Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 21 - Chapter 20- The Leaving

Chapter 21 - Chapter 20- The Leaving

PASEO DEL MAR...

"Sinong mauuna?" tanong ni Ellah habang magkatabi silang nanonood sa tahimik na dalampasigan.

"Ikaw na," tugon ni Gian.

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Bad news ba 'yang sasabihin mo or good?" tanong ulit nito.

Marahang umiling si Gian dahil sigurado siya sa sagot.

"Ah, bad news nga."

"Sa'yo ba?" balik-tanong ng binata, umaasang may magandang maririnig sa babaeng pinoprotektahan bago man lang tuluyang iwan.

"Naka depende kung paano mo tatanggapin."

Humugot ng malalim na paghinga si Gian.

"Sabihin mo na," untag niya.

Sa halip na sundin nito ang kanyang utos ay iba ang sinabi ng dalaga.

"Nagugutom ako, kain tayo?"

Tumiim ang bagang ng binata.

"Sige," sang-ayon ni Gian kaya hinila siya ni Ellah sa braso.

Tinungo nila ang mga may nagbebentang street foods.

Panay ang pili nito sa mga barbecue at kung anu-ano pa.

Samantalang wala siyang ganang kumain.

Pinagmamasdan niya lang ang amo.

Kitang-kita ang ngiti nito habang panay ang pili ng mga ipinaluluto.

Tumiim ang titig ni Gian sa tagapagmana.

Ilang oras na lang hindi na niya makakasama at hindi na mapoprotektahan pa ang babaeng ito.

Isang babaeng tagapagmana ngunit hindi binibigyang karapatan, ang babaeng kahit karapatan na lang ay kailangan pang ipaglaban.

"Hmm, sarap!" hiyaw ni Ellah na siyang nagpabalik ng diwa ng binata.

"Tikman mo, sarap!"

Napailing ang binata. Paano gaganahang kakain kung magpapaalam na.

Hihintayin niya lang matapos itong kakain at saka siya magpapaalam.

"Say ah!"

Nagulat si Gian ng isinusubo na ng dalaga ang isang barbecue sa kanya, kinuha niya 'yon at saka inilagay sa bibig.

Marahan niyang nginuya ang naturang pagkain habang nakatingin sa dalagang tuwang-tuwa dahil napakain siya nito.

Hindi siya mahilig sa ganitong pagkain subalit pagdating sa babaeng ito wala siyang tatanggihan.

Makita lang niya ang ngiti at tuwa sa tagapagmana ay masaya na siya.

"Let's go?" aya nito.

Tumango ang binata. "Upo muna tayo saglit?" tinuro niya ang isang bakanteng upuan na pang-apatang tao.

"Sure!" masiglang tugon ni Ellah.

Nang makaupo na ay humugot ng malalim na paghinga ang binata.

"May sasabihin ka hindi ba?" untag nito.

Natigilan si Ellah.

Nawala sa kanyang isipan ang sasabihin.

"Ah, wala na 'yon."

Napagtanto niyang siya na lang ang iiwas kapag nagkataon.

"Ikaw meron hindi ba?"

Hindi na naman umimik ang katabing binata at sa halip ay yumuko ito habang nakatukod ang dalawang siko sa mga tuhod at nakatakip ang mga kamay sa mukha.

Ilang beses din itong humugot ng malalim na paghinga.

Nakakaramdam na ng kaba ang dalaga kaya hindi na siya papayag na hindi nito sasabihin ang anumang gumugulo sa isipan nito ngayon.

"Gian, tell me, ano bang problema baka makatulong ako? Sabihin mo lang para..."

Naudlot ang kanyang pagsasalita nang kabigin siya nito payakap.

Hindi siya nakahuma at tila nablangko sa nangyari hanggang sa hayaan niya itong yakapin siya.

Kumakabog ang kanyang dibdib sa nadaramang init mula sa binata subalit hinayaan niya.

Iyon ang hindi maintindihan ni Ellah, pagdating sa lalaking ito, lahat naipapaubaya niya.

Nang mas humigpit pa ang yapos nito ay saka lang siya natauhan.

Itinulak niya ito sapat para humiwalay siya, saka naman ito yumuko kasabay ng pagsuklay ng kamay sa buhok.

"Gian, anong problema? Kanina ka pa," bakas na ang pag-aalala sa tinig ng dalaga.

Sa pagkakataong ito nilingon na siya ng binata.

"Wala bang sinabi ang lolo mo tungkol sa'kin?"

Kumunot ang kanyang noo sabay iling. "Wala naman, bakit?"

Umiling lang ito, bagay na ikinaiinis na ng dalaga.

"Wala naman, may hindi lang pagkakaintindihan."

"Tell me, alam ko may problema, ano ba 'yon? Dapat ba hindi ko malaman? Do you think I don't have the right to know?"

"Sa amin na lang' yon ng lolo mo," giit nito na talagang ikinairita na ni Ellah.

Ayaw na ayaw pa naman niya ang nililihiman.

"COME ON GIAN BOSS MO AKO!"

Tiningala siya ng gwardya.

"Yes, you are, and you should've known," bira nito saka tumayo.

Kumulo ang dugo ng dalaga sa narinig.

"Kung ano man 'yang lihim niyo just make sure na wala akong kinalaman!" Singhal niya sabay talikod at dumeretso sa kotse, sumunod ang bodyguard.

Nang makapasok na ang dalawa ay wala ng imikan ang mga ito.

Tahimik na nagmamaneho si Gian habang naiirita si Ellah.

"Mag seatbelt ka, " kinuha ni Gian ang seatbelt para ikabit sa kanya ngunit umiwas ang dalaga.

"Ako na, " mabilis niya 'yong ikinabit.

Napatiim-bagang ang binata habang napapailing.

"Galit ka ba?" kalmado ng tanong nito.

Hindi siya umimik.

"Kung galit ka man, I'm sorry, pero may mga bagay na sa amin na lang ng lolo mo."

Tikom pa rin ang bibig niya.

Hindi niya lang matanggap na hindi sinasabi sa kanya kung may problema ang abuelo.

Pinagkakatiwalaan siya nito pagdating sa trabaho ngunit hindi sa ibang bagay. Ngunit nakuha nitong sabihin sa taong hindi naman lubos na kilala?

Sa isang gwardya?

Mukhang tama ang una niyang plano.

"Pasensiya na, hindi ko intention na sabihin 'yon."

Tinangka nitong hawakan ang isang kamay niya ngunit mabilis siyang umiwas.

"Pero sinabi mo!"

"Kaya nga nag so-sorry 'di ba?"

"Mr. Villareal," tiim ang mga labing wika ng dalaga.

Dito na kinabahan si Gian. Kapag ganito ang tono ng kausap alam niyang wala na talaga ito sa mood.

"Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, kung saan bago pa lang tayo nagkakilala, ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. "

Mariin niyang naipikit ang mga mata.

Marami pa itong sinabing masasakit na salita at lahat ay tinatanggap niya.

Wala na rin namang saysay dahil mawawala na rin naman siya.

Binubura na pala nito ang lahat ng alaala nila samantalang siya pinahahalagahan bawat piraso ng kanilang pinagsamahan.

Huminga siya ng malalim.

"Fine, if that's what you want, Ms. Ellah. "

Hindi na ito umimik.

Humigpit ang hawak niya sa manibela.

Kung ito ang gusto ng dalaga wala siyang magagawa kundi ang ibigay ang gusto nito.

Tama naman ito, siya ay tauhan lang at ito ang amo.

Bigla siyang nawalan ng gana na ipaalam pa ang pag-alis.

Si don Jaime na lang ang bahala sa lahat.

---

LOPEZ MANSION...

Nakarating sila sa mansyon.

Huling tapak niya sa mansyon ng mga Lopez.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, subalit nang akmang magdikit ang mga balat nila, umiwas siya.

Bumaba ang dalaga ng walang imik saka siya biglang nagsalita.

"May sasabihin ako," aniya nang patalikod na ito umaasang makakapagpaalam kahit sa huling pagkakataon.

"Umuwi ka na," mariing tugon ni Ellah ng hindi lumilingon.

Mabigat ang kanyang dibdib sa nangyari kaya hindi niya ito nagawang ihatid papasok sa loob.

Pinagmasdan ng binata ang babaeng papaalis, papaalis sa kanyang buhay.

Paalis na siya nang mapansin si don Jaime na nasa wheelchair nito kasama ang kanang kamay na si Alex.

"Don Jaime..."

"Nagpaalam ka na?"

Huminga siya ng malalim.

Hindi niya nagawa at ayaw niyang gawin.

Marami ng idinulot na sakit ang dalaga subalit ito ang pinakatumatak sa kanyang pagkatao.

Ipinamukha nito kung ano ang kanyang estado at kung saan ang lebel nito, kung gaano ito katayog at kung gaano kahirap abutin.

At kasalanan niya ang lahat dahil nangarap siya ng hindi naman nararapat.

Mapait siyang bumuntong-hininga ngunit mas mapait ang sasabihin niya.

"Tapos na ho."

"Anong sinabi mo?"

" Hindi na ho kami nagkakaintindihan ng inyong apo kaya tama lang ang pag-alis ko. "

"Then good!"

"Tungkol sa pabor na hiningi niyo malapit ng matapos 'yon."

Natigilan ang don.

Nakalimutan yata nito ang tungkol sa hininging pabor.

"Huwag na," tugon ng don na tila biglang nahiya.

"Don Jaime, maraming kayong mauutusan na iba, pero tandaan niyong walang ibang makakagawa gaya ng ginawa ko."

Tinitigan siya ng don, sa pagkakataong ito nilabanan niya ang mga tingin nitong panghuhusga.

"Kung 'yan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan."

Inilahad ng don ang kamay kay Alex at may inilagay ang kanang-kamay nito sa palad ng matanda.

"Kabuuan ng sahod mo. Maraming salamat sa ilang buwan mong serbisyo." Ibinigay ng don ang sobre kay Gian.

Tumango ang binata at tinanggap.

"Maraming salamat ho."

Tinapik-tapik ng don ang kanyang balikat.

"Mag-iingat ka."

Tumayo siya at yumuko bago nagpaalam.

Naglalakad siya palabas ng mansyon, nasasalubong niya ang mga katulong.

"Sir Gian, mag-iingat ho kayo. "

"Sir Gian, maraming salamat ho sa lahat. "

Tumango-tango lang ang binata habang tipid na ngumingiti.

Ito ang huling hakbang niya sa mansyon.

Nasa labas na siya nang sulyapan ang kwarto ng dalaga.

'Paalam, Ms. Ellah.'

Kanina pa pabiling-biling sa higaan si Ellah subalit hindi makatulog. Tiningnan niya ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa.

"Tawagan ko kaya?" wika ng dalaga sa sarili.

"Pero baka natutulog na" aniya at inilagay uli ang cellphone sa mesa.

Muli niyang kinuha ang cellphone, hinanap ang pangalan nito sa kontak.

"Nasaan na ba 'yong Bodyguard dito" panay ang hanap niya at nang makita ay natigilan ang dalaga.

Tinitigan niya ang larawan nitong nasa contact niya.

Kinuhanan niya 'yon noong nakasandig sa kotse habang naka sunglasses ng itim.

Wala sa sariling hinaplos niya ang mukha nito.

Nakukunsensiya siya sa kanyang ginawang pagtalikod sa gwardya kanina kaya bukas pinapangako niyang kahit paano babawi siya.

Tiningnan niya ang orasan.

"Alas dos? Still hindi pa rin ako natutulog?"

Muli siyang nahiga. Ipinikit niya ang mga mata ngunit hindi pa rin makatulog.

"Patulugin mo naman ako Gian oh, promise bukas kakausapin na kita, okay?"

Napabuntong-hininga ang dalaga. Nahiga siya at tinitigan ang mukha ng binata.

Hanggang sa ipinikit niya ang mga mata.

'Grabe! Hindi na ako makatulog ngayon dahil lang sa lalaki?'

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya!

Ikaw pa ba 'yan Ellah?

Sa loob ng dalawamput walo niyang pananatili sa mundo ngayon lang siya nagkaganito!

---

AMELIA HOMES...

Wala sa loob na nakauwi si Gian.

Tila nanghihina siyang umupo sa sofa, ipinikit ang mga mata habang nakasandal sa head rest.

Napakislot siya nang tumunog ang cellphone tanda na may tumatawag ni hindi siya nag-abalang tingnan kung sino 'yon.

Muling may tumawag. Sinulyapan niya at nakitang si Vince.

Hindi niya sinagot.

Wala siyang sasabihin, sa sama ng kanyang loob, hindi tatalab ang mga biro nito at kahit ano pa ang sasabihin ng kaibigan hindi pa rin niya maiintindihan.

Maya-maya lang ang kanilang head na ang tumatawag, ngunit hindi pa rin niya pinansin. Kahit gaano pa ka importante ang sasabihin ng mga ito, hindi na 'yon mahalaga sa kanya.

Bigla siyang nawalan ng gana.

Parang siyang computer na biglang nag shutdown.

At mahirap siyang i-repair, walang ibang technician na makakaayos sa kanya kundi si Ellah!

Isasara niya ang sarili sa lahat.

Sinubukan niyang matulog, ngunit muling nagbalik ang lahat ng ala-ala nila ng dalaga.

Ngayon pala ala-ala na lang ang lahat?

Hanggang ala-ala na lang na unti-unting makakalimutan.

Ngunit hanggang dito na lang ba?

Ganoon na lang?

Ni hindi siya nakapagpaalam ng pormal sa pinoprotektahan?

Pumayag siyang basta na lang alisin ng mga Lopez sa buhay ng mga ito gayong halos itaya niya buhay niya?

Mariing napailing ang binata.

Bukas na bukas din babalik siya!

Hindi na lang niya muna ipapaalam sa mga Lopez upang masorpresa!

---

LOPEZ MANSION...

Kinabukasan maaga pa lang nasa labas na ng hallway si Ellah at naghihintay sa kanyang driver-bodyguard.

Napag-isip-isip niyang makikipag-usap pa rin dito kahit na nag-iiwasan sila.

Hindi na nga sila nagdidikit hindi pa ba mag-uusap?

Napaka immature naman ng gano'n.

Lumabas si don Jaime.

"Hija, medyo mali-late ang bodyguard mo ngayon kaya pasensiya ka na. "

"Okay lang ho lolo, bakit daw ho?"

"Ha? Iba na kasi ang bodyguard mo. Teka nga hindi ba nag-usap na kayo ni Gian na mag re-resign na siya? Nag resign siya kagabi. "

Napatanga si Ellah. Na blangko ang utak niya.

Nag resign kagabi?