Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 39 - Chapter 38 - The Mask

Chapter 39 - Chapter 38 - The Mask

AZZURA BEACH...

Naipikit ni Ellah ang mga mata.

Bagama't nahihirapan pinilit niyang magpakatatag alang-alang sa kumpanya at sa mga taong umaasa sa kanya.

"Please, tigilan na natin 'to. Ayoko na ng gulo, pakiusap. Kapag nagkita tayo, magkunwari ka na lang na hindi mo ako kilala dahil gano'n din ang gagawin ko. Magkalimutan na tayo. "

Natahimik ang binata.

At naglakad siya palayo. Bawat hakbang niya ay isang parusa!

Natigagal si Gian sa narinig. Hindi siya makapaniwalang magkukunwari na lang ito!

Magkukunwari gamit ang makapal na maskara!

Na sa likod ng maganda nitong mukha ay may nakatagong maskara.

Maskara na siya lang ang tanging nakakakita!

Tumalim ang titig niya sa babaeng papalayo na naman sa kanya. Sa babaeng wala ng ginawa kundi ang saktan siya.

'Tatanggalin ko ang maskara mo Ellah!'

Mabilis niya itong hinawakan sa isang braso at hinila pabalik.

"Hindi pa ako tapos sa'yo. " Halos magliyab ang tingin niya rito sa tindi ng galit na nararamdaman.

"Aray! Ano ba bitiwan mo ako!" Hiniklas nito ang braso subalit mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Mag-uusap tayo at sasagutin mo lahat ng itatanong ko!"

Halos ibalya niya ito nang bitiwan niya.

"Ano bang gusto mong malaman!"

"Bakit ka nandito?"

Napailing ang dalaga.

"Kasasabi ko lang para magpahangin."

"Liar!" sigaw na niya. Gustong-gusto na niyang saktan ang babae kung magagawa niya lang.

"O sige, para mag relax, mag-isip. "

"Ng ano?"

"Kung paano makakahanap ng solusyon. "

"Sa ano?"

"Sa problema ko. "

"Tungkol saan?"

Napabuga ito ng hangin at tinitigan siya, kaya nagsukatan sila ng tingin.

Sa pagkakataong ito hindi siya ang magpakumbaba.

"Mr. Villareal, do I need to explain myself to you?"

"You should!"

"Personal ang problema ko!"

"Ano 'yon?"

"Huh! Bakit ko sasabihin sa'yo? Sino ka ba?"

Tinitigan niya ng matalim ang dalaga.

"Wala! Wala lang naman ako sa'yo hindi ba? Kaya bakit ka pa nagtatanong? Halata mo na ang sagot!"

"Pwes, hindi mo na dapat malaman pa!"

"Kung hindi ka nagpunta dito, hindi kita tatanungin, pero nandito ka!"

"Walang kinalaman ang lugar sa problema ko!"

"Alam ko!"

"Kung gano'n, malinaw sa'yo na wala kang kinalaman!"

"Alam ko!"

"Walang patutunguhan ang usapang ito!" humakbang ang dalaga.

Napapikit si Gian sa nangyayari.

Bakit pagdating sa babaeng ito nawawala siya sa tamang kaisipan?

Nagiging ilohikal ang mga rason niya.

Mahigpit niya itong pinigilan sa isang braso.

"Isang tanong na lang at huwag kang magsisinungaling!"

"Magtanong ka na! Nagmamadali ako!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at tinitigan derekta sa mga mata.

Gusto niyang arukin ang totoong damdamin nito kung talaga bang wala na itong nararamdaman para sa kanya o hindi naman talaga siya nito minahal simula pa lang.

"Sa loob ng mga oras na nandito ka, hindi mo ba ako naiisip? Minsan ba hindi ako sumagi sa isipan mo?"

Nakita niyang napalunok ang dalaga.

Ibinaling nito sa ibang dereksyon ang paningin.

"Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo ang totoo. " Punong-puno ng damdaming pakiusap niya.

Yumuko si Ellah.

"Hindi kita naiisip, walang dahilan para isipin ka. "

Nabaghan siya sa nakikitang malamig na pagtugon ng dalaga.

"Damn it Ellah! Look at me!"

Umiling lang ito.

"You are lying!"

Umangat ang mukha nito at tinitigan siya sa mga mata.

'Pakiusap sabihin mo ang totoo!'

Piping dasal ng binata nang magtagpo ang kanilang mga mata.

"Hindi ako nagsisinungaling. "

Napalunok si Gian.

Ibinaling niya sa dagat ang paningin. Nagagawa na siya nitong titigan ngayon. Kung gano'n nagsasabi na nga ito ng totoo.

Pakiramdam niya parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod at bubuwal siya sa harapan ng dalaga!

Kinabig niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat bilang suporta upang hindi siya tuluyang matumba.

"Bitiwan mo ako, " malamig nitong wika.

"P-please kahit sandali lang, " nanginginig ang tinig na pakiusap niya habang nakayuko.

Hinayaan siya ng dalaga.

Nag-init ang kanyang mga mata kaya ipinikit niya.

Panay ang kanyang paghugot ng malalalim na paghinga.

Hindi na niya maintindihan kung bakit nasasaktan siya ng husto gayong sa una pa lang nilinaw nitong kumpanya at ang abuelo ang pinipili nito. Siguro dahil umaasa siyang tatanggapin siya ng isang kagaya ng isang Ellah Lopez. Naiiyak siya sa katangahan niya.

Ang sakit pala magmahal.

"Kailangan ko ng umalis, " pahayag ni Ellah.

Hindi siya umimik.

Kumalas ang dalaga at hinayaan niya.

Yumuko siya upang hindi nito makita ang kanyang mukha.

Humakbang ito ng marahan at nilagpasan siya kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"Oh shit! Gian huwag ka namang ganyan, " daing ng dalaga.

Natigilan siya sa narinig at saka napagtanto kung bakit nito nasabi 'yon.

Pumapatak ang mainit na likido sa kanyang pisngi.

"Gian please, " nagsusumamong pakiusap ni Ellah.

Subalit tikom ang kanyang bibig.

Marahas na pinahid ng likod ng kamay ang mga luha sa kanyang pisngi.

Lumapit si Ellah at hinawakan siya sa pulso, gano'n pa man hindi siya natinag.

Alam niyang ang hawak na 'yon ay pampagaan lang ng kalooban at wala ng iba!

Kung tutuusin pwede niya itong itulak at iwanan ngunit

hindi niya ginawa sa halip hinayaan lang niya itong hawakan siya, hanggang sa kumalas ito at tumalikod.

Habang pinagmamasdan niya ang paglayo ni Ellah ay hindi na siya nakapag-isip ng matino.

Hinila niya ito sa braso at buong higpit na niyakap.

Gustong-gusto niyang damhin ang init ng katawan nito at ang init ng damdamin.

Umaasa siyang may nararamdaman din ang dalaga sa kanya.

Bahagya siyang lumayo ngunit hindi niya ito binitiwan.

Yumuko siya at tiim na tinitigan ang mga mata ng dalaga.

Nag-uusap ang kanilang mga mata habang nagsusumamo ang kanyang mga tingin na maging kanya ang pag-ibig nito.

Napapalunok na bumaba ang tingin niya sa mga labi ng dalaga.

Dahil sa bugso ng damdamin ay dahan-dahang inilalapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga.

Malapit ng magtagpo ang kanilang mga labi kaya ipinikit niya ang mga mata.

Ayaw niyang makita ang pag-iwas nito at pag-iwan sa kanya.

Kapag umiwas ang dalaga ito na ang katapusan!

Napakabagal ng kanyang paggalaw,  hinintay niya ang pag-iwas nito o 'di kaya ay ang pagkalas anumang oras ay maaari siya nitong itulak at iwanan na naman.

Subalit hindi nito ginawa, hindi man lang ito gumalaw. Nagmistula itong tuod.

Ngayon ay nararamdaman na niya ang init ng hininga ng dalaga.

Naramdaman niya ang pagtama ng kanyang labi sa labi ng dalaga dahilan kaya kumabog ng husto ang dibdib ng binata.

Hanggang sa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi ay hindi umiwas ang babaeng pinakaiibig niya, bagkus ay niyakap din siya nito.

'God!'

Sinubukan niyang buksan ang mga mata para lang makitang nakapikit ang dalaga!

Walang kasing-saya ang kanyang nararamdaman!

Tila dinuduyan siya sa alapaap na hindi niya maintindihan.

Muli niyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang mga labi ni Ellah.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahalikan niya ito!

Ilang sandali pa, kumilos ng unti-unti ang mga labi ng binata, naghahanap ng katugon.

Alam niya kapag tinugon nito ang mga halik na 'yon ay nasagot na ang kanyang tanong!

Naramdaman niya ang pagkapit ng mga kamay nito sa kanyang leeg.

Hindi nagtagal, kumilos ang mga labi ni Ellah.

At tinugon ang kanyang mga halik.

Sa wakas nagtagumpay siya!

Buong puso niyang pinadama ang pag-ibig niya sa dalaga sa pamamagitan ng mga halik.

Naramdaman niya ang pagkapos ng hangin kaya sabay silang kumalas sa halik.

Nagtitigan silang dalawa.

Yumuko ang dalaga. Ipinatong niya ang noo sa noo nito.

Matagal silang nagpakiramdaman. Kapwa naghahabol ng hininga.

Nang parehas na silang kumalma ay niyakap niya ito ng mahigpit at tumingala sa kalangitan.

"God, Ellah!" tanging nasabi niya bago pumikit.

Subalit ilang sandali pa ay kumalas ito at umiling-iling.

"M-mali 'yon, hindi dapat nangyari 'yon. Hindi dapat," tila natataranta ito at hindi alam kung iiwan ba siya o mananatili pa.

Kaya lakas-loob na siyang nagtanong.

"Bakit mo 'yon ginawa?"

"H-hindi ko alam. "

"Mahal mo ako kaya mo ginawa. "

Umiling si Ellah.

"This is insane"

"What?"

"Kabaliwan ang lahat ng ito. Hindi ito dapat nangyayari!"

Ngumiti siya habang nagniningning ang mga mata sa tindi ng kaligayahan.

"Oh please, 'wag mong sabihin 'yan. Malinaw na may gusto ka sa akin.

"Parehas tayo ng nararamdaman, mahal mo rin ako."

"H-hindi totoo 'yan, " panay ang iling ni Ellah. "Mali ito!"

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga at tinitigan. Kumbinsido na siyang may nararamdaman ito sa kanya, naguguluhan lang ang dalaga sigurado siya roon.

"Kung gano'n bakit mo tinugon? Bakit ka tumugon?"

Hindi ito kumibo gano'n pa man hindi niya mapigilan ang ngiti sa mga labi.

"Mahal mo ako hindi ba?"

Tikom ang bibig ng dalaga habang nakatitig sa kanya.

"Hindi ba Ellah? Aminin mo. Alam ko naguguluhan ka lang. Nakikita ko at nararamdaman ko. Bakit ba napakahirap sa'yo ang umamin?"

Hindi ito kumibo, ang ngiti sa kanyang mga labi ay unti-unting naglalaho.

Ayaw niyang isipin na nababalot ito ng kasinungalingan.

Kasinungalingan sa ilalim ng isang makapal na maskara!

'Hindi maaari. Hindi!'

Bahagya siyang tumingala upang pakalmahin ang sarili.

Pagkatapos ng lahat ito lang ang sasabihin ng dalaga?

Nananatiling tikom ang bibig nito at yumuko.

Muli siyang lumayo. Hindi niya kakayanin ang nangyayari. Para siyang sasabog sa tindi ng nararamdaman!

"Dahil ba isa lang akong hamak na gwardya sa paningin mo? Nahihiya ka ba na amining ang nagustuhan mo ay isang mahirap lang? Nahihiya ka bang aminin sa sarili mo na ang minahal mo ay gaya kong isang hamak lang na gwardya!"

Muli ay hindi umimik ang dalaga.

Nagpalakad-lakad ang binata na para bang hindi alam kung ano ang gagawin.

Sinabunutan niya ng dalawang kamay ang sariling buhok.

" Umamin ka! Sa ginagawa mo nababaliw ako! Ginagawa mo akong gago!"

Napapailing pa rin si Ellah habang sa ibang dereksyon nakatingin.

Hinarap niya ang dalaga.

"Umamin ka putang ina!" sigaw na niya.

Hinarap siya nito.

"Bullshit Gian! Ano bang gusto mo? Sasabihin kong mahal kita kahit na ayaw kong masaktan ang lolo ko? Pipiliin ko ang lolo ko kaya ang mabuti pa umalis ka na!"

Muli niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga at sa pagkakataong ito, niyugyog na niya.

"Mahal mo ako hindi ba? Pinapipili ka lang kaya napipilitan ka. Ayaw sa akin ni don Jaime kaya pilit kang nagsisinungaling sa akin. Hindi ba!"

"Wala akong nararamdaman sa'yo."

"Sinungaling!"

Muli ay hindi umimik ang dalaga.

Galit na binitiwan niya ito na may kasamang pagtulak.

Napaatras si Ellah.

Bahagya siyang lumayo.

Pinakatitigan niya ang babaeng nasa kanyang harapan.

Para itong inosente na walang alam subalit ang lahat ay isa lang balat-kayo!

Punong-puno ng pagkukunwari!

Balot na balot ng kasinungalingan!

Ng kasamaan!

Walang pagkakataong hindi siya nito sinaktan!

"Kung may natitira ka pang awa, sabihin mo ang totoo! Nakikiusap ako, kahit ngayon lang, kahit ngayon lang! Nararamdaman kong ito na ang huling pagkakataong magkikita tayo."

Tikom ang bibig ng dalaga.

"Ayokong isipin na darating ang panahong magkukunwari tayong hindi kilala ang isat-isa. Hindi ko 'yon kaya. Hindi ko kaya!" sigaw na niya.

Nananatiling tikom ang bibig ng dalaga habang panay ang iling nito.

Nakita niya ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni Ellah.

Iniiyakan na naman siya!

Ngunit palagi nitong sinasabi na wala itong nararamdaman para sa kanya.

Kung gano'n, para saan ang mga luha nito?

Para ba sa isang pagkukunwari na ito lang ang may gawa?

Nagtitiim ang kanyang bagang bago mariing pumikit.

Napuno ang binata kasabay ng kawalan ng pag-asa na halos ibulong na lang ang mga katagang sasabihin.

"Tangina naman Ellah, hanggang kailan mo ako gaganituhin?" halos pumiyok siya sa tindi ng sakit na nararamdaman.

"Gian..."

Hindi siya umimik. Sa tono ng kaharap akala mo alalang-alala sa kanya, ngunit puno na siya sa mga pagkukunwari at kasinungalingan!

"Gian!"

"PUTANG INA! UMAMIN KA!"

buong lakas ng sigaw niya.

"Oo mahal kita!" sigaw ng dalaga.

Napanganga si Gian.

"A-anong sinabi mo?" nauutal niyang tanong.

Tila ba nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa narinig.

Halos maririnig na niya ang pintig ng kanyang dibdib sa sobrang lakas nito!

Hindi umimik ang dalaga at sa halip ay humikbi ito.

Kinabig niya ng yakap ang babaeng pinakamamahal at tuluyan na itong umiyak habang siya ay hindi maawat ang ngiti.

Nauunawaan niyang umiiyak ito dahil siya ang pinili at hindi ang nag-iisa nitong pamilya.

Siya ang pinili at hindi ang kumpanya.

Hinaplos niya ang likod nito ng buong pagsuyo.

"Mahal kita, Ellah. Poprotektahan kita at susuportahan. Hindi ka nag-iisa sa laban mo."

"Aaminin ko, matagal ko ng pinag-aaralan ang nararamdaman ko at ngayon kaya ko ng pangalanan ang damdaming ito. Natuto akong magmahal dahil sa'yo."

Napangiti ang binata.

Ngiting halos nagpapugto sa kanyang hininga sa sobrang galak.

"Pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yon para piliin ka. Kasalanan mo kaya natuto akong magmahal. Hindi ako dapat magmahal, kailangan ko lang ng katuwang sa negosyo hindi ko kailangang magmahal. Napakarami kong responsibilidad at hindi kasama ang pag-ibig doon."

Humigpit ang yakap niya.

Wala na siyang pakialam ano pa ang hadlang ang mahalaga mahal siya ng babaeng pinakamamahal.

"Bitiwan mo ako!" pilit nitong kumalas sa pagkakayakap niya.

Subalit mas humihigpit ang yakap ng binata at nawawalan ito ng lakas para itulak pa siya.

Maya-maya ay hinawakan ni Gian ang pisngi ni Ellah at tinitigan niya sa mga mata. Nabanaag niya ang

takot, pangamba at pag-aalala.

"Hindi ka nagkamaling mahalin ako Ellah, may kasama ka sa pagharap sa mga responsibilidad mo, hindi ka na nag-iisa dahil ipinapangako ko, ipaglalaban kita hanggang sa aking huling hininga."

Kinabig niya ito ng husto kaya mariing naglapat ang kanilang mga katawan.

"Mahal kita Ellah" puno ng damdaming pahayag ng binata.

Niyakap din siya nito.

Nangingiting ipinikit ng binata ang mga mata. Inihimlay niya ang ulo sa balikat ng dalaga.

"Maraming salamat sa pagmamahal mo. "

Hindi umimik ang dalaga ngunit isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib.

Napakatagal niyang hinintay na dumating ang sandaling ito!

Madalas nawawalan siya ng pag-asa na mangyayari pa ang kanyang hinahangad.

Ngayon ay natupad!

Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Gian, dahil sa totoo lang matagal ng inaasam ng binata na maging kanya si Ellah.

Sa wakas naalis niya ang pagkukubli nito sa ilalim ng maskara.

Ang maskarang matagal na nitong iniingatan ay nadaig ng pag-ibig na matagal na niyang… inaalagaan!