hospital na iyon.

Nagkatinginan ang mag-ina, parehong naalarma ang mag-ina at nagkatugma ang kanilang iniisip.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko Ma, wag naman sanang si Papa iyon." wika ni Odessa

Agad na tumakbo ang mag-ina, tila takang nakatingin ang mga tao sa kanila, sinalubong nila ang isang lalaking nurse para magtanong.

"Sir, pwede po bang malaman kung saan banda makikita yung Room 9 ng class C?" wika ni Aira.

Tumango naman ang lalaking nurse at sinabi ang direksyon papunta roon.

"Yes Ma'am, mula sa pasilyong ito diri-diretsuhin niyo lamang po hanggang dulo, pagdating po sa dulo ay lumiko kayo sa kanan, may mga silid po dun, nakasulat naman po sa taas kung anong room no. Ito, hanapin niyo nalang po ang room 9 doon." wika ng nurse.

"Maraming salamat po." wika ni Aira.

Tinakbo nila ito, nilibot at binasa ang mga nakasulat na detalye sa bawat silid.

"Ma! Ayun ang Room 9." wika ni Odessa.

Napalingon si Aira sa itinuro ng anak nasa dulo ito at halos kakapasok lang ng Doktor na tumingin sa kalagayan ng kanilang padre de pamilya.

Agad silang sumunod dito upang malaman ang nagaganap sa loob ng silid.

Pagbungad nila sa silid na kinaroroonan ng asawa ay natutop ni Aira ang kanyang bibig..

"Joaquin!"