Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 17 - Chapter 16 - The Site

Chapter 17 - Chapter 16 - The Site

AMELIA HOMES...

Tinawagan ni Gian ang kaibigan.

"Pare may ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Maghanap ka ng kahit anong ebidensiyang magpapatunay na sangkot si congressman Dela vega sa mga anumalya dito."

"Para ano naman 'yan?"

"Gusto kong makaganti kahit sa simpleng paraan lang."

"Utos ba 'yan ni don Jaime?"

Huminga siya ng malalim. Wala talaga siyang maililihim sa kaibigan.

"Tama ka, gusto niyang makahawak ng matibay na alas kung sakaling baliktarin siya ni congressman."

"Madali lang 'yan 'yong pamamaril ng anak niya ang isa na roon. Naunang nagpaputok ang anak niya kaya kung lumaban man kayo defense lang 'yon. Isa pa sa dami ng kalokohan ng congressman na 'yan sigurado akong hindi tayo mabibigo."

"Salamat pare"

"Basta ikaw sir."

Muli siyang huminga ng malalim.

"Naalala ko pare noong malasing ako at dinala mo sa ospital, ayoko na sanang banggitin ito pero galit na galit ako sa'yo noon!"

"Bakit naman?"

"Tang ina pare! Akalain mo bang hindi ikaw ang kausap ko ng gabing 'yon."

"Kung gano'n sino 'yon?"

"Sino pa kundi si Ellah!"

"Gago! Eh di para ka na ring ginisa sa sarili mong mantika!"

"Iyon ay dahil hindi ikaw ang dumating sa bar at sinundo ako, ang mga lintek na staff ng bar hindi naman sinabi kung sino ang sumundo sa akin. Ang mga gago, dahil daw Boss ang nakapangalan kaya 'yon ang kanilang tinawagan!"

Humalakhak ng husto ang kaibigan.

"Anong pakiramdam noong malaman mong ang boss mo ang kinakausap mo?"

"Para akong natuklaw ng ahas pare, sa sobrang hiya ko tinawagan kita ng 'di oras. Parang gusto kitang sakalin nang makita kita."

Panay na naman ang halakhak nito.

"Sayang hindi ko nakita! Eh 'di para kang basang sisiw sa tuwing haharap ka sa kanya? Akalain mo bang wala ka ng itatago sa boss mo?"

"Sinabi mo pa! Pero idinaan ko na lang sa biro para hindi halata."

"Diyan ako bilib sa'yo eh, kahit napahiya ka na, kayang-kaya mo pa ring makabawi."

"Gago! Hindi mangyayari 'yon kung dumating ka."

" Bakit kasi boss ang nasa contact mo?"

"Siyempre, amo ko 'yon eh."

"Kasalanan mo talaga pare, kung darling sana 'yon eh tiyak ako ang tinawagan dahil pare ang pangalan ko sa contact mo."

"Darling? Eh 'di nasakal ako ni don Jaime kapag nalaman 'yon gago!"

"Naks! Takot siya kay lolo!"

"Sira!"

"Sige nga pare sabihin mo nga lolo Jaime!"

" Gago!"

"Pero, pare seryoso, huwag kang ma inlove doon sa babaeng 'yon ha? Naku pare delikado talaga."

Nahigit niya ang hininga nang maisip na hindi siya gusto ng don.

"Hindi mangyayari 'yon pare."

Hindi naman siguro hindi ba?

Anuman ang nararamdaman niya hindi naman pag-ibig ito. Malalim na paghanga lang.

Kapag wala na siya sa poder ng mga Lopez paniguradong makakalimutan din niya ang amo.

---

CURUAN HIGHWAY...

Tahimik na nagmamaneho ang bodyguard ni Ellah habang nasa biyahe sila papunta sa site.

Naidlip muna siya habang nakaupo sa tabi nito.

Limang oras din 'yon buhat sa siyudad patungong probinsiya kung saan naroon ang tunnel na pupuntahan nila.

Isang beses sa isang buwan ay talagang dinadalaw niya ang site.

Malakas ang ulan kaya medyo mabagal ang takbo nila.

Nagising siya nang makaramdam ng panlalamig.

Tahimik lamang siya habang nakamasid sa dinadaanan. Malapit na sila doon sa pinangyarihan ng krimen noon kung saan napatay ang tatlo niyang mga bodyguard.

Nang tuluyan na silang dumaan tila nagbalik naman sa kanya ang lahat.

Ang tawanan, ang biruan, ang pangakong binitiwan niyang hindi na papalitan ang mga ito.

Ngunit may mga bagay lang talagang nangyayari sa mundo na mahirap intindihin.

Kagaya ng pagkawala ng mga gwardya at napalitan ng iisa.

Sayang nga lang at hindi niya matagal na nakasama ang tatlong 'yon kaya hindi niya lubos nakilala, gano'n pa man lubos ang pasasalamat niya sa pagbuwis ng buhay ng mga ito mailigtas lamang siya. Utang niya rito ang buhay niya.

At ngayon may isa na naman siyang pinagkakautangan ng buhay niya. Kung nagkataon baka napatay siya sa barilang naganap.

Nilingon niya si Gian na nakatutok sa kalsada.

Kagaya rin ng isang ito, handa ring magbuwis ng buhay para sa kanya. Ngunit hindi naman niya lubusang kilala.

"Gian, nasaan pala ang parents mo?"

Sinulyapan siya nito. "They died long time ago."

"Oh, sorry, both?"

Tumango ang binata.

"Mind if I ask, paanong...I mean..."

"May sakit ang mama ko leukemia, then she died, si papa hindi nakaya ang depression, nagkasakit din dahil hindi na kumakain kaya sumunod siya."

"Sorry to hear that."

Matagal-tagal na rin niyang tauhan ang bodyguard/driver subalit ngayon lang niya nausisa ang tungkol sa buhay nito.

"Sino nag-alaga sa'yo?"

"Lola ko ang nagpalaki sa akin."

"Then where is she?"

"She died ten years ago."

"I'm sorry," tanging nasabi ng dalaga.

Ulila na pala ang kanyang bodyguard hindi man lang niya nahalata.

Mayabang kasi ito at arogante minsan, hindi kapansin-pansin na nag-iisa na lang pala sa buhay.

"My parents died in a car accident, both kaya si lolo ang nagpalaki sa akin."

"Parehas pala tayo, wala ng mga magulang."

"Ganoon na nga."

Sabay silang bumuntong-hininga.

"Mind if I ask you again, last na 'to promise."

"What?"

"Bakit wala kang girlfriend?"

Nilingon siya ng binata.

"Hinihintay kasi kita."

"Hmp! Makatulog na nga lang uli."

Natawa si Gian at muling itinuon ang paningin sa daan siya naman ay ipinikit ang mga mata.

Kahit kailan talaga, hindi ito matinong kausap!

---

MEDC TUNNEL...

Malapit na sila sa opisina ng site subalit napapansin niyang wala ng tao.

Nilapitan ni Ellah ang gwardya roon.

"Good afternoon po Ms."

"Bakit wala ng tao? Saan sila nagpunta?"

"Ah, Ms. may bagyo po eh, maaga silang umuwi."

Umalsa ang dalaga.

"Bakit? Ang usapan ay usapan! Nagmamadali akong pumunta dito tapos wala akong aabutan!"

Hindi nakaimik ang lalaki.

"Siguro naman nandito pa ang manager?"

"P-pasensiya na po Ms. pero umuwi na rin po eh, brownout po kasi."

"Ang generator pala? "

"Hindi rin po magamit sa lakas ng bagyo at baka babaha na."

Tinawagan nito ang manager. Mabilis naman itong sinagot ng operator.

" Argh! Hindi siya makontak! Alam naman niyang darating ako ba't 'di siya naghintay? " galit na bulyaw ng dalaga.

"Ms. Ellah" dahan-dahan niyang hinila ang dalaga palayo sa lalaki.

"Nakakabwesit naman 'to!" sinapo nito ang noo bago nagmartsa pabalik sa kotse.

Si Gian na ang kumausap sa gwardya.

" Pasensiya na brad, tigre ang amo natin"

Natawa naman ang kausap.

" Ayos lang sanay na kami."

"Malayo kasi ang byahe, gusto niya ng round trip kaya disappointed ng walang maabutan."

" Nagmamadali si sir kasi daw bumabaha na sa kanila. Nakalimutan yatang tumawag "

Tumango-tango ang binata.

" Paano brad, alis muna kami, pasensiya uli "

"Sige ho sir, mag-iingat po kayo ni Ms. Ellah "

" Salamat"

Maya-maya lang pumasok na rin siya sa loob at nag-umpisang magmaneho palabas.

Napansin niya ring sumaludo pa ang gwardya sa kanila kaya sumaludo rin siya.

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Hindi tayo pwedeng umuwi ng wala man lang napala!"

"Bukas na lang natin..."

"Marami akong trabaho sa opisina, marami akong meetings at ayokong i- cancel 'yon!"

Hindi siya umimik.

"Hindi rin pwedeng matulog ako dito, wala akong mga dala dahil ini expect ko na makikita ko ang tunnel at may aabutang tao!"

"Look, ikaw naman ang boss, pabuksan mo ang tunnel at ng sa gano'n makita mo ang loob"

"Bitch Gian! Wala kang naiintindihan!"

Napikon ang binata.

"Pinipilit mo ang hindi pwede!" sigaw na rin niya.

Matagal silang walang imikan.

"Fine! Papa'no tayo ngayon?"

Ang resulta naghanap sila ng matutulugan.

Ang nakuha ay iisang kwarto na lang.

Sa inis ng amo ay namili muna sila ng mga gamit at damit sa isang department store.

"Wow! Isang gabi ka lang dito pero ang binili mo pang tatlong gabi?"

"Shut-up!"

Napansin kasi niyang iisang bag lang ang dala niya, pero 'yong sa amo niya tatlo tapos siya pa lahat nagbitbit.

Ilang sandali pa, nakabalik na sila sa hotel.

"O, paano, dito na lahat ng gamit mo, aalis na ako."

"Okay"

Isinara ng dalaga ang pinto.

At siya matutulog sa kotse. Sanay naman siya kahit saan. Nakatulog nga siya sa gitna ng kagubatan.

Kotse pang may aircon na may music pa!

---

JV RESTAURANT...

Naninigkit ang mga mata ng dalaga habang papalapit ang waitress ng nakangiti.

Okay lang sana, ang kaso hindi siya nito nakikita!

Nagutom kasi siya kaya dinala siya ni Gian sa restaurant na karugtong ng hotel.

"Good evening madam, sir!" wika ng babae, sinulyapan lang siya, tinitigan si Gian.

Binigyan sila nito ng menu. Umikot ito at tumabi sa binata.

What the Heck!

'Kaunting pasensiya Ellah'. Sa loob-loob ng dalaga.

Namili na siya sa menu.

"Ms. ito na lang 'yon akin"

"Alin po diyan sir?" Mas lumapit pa ito para makita ang itinuturo ng binata.

"This one" lumingon si Gian ngunit bigla ring napaatras.

"Ops, sorry" nakangiting wika ng babae.

"Sorry din"

Nakita niyang muntik ng magtama ang mga labi ng dalawa.

Buti na lang mabilis na umiwas ang bodyguard niya.

Buti na lang!

Muli siyang namili sa menu.

Hinintay niyang tumabi sa kanya ang babae subalit hindi nito ginawa.

Kaya muli siyang napatingin dito.

Kitang-kita niyang kinakagat-kagat ng babae ang pang-ibabang labi nito habang nakatitig sa nakayukong si Gian dahil may tinitingnan ito sa cellphone.

Naalala niya ang sinabi ni Gian noong minsang ginawa niya 'yon.

Seduce daw!

Umalsa ang dalaga!

"Ms. nakikibasa ka ba o nanglalandi ka?"

"Ha?"

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

"Bakit 'di mo na lang totohanin ang pagkagat diyan sa labi mo at ng dumugo?"

Natahimik ang babae.

"Ellah please," pakiusap ng binata.

"No! Nilalandi ka ng babaeng 'yan, ni hindi na nga siya umaalis sa tabi mo eh."

Tumayo siya, tumayo din si Gian.

"Nakakabastos ka Ms. kung manglalandi ka, dapat siya lang mag-isa!"

"Ang sakit niyo naman pong magsalita."

"Nakakaramdam ka ng sakit pero hindi ka nakakaramdam ng hiya?"

"Ellah ano ba!" pigil na bulyaw nito.

Binalingan niya ang binata.

"Ipinagtatanggol mo ba 'yan? Bakit gusto mo ba siya? Kung maglalandian kayo doon sa hindi ko nakikita.

Huwag lang sa hotel na ito dahil walang bakante!" bulyaw niya saka mabilis na naglakad palabas.

"Ms. I'm sorry, I'm really sorry" taas-kamay na wika ng binata.

Nilingon niya ang mga ito. "Bakit ka humihingi ng sorry eh siya 'yong nanglalandi sa'yo!"

"Hindi po ako nanglalandi."

"Bakit mo kinakagat ang labi mo? Ang tawag diyan seduce! Don't tell me habbit mo 'yan? Masama 'yan, nakakamanyak ka ng iba!"

"Ellah naman! Nakakahiya sa tao."

Wala na siyang pakialam kahit pagtitinginan pa sila.

Aktong lalapit ang manager ng restaurant ngunit mabilis siyang umalis at iniwan ang mga ito.

---

JV HOTEL...

Sumunod ang binata, pabalik sa hotel at dumeretso sila sa kwarto.

"Kanina ka pa ah, ano bang nangyayari sa'yo?"

"Can't you see? That bitch is seducing you!"

"Come on, iniisip mo lang 'yon. "

"No! Kitang-kita ko ang ginawa niya, nakapag-order ka na pero hindi na siya umaalis sa tabi mo! Balak pa yatang makikain!"

"So why you keep on saying that? Hayaan mo sila!"

"Gian! Nakakabastos ang ginawa niya. "

"Bakit apektadong-apektado ka hindi naman tayo hindi ba?"

"What?"

"You're acting like a jealous girlfriend!"

Natigilan ang dalaga, hindi siya nakaimik.

"Come on, sabihin mo nga, may gusto ka na ba sa akin?" lumapit ang binata, lumayo siya.

"Don't give any meaning on that, bodyguard kita at ako ang boss mo. At bilang boss mo, NA.BA.BAS.TOS. A.KO!" aniya habang dinuduro ang dibdib ng binata.

"Fine, I'm sorry, napansin ko rin naman hinayaan ko lang kesa sisitahin ko pa, mapapahiya siya."

"Buti na lang noong muntik ka ng halikan, umiwas ka dahil kung hindi sasapakin ko kayong dalawa!"

Naiinis na napaupo ang dalaga, tumabi si Gian.

"Mag take out na lang tayo, okay ba 'yon?"

"Sige"

Lumabas si Gian.

Nahiga si Ellah.

'Sumobra ba ang ginawa ko?'

"Granted na hindi sinasadya, ano 'yon mannerism? Ang sama naman yata!"

---

JV RESTAURANT...

Papasok pa lang si Gian sa restaurant ay agad na siyang sinalubong ng isang babae.

Nagpakilala itong manager at humingi ng dispensa.

"Pasensiya na rin ho kayo, kaya nagawa 'yon ng kasama ko dahil natural reaction lang 'yon."

"Kaanu-ano niyo ho ba siya?"

"My wife"

Lalo itong napanganga.

"Iyon ang reaction ng asawa ko, buti nga hindi nasampal ang staff niyo.

Kung naiba lang siguro baka hindi lang 'yon ang inabot ng inyong empleyado."

"I'm sorry sir, pakisabi sa asawa niyo, humihingi kami ng paumanhin, pasensiya na po talaga."

"Okay, madali naman siyang kausap eh."

"Pasensiya na po talaga, anyway ano hong sadya niyo?"

"Well, gusto kong mag-order ng pagkain at i-take out ko na lang"

"Discounted na lang po sir, pambawi sa misis niyo."

"Really?"

"Opo, sige pili lang po sir."

Namili ang binata, 'yong pinakamahal ang pinili niya at tatlong klase 'yon ng putahi.

Pero wala itong sinabi, pinagsilbihan siya ng husto.

Ayos ah?

Tinotoo nga ng manager ang sinabi at binigyan siya ng malaking diskwento.

Napangiti ang binata habang papalabas.

'Akalain mo nga naman, may instant asawa na may discount pa!'

Ilang sandali lang, nakabalik na siya sa hotel.

Kumatok siya at agad naman siyang binuksan.

"Mukhang hinihintay mo talaga ah?"

"Obvious ba?"

Inilagay niya ang pagkain sa lamesita.

Napansin niyang bagong ligo ito at nakapantulog na ang amo.

Binuksan nito ang dala niya.

"Mahal 'to ah? Wait, magkano 'to, babayaran ko na lang"

Natawa ang binata.

"No need, discounted naman na' 'yan."

"Weh?"

"Totoo, pambawi daw sabi ng manager sa kasalanan ng staff nila."

Inihanda niya ang pagkain nila.

Kumakain na sila nang magtanong ang dalaga.

"Ano palang sinabi mo sa manager nila?"

"Simply lang, sinabi kong asawa kita."

Naibuga ng dalaga ang iniinom na sabaw, tumilamsik sa dibdib niya.

"Ano ba 'yan!" bigla siyang napaatras.

"Sorry, sorry talaga, ikaw kasi eh."

Binigyan siya ng tissue ng dalaga, naiiling si Gian habang pinupunasan ang damit.

Pero talagang nalalansahan siya kaya walang anumang tumayo siya at naghubad ng damit.

"No choice, ' yon na ang pinakamagandang rason para matahimik sila."

Walang tugon mula sa kausap kaya sinulyapan niya ito.

Muntik ng matawa ng binata nang mapansin ang bibig ng amo na umawang at nakatitig na lang sa kanyang katawan.

"Kain na, hanggang takam ka na lang diyan," sabay turo sa kanyang abs na apat lang naman, hindi kasi niya tipo ang parang bato na katawan.

Doon pa lang tila natauhan si Ellah.

"Ah, no, nagulat lang ako naghubad ka eh kumakain tayo."

Binalingan na nito ang plato at nagsimulang kumain.

"Saglit magbibihis lang ako."

Tumayo nga ang binata at nagdamit saka pa lang ito kumportableng kumain.

Maya-maya pa tapos na silang kumain.

"O paano 'yan, iiwan na kita."

"Wait!"

"Bakit?"

Bumulong ito at nagimbal siya.

"What? No way!"

"Sige na naman please?"

Mariin siyang umiling.

"Eh bakit ba ayaw mo?"

Napapailing si Gian hindi niya alam kung bakit tila walang naiisip na masama ang amo sa sinasabi nito.

" Hindi magandang sa iisang kwarto lang tayo matutulog, babae ka lalake ako " paliwanag niya rito na animo isa itong paslit at siya ang ama.

"Bakit may gagawin ka ba sa akin? " bahagya itong lumapit.

Bigla siyang naalarma at nabalik ang tingin dito bilang amo at bilang babae.

Umatras siya. " W-wala!" depensa niya.

"Wala naman pala eh! "

" Pero kasi..."

Hinarap siya nito "Mr. Villareal, bilang boss mo, inuutusan kita. "