LOPEZ MANSION...
Nagdaan ang mga araw at papadalang ang pagpaparamdam ng kasintahan.
Madalas ay mag text lang ito kung oras na ng kain.
"Nandito na po ako lolo. " Humalik siya sa pisngi ng matanda pag-uwi niya ng mansyon galing opisina.
Nasa sala ito at nanonood ng telebisyon.
"Kumain ka na. "
"Mamaya na lang po. "
"Kumusta ang kumpanya?"
"Wala naman pong problema. "
"Sana nagsasabi ka ng totoo. "
Napabuga ng hangin ang dalaga.
"Opo lolo. "
"Natutuwa lang ako na okay ka na."
Tumayo ang matanda.
Nanlalaki ang mga mata ng dalaga.
"L-lolo, n-nakakatayo na kayo?"
"Oo apo ko. "
Maluha-luhang niyakap niya ito ng mahigpit.
Matagal niyang inasam na sana ay tuluyan ng gumaling ang kanyang pinakamamahal na abuelo.
"Salamat din kahit binibigyan mo ako ng sakit ng ulo pinilit ko pa ring gumaling ako, kaya heto nakakatayo na ako. "
"Patawarin niyo po ako lolo. "
"Wala 'yon apo ko. "
Halos wala na siyang balak kumalas dito.
"Nakakahiya kay Alex hija. "
Sinulyapan niya ang bodyguard nitong nakayuko sa tabi.
"Hmp, masaya ako lolo para sa inyo. "
"Ako rin naman hija, pero ang malungkot hindi pa raw ako pwedeng magtrabaho. "
"Ayos lang po 'yon, ang mahalaga magaling na po kayo. "
"Pero hindi na mawawala ang tungkod na ito. " Itinaas nito ng bahagya ang hawak na tungkod.
"Okay lang po 'yon lolo, ang mahalaga gumaling po kayo. "
"Salamat hija, huwag kang mag-alala, hindi magtatagal makakasama mo na ako uli. "
"Talaga po?"
"Oo naman. "
Kumalas ang dalaga at hinawakan ang kamay ng don.
"Lolo, nagsisisi ba kayong naging babae ang inyong apo?"
"Ano? Kahit kailan hindi ko naisip 'yan. Napakaswerte ko nga at ikaw ang apo ko eh. "
"Salamat po. "
"Bakit mo natanong 'yan?"
"Eh kasi, panlalaki ang negosyo, tapos ako babae."
Hinawakan ng don ang kanyang kamay.
"Ellah, hija, kaya gusto kong makapag-asawa ka na dahil ayaw kitang nahihirapan.
Sa totoo lang panlalaki talaga ang trabaho mo, pero sabi ni Gian, mahusay ka raw at nakikita niya ang kakayahan mo."
"Talaga?"
"Oo naman, sayang nga lang at sinuway niya ang usapan namin. "
Hindi na siya umimik.
Hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat ng matinding sekreto kagagaling lang ng kanyang lolo.
Kahit paano, malungkot man siya sa hindi nila pagkikita ng nobyo ang kapalit naman nito ay ang pag galing ng kanyang lolo.
"Lolo, magpahinga na po tayo. "
"Sige lang hija, mauna ka na. "
"Sigurado po kayo?"
"Oo naman, sige na hija, may trabaho ka pa bukas. "
Tumayo siya.
"Sige po, goodnight, " hinalikan nya ito sa noo.
Pumasok na siya sa loob ng kwarto para ibalita kay Gian ang magandang pangyayari pero hindi niya ito makontak.
Ilang beses niya itong tinawagan hanggang sa hindi na makontak ang binata.
Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Gian at hindi pa niya ito nakausap kagabi.
Tawagan lang sa cellphone ang kanilang nagagawa at text. Akala mo nasa isang Long Distance Relationship sila!
"Nakakainis ang mga pangit na 'yon, sobrang higpit! Hindi man lang ako makakalusot!"
Himutok niya sa mga gwardya.
"Teka ano kaya kung sasabihin kong may meeting ako? Tiyak hindi susunod ang mga 'yon.
Kaya lang wala naman na akong meeting?"
Nalulungkot na hinaplos niya ang swan.
"Gian, bakit hindi ka na tumatawag lagi?"
Napabuntong-hininga ang dalaga.
Marahil busy rin sa opisina nito.
' Ano kaya kung ako naman ang dadalaw? Ang problema nga lang ay ang mga bodyguard na 'yon!
Paano ko ba sila matatakasan?'
"Hintayin mo ako Gian, dahil ako mismo ang dadalaw sa'yo."
Dahil sa desisyong iyon ay napanatag siya at ipinikit ang mga mata.
Kinabukasan ay naghanda na siya papuntang opisina.
"Nakahanda ka na ba?"
Napalingon siya sa nagsalita.
"Lolo? Saan po kayo pupunta?"
Bihis kasi ito at parang may lakad.
"Sasama ako sa opisina gusto kong dalawin ang kumpanya natin. "
"Talaga po? Pero sabi niyo bawal pa kayong magtrabaho?"
"Bibisita lang ako. "
Niyakap niya ang matanda.
Masayang-masaya siya dahil muli na naman itong nakabalik.
Nauna siyang nagtungo sa kotse at tinawagan ang sekretarya.
"Good morning Ms."
"Jen, sabihin mo sa mga tao pupunta ngayon ang Chairman."
"Ha? Opo, sige po Ms."
"Salamat."
Habang nasa byahe ay panay ang utos niya kay Jen sa pamamagitan ng text message. Ayaw niyang marinig ng lolo niya ang mga utos niya.
---
MEDC OFFICE...
Ilang sandali pa nakarating sila ng opisina.
Sinalubong sila ng mga gwardya.
Nakahilera ang lahat ng empleyado sa hallway.
"Good morning Chairman. "
Sabay-sabay na bati ng lahat habang nakayuko.
Sinulyapan niya ang isa mga naroon; Ang marketing manager nakayuko rin ito sa may-ari ng kumpanya.
Nakayuko ang lahat kaya taas-noo siya habang naglalakad sila.
"Napakagalang nila ah?" anang don.
Napangiti siya, ipinaalam niya kasi sa kanyang sekretarya na darating ang chairman kaya naman ang lahat ng mga ito ay nagbigay galang.
"Matagal-tagal din akong hindi nakabalik dito."
"Okay lang po ang mahalaga nakabalik po kayo."
"May meeting ba ngayon?"
Kinabahan siya sa narinig.
"O-opo pupunta po kayo?"
"Gusto kong makinig."
"Pero sabi niyo hindi po kayo magtatrabaho?"
"Hindi, makikinig lang ako. "
Inihatid niya ito sa opisina nito.
"Office of the Chairman"
Binasa ng kanyang lolo ang nakalagay sa pintuan ng opisina nito.
"Balang-araw mapapalitan na ang naka posisyon diyan."
"Lolo, hindi po mangyayari 'yon. Kayo ang may-ari."
"Pero hindi naman ako habang buhay na mabubuhay. Balang-araw mapapalitan na 'yan ng pangalan mo o kung hindi naman ng mapapangasawa mo."
Napangiti ang dalaga.
Naghanda siya para sa meeting.
"Jen ipatawag mo lahat ng opisyal."
"Opo Ms. Masaya po akong nakabalik na ang Chairman."
"Ako rin, pero hindi pa siya magtatrabaho bumisita lang siya at gusto kong malaman niya ang nangyayari. Kausapin mo lahat sabihin mong huwag mag report ng problema dapat mga magagandang nangyari lang."
"Opo Ms."
"Hindi pa gano'n kagaling si lolo ayokong magkasakit siya uli."
"Opo Ms."
Nang makaalis ang sekretarya ay naghanda na siya para sa meeting mamaya.
Umaasa siyang hindi siya bibiguin ng mga tauhan nila.
Alam niyang hindi na gaya ng dati ang sitwasyon nila, pero nagsisikap siyang maging maayos ang lahat.
Panay ang paghahanap niya ng mga papeles na may magagandang resulta.
"Ms. Nakahanda na po ang meeting."
"Salamat."
Tumayo siya at inihanda ang mga gamit.
Pagdating sa conference room ay binati siya ng lahat.
"Good morning Ms."
Tumango siya at umupo kasama ng iba pa.
Nakaupo silang lahat sa isang mahabang mesa nang magkaharap.
Walang nakaupo sa gitna dahil hinihintay ng lahat ang may-ari noon.
Dumating ang may-ari.
"Good morning chairman."
Sabay na bati nila habang nakatayo.
"Good morning, please sit down."
Inalalayan niya itong maupo saka siya bumalik sa upuang katabi nito.
Tahimik silang lahat at naghihintay ng sasabihin ni don Jaime.
"Kumusta naman kayo? Nagpapasalamat ako at tinutulungan niyo ang apo ko."
"Mabait po at magaling si Ms. Ellah Chairman."
Ngumiti siya sa nagsalitang opisyal, bise presidente ito.
"Mabuti naman, gusto kong mas umunlad pa ang kumpanya sa pagtutulong-tulong ninyo."
"Opo, chairman."
Hinarap ng don ang lahat.
"Can we start the meeting?"
"Yes chairman. "
Nag-umpisang magsalita ang bawat isa sa kanila.
Pinagmamasdan niya ang chairman. Maaliwalas ang mukha nito habang nakikinig.
"Sandali lang..."
Napalingon sila sa biglang nagsalita sa gitna ng report.
"Mr. Chairman, tama bang paalisin si Galvez sa kumpanya? Nadamay lang naman siya sa dating gwardya!"
Tumalim ang kanyang tingin at nagtagis ang bagang nang makita ang marketing manager.
Tumingin sa kanya ang abuelo.
"Desisyon 'yon ng susunod na chairman."
Nanlaki ang kanyang mga mata at napakunot-noo naman ang marketing manager.
"Tingin ko kasi hindi tama chairman."
"At ano ang tama Mr. Javier?" siya na ang nagtanong.
"Nadamay si Galvez dito, biktima siya!"
"Biktima? May biktima bang nagpatambang ng sasakyan at pinagbabaril sa abandonadong gusali? Kung hindi nakaligtas ang dating gwardya siguradong patay na siya. Ngayon sabihin mo sino ang biktima?"
Katahimikan.
"Tatanungin kita, anong ginawa ni Villareal sa inyo at binalak niyo siyang ipapatay? Kung tutuusin sangkot ka sa krimen dahil kinakampihan mo ang kriminal."
Umugong ang bulungan at lumikot ang mga mata nito na para bang gusto ng umalis.
"W-wala akong kinalaman doon," tanging nasabi nito.
Tumahimik na siya.
Sapat na ang sinabi nito upang ipaalam sa lahat kung sino ang biktima at kung sino ang nasa katwiran.
Marami ang gustong paalisin siya para palitan ang chairman pero nagsisikap siya ng husto para hindi mangyari 'yon.
Kung meron mang papalit dito iyon ang kanyang magiging asawa.
Sumagi sa kanyang isipan ang kasintahan.
---
ZC EL BONITA CLUB...
"Pare, tama na 'yan baka malasing ka."
Nag-aalala ang tono ng kaibigan habang nag-iinuman sila sa isang bar.
"Tarantado ka talaga, masaya ako pero ikaw diyan mukhang biyernes santo. "
Humalakhak si Vince.
Sinalinan niya ang baso nito ng alak, tinanggap nito at ininom.
"Akala ko, malungkot ka, umiinom ka kasi."
"Vince pare, napakasaya ko. Hindi ko talaga inaakalang magkatotoo ang sinabi mong magiging akin si Ellah. Pinapangarap ko lang 'yon eh. "
"Alam ko na 'yon pare. "
Tinitigan niya ang kaibigan.
"Pare, hindi ba naghahanap ka ng sideline?"
"O bakit?"
"Alam ko na kung ano ang pwede sa'yo!"
"Ano? Tagahula?"
"Ang galing mo naman, paano mo nahulaan?"
Naghalakhakan ang dalawang magkaibigan.
"Alam ko kasi ang likot ng utak mo eh."
"Alam ko rin ang likaw ng bituka mo."
Muli na naman silang nagtawanan.
"Pare, kilala na nga natin ang isat-isa!"
"Sinabi mo pa."
"Cheers para sa tagumpay!" itinaas ng binata ang basong may lamang alak.
"Cheers dahil natalo mo si don Jaime!"
Nagpingkian ang kanilang mga baso at sabay ininom ang laman.
"Pare, napakatamis ng alak na 'to."
"Pare, hindi 'yan wine, hard 'yan, baka naman lipstick pa ng girlfriend mo ang nalalasahan mo?"
"Gago!"
Muli silang nagtawanan.
"Paano mo na haharapin ang leon ngayon?"
"Bahala na, basta nasa akin ang tigre."
"Pare, pusa na lang ngayon."
Tawanan uli.
Maya-maya ay sumeryoso sila.
"Paano kapag nalaman ni don Jaime?"
Huminga ng malalim ang binata sabay lagok ng alak.
"Sasabihin din naman namin, naghahanap lang ng tiyempo si Ellah."
"Pare, 'di kaya barilin ka ni don Jaime kapag nalaman niya ang totoo?"
"Huwag mong sabihin 'yan, manghuhula ka pa naman."
Nagtawanan na naman sila.
Talagang totoong maligaya ang binata dahil ang pinapangarap niyang lumilipad noon ay kusang dumapo kaya nahuli niya ngayon!
Humugot ng malalim na paghinga ang binata.
Hanggang ngayon binabagabag pa rin siya sa napag-alaman lumang larawan ng don kasama ang dating mayor na ngayon ay kongresistang si Dela vega.
Umiling siya at bumuga ng hangin.
Nagkita sila ng kaibigan para magsaya. Hindi niya dapat iniisip ang trabaho ngayon.
---
DELA VEGA RESTHOUSE...
Nakabantay sa paligid ang sampung kalalakihan habang sa terasa ay naroon ang limang matatandang kalalakihan at nag-iinuman.
Sa bandang gilid ay naroon ang isang matanda at may kausap sa cellphone.
"Kumusta ang deal sa China Alex?"
"Pinoproseso na ang dokumento, malapit ng matapos, dalawang linggo mula ngayon i shipment na."
"Magaling, malapit na ring matupad ang binabalak natin."
Matapos makipag-usap ay binaba na niya ang cellphone at bumalik sa mga bisita.
"Senior Roman, may pinapatanong itong si Jeric eh."
"Ano 'yon?" aniya at nilagok ang alak.
"Tito, hindi pa rin po ba makakalaya ang papa?"
Humugot siya ng malalim na paghinga.
"Wala pa tayong magagawa sa ngayon, hangga't wala ako sa mataas na katungkulan wala tayong magagawa."
Lumagok ito ng alak at ibinagsak sa mesa ang baso.
"Demonyong Villareal na 'yon! Traydor!"
Muling lumagok ng alak ang senior.
"May paraan para mapalaya ang ama mo."
"Ano po?"
"Sa darating na eleksyon, kailangan maging senador ako, kung mangyayari ' yon, madali na lang ang lahat."
"Huwag kang mag-alala susuportahan ka namin tito!"
"Kaming lahat senior, maasahan mo. Kapag nanalo ka, mamanipulahin natin ang buong siyudad."
"Nakausap ko ang anak ko, nasa China siya ngayon, malapit na ang shipment."
"Mabuti, makakapag-umpisa na tayo," tugon ng isa pang matanda.
"Tayo ang maghahari sa lugar na ito," tugon naman niya.
Inilibot niya ang tingin sa mga kasama.
Parehas na silang may- edad at parehas silang may mataas na estado sa lipunan.
Subalit kung mananalo siya sa eleksyon, siya ang may pinakamataas na posisyon.
Kapag nangyari 'yon, malalagpasan na na rin niya ang pinakamaimpluwensiyang tao sa lugar na ito!
---
MEDC OFFICE...
Kinabukasan.
Habang nagbabasa ng papeles abala naman ang kanyang isipan kung paano makakatakas sa mga bodyguard.
Hindi niya nagawa kahapon ang planong pagbisita sa nobyo dahil sa kanyang lolo pero ngayon wala na ito kaya nagpasya na siya.
Alam naman niya kung saan nagtatrabaho ang binata kaya siya na lang ang pupunta.
"Jen, may pupuntahan lang ako. "
"Ms. makikipagkita ho ba kayo kay sir Gian?"
"Bakit ba napakatalino mo?"
"Wala po kasi kayong meeting pero aalis kayo."
"Matagal ko na siyang hindi nakikita eh."
"Kayo ho ang bahala Ms."
"Sige."
Sa halip na sa basement siya dumaan doon siya entrance dumeretso.
Pumara ng taxi at malayang umalis.
Nang makarating siya sa pupuntahan ay parang biglang gusto niyang umatras.
Pero bigla din siyang may naisip na ideya.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tumawag.
"Sagutin mo please. "
"Who's this?" anang lalaki sa kabilang linya na ikinatuwa niya.
"Vince? Busy ka ba?"
"Ms. Ellah?"
"Oo ako 'to. "
"Sandali paano mo nakuha ang number ko?"
"Basta malapit kay Gian inaalam ko ang contacts."
"Gano'n ba? O bakit ka pala napatawag?"
"Vince, I need your help, andito ako malapit sa opisina ninyo."
"Ano! Anong ginagawa mo diyan? Sinong kasama mo?"
Ramdam niya ang tensyon sa boses nito.
Hindi agad siya nakaimik.
"Ms. Ellah nandiyan ka pa ba?"
"Y-yes, ako lang mag-isa, gusto ko sanang makita si Gian. "
"Pag-ibig talaga oo! Ms. Ellah, hindi ka ba sinabihan ni sir na bawal ang mga tulad mo ang pumunta sa opisina?"
"Sinabi niya pero hindi niya sinabi kung bakit."
"Wala ako sa opisina ngayon, delikado para sa'yo ang mag-isa."
"P-papauwiin mo ba ako Vince?"
Hindi pa man pero nalulungkot na siya.
Huminga ito ng malalim.
"Tatawagan ko siya ipapasundo kita diyan. "
"Huwag Vince, baka mag-aaway kami. Gusto ko lang siyang makita kahit hindi ko na siya makausap."
"Ganito na lang, sabihin mo kung nasaan ka ngayon. "
Agad niyang sinabi ang eksaktong lokasyon niya.
Kaya ginabayan siya ni Vince at ngayon ay naglalakad na siya papasok sa isang maliit na eskinita.
"Pagdating mo sa dulo, may maliit na pinto diyan, sasalubungin ka ng isang lalaki at sabihin mo lang kakilala ka ni Gian at humihingi ka ng tulong sa kanya."
"Ha? Kakilala?" nagtatakang tanong niya.
"Ms. Ellah, walang nakakaalam na may relasyon kayo ni Gian, kaming dalawa lang. Alam mong delikado ang trabaho namin baka madamay ka. Kaya ayaw ka niyang papuntahin diyan. Hindi ka naman kung sinu-sino lang, ikaw ang minamahal ng kaibigan ko kaya iniingatan ka namin ng husto. "
Napalunok ang dalaga. Nagkamali ba siya?
"V-Vince, I'm sorry. " Ngayon parang ayaw na niyang tumuloy.
"Nandiyan ka na Ms. Ellah, pinagkakatiwalaan ka ni Gian kaya ibinigay niya ang address sa'yo. Sundin mo lang ang sinabi ko, huwag kang mag-alala gagabayan kita."
"Maraming salamat Vince. "
Maya-maya pa narating na niya ang maliit na pinto.
Sinalubong siya ng isang gwardya. Malaking tao ito at nakakatakot ang porma dahil sa bitbit nitong mahabang baril.
"Ano ho ang kailangan nila?"
"May kakilala ako sa loob, actually..."
"Sino?"
"Si Gian. "
May tumawag dito at agad sinagot. Nahuhulaan niyang si Vince 'yon.
"Pasok kayo madam. "
Binuksan nito ang pinto.
"Deretso lang kayo, may pinto diyan sa dulo, pumasok lang kayo doon. Sasamahan kayo ng isa sa amin dito."
Sinenyasan nito ang isang lalaking paparating.
"Dito tayo madam," anang lalaki at naunang maglakad.
Nagsimula siyang humakbang.
Napakatahimik ng makipot na daan na nilalakaran nila.
Habang naglalakad pakiramdam ng dalaga ay napakatinik ng dinadaanan kahit na napakalinis naman.
Pagdating sa dulo ay may isang pinto.
"Dito po, opisina ito ni Captain," inihatid siya ng lalaki sa opisina ng binata.
Nilingon niya ang paligid. "W-wala ba kayong mga kasama? I mean halos walang tao rito?"
"Sa secret door po kayo pinadaan madam kaya deretso po kayo sa opisina ni Captain. Sa kabilang panig po ang tanggapan namin."
Napatango-tango siya. Sinekreto siya ni Vince sa mga nandito kaya hindi siya pinadaan sa harapan.
"Captain?"
"Yes, opisyal po rito si Captain Villareal."
Ngayon lang niya nalaman kung ano ang posisyon ng nobyo sa trabaho.
Kumatok ang lalaki.
"Sir Gian may naghahanap sa inyo!"
"Sino 'yan? Busy pa ako," sagot nito sa loob.
Ano raw?
Nabawasan ang pananabik niya.
"Sir, busy po ba kayo?" ulit ng lalaki.
"Oo sino ba 'yan?" nasa tono ng nobyo ang pagkairita.
"Ako na ho, " anang dalaga.
Binalingan siya nito na may pag-aalangan.
"Sigurado kayo madam?"
"Oho sir, maraming salamat."
Umalis na ang lalaki.
Hindi na siya kumatok at itinulak ang pintuan.
"Gian, sa palagay mo tama na ba ang laki nito?"
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Kitang-kita niya ang pagduldol ng dibdib ng babae sa mukha ng binata, pero nakayuko ang nobyo niya at parang may tinitingnan sa mapa.
'Halos pawisan ako sa takot tapos ganito lang pala ang madadatnan ko?'
"Oo, tama na 'yan. "
"Tingnan mo muna. "
"Alin ba? Tama na 'yan malaki na nga 'yan eh. "
Siya ang sumagot.
"Tama siya Ms. napakalaki na niyan!"
Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya.