Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 28 - Chapter 27 - The Defense

Chapter 28 - Chapter 27 - The Defense

MEDC OFFICE...

"WHAT ARE YOU DOING! " manghang tanong niya at kinakabahan na.

"I want to talk to you, " malamig nitong tugon.

"No! I'm late marami akong gagawin!"

"Kahit ten minutes lang. "

Hindi siya umimik at kahit ayaw niya ay pinagbigyan niya ito.

Nakarating sila sa roof top.

Nauna ito ngunit hindi siya sumunod. May hinala na siya kung ano ang pag-uusapan nila.

Hinila siya ng binata sa braso.

Napatingin siya sa kamay nitong humahawak sa kanya, bigla kasi siyang nakaramdam na parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya.

Binitiwan siya ni Gian at hinarap.

"Tell me, napipilitan ka lang ba na kunin ako uli?"

Hindi siya umimik dahil alam niyang ito ang sasabihin.

"Sabihin mo, kasi ayokong mananatiling malamig pa rin ang pakikitungo mo sa akin, ito ang dahilan kaya ako umalis pero ganito pa rin ba uli ang pagtrato mo?"

Tinignan niya sa mga mata ang binata at nabanaag niya ang sakit na nararamdaman nito. Gano'n pa man kailangan niyang maging malamig at walang emosyon.

Tumingin siya sa ibang dereksyon.

"Sinabi ko na hindi ba? Ibalik natin ang lahat sa dati. Kailangan bang maging close tayo? Pumayag ka sa kundisyon ko kaya ka naririto ngayon."

Nahimas ni Gian ang batok sabay talikod.

"Ang labo eh, " saad nito at hindi na muling nagsalita pa.

Ayaw man niya napilitan na siyang tanungin ito. "Alin?"

"Akala ko kasi... "

"Na ano?"

"Akala ko..." marahas itong napabuga ng hangin sabay iling "Fuck!" hinampas ng isang kamay nito ang railing.

Napakislot ang dalaga, bagaman hindi niya gustong magbitiw ng masakit na salita ay hindi niya napigilan ang sarili. Wala pang nagmura sa kanya, ito pa lang na lalaking ito!

"Hindi ka pa rin nagbabago. Still gano'n pa rin ang pakikitungo mo sa akin.

Wala ka pa ring respeto at hindi ako ginagalang bilang boss mo." Idiniin niya ang pagbigkas sa salitang boss.

Hinarap siya nito.

"I don't give a damn kung respeto ang gusto mo! Fine! Ibibigay ko pero ang hindi ko matanggap ay ang pakikitungo mo sa akin na malamig pa sa yelo!"

Taas-noong hinarap niya ang binata.

"Mr. Villareal, you're not here to be my friend or whatever, you are here to be my bodyguard that is my only intention. You don't get it? Do you?"

Nagtagis ang mga bagang ng binata.

"Alright!" taas-kamay na wika nito. "Fuck with your intentions!"

sabay talikod at naglakad ito pabalik ng elevator.

"Villareal!"

Hindi ito lumingon. Bigla siyang nataranta dahil paano kung aayaw na ito sa trabaho?

"Gian ano ba!" hinabol na niya ito.

Nasa loob na sila ng elevator.

Pinindot nito ang basement.

"Where do you think you're going?"

"Uuwi na!" tipid nitong sagot.

Naipikit niya ang mga mata.

"Pwede ba, kausapin mo ako ng matino!"

"Ikaw ang hindi matinong kausap."

"Ano ba talaga ang gusto mo!"

Napupuno na talaga siya rito. Gusto lang naman niyang walang makitang dahilan o rason ang kalaban upang mapatalsik siya.

Na kahit pa lumaganap ang balitang nadukot siya ay wala ng ibang makikitang anggulo ang mga ito.

"You really want to know?"

Sa klase ng tingin nito ay tila ayaw niyang marinig ang anumang sasabihin nito.

"No."

"I want to be your boyfriend," deretsong tugon nito.

Tumiim ang titig ng binata habang papalapit sa kanya.

Siya naman ay tila napako sa kinatatayuan.

Ito ang bagay na ayaw niyang mangyari para walang makitang dahilan ang kalaban.

Ngunit ano ang ginagawa ng lalaking ito? Tila ba hindi na nag-iisip!

Patuloy ang paghakbang nito kaya umaatras siya ngunit ilang hakbang lang wala na siyang maaatrasan.

Na korner siya nito sa loob ng elevator.

Dahil sa nangyayari ay halos marinig na niya ang tibok ng puso sa tindi ng kaba, gano'n pa man ay hindi siya nagpakita ng anumang kahinaan.

Naglapat ang kanilang mga katawan na ikinaigtad niya.

"Anong ginagawa mo?" Tinangka niyang umalis at itinukod ang mga kamay sa dibdib nito ngunit natigil nang marahang dumampi ang labi nito sa kanyang batok bago mahinang nagsalita dahilan upang mapasinghap siya.

"Ito lang ang nakikita kong paraan para ma protektahan ka ng husto. Kapag nagkaroon tayo ng relasyon hihina ang kalaban mo."

Wala na siyang maintindihan lalo pa at naninindig ang mga balahibo niya sa batok dahil sa mainit na hanging dumadampi mula sa labi nito. Gano'n pa man kailangan niyang maging matatag sa desisyon.

" Stop it! "

"Kapag pinanatili mong gwardya lang ako, wala akong karapatang panghimasukan ang ano mang mangyayari sa'yo. Maililigtas kita sa panganib ngunit hindi na pagdating sa ibang bagay."

Hindi naman nagpapahiwatig ng damdamin ang kaharap ngunit tila kaysarap sa kanyang pandinig ang mga sinasabi nito.

"S-top it..."

"Hindi ko hahayaang haharapin mong mag-isa ang dulot ng kasalanang ako ang may gawa."

Marahang humaplos ang isang kamay nito sa kanyang braso na tila nais na niyang pumikit at damhin na lamang ang init na dulot ng haplos.

"I miss you, " paos na usal ng binata.

"Please..." marahan siya nitong kinabig payakap.

"Dont..." dumampi ang labi nito sa kanyang buhok.

"Stop..." tuluyan na siyang napapikit.

Aaminin niyang gustong-gusto niya ang pakiramdam na 'yon ngunit hindi maaari lalo pa at

sumasagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng abuelo sa loob ng mansyon.

"Papayag akong makabalik ang gwardya mo, pero hanggang doon lang siya, iyon ay kung gusto mo pa siyang maging protektor mo. Naiintindihan mo naman ako Ellah hindi ba?"

Shit!

Idinilat niya ang mga mata.

Nag-ipon siya ng lakas ng loob para itulak ito subalit parang nawalan siya ng lakas ng maramdaman ang mainit nitong haplos sa kanyang likuran na tila nanunuyo.

Nilingon niya ito at nagtagpo ang mga tingin nila at muli na naman niyang nabanaag ang hinanakit sa mga mata ni Gian. Subalit ang hinanakit na 'yon ay natatabunan ng matinding pag-asam at pag-asa.

Huminto ang elevator at bumukas.

Doon siya natauhan.

Natauhan na ang lahat ng ito ay hindi para sa gaya niya.

Bahagya siyang lumayo. Ang paglayo ang pinakamatibay niyang depensa upang hindi tuluyang bumigay sa gusto ng binata.

"Enough of this."

"Ellah!"

"Hindi pwede ang iniisip mo Gian, hindi lang ako ang manganganib sa gusto mo kundi ang buong kumpanya. Hindi ko ipagpalit sa kahit kanino ang kumpanyang pinahahalagahan ng nag-iisa kong pamilya. Sana maintindihan mo."

Tuloy-tuloy siyang umalis at hindi na lumingon pa.

Masakit din para sa kanya na babalik sila sa dati subalit walang ibang paraan para siya ay mapanatag.

Lahat gagawin niya para hindi mapahamak ang kumpanya!

Hindi nga nagkamali ang dalaga, dahil kahit saan siya pumunta, marami ang nagkukumpulan, naghihiwalay lang kapag nakita siya.

Naroong sa likuran ng opisina kung saan ay may veranda, may dalawang babae ang narinig niyang nag-uusap.

Base sa itsura ng mga ito, halatang sekreto, kaya naman pasimply siyang kumubli sa gilid ng isang poste at matamang nakinig.

"Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba 'yong warehouse incharge o hindi eh. Kasi naman isipin mo ha, ikinulong daw sila ni Gian at kinidnap si Ms. Ellah pero heto at kasama ni Ms. Ellah si Gian."

"Hindi siya nagsisinungaling kasama pa nga niya 'yong trio boys eh. Ang gulo lang kasi nga ang kumidnap ay siyang bodyguard. "

"May usapan dito, na nagkamabutihan daw 'yong dalawa ah. Napansin mo ba?"

"Oo, kasi lagi silang magkasama at tsaka ibang-iba ang trato ng GM sa Gian na 'yon. Parang may something' di ba?"

Napalunok ang dalaga sa narinig.

Gano'n na ba sila ni Gian?

"Ang sabihin mo, hindi makuntento, pati ba naman bodyguard papatulan? Diyos ko gwardya lang?"

Nagpanting ang tainga niya. Kaya niyang pakinggan ang panlalait sa kanya subalit hindi kay Gian.

Naikuyom ni Ellah ang mga kamay.

Kung lalapitan niya ang mga ito at kalbuhin malalaman ng mga itong nakikinig siya.

Nagngingitngit ang kanyang kalooban na muling bumalik sa opisina.

"Jen, papuntahin mo nga dito si Santos at Guevarra. "

"Iyong nasa Marketing Department po ba?"

"Tama, ngayon na!"

"Okay po. "

Sumandal siya sa swivel chair.

Kumukulo ang kanyang dugo sa dalawa dahil sa narinig.

Ito na ang kinakatakot niya. Paano kung makarating sa mga opisyal?

Maya-maya lang may kumatok.

"Come in!"

Pumasok ang dalawang impakta sa paningin niya.

"Good morning Ms." sabay na bati ng dalawa.

Hinarap niya ang mga ito.

"Sit down, " pormal niyang tugon.

Nakatingin ang dalawa kaya nagsalita na siya.

"I've seen the two of you at the back door for almost thirty minutes. What is your transaction out there?"

"M-Ms.?"

"Answer me!" singhal niya.

"N-nothing Ms."

"So, your just wasting your time am I right?"

"B-breaktime po 'yon. "

"Magaling! Kayo may break time ako nga wala! Break time is only for fifteen minutes; you should know that the fifteen minutes left was paid by this company for what? doing nothing?"

Walang nakaimik sa dalawa at yumuko ang mga ito.

"Every hour, minute and second that you are here inside this

premises your effort and time is not free! Therefore you should do your job and work hard. This company only chooses the best employees, unfortunately the two of you doesn't belong here!"

Lalong hindi nakaimik ang dalawa at nanginig.

Sabay lumuhod at sabay nag-iyakan sa kanyang harap habang panay ang paghingi ng tawad.

Tumayo siya.

"The next time you do this, I won't hesitate to fire both of you!"

"I-Im sorry Ms. hindi na po mauulit. "

"Sorry po Ms."

"You can go!"

"Thank you Ms.!" sabay na wika ng dalawa bago tumalikod at umalis.

Tahimik ang amo ni Gian habang sila ay pauwi.

Iniisip niya ang mga nangyayari sa loob.

Malamang napansin din nito 'yon.

Halata talagang may kakaiba sa loob ng kumpanya.

Ilag ang mga tao sa kanilang dalawa tapos ay kung makatingin akala mo may ginagawa silang masama.

Subalit wala siyang pruweba na sinisiraan sila kaya hindi siya gumawa ng kahit anong hakbang.

Mukhang napasama pa yata ang kanyang pagkabalik. Lumala ang issue na dapat ay wala sana kung wala siya.

Naiinis siyang isipin na hindi siya nakatulong at sa halip dagdag problema pa.

Mukhang tama nga ito na hindi sila dapat magkaroon ng relasyon.

"I'm sorry..." halos hindi niya mabigkas ang sunod na kataga. M-ms."

Napalingon si Ellah sa gawi niya.

"For what?"

"For being a stupid jerk. "

Hindi ito kumibo.

Huminga siya ng malalim.

"Dahil sa ginawa kong hindi pinag-iisipan, nadamay ka. Akala ko simpleng bagay lang 'yon pero hindi pala. "

"Goodness Gian! Simple ba 'yong dinukot mo ako? Kaya lang hindi naman 'yon ang issue. Pero hayaan mo na, mawawala din siguro 'yon."

"Sana nga. Salamat din dahil hindi ka nagagalit sa akin. "

"Wala na 'yon, kalimutan na natin."

Ang inaakala niyang nagbunga ng maganda may malala palang kapalit!

At ang kapalit na 'yon ay ang reputasyon ng dalaga!

Napatiim-bagang si Gian, parang gusto niyang iuntog sa pader ang noo para matauhan!

Makalipas ang ilang araw papatindi na ang mga nakikita nila, ipinagpasalamat na lamang niya at hindi na ganoon kalamig ang pakikitungo ng amo sa kanya.

Ganoon pa man tinupad niya ang hiling nitong employer-employee relationship.

Kahit tauhan lang siya, ang mahalaga lagi niya itong nakakasama at na poprotektahan.

Ilang araw pa lang ngunit palala ng palala ang sitwasyon.

Kahit saan siya tumingin parang ang mga mata ng mga tao sa loob ng kumpanya ay may ibig sabihin.

Hindi lang niya maiintindihan kung ano 'yon.

Kung sinisiraan lang ba sila o may binabalak na?

Nakita niyang papasok sa restroom ang dalawang lalaki kaya sinundan niya ang mga ito.

Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang mga iyon sa nangyayari.

Naghintay siya sa labas.

"Alam mo pare, kumakalat ngayon na may relasyon 'yang si Ellah at ang gwardya niya. "

"Kaya siguro tahimik ang babaeng 'yon noong tinangka siyang dukutin ng gwardya, 'yon pala nagustuhan niya? "

"Pare, baka naman strategy lang no'ng gwardya para makabalik? Pwede rin na planado ng babae para ang lalaki ay ibalik. At higit sa lahat baka planado nilang dalawa?"

Nagtiim ang kanyang bagang at kumuyom ang kamay.

"Tama ka pare, akalain bang gwardya lang pala ang katapat niya? Kung alam ko lang nag gwardya na lang sana ako!"

"Baliw! Pare pagkakataon na nating makabawi! Ha! Ito na ang hinihintay natin, unti-unti natin siyang pababagsakin!"

"Ano kaya ang sasabihin ng Chairman kapag malamang ang ka relasyon ng kanyang apo ay isang hamak na gwardya lang?"

"Tiyak palalayasin siya sa kumpanya  at tayo ang papalit!"

"Pare, matagal ng dapat ikaw ang kapalit ng matandang 'yon, sumingit lang ang apo niya. Babae pero ang lakas ng loob para hawakan tayo!"

"Wala namang alam bobo at walang utak!"

Nagpanting ang tainga ni Gian sa narinig.

Kaya niyang tanggapin ng maluwag kung siya lang ang lalaitin ng mga ito ngunit pagdating sa dalaga ibang usapan na.

Hinintay niyang makalabas ang dalawa.

"Paano pare, isumbong mo na 'yan kay don Jaime!"

"Tama ka pare. Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan ng babaeng 'yon!"

"Katapusan na niya!"

Naghalakhakan ang mga ito saka binuksan ang pinto at lumabas ang dalawa nang bigla niyang sunggaban sa kwelyo ang isa at tinadyakan ang isa pa bumalandra ito sa dingding.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Nanlilisik ang mga matang asik niya rito.

"I-ikaw!" gulat na gulat nitong tanong.

"Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo!"

"I-ikaw 'yong bodyguard niya hindi ba?" tanong ng isa.

"Kung mag-uusap kayo akala mo hindi niyo amo ang sinisiraan niyo!"

"Bitiwan mo siya!"

Hinawakan siya ng isa sa balikat subalit malakas niya itong siniko sa dibdib at sinipa sa sikmura bumagsak ito sa sahig at napadaing habang hawak ang dibdib.

Binalingan niya ang isa pa at idiniin sa dingding.

"Ikaw, kilala ko ang mga tulad mo, maghahanap ka ng paraan para tuluyang mapabagsak ang iyong amo.

Hindi ka na nahiya, ang taong nagpapasweldo sa'yo ay balak mo palang tanggalin sa pwesto?"

"B-bitiwan mo ako!"

"Huwag na huwag mong siraan ang produkto at ipasa sa amo mo ang iyong kawalang -hiyaan! Kilala kita, umayos ka kung ayaw mong ngayon din mismo ay masipa ka sa trabaho!"

"Sino ka ba? Akala mo kung sino ka eh gwardya ka lang naman!"

Mas idiniin pa niya ito sa pader at halos sakalin na niya ito sa pamamagitan ng isang braso.

"Aggghhh!"

"Makinig kang mabuti hudas! Sa oras na malaman kong nagsumbong ka kay don Jaime tungkol sa paninira mo sa apo niya, hindi ako mangingiming tahiin 'yang bibig mo!"

Nagitla ang naturang lalake.

Itinulak niya ito bago lumabas.

Hindi niya inakalang may mga tao palang kahit anong bait mo sa kanila may itinatago pa ring kasamaan.

Na kahit anong pagsisikap mo ay mayroon at mayroong hindi nagkakagusto.

Dumeretso ang binata sa site pagkatapos ng nangyari.

Nasisiguro niyang may sabotahe na namang mangyayari!