Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 36 - Chapter 35 - The Gloominess

Chapter 36 - Chapter 35 - The Gloominess

PHOENIX UNDERGROUND...

Muling binalikan ni Gian ang kanilang bihag kinabukasan.

At ngayon ay muli silang nagkaharap.

"Kumusta Galvez?"

Hindi ito umiimik pero nakatingin sa kanya.

"Tapos na pala ang leave mo at hinahanap ka na sa kumpanya. Sa ngayon, tapos na rin ako sa'yo at ipapadala na kita sa presinto."

"Hayop ka Villareal!"

"Mas hayop ka Galvez, pasalamat ka hindi kita pinapapatay. "

Hindi ito umimik pero matalim ang titig sa kanya.

"Alalahanin mo marami akong hawak na alas laban sa'yo."

"Demonyo ka hayop ka!" Lumapit ito at mahigpit na humawak sa bakal na selda.

"Gawin mo ang sinabi ko. Hawak ko ang buong pamilya mo."

"Hayop!"

"Do it! If you don't want to visit the funeral every week!"

Natigagal ang kausap.

"Just remember I've got all the information I need from you. "

"Wala kang kasing sama Villareal!"

Ipinakita niya ang isang larawan kung saan naroon ang buong pamilya nito na nakuha niya sa larawang nasa cellphone ng bihag.

"Nasa mga kamay ko ang pamilya mo."

Nagwala ang lalaki!

"Papatayin kita hayop ka! Papatayin kita!"

Nagsukatan sila ng tingin. Inaarok niya ang kalooban ng kanyang kalaban.

"Makakaalis ka na rito. Ang batas na ang bahala sa'yo.

Just make sure to keep your mouth shut, or else every word you say against me... you will pay."

---

MEDC OFFICE...

Napatayo ang dalaga sa nalaman.

"What did you say?"

Kaharap niya ngayon ang isa sa opisyal sa kanyang opisina.

"Ms. Nasa presinto si Mr. Galvez! " paliwanag ng marketing manager.

Natulala ang dalaga.

"You have to do something."

"Sandali nga, ano bang nangyari at nasa presinto siya?"

"Iyan ang dapat nating alamin, kilala ko si Galvez, hindi 'yon huhulihin kung hindi mabigat ang kasalanan."

Sandali siyang natahimik ano ba ang dapat niyang gawin?

Kung nandito lang sana si Gian…

Ah hindi! Hindi na niya ito dapat isipin pa.

"Ms. kapag nalaman ng medya na nakulong ang isa nating kasamahan tiyak ma eeskandalo tayo. Kaya gumawa ka ng paraan para muli siyang makabalik dito."

Humagkis ang tingin niya sa kaharap.

"Why should I?"

"Ha?"

"Kung may kasalanan siya then be it. I'll fire him immediately."

Tumalim ang titig nito sa kanya.

"Ganyan ka ba ka walang awa sa mga tauhan mo?"

Hindi siya umimik.

Tama lang na makita niyang natataranta ang kaharap niya dahil sa nangyayari.

Masyado itong inosente na parang walang kasalanan!

Umupo siya at sumandal sa kanyang swivel chair.

"You can go Mr. Javier. Relax and do your job." Derektang utos niya.

Tumayo ang lalaki at ang tingin nito sa kanya ay animo papatay na.

"You don't know anything! Ang dati mong bodyguard ang may pakana ng lahat!"

Kumunot ang kanyang noo at tumawa.

"Who?"

"Don't play innocent Ms. Lopez sino pa ba ang kayang gumawa ng ganito sa mga dati mong bodyguard?"

Kumabog ang kanyang dibdib subalit pinanatili niya ang pagiging kalmado.

"Ano naman ang kinalaman niya?"

"See it for yourself !" Humakbang ito patungong pintuan.

"Baka naman sinadya niyo itong gawin dalawa? Kagaya noong  insidenteng kidnapping. "

Ngayon mas baliw talaga ito kaysa sa kanya.

Napakislot ang dalaga ng pabalibag nitong isinara ang pinto.

Hindi man niya aminin, pero talagang nagugulo ang utak niya nang maintindihan ang sinabi ng lalaki.

May kinalaman si Gian.

Ito ang dahilan kaya nakulong ang tauhan niya!

Dinampot niya ang cellphone at tinawagan ang binata pero hindi nito sinasagot.

Nag text siya rito.

Answer it! Ikaw daw ang dahilan kaya nakulong ang tauhan ko!

Naghintay siya ng tawag mula dito, pero walang nangyari.

Hindi siya makapaniwalang gagawa ng paraan ang binata para muli niyang mapansin.

Ang akala niya mananahimik na ito at mawawala na ng tuluyan pero hindi!

May ginawa na naman itong bagong kalokohan!

Tiningnan niya ang cellphone.

"Shit that man!"

---

PHOENIX AGENCY...

"Masaya akong bumalik ka na sa tungkulin Gian."

Kaharap ng binata ang hepe sa loob ng opisina nito.

"Salamat chief."

"Hindi lang ako makapaniwala na basta ka na lang pinaalis ng don. Pero may kutob ako kung bakit."

"Anong ibig niyong sabihin?"

Bahagya itong lumapit sa kanya.

"May mga nakalap na impormasyon na matagal ng magkaibigan sina don Jaime at Congressman Delavega."

Natahimik ang binata.

"Ngayong wala ka na sa poder nila pag-aralan mo ang misyon na ito."

Iniabot sa kanya ng hepe ang isang puting folder at binuklat niya.

Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa don at sa kongresista.

Mga larawan ng pagkikita ng mga ito sa isang pagdiriwang.

"Hindi ho ba normal lang naman magkikita sa isang party ang businessman at pulitiko?"

"Normal kung walang kakaiba."

Patuloy niyang binuklat at pinagmasdan ang mga larawan hanggang sa may isang kuha roon na nakakapagduda.

Nasa isang restaurant 'yon at may nakabukas na attached case sa harap ng dalawang matanda, punong-puno ito ng pera.

Nagkatinginan sila ng hepe.

"Pag-aralan mo, kung sakaling may ginagawang hindi maganda si don Jaime, wala tayong magagawa kahit pa may utang na loob tayo sa kanya."

Tumango ang binata.

Ang dating pinoprotektahan niya ngayon ay babantayan na niya.

Malaki ang posibilidad na may kinalaman ang bagay na ito sa pagpapaalis sa kanya.

"Sa misyon na ito, si Hailey ang makakasama mo."

Napakurap siya at hindi nakasagot.

"Delikado kung si Vince, madaling mahalata ni don Jaime kung siya ang kasama mo."

---

MEDC OFFICE...

Si Ellah na mismo ang tumawag.

Ipinikit niya ang mga mata dahil mukhang wala itong balak sagutin!

"Now you know!" bungad ni Gian sa kabilang linya.

Napigil niya ang paghinga nang marinig ang tinig ng nasa kabilang linya gano'n pa man pinanatili niyang maging kalmado.

"Why?"

"I don't need to explain my self to you. Just stay out of my way!"

"No! You're accusing my employee! I am responsible for his account. "

"Really?" sarkastiko nitong tanong.

Nagpigil siya ng sarili.

"Eh 'di ikaw dapat ikulong."

"What! How dare you!"

"You don't know anything woman!"

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Talo siya kung makikipag-away siya ngayon. Nasa mga kamay nito ang kanyang empleyado.

"Mr. Villareal, can we talk about this, maybe in a formal way. Can we?"

"No! I am busy. "

Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.

"Shit!"

Nanggigigil na muli niya itong tinawagan.

"Shit! Sagutin mo!"

Desperada na siya dahil kung hindi mai-eskandalo na naman ang kumpanya.

Kung hindi sana si Gian ang may gawa nito wala na siyang pakialam.

Subalit ang dating gwardya niya ang may gawa na noon ay siya naman ang biktima ng pagdukot nito.

"Why you keep on calling me? I am not your employee!"

"Ofcourse! Kung ginagawa mo 'to para magpapansin tigilan mo na dahil nakakaawa ka!"

"Ano? Papansin? Huh! Ibang klase ka, wala kang alam kaya manahimik ka!"

"Mananahimik ako kung makikipagkita ka ngayon na. "

"Look who's talking? Sino ngayon ang papansin sa atin?"

"Ano ba!"

"Hindi mo ako tauhan kaya wala kang karapatang utusan ako. "

"Oh, come on, bakit natatakot ka bang makikipagkita dahil baka babalik ang naramdaman mo sa akin?"

Narinig niya ang marahas nitong paghinga.

"Hindi mangyayari 'yon, " madiin nitong tugon.

"Prove it!" hamon niya rito.

Ano man ang dahilan ng kanyang dating gwardya ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga mailigtas niya ang tauhan at nang hindi madadamay ang kumpanya.

---

PHOENIX AGENCY...

"Hi Gian!"

Umangat ang tingin ng binata sa babaeng nasa pintuan na nakangiti.

"Ikaw pala Hailey, pasok."

"Tayo pala ang partner sa bago mong misyon ano?"

Napatingin siya sa babae.

Ito ang leader sa Bravo team. Magaling ito sa pakikipaglaban maging sa strategies.

"Pero may napansin ako sa mga pictures. Gusto mong makita?"

Tumango siya kaya binuksan nito ang hawak na folder at inilapag sa kanyang mesa.

"Here, look at this. Itong building na ito... " Tinuro nito ang isang gusali kung saan nakitang magkasama sa isang selebrasyon ang Kongresista at si don Jaime. "... Mukhang bago pa diyan pero nang tiningnan ko sa location ay wala na."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong wala na?"

"Gian luma na ang picture. Tiningnan ko na rin ang iba pa, luma lahat."

Bigla siyang kinabahan at sinuri ulit ang mga larawan.

Mukha namang bago.

"Inayos ang mga larawan bago nakarating sa atin."

Habang nakatingin sa mga larawan ay unti-unting may nabuong hinala sa kanyang isipan.

"Hailey alamin mo kung ilang taon na itong mga larawan."

"Okay," lumabas na ang babae.

Matapos ang usapan ay saka niya sinilip ang cellphone at nakita ang tawag at text ni Ellah.

Makikipagkita nga pala sa kanya ang dating amo.

Kapag ginawa niya 'yon mas lalo lang siyang mahirapang makalimot.

Kailangan na niyang lumayo lalo pa ngayong misyon niya ang nag-iisa nitong pamilya.

---

ANNA'S CAFE...

Apat na oras ng nakaupo si Ellah sa coffee shop na 'yon. Nabusog na rin siya sa mga inorder. Naka idlip na rin. Nangalay na ang leeg niya kakatingin sa pinto tuwing magbubukas ito.

Walang Gian na dumating.

"Wala na talaga."

Mapait siyang napangiti. Nag text siya rito at akala niya makikipagkita sa kanya.

Nalimutan niyang hindi na nga pala sila gaya ng dati.

Dati isang tawag o text niya lang magkukumahog na sa pakikipagkita, dati isang text o tawag lang kahit araw ng pahinga nito talagang pinupuntahan siya.

Para siyang baliw.

Kailangan ba talagang makikipagkita siya sa taong naging dahilan ng pagkakulong ng kanyang tauhan para pakawalan nito?

Napailing siya.

Nagsasayang na lang siya ng oras.

Dinampot niya ang bag at tumayo, eksaktong bumukas ang pinto ng shop at kagaya ng dati muli niyang sinulyapan ang pinto para lang ma dismaya ulit.

Humugot siya ng malalim na paghinga at naglakad palabas.

Nasayang ang kanyang apat na oras na walang ginawa.

Nasayang nga ba?

Buong buhay niya iginugol niya ang bawat oras sa trabaho. Ngayon lang nangyaring hindi siya nag-iisip ng trabaho.

Ngayon lang nangyaring wala siyang ibang inisip.

Tila nagpalipas lamang siya ng oras.

Napahinga ang isipan.

Naghikab pa siya habang naglalakad.

Dahil doon ay unti-unti siyang napangiti.

"Salamat sa hindi mo pagdating Gian."

---

PAGADIAN CITY...

Marahang inilabas ni Gian ang isang larawan mula sa suot na leather jacket.

Nasa harapan siya ng isang gusali na tila rest house kagaya ng nasa larawan.

Malayong-malayo ang itsura nito sa larawan at sa kasalukuyan.

Tila naging abandonado na ang gusali ngayon, hindi gaya ng nasa larawan na pinagdausan pa ng okasyon.

Tila matagal ng walang nakatira sa naturang resthouse.

Habang nakatingin sa gusali ay nagsimulang mabuo ang mga katanungan sa isipan ng binata.

Ayun sa hepe may isang concern citizen ang nagbigay ng mga larawan nito sa kanila.

May kinalaman ito sa taong pinaka ma impluwensiya sa lugar kaya hindi nila palalagpasin.

Sa una ay walang maghihinala sa larawan. Tila normal lamang sa mga sirkulasyon ng pulitiko at negosyante na magkita sa isang okasyon.

Ngunit 'yon ay kung bago lang.

Sa kanyang napagtanto ngayon, matagal na.

"Matagal na."

Kumabog ang kanyang dibdib sa naisip.

Sa dami ng kabulastugang ginagawa ng congressman na 'yon, ibig bang sabihin alam ito ni don Jaime? Posible pang ito ang protektor ng isang congressman na ganid sa kapangyarihan!

Panahon na ba para itigil ang pagtanaw ng utang na loob sa taong bumuhay sa kanya?

Ito na ba ang kabaligtaran ng kanyang ginawa noon bilang protektor nito at ngayon ay ipagkakanulo na niya?

Ang taong kanyang pinoprotektahan ay protektor din ba ng kasamaan?