Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 11 - Chapter 10 - The Proof

Chapter 11 - Chapter 10 - The Proof

NATIONAL HIGHWAY ZC...

Saturday 7:00 pm. 

Date schedule ng tagapagmana.

Kahit gaano pa kalaki ang kanyang responsibilidad sa kumpanya, kahit gaano ka pagod, ang pakikipagpagtapo sa iba-ibang lalake tuwing linggo ay responsibilidad niya rin, kagaya ngayon.

Patungo sila sa venue para sa date ng amo habang nakikipag-usap ito sa phone.

"Mr. Villareal pakibilisan please," anang lady boss habang nakatingin sa phone.

"Okay, Ms." Aarangkada na sana siya nang biglang tumirik sa kalagitnaan ng highway. 

Madilim ang paligid at wala halos dumaraang motorista.

"Anong nangyari?" 

Lumabas ang binata at tumingin sa gulong.

"Ms. tingin ko na flat ang gulong?"

Nang dahil sa narinig ay kinabahan ng husto si Ellah.

"Ano? Hindi ako pwedeng ma late! Palitan mo na 'yan ngayon na!" 

Muli namang sinuri ni Gian ang ilalalim ng sasakyan. " Tingin ko hindi lang gulong ang problema," bulong niya.  

"What?" Nagsimula ng mairita si Ellah sa kanyang driver-bodyguard.

Napansin naman ni Gian na tila hinagilap ng amo ang cell phone. Malamang tatawagan ang ka date. Parang alam na niya ang sasabihin nito.

'Pasensiya na Mr. Ramirez, pero may nangyari eh, na flat ang gulong at na stuck kami sa daan.'

"Hello, mang Jude!"

Nanlaki ang mga mata ni Gian na napalingon sa amo.

"Pumunta ka rito... anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Ellah nang mabilis niyang hinablot ang cellphone at pinatay.

"Okay na pala Ms. Hindi pala flat, akala ko lang!"

"ANO!"

Hindi man lang naisip ni Gian na tatawag si Ellah ng ibang driver at sisisihin siya sa pagsisinungaling!

Tila nais niyang iuntog ang ulo sa dashboard nang mapagtanto ang ginawa.

What a lame excuse!

Nang nasa venue na sila tumunog ang cellphone ni Ellah.

Mabuti na lang naayos din ang sasakyan kaya nakarating din sila.

Agad niya itong sinagot.

"Yes Mr. Ramirez?" 

"Ms. Lopez, I am so sorry, pero may emergency, nag collapsed si mama. I can't make it, I am very sorry. Can we move on another day? Next Saturday maybe?" 

Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga.

"Naintindihan ko ang nangyari ngayon Mr. Ramirez, but you're not even sure next week, I'll tell you this is for sure..." 

"Ano 'yon?" 

"We won't meet anymore," pagtatapos niya sa usapan.  

Binalingan niya ang gwardya.

"Uuwi na ba tayo?" tanong nito.

Umiling siya at pumikit, saka nanahimik sa loob ng sasakyan, pinapakalma niya ang sarili dahil iritado sa nangyari.

Kung para sa ibang babae, ang pakikipagtagpo sa ibang lalake ay kaligayahan, para sa kanya isang sakripisyo.

Inaalala niya ang nangyaring interogasyon kahapon.

"The chairman should know how irresponsible his granddaughter is!" 

Kuyom ang kamay na tinugon niya ang birada ng opisyal.

"He won't come, he has faith in me." 

Katahimikan.

Alam ni Ellah kasalanan niya ito kaya dapat akuin ang responsibilidad niya.

"Then don't lose our faith in you," tugon ng bise presidente.

"Bigyan niyo ako ng isang linggong palugit. I'll find the culprit."

"Kung hindi pala ang manager bakit mo siya pinatalsik?"

"Negligence."

"Then you should step out in your position as this is your negligence too," banat naman ng Chief Operating Officer.

Katahimikan.  

Saka naman may nagsalita.

"Bakit siya ang lagi ninyong sinisisi?"

Lumingon siya at nakita kung sino ang nagsalita, ito ang presidente na nakatingin sa kanila.

"Sa halip na sisihin, tulungan na lang natin si Ms. Ellah, huwag ninyong kalimutan siya pa rin ang tagapagmana. Kung wala sila, wala rin tayo!"

 

Dahil doon natahimik ang lahat.

Ngayon nagbabalik sa kanyang isip si Mr. Santos na siyang nagsabing pakana lahat ng ito ni Mr. Valdez, at mukhang tama nga dahil tila wala namang intensyong sirain ni Mr. Go ang kumpanya. 

Ngayon, paano niya malalaman kung totoo nga ito?

Kulang ang isang linggo para maghanap ng ebidensiya at katibayan.

Ang isang private detective ay hindi makakayanan sa maiksing panahon lang.

Minulat niya ang mga mata at nakitang nakatitig sa kanya ang gwardya.

"Okay ka lang Ms. Ellah?" 

Ang tanong nito ay tila naging hudyat upang magbukas ng saloobin dito.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kontrata para maging three percent ang kontrata," tinitigan niya ito. "Pero, matutulungan mo ba akong mahanap ang salarin?

I have one week ultimatum, and if I can't make it, it's another failure for a useless woman like me." 

Nakatingin lang naman ang gwardya niya na para bang sinasabing hindi nito obiligasyon ang bagay na 'yon.

"Ah, never mind, it's not your job," winasiwas niya ang kamay.  

Saka pa lang ito nagsalita.

"Mahaba na ang isang linggo, isang araw lang sapat na."

Nanlaki ang mga mata ni Ellah sa narinig.

"Bigyan mo ako ng biyente kwatro oras," Sinulyapan ni Gian ang orasan sa kotse nakasaad doon alas otse ng gabi.  

"Bukas eksaktong alas otso ng gabi, malalaman mo."

Umawang na lamang ang bibig ni Ellah.

Paano mangyayari 'yon?

Muling nagtanong si Gian. "Home?" 

Umiling si Ellah bago sumagot. "Let's date."

Natigagal si Gian.  

---

CINEMATHEQUE... 

Habang magkasamang nanonood walang binanggit tungkol sa trabaho si Gian.

Pinili nila ay horror na pelikula.

Minsan, sumisigaw si Ellah kapag ang eksena ay suspense at kakapit sa braso niya. Pagmamasdan niya lang ito subalit nakasentro ang atensyon ng dalaga sa screen at siya naman ay dito nakatingin.

"Ahhh!" Mas humigpit ang kapit ni Ellah sa kanyang braso.

Pasimply naman siyang lumapit ng bahagya rito upang mas madama pa.

Masyadong takot ang lady boss na siyang nagpapa exite sa kanya. Nakanganga ito habang siya nakangisi.

Marahan niya itong pinakatinititigan.

'Huwag ka na lang makipag date Ellah, sa akin ka na lang.'

Ngunit hindi niya 'yon masasabi, at hindi nito 'yon maririnig.

Subalit kagaya ng ibang pelikula ang lahat ay may katapusan.

"Ulitin natin?" suhestyon niya.

"Crazy boy!" tawa ni Ellah.

Ang routine ng amo ay palaging ganito.

Trabaho at pakikipagtagpo. Makikipagkita sa ibang lalake.

---

LOPEZ MANSION... 

Linggo 7:00 PM

Nakahanda na si Ellah sa panibagong kakatagpuin.

Suot ang eleganteng red tube dress above the knee na nagpahakab ng kanyang kurba sa katawan, red and black killer heels sandal na bumagay sa damit at designer red bag, handa na siyang katagpuin ang lalaking iyon.

Ang sabi ni Don Jaime, ang lalaking ito ay espesyal sa abuelo, ngunit hindi niya alam kung bakit.

Kailangan magkaroon ng magandang impresyon sa kanya ang lalake, baka sakaling ito na ang magiging asawa niya balang araw.

"My dear, pakiusap itrato mo ng mabuti ang anak ni congressman ha? 

Alam mo na, malapit na ang eleksyon, para walang masabi ang Congressman sa atin," ani don Jaime. 

Tumango lamang siya at humalik sa pisngi ng matanda bago nagpaalam.

"Yes lolo, huwag kang mag-alala, I'll treat him as a king." 

"And you're the queen!" 

Napangiti na lamang siya. 

"Gian, alagaan mo ang apo ko," dagdag nito.

"Yes, sir." 

Habang nasa daan ay tahimik lamang sina Ellah at Gian, kapwa nagpapakiramdaman.

Marahang ipinilig ni Gian ang ulo, ngayon ang kakatagpuin ng amo ay hindi isang negosyante kundi isang pulitiko!

Mas mapanganib kaysa sa isang negosyante, mas ma impluwensiya at...

Mas demonyo!

Nagmamaneho siya habang ang dalaga ay nakatingin sa cellphone nito.

Binusisi ni Ellah ang kanyang email sa phone upang tingnan kung may balita na ba sa kanyang pagpapaimbestiga.

Pagkuwan ay ang background naman ng anak ng congressman.

Nakasuot ito ng tuxedo kadalasan sa mga larawan nito. Kagaya ng iba niyang manliligaw, like, may itsura din ito, ngunit may kakaiba rito kapag tumitingin sa iyo.

Mukhang may malalim na lihim kung pagmamasdan.

"Ms. pwede ba tayong mag-usap tungkol sa trabaho?"

"Huwag ngayon, Mr. Villareal. "

Narinig niya ang malalim nitong paghinga.

"Tungkol ito sa dating manager, na pinatalsik mo."

Dahil dito, nakuha ng gwardya ang kanyang atensyon.

Mabilis niyang tiningnan ang oras at eksaktong 8:00 PM! 

Kinakabahang nasasabik ang dalaga nang maalala ang sinabi nito kahapon.

" D-did you find it?" 

"Yes." 

"Really? Sino!"

"Kailangan nating tumigil, kahit sa isang coffee shop. "

" No, it's not the right time to... "

"Aren't you very interested who ruined your reputation? "

Natahimik ang dalaga.

" Fine, pero bakit coffee shop? "

"Ninenerbyos ako sa date mo ngayong gabi." 

"Ano?" amused na saad ni Ellah.  

Huminto nga sila sa isang coffee shop, at nang nasa loob na sila ay ibinigay nito ang isang maliit na sobre sa kanya.

Kaagad naman niyang binuksan.

"Ano 'to?" 

"Proof." Inilagay nito ang USB sa mesa kasama ang cellphone at nagbukas ng isang video.

"Pakinggan mo."

Kinakabahan na at hindi mapakali ang dalaga.

Humigop naman ng kape ang binata habang nakikita sa video ang dalawang lalaking nagtatawanan sa loob ng opisina.

"Congratulations sir! Napakagaling mo talaga! Sinong mag-aakalang may plano ka rin!"

"Natural, hindi sila mag-iisip na ako 'yon dahil ako ang nagsumbong."

"Ngayon, hindi ka na lang supervisor!"

"Ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, pero talagang sinabotahe ko na ang manager."

Kumuyom ang kamay ni Ellah, ipinikit nang mariin ang mga mata upang kalmahin ang sarili matapos ng mga narinig.

Ngayon alam na niya ang katotohanan!

Huminto ang video.

Hinarap niya ang gwardya.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?"

Humugot na malalim na paghinga si Gian at inalala ang kanyang ginawa.

Malakas ang kanyang kutob na isa sa kanila o silang dalawa ang may planong sirain ang tagapagmana,

kaya gumawa siya ng paraan kahit hindi na ipinaalam dito.

Malinaw sa kanyang isipan ang bwat detalye.

Noong panahong may meeting ang amo, saka niya isinagawa ang plano, para sa trabahong ganito ay madali lang sa kanya ang pumasok sa mga opisina ng mga ito at nilagyan ng spy cam recorder ang gilid ng cabinet.

Ginawa niya rin iyon sa opisina ng dating manager.  

Subalit nang paalis na siya ay nakarinig ng mga yabag mula sa labas.

"May tao ba rito?"

Nahigit ni Gian ang hininga habang nagkukubli sa likod ng pinto.

"Nakalimutan ko bang isara ang pinto?" bulong pa nito.

Ang buong akala niya aalis na ito ngunit pumasok pa at isinara ang pinto, wala na siyang ibang magagawa.

Habang nakatayo ang opisyal at siya ay nasa likuran ay marahan siyang humakbang sapat sa pag-atake, nang akmang lilingon na ito ay mabilis niyang pinisil ang leeg ng lalake dahilan ng pagkawala ng ulirat.

Matapos marinig ay bumuntong-hininga si Ellah.

"May bali-balitang si Mr. Valdez 'yong gumawa."

"Ako 'yon."

"'Yong ginawa mo hindi maganda, pero napakagaling ng ideya mo, ngayon, parang alam ko na ang gagawin ko."

"Ano man ang plano mo, may tiwala ako sa'yo Ms."

Napangiti si Ellah.

"Umuwi na tayo," mariin niyang tugon at nauna ng lumabas.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay tumunog ang cellphone ni Ellah.

Ang nasa kabilang linya ay si don Jaime, sinagot niya ito.

"Nasaan ka na?"

 "Lolo, may dapat kang malaman tungkol sa kumpanya..." 

"Bukas na, puntahan mo muna. Kitain mo ang anak ni congressman, kanina pa siya roon-"

"Pero lolo hindi-"

"Do not disobey me Ellah!" 

Kapwa sila natahimik.

Humugot ng malalim na paghinga ang binata.

"No one can broke don Jaime's order," deklara ni Ellah.