Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 45 - Chapter 44 - The Reality

Chapter 45 - Chapter 44 - The Reality

PHOENIX AGENCY...

"Villareal, I have something to tell you."

Bungad ng boss niya pagpasok ng opisina nito.

"Sir," sumaludo siya rito na tinugon nito.

Ipinatawag siya dahil may ibibigay daw itong trabaho.

"Sit down please."

Umupo siya paharap sa amo.

"Gusto kong ikaw ang gumawa niyan."

May iniabot itong envelop kaya tinanggap niya.

Hawak ng binata ang isang folder at binuksan ito bumungad ang isang larawan na kilala niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"That will be your mission Villareal."

Umangat ang tingin niya sa kanilang head.

Mahirap sa kanya ang pinapagawa nitong trabaho dahil hindi na niya mapoprotektahan si Ellah, hanggang ngayon wala pang alam si don Jaime tungkol sa kanila.

Kung noon sanang wala pa silang relasyon ng apo nito.

"Sir, you know I never complain pero baka magkaproblema tayo."

"Bakit? Wala ka na namang obligasyon sa mga Lopez hindi ba? Kaya bakit magkakaproblema?"

Hindi na siya kumibo.

"Gian, ikaw lang ang pinaniwalaan kong makakaya ng problemang 'yan. "

"Thank you sir. "

Umupo ang head at tinitigan siya sa mata, kaya naman yumuko siya.

"Napakalaki ng problemang 'yan and I will give you twenty four hours to make your decision."

Huminga ng malalim ang binata, ibinalik niya ang folder sa envelop bago tumayo.

"Thank you sir."

Sumaludo siya at tinugon nito.

Lumabas siyang mabigat ang kalooban.

Sanay siya sa mahihirap na misyon at laging nakataya ang kanyang buhay pero ni minsan ay hindi siya natakot, ngayon lang.

Ngayon lang dahil hindi na niya mapoprotektahan ang kasintahan.

Ngayon, kailangan niya ng isang kaibigan.

Kailangan niya ng may makakausap.

At hindi naman siya tinanggihan ng kanyang nag-iisang matalik na kaibigan.

---

DANIEL'S BAR ZC...

Agad itong nagpunta sa bar kung saan inabutan siyang umiinom.

"Pare, mabuti nakarating ka."

"Oo naman, narinig kong may ibinigay sa'yo ang head."

Sinalinan niya ng alak sa isa pang baso ang kaibigan nang makaupo ito sa kanyang tabi.

Lumagok ito ng alak.

"Si Congressman Dela vega hindi ba?"

Tumango siya.

"Kilala ka ng anak, paano mo magagawa ng maayos?"

Ang Congressman na tinutukoy nito ay si Dela Vega na siyang hiningian nito ng ebidensiya noon para kay don Jaime.

"Tama ka, pero hindi 'yon alam ng head natin. Wala siyang alam na konektado ako sa mga 'yon. "

Noong panahong naka engkwentro nila ni Ellah ang anak ni Congressman Dela Vega ay hindi niya ipinaalam sa opisina nila dahil hindi ito parte ng kanyang misyon.

Hindi niya misyon ang dalaga.

Pinakiusap lang siya ni don Jaime na maging gwardya nito pansamantala sa laki ng utang na loob nila sa don.

"Tanggihan mo na lang. "

Napatingin siya sa kaibigan bago lumagok ng alak.

"Hindi pwede. "

"Pero malaki ang tsansa na mapahamak ka!" Tumaas na ang boses nito.

Tama ang kaibigan.

Mapapahamak siya dahil kilala siya ng mga Dela Vega, bukod pa roon posibleng masasangkot ang lolo ng nobya niya.

Hindi niya kayang amining natatakot siya dahil posibleng masasangkot si don Jaime dahil sa larawang natuklasan nila kasama ang kongresista.

Ang magiging trabaho niya ay alamin ang lahat ng operasyon ng mga Dela vega at ang misyon ay pasukin ang organisasyon nito na may kinalaman sa drug trafficking.

Isa siyang DPA kaya kailangan niyang ma infiltrate ngunit paano niya magagawa kung kilala siya ng target?

Subalit ang trabaho ay trabaho.

Ang misyon ay misyon.

Kaya galit na galit ang kaibigan dahil alam niyang malaki ang posibilidad na mapapahamak siya.

"Vince, alam mong hindi pwede, wala na akong idadahilan. Nahihiya na akong magsinungaling at alam mo 'yan. "

"Eh' di sabihin mo ang totoo!"

"Hindi pwede, para ko na ring sinabing mag quit na ako. "

"Eh 'di mag quit ka!"

"What!" Nababaghang napalingon siya sa tinuran ng kaibigan.

"Mag quit ka na lang para sa kaligtasan mo!"

Naiiling na lumagok siya ng alak.

"Parang hindi ikaw ang naririnig ko. "

"Mas lalong hindi ikaw ang naririnig ko!"

Tumalim ang tingin na nilingon niya ito.

"Pare, alam mo ang batas natin, kaya hindi ko 'yon gagawin!"

"Pare, isa lang ang buhay, at natitiyak ko, kukunin ng hayop na congressman na 'yon ang buhay mo!"

"Hindi mangyayari 'yon. "

"Sigurado sila sa kalaban sa palagay mo ba pagbibigyan ka nila?"

"Ako na ang bahala, basta tulungan mo ako. "

"Pare naman! Mamamatay ka sa kamay nila! Hindi ba malinaw sa'yo?"

Hindi siya nakaimik.

Sabay silang lumagok ng alak.

"Fine, ako ang ipain mo, " matatag na wika ng kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ng binata sa narinig.

"Hindi! Alam mo kung gaano ka delikado ang sitwasyon. Tama na 'yong inutos ko sa'yo. "

"Pero kung ikaw ang gagawa mas delikado at tiyak na mapahamak ka!"

Tumataas na ang tensyong namamagitan sa kanila.

Muli niyang itinuon ang mga mata sa baso at muling nilagok ang laman.

"Wala ka ng kinalaman pa. "

Umalsa si Vince.

"Kung hindi mo pinahahalagahan ang buhay mo pwes ako pinapahalagahan ko!"

Marahas siyang huminga ng malalim.

"Thanks for the concern but I don't need that...shit!"

Kumabog ang dibdib ni Gian sa nakita pagharap niya.

"Vince, anong ginagawa mo!"

"Kung gusto mo ng mamatay, ako na lang ang gagawa!"

Napalunok siya.

"Vince, kaya mo ba 'yang ituloy?"

Sa pagkakataong ito, tumayo si Vince at itinutok sa kanyang dibdib ang baril.

Shit!

Wala pa namang ibang tao dahil nasa loob sila ng VIP room ng bar na 'yon.

Tinitigan niya ang baril, hindi pa ito nakakasa. Siguro naman hindi ikakasa ng kaibigan.

"Vince, hindi na tama 'yang ginagawa mo. Put that gun down!"

"Hindi! Kung mamamatay ka lang naman, mas mabuti pang ako na lang ang papatay sa'yo!"

Dumilim ang mukha ng binata at tumayo na rin.

"Tangina Vince! Hindi mo naiintindihan! Hindi mo ako nagawang palitan kahit sandali sa posisyon ko dahil takot ka!"

sigaw na niya.

"Hindi ako takot! Kaya hindi ko kinuha ang posisyon mo dahil mataas ang respeto ko sa'yo!"

"At hindi ko magagawang ipapahamak ka!"

"At least ako, fifty fifty ang kamatayan pero ikaw? Ikaw sigurado!"

"Vince, put that gun down, " imunuwestra niya ang dalawang kamay habang nakatitig dito.

"No!"

"Fuck shit! Ibaba mo 'yan sabi!"

"Hindi!" Ikinasa ni Vince ang baril na hawak.

Parang biglang nanlaki ang kanyang ulo sa nakikita.

Ang kanyang matalik na kaibigan nasa harapan niya at nakahanda siyang patayin!

"Fine! Kill me!" sigaw na niya.

Hindi gumalaw si Vince.

Lumapit siya at idiniin ang dulo ng baril sa kanyang dibdib.

"Patayin mo ako!"

Nagsukatan sila ng tingin.

"Tama ka, kung hindi mo na pinahahalagahan ang pagkakaibigan natin mas mabuting sa mga kamay mo na nga lang ako mamamatay. "

Napapailing si Vince.

"Kung mapapatay mo ako, sinagot mo lang ang tanong ko noon sa'yo. "

Hindi nakaimik ang kaibigan

at muling umiling.

"Ang sabi mo noon, hindi mo ako magagawang patayin. Pero ngayon mukhang nagsisinungaling ka na."

Tumiim ang titig niya sa mga mata nito.

Inaarok ang kalooban ng lalaking naging kaibigan niya sa loob ng siyam na taon ngunit ngayon ay nakahanda siyang patayin.

"Ang panaginip na 'yon naging totohanan, at ikaw ang dahilan.

At tama ka, kabaligtaran ang panaginip dahil doon, ako ang pumatay sa'yo pero sa totoo ikaw pala. "

Sumabog si Vince.

"Putang ina Gian! Putang ina ka!"

Malakas nitong inihagis ang baril sa malayo.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang butil ng luha mula sa mga mata ng kaibigan.

Bigla niyang kinabig si Vince at mahigpit na niyakap.

Umiyak si Vince sa kanyang balikat.

"Ayaw kong mamatay ka. Hindi ko matatanggap na dahil lang sa hindi alam ni Romero ay malalagay ka na sa panganib. Pare naman, alam mo ba kung gaano kasakit sa akin 'yon?"

Ipinikit niya ang mga mata.

Naiintindihan niyang ayaw lang nitong mapahamak siya subalit ang misyon ay misyon.

"I'm sorry pare, patawarin mo ako."

"Patawarin niyo ako sir, patawad po. "

"Vince, kaibigan ang turing ko sa'yo. Matalik na kaibigan hindi mo kailangang bumaba. "

"Salamat, maraming salamat pare."

"Vince pare, maraming salamat. "

Kumalas siya at hinawakan ito sa balikat.

"Maraming salamat sa pang-unawa."

"Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa'yo. Kapatid ang tingin ko sa'yo kaya pinahahalagahan kita ng husto. "

"Salamat pare. "

Naninikip ang dibdib niya na hindi niya naiintindihan.

Dapat makakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito itinuloy.

Sa ginawa ni Vince, pinatunayan lang nito sa kanya kung gaano siya kahalaga. At lalong lumalim ang pagmamahal niya para sa kaibigan na ngayon ay ituturing na niyang higit pa sa kapatid!

---

LOPEZ MANSION...

"SHIT!" malakas na naimura ng dalaga habang nakatingin sa nabasag na bagay.

Mas lalong kumabog ang dibdib niya.

Agad niyang tinawagan ang sekretarya.

"Good evening po Ms."

"Yes Jen, na disturbo ba kita?"

"Hindi naman po Ms. Bakit po?"

"Jen, naalala ko 'yong sinabi mo noon na kapag may nabasag na bagay kapag kinabahan ka hindi ba may meaning 'yon?"

"Depende po Ms. ano po ba ang nabasag?"

"Frame, picture frame namin ni Gian na pinakatago-tago ko. Bigla kasi akong kinabahan kaya titingnan ko sana ang picture namin kaya lang nabasag."

Hindi umimik ang babae sa kabilang linya.

"Jen, are you still there?"

"Yes Ms. tinawagan niyo na ho ba siya?"

"Hindi pa, ikaw ang tinawagan ko."

"Ms. hindi naman po lahat nagkatotoo, pero kinukutuban akong may hindi magandang mangyayari. "

"Saan Jen?"

"Sa, Ms. ayoko pong sabihin ito, pero sana hindi magkatotoo. "

"Ang alin nga?" naiirita na niyang tanong.

Lalo kasi siyang kinakabahan.

"Sa inyong relasyon. "

"What do you mean?"

"Baka may mangyayaring hindi maganda sa inyong relasyon. "

"Shit! That's not true!"

Ngayon pa lang parang hindi niya kayang tanggapin kung may mangyayari.

"I'm sorry po, opo, ipagdadasal ko po."

Marahas siyang napabuga ng hangin.

"That's all Jen, good night!" pinatay na niya ang cellphone.

Napaupo siya sa kama.

Paano kung magkatotoo ang sinabi nito?

Ano ang pwedeng gawin niya para mapigilan?

May magagawa ba siya?

May magagawa ba sila?

"No! hindi 'yon totoo!"

Hindi siya naniniwala sa mga ganyang pangitain o kahit ano pang mga ibig sabihin!

Hindi siya nakatiis tinawagan niya ang binata subalit hindi nito sinasagot.

"Shit Gian! Please sagutin mo!"

Pangalawang tawag niya nang may sumagot sa kabilang linya.

"Gian?"

"Bakit?" ang tono nito ay parang naalimpungatan lang.

"Natutulog ka na ba?"

"Oo, ikaw bakit hindi ka pa natutulog?"

Huminga siya ng malalim.

"I can't sleep."

"Why?"

"N-naiisip kita."

"Really? Na miss mo ako agad?" sumigla ang boses nito.

"Hindi sa gano'n, pero siyempre I miss you."

"Gusto mo bang puntahan kita diyan?"

"Hindi pwede alam mo 'yon. "

"Ako na lang ang puntahan mo. "

"Ano? Sinuswerte ka!"

Humalakhak ang binata at pinakinggan niya.

"I love you, " madamdamin niyang wika.

"I love you too, " agad naman nitong sagot.

Wala na siyang pakialam kahit siya pa ang unang magbanggit ng salitang 'yon.

"Gian, paano kung may masamang mangyari sa relasyon natin?"

"What do you mean?"

"Halimbawa, may masamang mangyari, anong gagawin mo?"

"Walang masamang mangyayari okay? Relax honey. "

"Hindi ako mapalagay eh. "

Huminga ng malalim ang binata.

"Kung pwede lang sanang magkita tayo ngayon para hindi ka na mag-aalala. "

"Hindi na pwede eh, lalo pa ngayon mas humigpit ang pagbabantay ni lolo. "

"Walang masamang mangyayari okay? Kaya kalma lang, ako ang bahala hindi kita pababayaan."

"Salamat. "

Doon pa lang siya napanatag.

"Salamat sa pagpapahalaga mo sa relasyon natin, hindi mo lang alam kung ganoo ako ka saya ngayon. Mahal kita Ellah, tandaan mo 'yan."

"Mahal din kita Gian. "

"Salamat, matulog ka na. "

"Sa totoo lang kinabahan ako dahil nabasag ko 'yong picture frame natin."

"Natin?"

"Yes, hindi 'yon alam ni lolo, itinago ko 'yon sa safe pero nabasag siya."

"Pinulot mo ba ang mga bubog?"

"Yes"

"Damn! Nasugatan ka ba?"

"Hindi naman."

Napabuga ng hangin ang nobyo.

"Thank God! Akala ko nasugatan ka na."

"Hindi naman 'yon ang pinag-alala ko eh kundi tayo, paano kung may masamang manyari?"

"Hindi totoo ang mga pamahiin na 'yan okay? Nasa ating dalawa nakasalalay ang tatag ng relasyon natin kaya magtiwala ka lang at walang masamang mangyayari."

Kahit papaano nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng nobyo.

"Thank you."

"I love you" tugon ng binata.

"I love you too"

"Sleep well, payat ka pa naman."

"Oo na, parang ikaw mataba diyan."

Sabay pa silang nagtawanan.

Tiwala siyang kung may mangyayari, tiyak na malalagpasan nila.

Ang kanilang pag-iibigan ang kanilang nag-iisang sandigan.

Ito ang sandata laban sa kapahamakan!

Dahil sa ginawa niya mas humigpit ang kanyang mga gwardya. Pagkagaling sa opisina agad siyang inihahatid ng mga ito sa bahay bilin daw ng kanyang lolo.

Ngayong gabi nga, pauwi na naman sila.

Na mi-miss na niya si Gian!

Limang araw na ang nakakaraan mula noong magdate sila.

Mabigat ang paang humakbang siya papasok ng mansion.

Inabutan niyang nakatalikod ang kanyang lolo habang nakatayo.

"Nandito na po ako lolo."

"Mag-uusap tayo Ellah!"

Napahinto ang dalaga. Halata sa tinig ng don ang galit nito.

"Tungkol po saan?"

"Tungkol dito!" initsa ng matanda ang isang envelope.

"A-ano ho 'yan?"

"Tingnan mo kung ano 'yan!"

Napapalunok na binuksan niya ang envelope at kinuha ang laman at nagitla ang dalaga sa nakita.

Mga larawan nila ni Gian sa couple restaurant!

Masayang kumakain, at magkayakap sa likod ng restaurant!

"Magpaliwanag ka! Ano ang ibig sabihin niyan? Huwag mong subukang magsinungaling Ellah, dahil baka hindi kita matantiya! Alam mong ang mga larawang 'yan ay maaaring gamitin ng iyong kalaban sa kumpanya!"

Bakit hindi nila ito napansin?

Sino ang may gawa nito?

Dahan-dahan siyang napaluhod.

"P-patawarin niyo po ako, lolo, patawad po kung nagsinungaling ako, ginawa ko lang po 'yon dahil natatakot ako sa inyo, " naiiyak na wika ng dalaga habang nakayuko.

"Kayo na ba ng lalaking 'yan?" Nagtitimping tanong ng don.

Napapikit ang dalaga.

"Sumagot ka! May relasyon ba kayo ng lalaking 'yan!"

Yumuko si Ellah.

"O-opo. "

"Ano! Sinabi mong hindi mo siya gusto at kaya mong kontrolin ang damdamin mo! Iyan na ba ang pinagyayabang mo ngayon?"

"Patawad po" nag-iinit ang sulok ng mga mata ng dalaga ngunit pinigilan niya ang maluha.

"Tumayo ka diyan! Hindi dapat niluluhuran ang mga tulad niya! Ellah hindi mo kilala ang lalaking 'yon. Hindi lang siya isang hamak na gwardya! Mapanganib siya!

Ang mga tulad niya ay nakahandang mamatay at pumatay!

Akala mo ba inilalayo kita dahil isang hamak na gwardiya lang siya? Inilalayo kita dahil mamamatay tao ang lalaking 'yon!

Hindi na siya inosente pagdating sa ganyang bagay! Kriminal ang taong 'yon Ellah! Naiintindihan mo? Kriminal siya!"

Hindi siya nakaimik sa takot at hinanakit.

"Tinanong mo ako noon na ibinibenta ba kita sa mga lalaking negosyante. Ginagawa ko 'yon para ang isang lalaking makakasama mo ay walang bahid ng dugo sa mga kamay! Pero ano itong pinili mo?

Isang kabaliwan ang desisyon mong 'yan, ipinagpalit mo ang isang negosyante sa isang kriminal!"

Tumayo ang dalaga.

"Hindi siya basta isang kriminal lolo dahil kung gano'n man, matagal na sana siyang nakakulong ngayon!"

"At talagang ipinagtatanggol mo na ang lalaking 'yon!"

"Ginagawa niya lang kung ano ang dapat. Pumapatay man siya dahil 'yon ang kailangan!"

"Ellah! Huwag mong sabihing alam mo na ang tungkol dito?"

Tiningnan niya ang matanda.

"Opo lolo, walang inililihim sa akin si Gian. "

"At talagang naiintindihan mo ang kriminal na 'yon?"

"Isa siyang pulis! "

" Pumapatay pa rin siya! Isang kriminal!"

"At sinong gusto ninyo? Ang hari ng mga droga!"

"A-ano!"

"Si Mondragon! Ano bang meron sa kanya bakit siya? Ang pagkakaalam ko kasi mga drug lord sila! Ayaw ninyo sa sumusugpo

ng droga dahil mas gusto ninyo ang mga hari ng droga!"

"Manahimik ka!" dinuro siya ng husto ng abuelo.

Ngunit hindi siya natatakot. Alam niyang siya ang nasa tama ngayon.

"Bakit isang PDEA agent ang kinuha ninyong gwardya ko? Ano ba ang kinalaman ninyo sa mga Mondragon? Anong kinalaman ninyo sa droga!"

"Wala kang alam! Huwag kang mambintang! Ayusin mo ang buhay mo! Hinding-hindi ko matatanggap ang hayop na Villareal na 'yon!

Isang kriminal!"

Bumaba ang tono ng dalaga ngunit sinalubong ang nagliliyab na tingin ni don Jaime.

"Kriminal man siya, wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko ang mamamatay tao kaysa mga hari ng droga. "

"Lapastangan!"

Sa pagkabigla ng dalaga ay dumantay ang likod ng palad ng matanda sa kanyang mukha.

Natumba ang dalaga sa sofa.

Sa kauna-unahang pagkakataon sinaktan siya ng isang Don Jaime!

Nahimas niya ang pisnging tinamaan, namanhid ito sa tindi ng sakit napasulyap siya sa don.

Taas-baba ang dibib at hinihingal ito.

Maya-maya ay bigla itong natumba!