Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 32 - Chapter 31- The Truth

Chapter 32 - Chapter 31- The Truth

LOPEZ MANSION...

LOPEZ MANSION...

Naiinis na pinatay ni Ellah ang cellphone. Kanina pa siya tumatawag sa gwardya pero hindi man lang sinasagot.

"I cancel ba ang tawag ng boss niya? Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Take note! Dalawang beses pa! "

Inilagay niya ang cellphone sa lamesita.

Kukumustahin lang naman sana niya kung nakauwi ito ng maayos at bukas agahan ang pagpunta sa bahay nila pero sa kasamaang palad hindi man lang sinagot ang kanyang tawag.

Huminga ng malalim ang dalaga.

Naiisip na naman niya ang nangyari sa meeting at sa bangka.

Mabuti na lang nandoon si Gian.

Hanggang ngayon wala pa rin siyang patunay sa kanyang hinala kung sino ang may kagagawan.

Lumabas siya ng kwarto at susubukan niyang kausapin ang kanyang lolo.

Subok lang makikita naman niya ang reaksyon ng don sa kanyang ibubungad na unang salita.

Nadatnan niyang may kausap ito sa cellphone at seryoso ang mukha habang nakaupo sa terrace.

"Anong ibig mong sabihin? Punyeta! Pakitaan mo ako ng ebidensiya sa oras na nagsisinungaling ka o niloloko mo ako siguraduhin mong hindi ko na makikita ang pagmumukha mo! Dalhin mo dito bukas! "

Imbes na umatras mas lalong idinikit ng dalaga ang sarili sa isang poste para mas malinaw na marinig ang usapan.

Nakikita niyang galit na galit ang kanyang lolo at anong ebidensiya ang tinutukoy nito?

Kumabog ang dibdib niya sa naisip.

'Hindi kaya ebidensiya kung ano ang pinagagawa ng kalaban? Kung gano'n may alam ang kanyang lolo sa nangyayari!'

Hindi lang pala ito nagsasalita pero marami itong alam.

Pagkakataon na niya para sabihin dito ang totoo.

Nang wala na itong kausap nagsimula siyang maglakad palapit, pero bigla din siyang umatras.

'Stupid ka talaga Ellah!

Anong sasabihin niya kapag nagpakita ka?

Iisipin niyang nakikinig ka sa usapan!

Dis oras na ng gabi anong ginagawa mo sa terrace nang mag-isa?' Kastigo ng dalaga sa kanyang sarili.

Napabuntong-hininga si Ellah.

Nagpasya siyang bumalik sa kwarto at nahiga. Bukas na lang niya sasabihin ang lahat. Huwag lang sana itong magdulot pa ng alalahanin sa abuelo. Baka nga bigla pa silang magtulungan ng kanyang lolo sa problema ng kumpanya. Atleast hindi na siya mag-iisa.

Hindi na lang ang bodyguard niya ang kanyang kakausapin tungkol sa problema!

Nanghihinang umupo ang don sa naroong sofa at nanood ng balita.

"Ang nag-iisang tagapagmanang apo ng Lopez group ay nanampal ng reporter sa hindi malamang kadahilanan kaninang alas nuwebe sa isang floating restaurant. Narito ang report..."

Kitang-kita ng don ang pananampal ng apo sa isang babaeng reporter.

Gulantang ang matanda sa nasaksihan dahil paniguradong kasiraan na naman ito sa kumpanya!

"Ano na naman ba ito? Wala talagang silbi!"

---

LOPEZ MANSION...

Papasok sa mansyon ng mga Lopez ang kotse ng binata. Kahit na nanganib siya kagabi kailangan niya pa ring magtrabaho para sa kanyang amo.

Naalala niya ang sinabi ng kanyang head noong sinabi ni Vince ang nangyaring tangkang pagpatay sa kanya.

"No one can touch our best asset! Men! Search the area, and bring me evidences! Do not disappoint me! " utos ng head sa kanyang kasamahan.

Agad sinunod ng mga ito ang utos.

Binalingan siya ng kanilang head.

" You didn't tell me Villareal?"

"I'm sorry sir. It's not a mission."

" It's okay I understand, but next time tell me. "

"Yes sir. "

Huminga siya ng malalim.

Hindi siya humingi ng tulong sa kadahilanang wala siyang assignment para sa gobyerno.

"Kumusta ang likod mo? "

Sandaling na blangko ang binata.

" Ah sir, malapit na pong gumaling ng tuluyan. "

"Good! Anyway, I just don't need your ability using your strength. All I really need is your brain. You can still work for me even if you can't walk as long as you can talk. "

Nangingiting napapailing ang binata.

" Thank you sir. "

Nasa loob na siya ng tahanan ng mga Lopez at sinalubong siya ni don Jaime ng matalim na titig habang siya ay papalapit.

Kinabahan ang binata sa nakikitang galit na nakabadha sa mukha ng matanda.

Hindi ito pangkaraniwan kaya napapalunok siya sa kaba.

" Good morning sir. "

"Mr. Villareal! Ano ang ibig sabihin nito?" Initsa ng don ang mga kuhang larawan nila ng dalaga at nagkalat ito sa sahig. Sinulyapan niya lang pero agad niyang nakuha ang detalye ng mga kuhang larawan, nasa likod sila ng bangka at wala pang taga medya sa lugar na 'yon.

Kung gano'n may sumusubaybay sa kanila at ibinigay na sa don ang mga ebidensiya.

Marahan siyang yumuko upang pulutin ang mga larawan sa sahig.

"Wala hong ibig sabihin 'yan don Jaime, kumakain lang ho kami ni Ms. Ellah sa isang restaurant dahil na tension siya. "

Tinitigan siya ng don nang nakatayo na siya matapos pulutin ang mga larawan.

"Bakit siya nanakit ng reporter?"

"Ininsulto si Ms. Ellah-"

"Kahit na, hindi niya pa rin 'yon dapat ginawa, ikaw na pinabantay ko sa kanya wala ka ring ginawa! Walang silbi!"

"Patawarin niyo po ako don Jaime. Ngayon kayo higit na kailangan ng inyong apo don Jaime. Nahihirapan na ho siya."

"Anong ibig mong sabihin?"

Napatingin ito sa kanya.

Huminga ng malalim ang binata.

"Kaninang umaga ho, binatikos ng mga direktor si Ms. Ellah at maayos naman siyang nakasagot. Kaya lang noong kumakain na kami may mga reporter na dumating at inulan ng tanong ang inyong apo. Pero wala pong kasalanan si Ms. Ellah kaya wala po kayong dapat ikabahala."

" Anong wala? Ang pananakit niya sa taga medya ay matinding kasalanan! Ang epekto noon sa kumpanya ay mas titindi pa!"

"Kapag hindi ninyo uunawain ang inyong apo sa panahong ito don Jaime, mas lalala pa ang epekto. Ngayon kayo higit na kailangan ng inyong apo. Pinagtutulungan siya ng mga opisyal."

"Mga gago talaga ang mga direktor na 'yon! Wala namang ginagawa kundi ang maghintay ng kita ng kumpanya!" galit na galit na sigaw ng matanda

Katahimikan.

Muling ibinaling ng don ang tingin sa mga larawan.

Muli namang kinabahan si Gian.

" Kung wala silang basehan, bakit kayong dalawa ang ginawaan nila ng paratang? Hiniya nila ang apo ko sa pamamagitan mo," malamig nitong wika nang hindi nakatingin sa kanya.

Hindi siya nakaimik at ibinaling sa ibang dereksyon ang paningin.

" Sabihin mo, may gusto ba ang apo ko sa'yo?"

"Wala ho sir," tiningnan niya ang don.

Sa pagkakataong ito, tiningnan siya ni don Jaime. Nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Kung gano'n tatanungin kita uli, ikaw, may gusto ka ba sa kanya?"

Kumabog ang dibdib niya. Ibinaling niya sa ibang dereksyon ang paningin. Napalunok ang binata. Hindi pa panahon para umamin siya.

"Mr. Villareal, may pagtingin ka ba kay Ellah?"

Yumuko ang binata.

Hindi pa panahon pero ayaw na niyang magsinungaling.

Mabigat na sa kanyang dibdib ang patuloy na pagtanggi gayong iba ang sinisigaw ng kanyang damdamin.

"Tinatanong kita Villareal! May pagtingin ka ba sa apo ko! " May diin ang bawat pagbigkas ng don na nagpadagdag sa kanyang kabang nararamdaman.

Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagsalita.

"Hindi ninyo gusto ang nagsisinungaling sa inyo don Jaime. Kaya ayaw kong magsinungaling."

"Huwag mo ng ituloy!"

Marahan siyang dumilat. "Patawarin niyo ho ako don Jaime," Kasabay ng pagyuko ng binata sa harapan ng don.

"SINASABI KO NA NGA BA! HINDI BA'T MALINAW KONG SINABI NA HINDI KITA GUSTO PARA SA KANYA! PERO HINDI KA NA NAHIYA AT SINUWAY MO AKO!" Dumagundong ang boses nito sa buong mansyon.

Hindi siya umimik habang nakayuko.

" Akala ko malinaw sa 'yo ang mga napag-usapan natin?"

"Don Jaime, hindi ko na iniisip na magustuhan ako ng inyong apo. Ako lang ho ang may gusto sa kanya. Wala ho kayong dapat ipag-alala. "

"Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban dahil sa'yo!"

"Patawarin niyo po ako sir."

Nakayuko ang binata habang pinagsalikop ang mga daliri. Hindi niya mawari ang nararamdaman sa tindi ng kaba.

'Ito na ba ang katapusan ko?'

"Ngayong alam ko na may pagtingin ka sa apo ko, umaasa akong kakalimutan mo siya habang maaga pa. Tandaan mo gaano man kalaki ang naitutulong mo sa amin, hindi 'yon sapat para bumagay ka sa apo ko. Naiintindihan mo? Ikaw ang magdadala ng kapahamakan sa kanya."

Hindi kumibo si Gian.

Naiintindihan niya ang sinabi nito ngunit hindi niya kayang lumayo sa dalaga. Sinubukan na niya noon subalit nabigo siya.

Yumuko siya sa harap ng matanda at umalis.

"Alex!"

Saglit lang nasa tabi na niya ang alalay.

"Bakit po don Jaime?"

"Alamin mo kung saang kumpanya nagtatrabaho ang babaeng reporter na 'yan at patahimikin mo."

"Magkano don Jaime?"

"Hayaan mong siya ang mag presyo sa sarili niya."

Natahimik si Alex.

"Mas mabuti ang ganoon para tumahimik. Kapag kumalat ang ingay ng babaeng 'yon gagamitin ng husto ng kalaban ang pagkakataon para mapabagsak ako."

"Nauunawaan ko don Jaime."

Dumating si Ellah sa kanilang kinaroroonan. Nakabihis na ito para sa pagpasok sa opisina.

" What's going on here? Nasaan si Gian?"

Nilingon niya si Alex bago tumingin sa matanda.

"Aalis na ho ako don Jaime," paalam ni Alex.

Nang makaalis na ang alalay ay agad  kinompronta ni Ellah ang abuelo. Narinig niya kanina sa loob ng silid ang sigaw ng matanda kaya nagmamadali siyang bumaba.

"Lolo, ano bang nangyari?"

Mariin siyang tiningnan ng don.

"Bakit mo 'yon ginawa sa reporter?"

Natigilan si Ellah at mabilis nagpaliwanag.

"Sinisiraan niya ang imahe ng kumpanya kaya-"

"Kaya gumawa ka ng eskandalo?"

"Lolo-"

"Pinatulan mo ang patibong ng kalaban hindi mo ba naiintindihan 'yon? Sa tingin mo ba may ganoong klaseng reporter sa mundo ha Ellah!"

Napayuko ang dalaga. Alam niyang siya ang may pagkakamali.

"S-sorry po."

"Lagi ka na lang napag-iinitan ng mga kalaban dahil sa mga pinagagawa mo.

Bakit inililihim mo ang mga problema ng kumpanya? Tandaan mo ako pa rin ang Chairman. Nararapat lang na mag report ka pa rin sa akin. "

Napayuko ang dalaga.

"Sorry po, ayoko lang dagdagan ang inyong suliranin lolo. Kaya ko pa naman eh."

Huminga ng malalim ang matanda.

"Sinabi sa akin ni Gian ang nangyari tungkol sa meeting, si direktor Han ba ang nagbatikos sa'yo?"

Huminga ng malalim si Ellah.

"Hindi lang siya, lahat sila. "

"Mga walang hiya! Hintayin lang nila ang pag galing ko!"

" Umaasa po ako. "

"Sabihin mo, alam mo bang may gusto sa'yo ang Gian na 'yon?"

Hindi nakaimik ang dalaga nagsimula siyang kabahan.

"Sagutin mo ako. "

"O-opo lolo, matagal na niyang sinabing may pagtingin ho siya sa akin pero wala po kaming relasyon. "

"Ikaw ba ay gano' n din?"

Muli hindi nakaimik ang dalaga.

"Ellah, ikaw ba ay may gusto sa 'yong bodyguard?" tumigas ang tono ng don.

Umiling ang dalaga. "Wala po lolo, hinahangaan ko siya pero hindi sapat para magkagusto ako. "

"Bukas ay papupuntahin ko dito ang hotelier na anak ng kaibigan ko. Anong masasabi mo sa kanya?"

Napatiim bagang ang dalaga.

Oo at wala silang relasyon ni Gian pero hindi ibig sabihin ay haharap na siya sa iba.

"Lolo, wala akong panahon sa mga ganyan. Nasa mahirap po akong sitwasyon ngayon para isingit pa ang ganyang bagay."

"Kapag nagkasundo kayo ng anak ng kaibigan ko, makakalimutan ng mga kalaban mo ang pagpapatalsik sa'yo. Kilala sa lipunan ang pamilya nila, mawawala na ang spekulasyon tungkol sa isang gwardya lang at hindi na madadamay ang kumpanya."

"Hindi po 'yan ang solusyon. May nobyo man ako o wala nakakatiyak akong naghihintay lang sila ng pagkakataon."

"Aaminin ko, natatakot akong magkagusto ka sa bodyguard mo kaya ko ito ginagawa. Hindi mahirap magustuhan ang mga tulad ni Gian. Dahil kahit ako gusto ko siya, pero bilang protektor lang."

"Huwag po kayong mag-alala, kaya kong kontrolin ang damdamin ko, pero 'wag niyo sanang ipilit ang naiisip ninyo lolo dahil hindi ko gustong umasikaso ng mga lalake."

"Hindi mo ako naiintindihan, kung talagang wala kang pagtingin sa Gian na 'yon, walang rason para hindi harapin ang ibang lalake."

"Lolo-"

"Makikipagkita ka sa anak ng kaibigan ko sa ayaw mo at sa gusto," matigas na tugon ng don na ikinabahala ng dalaga.

"Ayaw ko nga! Wala akong panahon!" iritado na niyang saad.

"Pwes, ayaw ko ng makita ang Gian na 'yon kaya bukas na bukas din ay papalitan ko ang mga bodyguards mo!"

Kumabog ng husto ang dibdib niya sa kaba at takot. "Hindi ako makakapayag!" sigaw na ng dalaga. "Baka nakalimutan niyo pinabalik lang natin siya!"

"Hanggat hindi siya napapaalis sa tabi mo, mananatili kang manganganib sa'yong posisyon! Akala mo ba hindi ko alam, ang mga kalaban mo ay ginagamit siya laban sa'yo! Oo wala siyang ginagawang masama pero dahil sa kanya nadadamay ka! Bukod pa roon inamin niya sa akin na gusto ka niya at wala siyang karapatang magkagusto sa'yo alam mo 'yon! "

Hindi nakaimik ang dalaga.

Alam niyang gusto siya ni Gian pero iginagalang nito anuman ang desisyon niya at dahil doon mas lalong lumalim ang pagtingin niya rito.

"Ngayon kung talagang ipipilit mo 'yang gusto mo nagpapatunay lang na nagsisinungaling ka na!"

Hindi siya nakaimik.

"Huwag mong subukang suwayin ako Ellah, dahil kapag pinilit mo 'yang gusto mo ikaw ang papatay sa akin!"

Natigagal ang dalaga.

Tumakbo siya papasok sa kwarto at pinipigilan ang pag-iyak sa tindi ng galit sa abuelo.

' Gaano ba kalaki ang epekto ni Gian sa matandang 'yon at nagawa niyang sabihin ang bagay na 'yon sa akin? Bwesit!'

Tinawagan niya ang binata ngunit hindi ito sumasagot.

"Gian please, sagutin mo!" muli na naman niya itong tinawagan. Kinakain siya ng konsensiya dahil sa pagkakamali niyang isama ito sa isang hapunan. Kung hindi niya 'yon ginawa hindi sila aabot sa ganito.

"Gian ano ba! Gusto kitang makausap ngayon!" Subalit hindi ito sumasagot hanggang sa hindi na ito makontak.

Nanghihinang napaupo ang dalaga sa kama.

Parang ang bilis ng pangyayari at hindi siya makapaniwala na hindi na niya pwede pang makita ang gwardya, ang siyang nagpoprotekta at tumutulong sa kanya!

Kagabi nag-inarte pa siya at hindi sinasagot ni Gian ang kanyang tawag, ngayon pala hindi na niya ito maaaring tawagan pa.

Ngayon alam na ng kanyang abuelo ang pagtingin ni Gian sa kanya.

Ngayon niya mas dapat magpakatatag alang-alang kay Gian!

Paano nga ba 'yon gagawin kung ang mismong pinoprotektahan niya ang ayaw na itong makita?

Noon, walang ibang mahalaga sa kanya kung hindi ang nag-iisang pamilya. Ngayon may dumagdag na ngunit hindi niya kayang protektahan.

"Patawarin mo 'ko Gian." Mariing nakapikit ang dalaga habang hinahaplos ang itim na swan.

"Kailangan kong gawin 'to para protektahan ka. "

Kailangan na niyang gumawa ng desisyon habang kaya pa niyang kontrolin ang sariling nararamdaman!

Kailangan niyang pag-aralan kung paanong hindi na dapat umasa pa rito.

Kailangan niyang mamili ngayon kung sino ang mas matimbang sa kanya ang kanyang lolo ba o si Gian?

Kapag pinili niya ang kanyang lolo, maililigtas niya ang kumpanya maging ang binata.

Mawawala ang atensiyon ng mga taong galit sa kanya kay Gian sa oras na hindi na ito konektado sa kanya.

Subalit kapag si Gian ang pinili niya, lahat ng mayroon siya ay mawawala.

Masisira niya ang buhay ng binata at iyon ang hindi niya kaya, hindi niya kayang masira ang buhay nito nang dahil sa kanya!

Tila ba ngayon lang siya nagising sa katotohanan.

Nangarap kasi siyang matanggap ng lahat ang isang katulad niyang babae at igalang ang kanyang desisyon bilang tagapagmana.

Na kahit ano man ang kanyang pagkakamali ay matatanggap ng mga ito dahil siya ang nag-iisang pamilya ng may-ari ng kumpanya.

Hanggang pangarap na lang pala dahil ang mismong nag-iisang pamilya ay hindi iginalang ang desisyon niya at hindi pinalagpas ang kanyang pagkakamali.

Masakit pala talaga ang katotohanan.

Wala siyang lugar sa kumpanya kahit anong pilit ang gawin niya!

Walang pagkakataong magiging malapit sila sa isa't-isa ng abuelo kahit ito pa ang nag-iisang pamilya.

At ngayon, ang nag-iisang nakakaintindi at nakakaunawa sa kanya ay mawawala pa.

Ikinurap-kurap ang mga mata nang maramdaman ang mainit na likido mula sa mga mata na umagos sa kanyang pisngi.

Kasalanan niya naman kaya nangyayari ang lahat ng ito at ngayon nasasaktan siya.

"Kung hindi ka ba naman tanga?"

Natawa ng pagak ang dalaga at marahang pinalis ng kamay ang luha.

Ngunit sa mga katotohanan na 'yon, may isa pang katotohanan ang hindi niya kayang aminin at 'yon ang mas masakit.