Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 35 - Chapter 34 - The Explanation

Chapter 35 - Chapter 34 - The Explanation

ALAVAR SEAFOODS RESTAURANT...

Tumalim ang tingin niya sa lalaking papalabas ng restaurant.

Nag-iisa ito na hinihimas pa ang tiyan.

Nagkubli siya mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Eksaktong pagbukas nito ng pinto ng kotse ay dinaluhong niya ito mula sa likuran at tinakpan ng panyo na may chloroform ang ilong at bibig nito.

"HMMMPPP!"

Nagpumiglas ang lalaki subalit mahigpit ang pagkakatakip niya at saka pinisil na niya ang ugat sa batok nito na siyang mabilis na nagpawala ng kamalayan.

Maagap niya itong sinalo at pinasok sa kotse nito.

Tinawagan niya ang tauhan.

"Greg, hawak ko na ang target."

"Opo!"

Inutusan niya itong kuhanin sa kinaroroonan nito at dalhin sa Underground.

Magkikita pa sila ni Ellah kaya kailangan niyang magmadali.

Mabuti na lang malapit siya sa pupuntahan nila kaysa rito na manggaling pa ng opisina.

Makalipas ang sampung minuto dumating ang kanyang tauhan.

Inilipat nila ang biktima sa kotse nito.

"Greg bantayan niyong mabuti 'yan may pupuntahan lang ako."

"Opo sir."

Pagkaalis ng tauhan ay saka siya pumasok sa kotse ng biktima at tinungo ang usapan nila ng dalaga.

---

ZC BEACH...

Halos paliparin ni Ellah ang sasakyan.

Nang makarating, agad niyang inihinto ang kotse at mabilis na tumakbo papunta sa dagat.

Wala siyang inabutang tao.

Halos tumalon siya sa sobrang tuwa.

Mas masaya pa siya ngayon kaysa noong nauna din siya sa pakikipagkita sa kliyenteng muntik ng hindi sumipot.

Napansin niyang pumupunta lang siya rito kapag may mabigat siyang suliranin.

Pinagmasdan niya ang paligid, mga along tahimik na pumapagaspas, ang araw na unti-unti ng papalubog.

Tiningnan niya ang relo.

Tatlong minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ang binata.

Ngayon wala siyang karapatang pilitin ito dahi wala siyang pinanghahawakan.

Una sila ang nagpaalis dito ng walang paalam. Pangalawa sila ang kumuha dito pero biglang ipinagtabuyan. Pangatlo, nandito siya ngayon para magpaliwanag.

Magpaliwanag lang!

Kaya wala siyang karapatang magreklamo. Maghihintay siya at aasang darating ito.

Panay ang buntong-hininga ng dalaga habang nakayuko.

Dalawang minuto uli ang nakalipas. Limang minuto na siyang naghihintay.

Naiinis na lumingon siya sa pinanggalingan para lang mapangiti sa nakita.

Naroon ang isang bulto ng lalaking nakatayo habang nakaharap sa kanyang dereksyon.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta rito.

Naglakad din ito palapit.

Huminto sila sa gitna nang magtagpo sila at nagkaharap.

"You are five minutes late. "

"No. You are thirty seconds late. "

Napalunok siya. "Kung gano'n nauna ka pa?"

"Obviously. "

Hindi siya nakaimik.

Namulsa ang binata habang nakatingin sa dereksyon ng dagat.

Siya naman ay matamang nakatingin dito. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman sa muling pagkakita rito.

Parang gusto na lang niya itong yakapin at hindi na papakawalan pa.

"Nandito ka ba para tuluyang magpapaalam? O para balikan ako?" malamig nitong tanong.

Tumingin siya sa dagat. Bigla itong nagbago sa loob lang ng ilang araw. Malamig na ang pakikitungo.

Umiling siya. "Nandito ako para magpaliwanag. "

Napatingin ito sa kanya.

"I'm sorry kung biglaan ka na lang naming ipinagtabuyan. I'm sorry kung ginawa ko sa'yo ang ganoong bagay. Nagipit ako dahil sa isang desisyon. I'm sorry kung ngayon lang ako nagkalakas loob na harapin ka. I'm sorry kung ngayon ko lang ito sinabi. Sorry sa lahat..." nabasag ang tinig niya.

Namagitan ang sandaling katahimikan.

Pinilit niyang muling ibalik sa normal ang kanyang boses.

"I'm sorry kasi natakot ako, nahiya. I'm sorry kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin. "

"Akala ko tinalikuran mo na rin ako gaya ni don Jaime, " tugon ng binata habang nakatingin sa ibang dereksyon.

"Hindi ko 'yon gagawin Gian! Hindi kita tatalikuran ng gano'n -gano'n lang. "

"Sa totoo lang naguguluhan ako sa mga ikinikilos ni don Jaime. Bigla na lang niya akong pinalitan ng wala man lang pasabi. Nagtataka ako kung bakit niyo ito nagawa sa akin, ano ba ang kasalanan ko?"

Hinarap na siya nito kaya napalunok siya.

"Wala kang kasalanan, nalaman lang ni lolo ang nararamdaman mo para sa akin kaya inilalayo niya ako sa'yo. Galit na galit siya dahil ipinagtanggol kita."

Tiningnan siya ng binata.

"Bakit mo 'yon ginawa?"

"K-kasi ayokong basta ka na lang iwanan. Sinabi ko noon na ayoko ng biglaan ang pag-alis mo pero ginawa ko ang biglaang pagpapaalis sa'yo."

"Ano ang ibig sabihin ng pagpunta mo rito? Magpapaliwanag ka lang ba?"

"O-oo, " parang may bikig sa kanyang lalamunan.

Namagitan ang katahimikan.

Bahagyang tumingala ang binata.

"Kung gano'n, makakaalis ka na. "

"Ha?"

"Tapos ka ng magpaliwanag hindi ba?"

"Gian. "

Hindi ito kumibo.

"Galit ka ba?"

"Sino ba ang matutuwa sa ginawa mo?"

"I'm sorry. "

"Nakakabingi na ang salitang 'yan," malamig na naman nitong tugon.

Napalunok ang dalaga.

"You can go. "

Hindi siya tuminag.

Kaya ito ang tumalikod at umalis.

Naipikit niya ang mga mata. Masakit sa kanya ang magpapaalam pero mas masakit kung hindi maganda ang paghihiwalay nila.

"Mr. Villareal. "

Hindi ito lumingon.

"Ano ba?" sigaw na niya.

Huminto ang binata pero hindi lumingon.

"Ganito na lang ba tayo maghihiwalay? Hindi ba pwedeng maayos tayong magpapaalam sa isat-isa?"

"Paalam? Fine! Good bye Ms. Ellah!" sarkastikong tugon ng binata at muli itong naglakad.

"Nakakapikon ka na!" sa tindi ng inis ay binato niya ito ng suot na sandal at tumama sa likod nito.

Hinubad niya ang isa pa, nakahanda siyang ibato ang isa pa kapag hindi pa siya nito papansinin.

Tumigil si Gian at kitang-kita niya ang pagliyab ng mga tingin nito.

Napaatras siya, umabante si Gian. Napapalunok siya at kinakabahan ng husto.

Ano man ang mangyari, nakahanda siyang tumakbo ng nakapaa!

"Bakit mo 'yon ginawa?" malamig na namang tanong nito.

"H-hindi ka kasi matinong kausap."

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Magpapasalamat pa ba ako sa mga paliwanag mo? O 'di kaya gusto mong matuwa ako habang nagpapaalam ka? Gano' n ba ang gusto mo!" tumaas ang boses nito kaya napaatras siya.

"H-hindi naman sa gano'n. "

"Ano pa bang gusto mong marinig? Sasabihin ko bang mag-iingat ka? Alagaan ang sarili mo? Kumain ka ng tama sa oras? O gusto mong sabihin kong paalam at ito na ang huli nating pagkikita?"

Huling pagkikita?

Maiisip pa lang niyang ito na ang huli parang gusto na niyang sumuko.

Nanakit ang kanyang lalamunan at hindi na kayang pigilan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Huminto siya sa pag-atras kaya nag-abot sila ng binata.

Yumuko siya.

Nakayuko siya samantalang si Gian ay nakatingala.

Tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Tinakpan niya ang bibig para hindi nito marinig.

Yumuyugyog na ang mga balikat niya sa tindi ng pagpigil ng iyak.

Ang tindi ng sakit na nararamdaman ay hindi na niya kayang kimkimin.

Nabigla siya nang kabigin siya nito at niyakap.

Humagulgol ang dalaga.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

Ibinuhos niya ang lahat ng nararamdamang hinanakit dito.

Hinagod-hagod ni Gian ang kanyang buhok at likuran.

Napakasakit isipin na kailangan niyang iwan ang taong tumutulong sa kanya, pinoprotektahan siya at higit sa lahat ang nagmamahal sa kanya.

Ngunit kailangan niyang gawin alang-alang sa mga tauhang umaasa sa kanya, ang kanyang lolo at higit sa lahat ang kumpanya.

Nang dahil sa naisip ay tumigil siya sa pag-iyak.

Bahagyang kumalas ang binata at pinagmasdan siya. Wala na ang talim sa tingin nito dahil ang nakikita niya ay malamlam nitong mga mata na puno ng pagmamahal.

"Stop crying, " masuyo nitong pinahid ng mga daliri ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi at pagkatapos ay muli siyang niyakap.

Mahigpit na yakap!

Napapikit ang dalaga, hindi niya tinugon ang yakap nito at hinayaan lang niya.

Babaunin niya sa kanyang paglisan ang huling yakap nito.

Ang sabi ni Jen marami ang umaasa sa kanya kaya kailangan niyang magpakatatag.

Hindi niya maaaring ipagpalit ang mga taong 'yon para sa pansariling kapakanan.

Kaya ang taong nagbibigay ng lakas sa kanya ay iiwanan na niya.

At kung hindi pa siya kakalas ngayon baka hindi na nga niya magawa pa.

Masakit pero kailangan.

Nag-ipon siya ng lakas para itulak ito at nagawa niya, kumalas sa pagkakayakap.

Tinatagan niya ang sarili nang hinarap niya ang binata.

"Goodbye Gian, " mapait niyang wika at tinalikuran ito.

Natigagal si Gian.

Binigyan na siya nito ng kunting pag-asa pero bigo pa rin pala siya?

Hanggang ngayon pala wala pa rin siyang pag-asa?

Hindi!

Nararamdaman niyang may pag-asa siya. Paaaminin niya ito ngayon!

Tumalim ang titig niya sa papaalis na dalaga.

Mabilis niya itong hinabol at hinawakan ng mahigpit sa isang braso.

"Nandito ka para balikan ako hindi ba?"

"Nakapag-paalam na tayo sa isat-isa. Please huwag mo namang palitan ng pangit na ala-ala ang paghihiwalay natin. "

"Ala-ala? Sa palagay mo ba papayag akong maging ala-ala na lang ang lahat sa atin? Noon oo!

Noong nagpaalam ako, pero kinuha niyo ako uli, pinabalik mo ako! Tapos ano? Para ipagtabuyan ng walang sapat na dahilan? Ginagago mo lang ba ako ha Ellah!" pikon na pikon na niyang tanong.

Hindi kumibo ang dalaga.

"Sabihin mo ang totoo bakit ka ba nakipagkita sa akin?"

"Please Gian, huwag mo naman akong pahirapan. "

"Bakit ako ba hindi? Sa tingin mo ba madali sa akin na magpaalam ka? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan!"

Napayuko ang dalaga.

"Pinapipili ako ni lolo sa inyong dalawa Gian, at hirap na hirap ako para gawin 'yon!"

Kumabog ang dibdib ng binata.

Aaminin niyang ilang beses na siyang nabigo rito, pero ngayon yata ang pinakamasakit na gagawing pagtanggi nito sa kanya.

Tila dinurog ang kanyang puso sa nakikita.

Sa mga ikinikilos nito mukhang alam na niya ang sagot pero umaasa pa rin siyang nagkakamali lang siya.

" Nangako tayo, hindi natin bibitawan ang isat-isa kaya umaasa akong ako ang pipiliin mo."

Tinakpan nito ang bibig.

"Patawarin mo ako Gian. "

"Hindi!" naiiling na tinitigan niya si Ellah.

"Gian, I'm sorry, I'm really sorry!"

Umiling si Ellah at tumayo.

Kitang-kita niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito.

Yumuko siya.

Dahan-dahang tumalikod si Ellah.

Naglakad ito ng paunti-unti, hanggang sa tuluyan na itong nakalayo.

Ang bawat hakbang nito ay parang mga punyal na tumatarak sa kanyang dibdib.

Ipinikit ng binata ang mga mata.

Hanggang sa narinig niya ang tunog ng sasakyan nito, tanda ng pag-alis.

Inangat niya ang tingin at kitang-kita niya ang paglisan ng dalaga.

Kasabay ng paglisan nito sa buhay niya.

---

AMELIA HOMES...

Halos wala sa sarili si Gian nang makauwi sa kanyang tirahan.

Tinungga niya ang alak habang nakatingin sa kawalan.

Pagkatapos ng pagdukot niya sa taong nagtangkang pumatay sa kanya, napanatag ang kanyang kalooban subalit ngayon, mas malala pala ang kapalit.

Akala niya may pag-asa siya sa dalaga pero wala pala talaga!

Napapailing na muli niyang tinungga ang bote at nilagok ng tuloy-tuloy.

Sa pagkakataong ito, hindi niya gagambalain ang nag-iisang kaibigan.

Sa tindi ng pagod, sakit at hinanakit ay mabilis siyang nakatulog.

Kinabukasan.

Tunog ng cellphone ang nagpagising sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi niya at sinagot ang tawag.

"Greg?"

"Good morning sir, ipinapaalam ko lang po na hanggang ngayon hindi pa rin umaamin ang master mind. Baka kapag pumunta kayo dito, aamin na. "

"Pilitin niyo. "

"Sir, may problema tayo, may nakakapansin ng nawawala na siya. "

"What? Akala ko ba malinaw na nag leave siya?"

"Yes sir, pero hindi pa rin siya nagsasalita at hinahanap na siya ng pamilya niya. Panay ang tawag sa cellphone nito at baka anumang sandali ay ipahanap na nila sa mga pulis. "

"Fuck!"

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

Kinalma niya ang sarili.

Hindi pwedeng malaman ng kumpanya na na nasa kanya ang isa sa tauhan ng mga ito. Paaaminin lang niya ito at pakakawalan.

Nagmamadaling naligo ang binata at nagbihis.

Wala siyang inaksayang panahon.

Ilang araw na kasi niyang hindi inaasikaso ang sarili.

Nilinis niya ng husto ang kanyang bibig na amoy alak.

Tapos na siyang maligo at nakaharap na sa salamin, pero kahit sino ang makakakita mahahalatang namumula ang kanyang mga mata at namamaga pa!

Kinalma niya ang sarili at isinuot ang sunglasses.

Nasa labas siya ng bahay at naghihintay ng taxi.

"Fucking that damn car!" mura na naman niya.

Hanggang ngayon kasi wala pa rin siyang kotse.

Malamang naghihirap na ang kumpanya nila dahil sa kanya!

Ilang sandali pa may dumaang taxi agad niyang pinara at sumakay.

Agad niyang sinabi ang address ng pupuntahan.

Tahimik sila sa biyahe.

Okupado ang kanyang isipan ngayon.

Pero kakalimutan muna niya ang sariling damdamin, may mas dapat siyang unahin!

Malapit na siyang makarating kaya ipinahinto na ng binata, agad siyang nagbayad.

"Salamat. "

Bumaba siya.

Ilang minuto din siyang naglakad. Hanggang sa nakarating siya.

Sinalubong siya ni Greg.

"Good morning sir!"

Tinugon niya ang saludo nito at ibinaba ang kamay.

Magkasama silang bumaba sa Under Ground.

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang po sa ngayon. "

Bago siya pumasok sa isang kwarto, nilingon niya ito.

"Iwan mo na kami. "

"S-sir, huwag niyo pong ilagay ang batas sa inyong kamay. " Nabanaag niya ang pangamba sa anyo ng tauhan.

"Sinong may sabing gagawin ko 'yon?"

"P-pero kasi…"

"I'll teach him a good lesson that he will never forget until his dying day, " malamig niyang tugon.

Kahit papaano nakahinga ito ng maluwag.

Pero nanatili itong nakatayo.

"Do it now!"

"Sir, yes sir! Salute!" sumaludo ito sa kanya.

Sumaludo rin siya dito.

Pagkuwan ay itinulak niya ang pinto at pumasok sa loob.

Tumiim ang tingin niya sa lalaking nakaposas ang mga kamay sa likuran maging ang katawan at mga paa.

Nakaupo ito sa isang upuang bakal.

Naglakad siya palapit sa lalaki.

Kaya inangat nito ang mukha at nagtagpo ang kanilang mga paningin.

"Putang ina!" malakas nitong mura.

Walang imik na lumapit siya.

Hindi na siya nagsasalita.

Inilabas niya ang isang bagay na nakatago sa kanyang isang kamay.

"Alam mo kung ano 'to hindi ba?"

Nanlalaki ang mga mata ng lalaki daig pa ang nakakita ng multo at white lady!

Papalapit siya panay ang pagwawala nito para makawala.

"Huwag! Huwag shit! Maawa ka!"

"Hindi ka gagawa ng mga simpleng bagay gaya ng pagkuha ng mga larawan at ibigay  sa iba. Ngayon alam ko na ang kaya mong gawin!"

Palapit siya dito ng husto.

"Huwag maawa ka Gian! Please huwag!"

Isinaksak niya ang syringe sa braso ng naturang lalaki na naglalaman ng sodium pentothal. Sa lakas ng epekto ng gamot sigurado siyang hindi siya mabibigo.

"Fuck!" sighal ng lalaki.

Lumayo siya ng magtagumpay sa ginawa.

Pinagmasdan niya ang lalaking nakaupo habang nakalupaypay ang ulo.

Umupo din siya sa gilid at kinalikot ang cellphone.

Walang pwedeng makakaligtas sa kanya lalo na at nasa mga kamay na niya!

Ilang sandali ang makalipas tumayo ang binata.

"Kumusta ka na?"

Inangat ng lalaki ang paningin at kitang-kita ang tila panlalata nito maging ang mga mata ay namumungay

Lumapit siya at may inilagay na recorder sa tabi ng lalaki.

"Umpisahan mo na."

Bahagya siyang lumayo at tinawagan ang tauhan.

"May kasama ka na ba?"

"Yes sir. "

"Bumaba kayo rito. "

"Yes sir. "

Maya-maya lang bumaba na ang dalawa.

"Ibalik niyo na siya sa selda. Hayaan muna natin siya. He's not in normal condition."

"Yes sir. "

Papalabas siya nang humabol si Greg.

"Sir, ano po ang ginawa ninyo sa kanya?"

"Truth serum. "

Napatango-tango ang lalaki.

Binalikan ng dalawa ang lalaki.

"Ikaw, sabihin mo nga, pangit ba siya?"

Tumingin ang lalaki sa itinuro.

"Oo"

Humagalpak ng tawa si Greg.

"Hindi ka nga nagsisinungaling! "

"Gago ka talaga, " asik ng isa.

"Tama na 'yan, " saway niya.

"Yes sir!" sabay na sagot ng dalawa.

---

MEDC OFFICE...

Napansin ng dalaga na tinitigan siya ng kanyang sekretarya.

Makalipas ang tatlong araw ay unti-unti ng bumalik sa normal ang kanyang buhay sa kabila ng lungkot at hinanakit ay pilit siyang magpakatatag alang-alang sa kumpanya.

"Yes Jen?"

"Ahm, Ms. okay lang ho ba kayo?"

"Yes. "

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga papeles.

"O-okay po. "

"Tuluyan ko na siyang iniwan kaya hindi na siya makakabalik pa bilang bodyguard ko. "

"Ang mahalaga po Ms. naipaliwanag ninyo ang inyong side. Atleast gumaan po ang inyong pakiramdam. "

"Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. "

"Mabuti po at tinanggap niya ng maluwag. "

Inangat niya ang tingin.

"I don't think so Jen."

Napailing ang sekretarya.

"Dalhin mo na 'tong report paglabas mo. "

"Yes Ms."

Tumayo ang sekretarya bit-bit ang binigay niya.

"Ms. hindi ho ba tapos na ang leave ni Mr. Galvez?"

"Oo, bakit?"

"Hindi pa rin po siya pumapasok."

"Abusado talaga ang taga marketing department. Anong sabi ni Mr. Javier?"

"Wala naman po, sinubukan daw nilang kontakin pero out of reach daw lagi. Hinahanap na nila."

"Hayaan muna natin baka gusto pang mag extend."

"Sige po. "

Lumabas na ang sekretarya.

Kumukulo ang dugo niya sa tuwing maiisip na ang taong naging dahilan ng paghiwalay nila ng landas ni Gian ay nandirito pa rin sa kanilang kumpanya!

Hindi naman niya pwedeng derektang tanggalin dahil walang matibay na basehan.

Hindi maganda sa kanyang reputasyon na natanggal ito dahil sa paninira sa kanya.

Malalaman ng buong taga kumpanya at pag-uusapan siya!

Ang masama kapag nagsumbong pa ito sa medya lalo lang siyang mapapahiya.

Dudumugin na naman siya ng mamamahayag at uulanin ng katakot-takot na tanong!

Ikinuyom niya ang isang kamay.

"Javier…Javier…Javier!" kasabay ng paghampas niya ng kuyom na kamay sa mesa.

Sumandal ang dalaga sa swivel chair.

Sa tuwing maiisip niya ang ginawa ni Gian parang kinakain siya ng kunsensiya.

Humugot siya ng malalim na paghinga.

Pero sabihin pang iniwan na niya si Gian, hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon nila sa bahay.

Malamang dahil na rin sa kanya, na halos hindi na kumikibo.

Wala siyang gana makipag-usap kahit kanino lalo na sa lolo niya.

Ito kasi ang dahilan kaya nawala ng tuluyan sa kanya si Gian.

Kung wala sanang naging basehan ang kanyang lolo wala sana siyang issue.

Kilala niya ang kanyang lolo.

Oo may tiwala ito sa kanya, pero ang pagdududa ay hindi na mawawala pa!