Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 41 - Chapter 40 - The Secret

Chapter 41 - Chapter 40 - The Secret

LOPEZ MANSION...

"Ms. Ellah, okay lang ho ba kayo? Mabuti at ligtas kayo. Nag-aalala ho si don Jaime. "

Hindi siya umimik pero tipid lang niyang nginitian ang mayordoma.

Mabigat ang mga paa habang naglalakad siya papasok.

Inihanda niya ang sarili para sa pakikipag harap sa abwelo.

Inabutan niya itong nakaupo sa wheel chair at nag-iisa.

"Don Jaime, nandito na po si Ms. Ellah!" pag-aanunsyo ni Alex bago tumabi sa likuran ng matanda.

Mabilis na lumapit ang don sa kanya ng may pag-aalala.

"Kumusta? Hindi ka ba sinaktan ng hayop na 'yon?"

Umiling ang dalaga.

"Bakit ka sumama sa kanya ha Ellah?"

"Walang ginagawang masama si Gian, at naaawa ako sa kanya."

"Naaawa? Naaawa ka lang gayong halos wala ka ng planong umuwi? Hindi kita matawagan alam mo bang halos mababaliw ako sa kaiisip kung nasaan ka na?"

"Pasensiya na po lolo. "

"Tinakasan mo ang 'yong mga bodyguards para lang sa lalaking 'yon?"

"Nagpasalamat lang po ako sa paglinis niya sa pangalan ng kumpanya."

"Mabuti at may hiya pa siyang natira! Huwag na natin siyang pag-usapan. Maya-maya lang darating dito ang hotelier na anak ng kaibigan ko. "

"Lolo!" napamulagat ang dalaga.

"Magbihis ka at pakikiharapan mo siya ng maayos!"

Galit na tumakbo siya paakyat sa kwarto.

"Matutulog ako ng mahimbing ngayon!"

Tinawagan niya si Gian agad naman nitong sinagot.

"Gian, naiinis ako kay lolo, pupunta dito ang hotelier na 'yon at kailangan ko raw pakiharapan ng maayos!"

Narinig niya ang malalim nitong pagbuntonghininga.

"Gawin mo ang sinasabi ng lolo mo, nagtitiwala akong hindi niya makukuha ang tiwala mo at pagtingin."

"N-nagseselos ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Muli ay huminga ito ng malalim.

"Hindi mo 'yon maiaalis sa akin Ellah, sino ba ang matutuwa sa sinabi mo?"

"Pasensiya ka na, ayoko lang maglihim sa'yo. "

"Naiintindihan ko at salamat sa pagsasabi ng totoo, basta tandaan mo mahal kita. "

"Oo, salamat mahal din kita Gian. "

"Ms. Ellah, " boses iyon ng katulong sa labas ng kwarto niya.

Ibinaba niya ang cellphone at hindi sumagot.

"Ms. Ellah, pinabababa po kayo ni don Jaime, may bisita po kayo. "

Hindi siya sumagot.

'Manigas kang hotelier ka!'

Nawala ang kumakatok.

Maya-maya ang boses na ng kanyang lolo ang kanyang naririnig.

"Hija, lumabas ka diyan, nandito si Jeric. "

Jeric?

Hindi siya umimik.

"Alam kong hindi ka pa tulog kaya lumabas ka diyan. "

"Pagod po ako lolo. "

"Pero sa Gian na 'yon hindi? Namimili ba 'yang pagod mo? Mamili ka, lalabas ka diyan o hindi ka na makakalabas at hindi na rin makakapasok ng opisina?"

Naiinis na tumayo ang dalaga.

Nagbihis siya ng pambahay. Sa totoo lang blouse at pajama ang suot niya.

Binuksan niya ang pinto at sumama ang itsura ni don Jaime.

"Bakit ganyan ang suot mo? Magbihis ka ng maayos! Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Ellah!"

Galit na muli siyang nagbihis ng isang simpleng mahabang damit na hakab sa katawan ni hindi siya nag-abalang magsuklay at magpaganda.

Ilang sandali pa bumaba ang dalaga.

"Jeric hijo, ang unica-hija ko si Ellah, " malawak ang ngiting pagpapakilala ng don sa apo.

"Good evening Ellah, " nakangiti nitong bati.

"Sino ka nga uli?" tikwas ang kilay na tanong niya.

"Ellah?" nagbabanta ang tinig ng don.

"Jeric Mondragon, " malumanay na tugon ng lalaki.

Pormang-porma ito sa suot na tuxedo at leather na sapatos mukhang may party na pupuntahan.

Saglit na natahimik ang dalaga.

Matangkad ang lalaki, clean cut ang buhok at halatang may yaman.

Ito nga pala ang anak ng isa sa kanilang kliyente. Mabait naman ito noong una nilang pagkikita.

Pero gano'n pa man hindi siya natutuwa sa pagpunta ng lalaki.

"Ah, so anong ginagawa mo dito?"

"Ellah, bakit ganyan ka?" sabad ng kanyang lolo.

Hinarap niya ang abuelo at marahang inutusan.

"Lolo, pwede bang lumabas muna kayo, hinaharap ko ang bisita natin."

"Sige, hijo nasa labas lang ako," anito at tahimik ng tinulak ng alalay ang wheel chair ng don paalis.

Hinarap niya ang bisita.

"Anong sadya mo?"

"Ahm, pinapunta kasi ako dito ni don Jaime."

"Ah" nagkibit balikat ang dalaga.

"So inutusan ka lang sumunod ka naman? Paano kapag inutos niyang tumalon ka sa tulay tatalon ka ba?"

"Ha?"

"Hindi mo kagustuhan ang pumunta dito hindi ba? Kaya ano pala ang sadya mo? Pwede ka ng umalis dahil nasunod mo na ang utos ni lolo, " malumanay niyang saad.

Napalunok ang lalaki.

"Teka, 'wag ka namang ganyan, f-flowers for you. "

Tiningnan niya ang bulaklak na inilahad nito pero hindi tinanggap.

"Aanhin ko 'yan?"

"Ah kasi... "

"Huwag mong sabihing utos din 'yan ni lolo?"

"Hindi naman, " napapakamot ito sa batok.

"Kung gano' n ano ang sadya mo?"

"Dinadalaw lang kita. "

"Mukha ba akong may sakit? Malusog ako at hindi ko kailangan ang dalaw mo. "

Napipi ang lalaki at wala ng masabi.

"Mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon. Babalik na lang ako sa susunod. "

"Kapag hindi ka inutusan ni lolo huwag ka ng pumunta dito. "

"Hindi ko alam na napakasama ng ugali mo. " Malumanay pa rin nitong wika.

Nagtaray na siya.

"Ngayon alam mo na. "

"Aalis na ako. "

"Kanina ka pa nagpapaalam. "

Naiiling na lumabas ang lalaki.

"Tutuloy na ho ako don Jaime. "

"Ano? Ang bilis naman?"

"Ah, kasi ho, hindi maganda ang mood ngayon ng inyong apo. "

"Ganon ba? Bumalik ka ha, ikumusta mo ako sa ama mo," nakangiting wika ng don.

"Oho don Jaime. "

Binalingan siya ng matanda nawala na ang masayang anyo nito.

"Anong ginawa mo sa kanya?"

"Wala naman lolo. "

"Pero bakit napakabilis niyang umalis?"

"Ewan, baka may ibang lakad. "

"Ellah! Binastos mo ba 'yong tao?"

"Kung ginawa ko 'yon eh' di sana sinampal ko siya, pinakiharapan ko siya ng maayos lolo kaya nagpaalam siya ng maayos sa inyo. "

"Kahit na hindi ka dapat nagsuplada!"

"Lolo, inaantok na po ako, goodnight." Mabilis siyang humalik sa pisngi ng matanda.

Agad na siyang umakyat at naghikab papasok sa kwarto.

'Walang sino man ang pwedeng makadalaw sa akin ng hindi agad maiisipang uuwi!

Tinitiyak ko, tanging si Gian lang ang lalaking makakalapit sa akin.

Si Gian lang wala ng iba!'

Kumunot ang kanyang noo nang may mapagtanto.

'Sandali, saan ko ba narinig ang Mondragon? Teka, hindi ba Mondragon din ang nakakulong dahil sa drugs? Bakit... gano'n si lolo? Bukas tatanungin ko siya. '

Nahiga siya at ipinikit ang mga mata.

Muli siyang bumangon at kinuha ang swan na itim at hinaplos.

"Huwag kang mag-alala Gian dahil hindi ako makukuha ng kahit sino lang!"

Kinabukasan, mabigat man ang kanyang pakiramdam ay bumangon ang dalaga.

Kailangan niyang magtrabaho para sa kumpanya!

Paglabas niya napansin niya ang abuelo na nagkakape sa may hardin. Naalala niya ang naisip kagabi kaya nilapitan niya ito.

" Lolo, kaano-ano ng Jeric Mondragon na 'yon ang nakakulong na drug lord na Mondragon?"

Natigilan ito at hinarap siya.

"Bakit mo naitanong?"

"Kasi sa pagkakaalam ko ang mga Mondragon hari ng droga tapos ipapakasal niyo ako sa kanila?"

"Negosyante sila."

"Negosyante ng droga!"

"Pwede ba Ellah! Umalis ka na kung ayaw mo sa anak niya hindi kita pipilitin. Huwag lang ang hayop na Villareal na 'yon! Naiintindihan mo!"

Mataman niyang tinitigan ang abuelo.

"Wala naman siguro kayong kinalaman sa droga hindi po ba lolo?" mariing tanong niya.

"A-ano!"

"Aalis na po ako," yumuko siya at tumalikod.

Alam niyang walang kinalaman ang abuelo sa mga ilegal na droga, sigurado siya roon.

Hindi gagawa ng anumang kabulastugan ang isang don Jaime Lopez para ikakasira ng pangalan nito!

Papalabas na siya nang makita ang apat niyang bodyguards.

Hindi na rin masama ang itsura ng mga ito at mukha namang mga presentable, pero hindi pa rin siya natutuwa.

"Ms. Ellah, pasok na ho kayo. " Binuksan nito ang pinto.

"Alam ko. "

Lumabas sila ng bahay at nasa byahe na sila nang magtanong ang nagmamaneho.

"Sa opisina ho ba tayo Ms.?"

"Natural!"

Hindi na umimik ang apat.

"Ms. saan kayo nagpunta kahapon bigla na lang kayong nawala?"

"Do I need your permission?"

"Hindi naman ho sa gano'n, kaya lang nag-alala ho si don Jaime. "

"Concern pala kayo sa lolo ko? Eh 'di siya na lang ang bantayan ninyo!"

Natahimik ang apat hanggang sa nakarating sila.

Mabilis siyang lumabas at hindi na hinintay na pagbuksan pa.

Walang imik na pumasok ang dalaga habang binabati ng mga tauhan.

Tuloy-tuloy siya sa opisina at binalingan ang apat.

"Sa ibaba kayo. "

"Yes Ms."

Pumsok siya sa loob, sinalubong siya ni Jen.

"Good morning Ms."

"Good morning, may meeting ba ako ngayon?"

"Wala pa ho sa ngayon Ms."

"Mabuti, matatapos ko ang trabaho ko dito sa opisina, " aniya at umupo.

"Ms. ayos lang ho ba kayo?"

"Oo Jen, inamin ko kay Gian ang nararamdaman ko. "

Namilog ang mga mata nito at ngumiti.

"T-talaga ho Ms. Ellah? Kung gano'n kayo na ho ba ni sir Gian?"

Nakangiting tumango ang dalaga.

"Wow! Sa wakas! Nakawala kayo sa paghihirap ninyo."

"Tama ka Jen, masarap pala sa pakiramdam 'yong magsasabi ng totoo?"

"Tama po kayo Ms. Ellah. "

"Sige na Jen, magtatrabaho na tayo. "

Nakatingin sa kanya ang sekretarya.

"Don't worry okay na ako. "

"Ms. tanggap ho ba ito ni don Jaime?"

Umiling ang dalaga.

"Wala siyang alam, hindi ko pa inamin kay lolo. "

"Ms. kaya niyo 'yan, nagawa ninyong ipaglaban si sir Gian noon sa mga naninira sa kanya kaya niyo ring harapin ang inyong lolo. "

"Salamat Jen, sige na magtrabaho na tayo " nakangiti niyang wika.

Napangiti din ang kanyang sekretarya.

"Sige po Ms. Ellah. "

Isinubsob ng dalaga ang sarili sa mga ginagawa.

Maya-maya lang napansin niyang umilaw ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mensahe.

"Good morning miss beautiful nakatulog ka ba?"

Napangiti siya at nireplayan ito.

"Oo, ikaw?"

"Hindi, naiinis ako sa mga sinabi mo, kumusta na?"

"Okay naman. "

Maya-maya tumawag ang binata.

"Yes?"

"Kumusta ka na? Galit ba si don Jaime? Sinaktan ka ba?"

"Hindi naman, pero wala pang alam si lolo tungkol sa atin, naghahanap lang ako ng pagkakataon para masabi ang totoo. "

"Pwede ba akong pumunta diyan?"

"Hindi pwede, alam mo naman magagalit si lolo. "

"Na mi-miss kita eh. "

"Ako din naman. "

"Magkita naman tayo kahit mamayang gabi lang. "

Nanlumo siya sa narinig.

"I'm sorry Gian, pero mahigpit si lolo ngayon dahil sa nangyari kagabi alam mo na, ayaw niya sa'yo tapos sumama ako. "

Napabuntong hininga ang binata.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. "

"Alam kong busy ka sa trabaho pero huwag mo namang pababayaan ang sarili mo, kung pwede lang akong pumunta diyan dinalhan na kita ng pagkain. "

"Salamat. "

"Kumain ka na. "

"Yes boss!"

Natawa si Gian sa kabilang linya.

"O sige na, ibaba ko na 'to, mag-iingat ka palagi. "

"Sandali lang, paano ka na nga pala? I mean, may trabaho ka pa ba? Sorry kung ngayon ko lang natanong."

"Bumalik ako sa opisina. "

"G-ganon ba? Saan 'yan? Pwede ba kitang puntahan?"

"No!"

"Ha? Pero bakit?"

"Hindi pwede delikado. "

"Bakit nga?" Nagsimula na siyang mainis.

"Hintayin mong ako ang pupunta sa'yo. "

"Fine, pero gusto ko lang malaman kung saan ka nagtatrabaho. "

Huminga ng malalim ang binata bago sinabi ang address nito.

"Malapit lang pala?"

"Oo, huwag kang pumunta. Sige na mag-iingat ka palagi, tandaan mo mahal kita. "

"Mahal din kita. "

Nawala na ito sa kabilang linya, niyakap ng dalaga ang hawak na cellphone na para bang ito na ang kasintahan.

Hanggang kailan sila mananatiling ganito?

---

PHOENIX AGENCY...

"Pare, kailan ang kasal?" tanong ni Vince habang magkasamang nagtatrabaho sa opisina.

"Gago! Wala pa nga kaming tatlong araw. "

"Pero alam mo pare, sinabi ko noon sa'yo hindi ba bibigay sa 'yo ang boss mo. O ano ibinigay nga ba?"

"Baliw! Hindi ko 'yon ginawa. "

"Sinungaling, " halata sa mukha nito ang pagdududa.

Naiiling na napangiti siya. Kung hindi ito tumawag malamang nga nakuha niya!

Buti na lang, pero sayang!

Ipinilig ng binata ang ulo.

"Gian pare, makakapag concentrate ka pa ba diyan?"

"Oo naman. "

"Alam mo pare, may pinahahawak na misyon ngayon eh bago. Pinagpipilian pa, kung sino ang gagawa. "

"Huwag muna ako, meron akong ginagawa. "

"Ang alin kung paano mapapaamo ang leon? Ngayong nakuha mo na ang pusa?"

"Sira ulo!"

"Sige na nga, titiyakin kong hindi ikaw ang mapipili. "

"Pare, salamat. "

"Hindi ko pa ginagawa. "

"Hindi 'yon, salamat sa mga tulong mo at payo."

"Wala 'yon, pinagdaanan ko rin naman 'yang gumulong sa sahig dahil sa kalasingan at makatulog sa bar. Wala 'yon pare. "

"Tarantado ka talaga ipinaalala mo na naman. "

"Oh, naalala mo?"

"Gago!"

Natatawang iniwan siya ni Vince.

Maya-maya nakatanggap siya ng tawag mula sa inutusan.

"Kumpirmado ba 'yan?"

"Yes sir! Meron akong mga ebidensiyang magpapatunay. "

"Magaling, magkita tayo. "

"Sige po. "

Ilang sandali pa, umalis na ang binata gamit ang kotse ng kumpanya.

Mabuti na lang nabigyan na siya ng bagong sasakyan.

Nang matanaw niya ang kausap ay isinuot niya ang sumbrerong itim at pumasok sa isang coffeeshop.

"Nasaan na?"

"Nandito, " iniabot nito ang isang brown envelop.

Binuksan niya ang envelope at napabuntong-hininga ang binata.

Iniabot niya rin ang isang puting sobre.

"Kumpleto 'yan. "

"Salamat sir, pero hindi madadamay ang pamilya ko dito hindi ba?"

"Hindi, ipinapangako ko 'yan. "

"Aasahan ko ho sir, tutuloy na ako."

Tumango ang binata. Ngayon marami na siyang ebidensiyang naiipon.

Naalala niya ang dalaga.

Hanggang kailan sila magiging ganito?