BAR CODE...
"ELLAH?" Kumabog ng husto ang dibdib ni Gian.
"Ikaw ba 'yan?" ibinuka ng binata ang mga mata at unti-unti ng luminaw ang nakikita.
Umiiyak ang isang babae sa driver's seat habang nakayuko sa manibela.
Napamulagat siya at biglang bumalikwas.
Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang ang amo ang makikita niya.
" Tangina asa'n si Vince!"
"Kung gusto mong umalis, umalis ka."
Para siyang binuhusan ng tubig at nagising sa kalasingan!
"Narinig mo lahat ng sinabi ko?"
"Wala pala talaga akong kwenta sa'yo."
"Tang...aaaahh!" sigaw niya at napapikit sa kahihiyan.
Napaigtad si Ellah.
"Shit!" Binuksan niya ang pinto at kahit gumegewang sa paghakbang ay pinilit niyang makalayo.
Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng matinding kahihiyan!
Dinukot niya sa bulsa ng suot na pantalon ang cellphone at
tinawagan ang kaibigan.
"Pare pumunta ka ngayon dito sa Bar code pumunta ka na dito ngayon na!"
"Pre?" tunog tulog pa ang kaibigan.
Gigil niyang pinatay ang cellphone.
Patuloy siya sa paghakbang at kahit paano malinaw na niyang naaaninag ang dinadaanan.
At naramdaman niyang may sumusunod na nilingon niya. Ngayon lang niya napansin ang suot nitong black shorts at white shirt, naka hoodie jacket ni hindi man lang yata nakapag lipstick na para bang nagmamadaling puntahan siya.
"Tinanong kita kung anong problema mo, gusto mo na palang umalis kahit wala pang dalawang linggo?"
Hindi niya ito pinansin.
"Lumayas ka tutal hindi mo rin naman pinahalagahan ang ginawa ko!"
Tumunog ang cellphone niya at agad niyang sinagot si Vince.
"Pre, dito ako sa may entrance."
"Hintayin mo ako papunta na ako diyan."
Binilisan niya ang hakbang kahit muntik na siyang matumba.
"Umuwi ka na," malamig niyang tugon.
"Pwede ba! Mag-usap muna tayo!"
"Umalis ka na!" sigaw na niya.
"Ang kapal mo!" Sigaw nito habang pabalik ng sasakyan.
Inabutan niya ang kotse ng kaibigan na agad niyang binuksan at pumasok.
"Anong ginagawa mo rito pre? Madaling araw na ah?"
"Pre, pakihina ng aircon mo."
Sinunod naman nito ngunit nasulyapan siyang yakap ang sarili at nakapikit.
Idinantay nito ang palad sa kanyang noo.
"Pare! Napakataas ng lagnat mo!"
Biglang hinubad ang kanyang suot na jacket at nakita nito ang mga pasa niya.
"Sinong gumulpi sa'yo?"
"Mamaya na ako magpapaliwanag gusto ko ng umuwi."
"Hindi, sa ospital tayo pupunta!"
"Huwag na kaya ko ang sarili ko hindi ako magpapa..."
"Gian pare!"
Tuluyan ng nagdilim ang paningin ng binata at wala na siyang matandaan.
---
CIUDAD MEDICAL DE ZAMBOANGA...
Nagising si Gian may benda sa ulo at iba pang parte ng katawan.
Napabangon siya.
"Pare, nasaan ako?"
"Nasa langit pare kasama ko."
"Gago!"
Tumawa si Vince.
"Okay ka na ba? Dinala kita sa ospital dahil nilagnat ka, sabihin mo nga sino ang may gawa niyan?"
"Nagugutom yata ako pare."
"Sige sandali at ipaghahanda kita. Ang hirap talaga ng walang girlfriend mantakin mong ako ang nag-aalaga sa'yo?"
"Sige na, daming reklamo."
"Oo na!"
Saglit lang kumakain na siya, inilang subo lang niya ang ihinanda nito sa sobrang gutom.
"O tapos ka ng kumain ha, baka pwede ka ng magkwento?"
"Gusto kong magbanyo pare."
"Lintek!"
Natawa ang binata. Ngunit inalalayan pa rin siya nito papuntang banyo.
Nang makatapos ay nahiga siya uli umupo naman ito sa tabi niya.
"O ano magkwento ka na."
Pumasok ang nurse.
"Excuse me sir, gising na pala kayo, i check ko muna kayo sandali" wika ng nurse.
Napakamot ng ulo si Vince.
"Well, okay na uli ang mga vital signs niyo sir, baka bukas pwede na kayong ma discharge."
"Sige ho salamat," sagot niya.
Nang makalabas ang nurse ay muli siyang kinulit ni Vince.
"Buti na lang pare makakalabas ka na bukas sige na magkwento ka na."
"Ganito kasi 'yan..."
"Kumustang pakiramdam mo nahihilo ka pa ba?" tanong ng doktor pagkapasok nito.
Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Vince.
"Hindi na ho dok."
"Good"
Bimilinan siya nito ng instructions.
"Sige ho dok salamat."
Nang makaalis ang doktor nainis na ang kaibigan.
"Mamaya darating dito ang nanay mo ang tatay mo lintek! "
"Ano? Patay na ang mga binabanggit mo!"
Napakamot ng ulo si Vince.
"Pare, hindi mo ba ito ipapaalam sa opisina?"
"Hindi na, buhay naman ako eh."
"Paano mo maipapaalam kung patay ka na?"
Humugot siya ng malalim na paghinga. "Nakasagupa ko ang anak ni congressman Dela vega."
"Ano? Pare sa dinami-daming tao bakit siya pa ang napili mo? Kilala mo sila hindi ba?"
"Ang pamilya nila pero hindi ang anak."
"Teka nga malabo eh, bakit ba kayo nagkita ng lalaking 'yon?"
"Nireto siya ni don Jaime kay Ellah. Pero sinaktan siya kaya ipinagtanggol ko. Nagkabarilan pa nga eh."
"Ano! Dahil sa babae kaya ka nagkaganyan?"
"Trabaho ko 'yon bilang bodyguard niya."
"Buti na lang nakaligtas kayo. Ano reresbak ba tayo? Sabihin mo lang ako ang kikilos."
"Huwag, sa tingin ko mananahimik na ang mga 'yon dahil malapit na ang eleksyon."
Hindi na ito umimik. May punto si Vince dapat niyang ipaalam subalit natatakot siyang baka pag nalaman ng head nila ay aalisin na siya kapag nagkataon paano na si Ellah?
"Pare, maraming salamat dahil lagi kang nandiyan."
"Pare, huwag kang ganyan para kang namamaalam. Sige ka 'pag namatay ka ako ang papalit sa posisyon mo pati na rin sa trabaho. Malay mo ako pala ang nakatadhana para kay Ellah."
"Sira ulo!"
Tumawa ito.
Tumunog ang kanyang cellphone.
Napatingin siya sa kaibigan.
"Pare, si don Jaime tumatawag."
"I loud speak mo."
Sinunod niya.
"Good morning sir."
"Yes Gian, nasaan ka samahan mo ang apo ko ngayon meron siyang importanteng meeting."
"Sir? Ah, pasensiya na ho sir, medyo masakit kasi ang katawan ko."
"Katawan? Bakit nahihirapan ka bang magmaneho?"
"Ah, hindi ho sa gano'n don Jaime, a-ang ulo ko pala ang masakit."
"Mr. Villareal nagdadahilan ka na ba ngayon? Sabihin mo lang at papalitan ka namin!"
Nagkatinginan silang magkaibigan.
Biglang inagaw ni Vince ang cellphone sabay layo.
"Hoy ano ba! Akin na 'yan!"
"Don Jaime, si Vince ho ito kaibigan ni Gian, nasa ospital ngayon ang kaibigan ko dahil sa gulpi at barilang nangyari kahapon ng gabi, kung hindi niyo ho alam, 'yon ay dahil sa inyong apo. Muntik ng mamatay ang kaibigan ko hindi niyo alam!"
Natahimik si Gian bagaman at nagpapasalamat siya sa ginawa nito ay naiinis siya sa kaibigan.
"Bakit mo sinabi? Hindi mo alam ang pinagsasabi mo pare!" galit niyang bulyaw matapos itong makipag-usap.
"Pasensiya na pero hindi ko maaatim na aalis ka ng ospital ngayon dahil lang sa utos ng isang don Jaime."
"Kahit na hindi ka dapat makialam!"
"Alam mo tama ka, 'yang ikamamatay mo ay ang apo ni don Jaime!" galit na nitong sigaw.
Natahimik ang binata.
Natauhan din si Vince.
"Ayoko lang naman na abusuhin mo ang kalagayan mo hindi ka pa magaling."
Huminga siya ng malalim at dahan-dahang nahiga. Inalalayan pa rin siya nito para makapwesto ng maayos.
"Ayoko lang isipin ni don Jaime na napapabayaan ko ang apo niya."
"Napabayaan? Eh 'di sana patay na siya? Eh ikaw nga 'tong muntik ng mamatay! Wala siyang pwedeng isumbat sa'yo, oras na may marinig akong panunumbat lalabas siya dito ng naka wheelchair!"
"Naka wheelchair na talaga 'yon."
"Eh 'di stretcher!"
"Puro ka kalokohan, kaya ayokong malaman niya dahil tiyak lalala ang kundisyon ng matanda. Ngayon dahil sa sinabi mo nakakasigurado akong inuusisa na ngayon si Ellah."
Natahimik si Vince.
Muli siyang napabangon nang kapain ang ulo.
"Pare ang sumbrero ko?" nakatingin siya dito.
"Sumbrero? Wala ka namang suot pare."
Bigla siyang nataranta. " Tangna! Pare balikan mo ang bar ngayon at tiyak kong naiwan doon."
"Bakit? Gaano ba ka importante ang bagay na 'yon at natataranta ka diyan?"
"Bigay ni Ellah 'yon eh!"
"Ano ngayon, eh 'di humingi ka ulit! Teka bakit ka niya binigyan?"
"Hindi siya sumagot.
"Malayo pa ang birthday mo Gian, pati na ang valentines kaya bakit ka niya binigyan, kayo na ba?"
"Hindi! Hanapin mo ang sumbrero ko ngayon na, at bilisan mo baka tuluyan na 'yong mawala!"
"Oo na! sumbrero lang eh!" Napapakamot ng ulo na umalis ang kaibigan.
Napangiti siya habang pinagmasdan ito palabas.
Saka naman sumagi sa kanyang isipan ang dalaga.
Bigla na naman siyang nag-alala dito.
---
LOPEZ MANSION...
"Nasa ospital daw ngayon si Gian hindi mo alam?"
Mapanganib ang tono ng don na ikinapanlaki ng mga mata ni Ellah.
"Saang ospital lolo, pupunta ako!"
"May alam ka ba kung bakit siya nandoon?"
Hindi siya umimik.
"Huwag mong subukang magsinungaling, buti na lang kaibigan niya ang nagsabi sa akin dahil tiyak kong pagtatakpan ni Gian ang nangyari. Nakakahiya kay hepe, napahamak ang asset niya na hindi ko alam."
Napayuko ang dalaga.
"Lolo, I'm sorry kung binigo ko po kayo. Ayoko ho sanang malaman niyo pa ito pero nabibigatan na rin po ako lolo, parang hindi ko 'to kakayanin mag-isa."
"Anong ibig mong sabihin?"
"A-ang totoo, hindi po naging maganda ang pagtagpo namin, nagkagulo at nagkabarilan."
"ANO?!"
"Pero hindi naman po nabaril si Gian."
"Punyeta! Kasalanan ko ito!"
"Hindi po lolo, ako ang may kasalanan, na late po ako ng mahigit kalahating oras kaya siya nagalit ng husto, kinaladkad po niya ako at ibinalya sa dingding."
Nang dahil sa narinig ay tila umakyat lahat ng dugo sa ulo ng don.
"Alex! Alex!"
Humahangos na dumating ang tinawag.
"Don Jaime bakit po?"
"Gusto kong makausap si congressman Dela vega!"
"Lolo, huwag na po, nananahimik na 'yong tao kaya please palagpasin na lang natin 'to."
"Hindi pwede! Dahil sa kanya nasa ospital ngayon ang bodyguard mo, ako ang kumuha sa kanya kaya kargo ko si Gian!"
"Lolo please!"
"Alex sabihin mo kay congressman makipagkita sa akin. Kung kinakailangang gamitin ko lahat ng impluwensiya at koneksyon natin gagawin ko para matalo lang sa eleksyon ang hayop na 'yon!"
"Yes sir!"
Nabaghan si Ellah sa narinig. Alam niyang hindi magbibiro ang abuelo pagdating sa kanyang kapakanan.
"Lolo please, natatakot akong babalikan kami ng anak nila."
"Huwag kang mag-alala dahil ipapakulong ko ang hayop niyang anak!"
"Hindi niyo ba naisip na malalagay tayo sa alanganing sitwasyon? Makapangyarihan po sila, kapag nalaman ni congressman na ipinakulong niyo ang anak niya sa tingin niyo po ba mananahimik 'yong tao?"
"Natatakot ka ba sa mga Dela vega hija?"
Umiling ang dalaga.
"Natatakot po ako sa magiging kahihinatnan noon sa inyo lolo, kayo na lang ang nag-iisang karamay ko, ayokong pati kayo ay mawawala rin, hindi ko kakayanin lolo, ikamamatay ko!" napahagulhol ang dalaga.
Naaawang niyakap siya ng matanda.
"Tahan na hija, o sige na, alang-alang sa kapakanan mo hindi ko na itutuloy basta ba mananahimik lang sila ng tuluyan."
Napayakap siya rito.
"Salamat po."
"Maghanda ka na pupuntahan natin siya."
"Opo lolo, maraming salamat."
Nakahinga ng maluwag ang dalaga dahil naipagtapat na rin niya sa kanyang lolo ang nangyari.
Masakit pa rin sa kanya ang mga sinabi ni Gian subalit ngayon napagtanto niyang kasalanan niya lahat.
---
CIUDAD MEDICAL DE ZAMBOANGA...
Nakahiga si Gian nang pumasok si don Jaime.
Sinikap niyang bumangon at hinarap ang don.
"Kumusta ka na Gian?"
"Kayo pala don Jaime, pasensiya na ho at hindi ko masasamahan ang inyong apo sa ngayon."
"Wala 'yon andito nga siya eh, ipina kansela ko na ang meeting. Ikaw kumusta na ang pakiramdam mo?"
Umilap ang mga mata niya nang malamang kasama nito ang apo.
"Okay na ho ako sir, bukas makakalabas na ako dito."
"Teka nasaan na ang kaibigan mo?"
"Ah, may pinuntahan lang ho ako sandali."
"Gusto ko sanang maparusahan ang gumawa nito sa inyo pero mahigpit 'yon na tinutulan ng apo ko. Ayaw niya ng gulo."
Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata.
"Magpagaling ka agad.
Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa'yo, magaling ka na maingat ka pa."
"Wala ho 'yon sir, trabaho ko ang protektahan ang apo ninyo."
"Salamat. Huwag kang mag-alala sagot ko lahat ng gastos mo."
"Ho? Nakakahiya naman po 'yon."
"Hindi, ako ang may kasalanan kaya nararapat lang na ako ang sasagot sa'yo."
"Maraming salamat ho."
"Sige na, pasensiya ka na hijo pero hindi ako makakatagal sa amoy ng ospital eh, alam mo na matanda na tayo."
Tipod siyang ngumiti. "Okay lang ho don Jaime."
"Huwag kang mag-alala babantayan ka ng apo ko."
Nanlaki ang mga mata niya!