Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 24 - Chapter 23 - The Sacrifice

Chapter 24 - Chapter 23 - The Sacrifice

LOPEZ MANSION...

Sabado alas dyes ng gabi.

Mainit ang ulo ni Ellah.

Nakaharap siya sa hapag na punong-puno ng iba't-ibang klase ng pagkain.

Kanina pa siya inaalok ng mga katulong na kumain, palitan ang mga ito sa pag-anyaya ngunit hanggang ngayon ni hindi siya natinag sa kinauupuan.

"M-Ms. Ellah, k-kumain na po kayo," marahang inilapit sa kanya ang mga pagkain ng isang katulong na tila takot na takot.

"Sinabi ng wala akong ganang kumain!" Itinaboy niya ang plato sa mesa at nahulog ito sa sahig nagkalat ang laman.

Nahintakutan man ang mga katulong ay pinilit magsalita ng nagsisilbi sa kanya.

"M-Ms. Ellah, kailangan niyo pong kumain. "

Tumalim ang kanyang tingin sa mga ito. "Kung gusto niyong kumain kayo na lang! Huwag niyo akong idamay!"

Tumayo siya at akmang aalis ngunit mabilis na humarang ang katulong bagama't halatang kabado ay naglakas-loob itong magsalita ulit.

"Ms. Ellah parang-awa niyo na po, sabi ni don Jaime sisesantehin daw po niya ako kapag hindi ko kayo napilit kumain, " naiiyak na ang babae ngunit sa halip na mahabag ay tumiim ang tingin niya rito at wala siyang maramdamang awa sa katulong.

"I don't care! Magbalot ka na!" sigaw niya.

Napaiyak ng tuluyan ang babaeng katulong.

Nagdabog siya papasok sa kwarto at pabalibag na isinara ang pintuan saka dumapa sa kama.

Hindi na niya maiitindihan ang sarili.

Ang bigat ng kanyang kalooban at hungkag ang nararamdaman.

Lagi siyang walang gana at kunting pagkakamali lang sumasabog na siya!

Siguro dahil binabagabag siya kunsensiya dahil sa mga masasakit niyang sinabi sa dating gwardya at hindi man lang nakahingi ng paumanhin.

Malinaw sa kanyang isipan ang mga sinabi niya noong nasa sasakyan sila pag-alis sa Paseo na talagang ikinatahimik nito.

"Gwardya lang kita at hanggang doon lang 'yon. Kung iniisip mong mas may hihigit pa rito nagkakamali ka, huwag kang umasa dahil hinding-hindi mangyayari ang bagay na kahit kailan ay hindi ko gagawin.

Hindi ang kagaya mo ang nararapat sa akin. Maraming salamat sa proteksyon ngunit hanggang doon lang 'yon. Tauhan kita at ako ang amo mo. "

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. Ngayon nagsisisi siyang hindi man lang inalam ang sasabihin nito sana.

Nadala siya ng galit dahil sa naglihim ito sa kanya.

Ni hindi sumagi sa isip niyang kaya ito lumiban sa trabaho dahil aalis na pala ito. Na baka ang sasabihin pala nito sa kanya ay ang tuluyang pamamaalam ngunit hiniya niya ito at minaliit ng husto!

Kinabukasan hindi na niya ito nakita pa!

Gano'n lang!

Mga katok sa kanyang pintuan ang nagpabalik sa kanyang diwa at inayos ang sarili.

"Hija, buksan mo ito, mag-uusap tayo. "

Hindi siya umimik.

"Hija, apo ko, pakiusap. "

Binuksan niya ang pinto at umupo sa kama nang makita ang abuelo na inalalayan ng tauhan nito para makaupo sa gilid ng kama niya bago ito lumabas.

"Anong problema?" mahinahong tanong ng abuelo na tila tinatantiya ang kilos nito.

Umiling siya.

"Napansin kong simula ng umalis dito ang bodyguard mo, nagkaganyan ka na. Ano ba ang nangyayari? Ni hindi ka kumain buong araw."

"Wala po siyang kinalaman lolo. "

"Hindi mo kayang pagtakpan hija, dahil lahat sa bahay na ito alam na siya ang dahilan. "

Huminga siya ng malalim at yumuko.

"I'm sorry po. "

"Sabihin mo bakit ka nagkakaganyan?"

"Galit po ako sa kanya lolo. "

"Sa anong dahilan?"

Huminga ng malalim ang dalaga.

Mabigat na sa kanyang kalooban ang kinikimkim na sama ng loob, galit at hinanakit.

"A-ang totoo po, hindi siya nagpaalam sa akin. Nagulat na lang ako ng sinabi niyong umalis na siya."

"Anong ibig mong sabihin? " kumunot ang noo ng matanda.

" Hindi po totoong nag-usap kami tungkol sa pag-alis niya. Biglaan po ang ginawa niya. Kayo lang po ang nagsabi sa akin. "

"Ano?" Halata ang pagkabigla ng matanda.

"Kaya pala ayaw ka na niyang kausapin ng gabing 'yon. Hindi pala siya nagpaalam sa'yo?"

Umalsa si don Jaime.

Agad kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Lolo, anong gagawin niyo?" kabadong nahawakan niya ang braso nito para pigilan.

Iba kung magdesisyon ang isang don Jaime Lopez at iyon ang ikinatakot niya.

Hindi siya nito pinansin at hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

"Lolo, please ako ang may kasalanan, hindi ko siya pinilit na alamin kung ano ang sasabihin niya noong magkasama pa kami, kasalanan ko kaya hindi po siya nakapagpaalam!"

Tinangka niyang agawin cellphone na hawak nito.

"Hindi sumasagot ang gago! "Punyeta siya! Hindi pala siya nagpaalam sa'yo!"

Nangangalaiti sa galit si don Jaime bago pinatay ang cellphone.

Hinihingal ito at sapo ang dibdib.

Nataranta si Ellah, ito na ang sinasabi niya.

"Lolo, huminahon po kayo!" Hinaplos-haplos niya ang likod ng abuelo.

" Anong palagay niya sa akin mauuto niya! Tarantado talaga ang gagong 'yon! Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya!"

"Lolo please, tama na po. "

Hinawakan niya ito sa isang kamay para pakalmahin habang haplos ang likod nito.

"Naiintindihan na kita ngayon hija. Kahit ako sa kalagayan mo magagalit talaga ako, tinanggap natin siya ng matino pero umalis siya ng walang respeto? Pati ako naloko ng hayop na 'yon! Napaniwala niya akong desisyon niyo pareho ang pag-alis niya! Iyon pala gumawa lang siya ng isang kasinungalingan!"

"Please po lolo, maliit na bagay lang po 'yon. "

Tiningnan siya ng don ng may pang-aakusa.

"Maliit na bagay? Pero ininda mo ng husto?"

Hindi siya nakaimik.

"Huwag kong malalaman na pumupunta sa opisina ang tarantadong 'yon, huwag na huwag siyang makalapit sa'yo!"

Napayuko ang dalaga at ilang sandali pa kumalma ang don, siya naman ang hinaplos nito sa likuran.

"Tama na ang pagsasakripisyo hija, huwag mo ng parusahan ang sarili mo, wala kang kasalanan."

Napalunok ang dalaga, ngunit natutuwa siya dahil naiintindihan siya ng taong nag-iisang natitira sa kanya!

---

CANELAR HIGHWAY...

Alas onse ng gabi.

Tiim bagang at matalim ang tingin ni Gian sa daan habang nagmamaneho ng sasakyan.

Sinubukan niyang lumabas at magpahangin ngayong gabi dahil puro higa na lang at tulog ang ginawa niya maghapon.

Ilang araw na niyang pilit kinakalimutan ang dalaga ngunit hindi niya magawa-gawa.

Binabagabag siya ng alalahanin na hindi man lang nakapagpaalam dito.

Kung sakaling nakapagpaalam siya baka hindi siya makakaramdam ng kahungkagan gaya ngayon.

Kung sakaling nakapagpaalam siya baka sakaling pinigilan siya nito.

Kumalam ang kanyang sikmura nang masulyapan ang isang karenderyang nadaanan ngunit titiisin niya ang gutom.

Ilang araw na siyang walang ganang kumain, halos puro alak at tubig lang, laging nalilipasan ng gutom, hindi na sa tamang oras ang pagkain, mabuti na lang matibay ang kanyang sikmura at nakakayanan pa rin ang gutom na nararamdaman, binabawi na lang niya sa tulog ang lahat.

Bukas plano niyang pumunta ng mansyon at makikipag-usap ng pormal sa mga Lopez baka sakaling magawaan pa ng paraan para makabalik siya. Papayag siyang ordinaryong tauhan na lang ang turing ni Ellah sa kanya basta nasa tabi lang siya nito, nakikita araw-araw at nakakausap kahit paano, ligtas lang ito at hindi napapahamak ay sapat na iyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganito ngunit isa lang ang sigurado siya, gusto niya itong makita.

Tumunog ang kanyang cellphone at tila lumukso ang kanyang dugo sa tuwa nang makita kung sino ang tumatawag.

Itinabi niya sa gilid ang sasakyan bago ito masiglang sinagot.

"Don Jaime-"

"Punyeta ka Gian! Hindi ka pala nagpaalam sa apo ko ng umalis ka! Ginagago mo ba ako? Simula ngayon hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya!"

"Don Jaime!"

Namatay ang linya.

Nabigla ang binata at sa inis ay binato niya ang telepono na tumama sa gilid.

Ngunit saglit lang tarantang dinampot niya ang cellphone at ang don naman ang tinawagan ngunit hindi ito sumasagot hanggang sa tuluyang hindi na makontak.

Sinubukan niyang tawagan ang apo nito ngunit hindi rin ito makontak.

Iritadong ibinato niya ang telepono na tumama sa likuran.

Tuluyang gumuho ang kanyang pag-asa.

Kung hindi niya ipinaalam sa don ang panganib na pagmanman sa kanya ay hindi ito magkakaroon ng dahilan para paalisin siya.

Kung hindi lang siya hibang sa babaeng pinoprotektahan hindi sana siya masasaktan ng husto kagaya ngayon!

Humigpit ang hawak niya sa manibela nang mapagtantong kasalanan niya kaya hinding-hindi na niya makikita pa ang dalaga.

Kasalanan niya!

Ni hindi siya nakapagpaalam sa babaeng pinoprotektahan, masyado siyang nadala ng galit dahil sa mga masasakit nitong mga salita.

Aaminin niyang kasalanan niya ngunit sobra na ang pagpaparusa niya sa sarili!

Sinisisi siya nito gayong kung tutuusin ang mga ito naman ang dahilan ng pag-alis niya!

Hindi siya gusto ng don dahil sa panganib na dala niya, kasalanan ba niya kung parte ng buhay niya ang panganib?

Ayaw na rin sa kanya ng apo nito.

Kasalanan ng mga ito dahil ang tahimik niyang buhay ay biglang nagulo dahil sa lintek na hininging pabor ng proteksyon!

Mabigat ang kalooban at masakit ang nararamdaman at hindi napansing dumiin ang pagtapak sa silenyador at tumulin ng husto ang takbo ng kotse.

"Tama na ang pagpaparusa Gian! Tama na ang pagsasakripisyo sa walang katuturan!"

Panay ang hugot niya ng malalim na paghinga upang maibsan ang sakit ng nararamdaman.

Sa hindi inaasahan ay may biglang tumawid na motorsiklo sa harapan!

Gulat na gulat siya nangyari,

ngunit mabilis na nakapag preno.

Sumagitsit ang gulong ng sasakyan sa tindi ng kanyang pagpipigil.

Muntik ng mabangga ang lalaking naka motor sa pagkabigla nito ay nawalan ng balanse at natumba, at sa halip na ito ang matakot ay galit itong lumapit sa kinaroroonan niya.

"HOY! " Hinampas nito ng kamay ang hood ng kotse. "Bumaba ka diyan!"

Hinubad nito ang maong na jacket kaya lumitaw ang maskuladong katawan nito sa suot na itim na t-shirt maong na pantalong gaya niya, ang kaibahan lang mukha itong maton at siga sa laki ng katawan.

Iyong pagbaba ni Gian deretso lapit sa naturang lalaki habang dinuduro siya nito.

"Bayaran mo ako taran... aggghh!"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang bigla itong sinuntok ng binata sa panga at tinadyakan sa sikmura.

Natumba ang lalaki kaya agad niluhuran ng isang tuhod ni Gian ang sikmura nito at hindi na tinigilan ng kasusuntok ang mukha, ni hindi ito nakaganti.

Kung maganda ang kanyang pakiramdam ngayon posibleng hihingi siya ng paumanhin ngunit hindi.

Punong-puno ng galit at hinanakit habang ginugulpi ang lalaki lalo pa at bumabalik sa kanyang ala-ala ang masasakit na sinabi ng babaeng pinoprotektahan.

"Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, kung saan bago pa lang tayo nagkakilala, ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko."

Mas tumindi ang kanyang galit sa kasunod nitong pahayag at buhos ang hinanakit sa bawat tama ng kamao.

"Gwardya lang kita at hanggang doon lang 'yon. Kung iniisip mong mas may hihigit pa rito nagkakamali ka, huwag kang umasa dahil hinding-hindi mangyayari ang bagay na kahit kailan man ay hindi ko gagawin.

Hindi ang kagaya mo ang nararapat sa akin. Maraming salamat sa proteksyon ngunit hanggang doon lang 'yon. Tauhan kita at ako ang amo mo. "

Nagdidilim ang kanyang paningin at sa bawat suntok niyang tumatama sa mukha ng naturang lalaki ay damang-dama ang poot na kanyang nararamdaman.

" T-tama na, " sinangga ng lalaking duguan ang mukha at tila nanlupaypay na nagmamakaawa.

Maga ang buong parte ng mukha nito at hilam sa luha ang mga mata, saka pa lang natigilan si Gian.

Tumayo siya at dinukot ang pitaka sa likod ng suot na pantalon, nanginginig ang duguan niyang mga kamay bago initsahan ng mga perang papel sa katawan ang lalaki bilang pambayad.

Walang imik siyang pumasok ng sasakyan at nilisan ang naturang lugar.