Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 31 - Chapter 30-The Dinner

Chapter 31 - Chapter 30-The Dinner

ZC FLOATING RESTAURANT...

Tumahip ng husto ang kanyang dibdib at tumakbo pababa, kitang-kita niya ang takot na takot na si Ellah habang pinalilibutan ng medya.

"Ms. Lopez, may relasyon ba kayo ng bodyguard niyo? "

"Ms. Lopez, nagdidate ba kayo ng bodyguard mo?"

"May mga spekulasyon ngayon tungkol sa " Kidnap Me." Gaano 'yon ka totoo?"

Kitang-kita niya ang panginginig ng dalaga habang tinatakpan nito ng mga kamay ang mukha at bahagyang nakayuko.

Subalit walang pakialam ang mga reporter na ito at inulan ng tanong ang amo.

"Noong nakaraan nagpa audition ka ng Wanted Husband pero wala kang napili sa gwardya ka lang pala babagsak masyado na bang desperada Ms. Lopez?"

Nabaghan siya sa tanong subalit nang lingunin niya ito ay kitang-kita niya ang pagngisi at alam niyang nakita rin ng dalaga.

Inilang hakbang ni Ellah ang distansya ng babae at walang kaabog-abog na sinampal.

Sa lakas ng impact ay nabiling ang pisngi nito at halos matumba.

Mas uminit ang tensyon at hindi na kinaya pa ng binata.

"WALA SIYANG KINALAMAN!" sigaw niya kaya sa kanya nabaling ang atensyon ng mga ito.

Mabilis niyang hinarangan ang mga ito at ikinubli sa likuran ang dalaga.

Nagkislapan ang mga kamera at siya naman ang inulan tanong!

"Sir, gaano ka totoong may relasyon daw kayo?"

"Totoo bang ang pakikipagrelasyon daw sa inyo ni Ms. Lopez ay nakakaapekto sa kumpanya?"

Tinitigan ng binata ang bawat isang naroon.

"Hindi kami nagdidate ng boss ko, kumakain lang kami.

Gusto niyang kumain sa masarap na restaurant dahil na tension siya. At bilang bodyguard niya natural lang na palaging ako ang nasa kanyang tabi."

"Ibig bang sabihin wala kayong relasyon?"

"Walang katotohanan ang bagay na 'yan. Hindi rin totoo ang spekulasyong kumakalat dahil ako ang may pakana noon wala siyang alam. "

"Kung gano' n kinidnap niyo nga siya? Ano ang inyong intensyon sir? "

" Sinubukan ko lang ang mga bagong bodyguard kung magaling ang ipinalit sa akin. "

Hindi pinatulan ang kanyang sagot. Kaya binalingan uli ng mga ito ang dalaga.

" Ms. Lopez anong masasabi niyo tungkol sa Kidnap Me issue?"

Naiinis na umalis si Gian habang hawak sa braso ang dalaga at hinila ito.

"Sandali lang sir!"

"Ms. Lopez, kung wala kayong relasyon sino ang gumagawa nito sa inyo? Taga kumpanya ba o kalabang kumpanya?"

Hindi na siya nagsalita at mabilis na pinagbuksan ng pinto ang dalaga at halos itulak niya ito papasok at mabilis siyang umikot sa kabila at nagmaneho palabas!

"Sir, Ms. Lopez, sandali lang ho sir!"

Habol-habol pa rin sila ng mga reporters.

Nakarating na sila ng highway at wala na ang mga ito.

Wala siyang imik habang nagmamaneho.

"Nakakainis! I swear pagbabayaran nila ito ng mahal!" gigil na wika ng amo.

"Ms. Hindi mo dapat ginawa 'yon sa reporter."

"Nabigla ako. Pero hindi ko mapapayagang basta na lang niya ibuka ang marumi niyang bibig at maglabas ng basurang mga salita. Parang hindi reporter."

"Siguradong hindi siya reporter."

Saglit na natahimik ang dalaga.

"Mag-iingat ka, hindi mo na alam kung sino ang inyong kalaban. "

"Mababaliw ako nito, baka hindi na ako tatantanan ng medya!"

"Matatapos din ang mga 'yan at magsasawa, ang dapat mawala ay ang taong nasa likod nito."

"Dapat makagawa agad ako ng paraan para hindi lumala ng husto."

"Sa ngayon hindi pa kumpirmado pero may hinala akong hindi lang taga kumpanya ang nagdidiin sa'yo Ms. Ellah. "

" What do you mean?"

Napalapit ito sa kanya.

Hindi niya ito derektang sinagot.

"Sana nga lang ay hindi, mas madali kasing ayusin kung nasa loob lang ang problema. "

Hindi na umimik ang dalaga at ipinikit ang mga mata.

Naiisip niya kung taga kumpanya ang nagpakana nito madadamay sa imahe ng kumpanya, lalo na kung maging ang stocks ay bababa. Posibleng walang mangahas na gawin ang ganitong bagay.

Kung gano'n maaaring taga labas ang gumawa?

"Nakakabwesit! Nawala tuloy ang busog ko, " reklamo nito.

"Ang mahalaga nakaalis ka sa panggigipit nila."

"Tama, hindi ko na alam kung anong gagawin kung wala ka Gian."

"Hindi kita pababayaan kaya huwag mong masyadong alalahanin ang tungkol doon."

"Thank you."

Kanina naiinis siya sa pinag-usapan nila ng dalaga pero nang makita niya ang takot sa mga mata nito nang dagsain ng mga reporters ay naglaho ang kanyang hinanakit.

Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang kaligtasan nito.

Matapos maihatid ni Gian ang amo sa tahanan nito ay nagpaalam na siya kay Ellah.

"Uuwi na ako."

"Mag-iingat ka salamat sa paghatid."

Tumango siya at umalis.

---

STA. MARIA HIGHWAY...

Pauwi na siya gamit ang sasakyan ng kumpanya nila.

Mabagal ang kanyang pagmamaneho habang nag-iisip.

Natigilan lamang nang mapansing may sumusunod sa kanyang sasakyang kulay itim na kotse.

Pagkatapos niyang ihatid ang amo ng kotse nito, gagamitin niya pauwi ang sasakyang ibinigay sa kanya ng kumpanya na iniiwan niya sa mansyon ng mga Lopez sa tuwing sasamahan niya ang dalaga.

Subalit ngayon mukhang magpapaalam na naman siya sa kotseng ito.

Nag menor ang binata para ito ang paunahin ngunit nag menor din ang sumusunod sa kanya.

Gabi at madilim pa halos walang poste ng ilaw ang kalsada kaya kung sino man itong may masamang binabalak sa kanya malaki ang tsansa, bukod pa sa walang halos dumadaan na sasakyan ay walang ka bahay-bahay ang lugar at higit sa lahat silang dalawa lang ang nagbabyahe.

Subalit malaki din ang tsansa niyang maunahan ito.

Kinuha niya ang baril sa compartment ng kotse.

Isinuot niya ang itim na sumbrero para matakpan ang kanyang mukha.

Huminga siya ng malalim bago

inapakan ang silinyador.

Pinalipad niya ang sasakyan.

At siyempre sumunod ito habang siya ay pinapuputukan.

"Shit!"

Nag pa ekis-ekis ang kanyang sasakyan upang makailag sa balang naglilipana.

Natatamaan pa rin ang likuran ng kotse niya.

Binuksan niya ang bintana at inilabas ang isang kamay at gumanti ng pamamaril.

Binilisan niya ng husto ang pagpapatakbo kaya tumulin din ng todo ang kalaban.

Saka siya pabiglang nagmenor sabay kabig sa manibela paikot patungo sa likuran nito at dahil mabilis ang takbo ng sasakyan nito ay hindi napaghandaan ng kalaban ang bigla niyang pagtigil kaya ito ang nasa unahan niya at siya na ang sumusunod dito!

"Got yah!"

Ipinikit niya ang isang mata at binaril ang gulong ng kotse ng kalaban.

Tinamaan niya kaya nawalan ito ng kontrol at dumeretso sa poste ng sirang gusali.

Kinuha niya ang baril sa likuran ng pantalon.

Kaya dalawa na ang hawak niya.

Bumaba siya at dahan-dahang lumapit sa kotse.

Agad niyang nalamang wala ng tao sa loob.

Kasunod ang putok ng baril na tumagos sa bintana ng salamin nito buti na lang nakailag siya.

"Fuck!"

Tumakbo si Gian papasok sa lumang gusali at nagkubli sa isang poste.

Tahimik ang gabi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Agad niyang tiningnan kung sino kaya nalaman niyang ang kanyang amo.

Mabilis niyang kinansela ang tawag.

Kasabay ang pagputok ng baril sa likod ng posteng kanyang pinagtataguan.

Tumakbo siya sa kabila saka pinaputukan ang kalaban kaya nakita niyang tumakbo rin ito at hinabol niya ng bala ngunit nakapagkubli pa rin ang lalaki.

Malakas ang kutob ng binata na may kasamahan pa ito kaya ini-on niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan.

"Vince pare, kailangan ko ng back up!" pabulong niyang wika.

"Nasaan ka?"

"Sampung kilometro mula sa bahay ko sa abandonadong gusali."

"Papunta na ako diyan!"

Ilang sandali pa may nakita na siyang apat na sasakyang pumarada sa daan.

"Pare ikaw na ba ang dumating?"

"Malapit na pare. "

"Shit! Bilisan mo andito na ang apat na kotseng back up niya!"

Hindi na ito sumagot.

Nagbabaan na ang mga lalaki mula sa loob ng sasakyan at lahat may hawak na de kalibreng baril.

Pinawisan si Gian.

Kapag mahuli pa ng matagal ang kanyang kaibigan tiyak niyang aabutan siya nitong malamig na bangkay!

Inihanda niya ang sarili.

Nakita niyang may lalaking papalapit sa kinaroroonan niya at may hawak itong medyo mahabang baril at dahil madilim hindi niya maaaninag ang klase ng armas nito.

Isang hakbang nito at makikita na siya.

Lumabas ang binata at hinawakan ng mahigpit ang kamay nitong may hawak na baril at ibinangga sa poste nabitiwan nito 'yon saka niya tinuhod sa sikmura at pinilipit ang leeg.

Bumagsak ang lalaking walang malay.

Kinuha niya ang baril saka niya nalamang isa itong uzi.

Walang nag-iingay kaya napakatahimik nila.

Kumuha siya ng bato at initsa sa kaharap niyang poste kaya ang kasunod nagputukan ang mga baril sa kabilang poste kung saan niya binato.

Saka nag labasan ang mga ito, at saka siya umasinta. Isa-isa niyang pinagbabaril ang tatlong lumabas.

"Leche! Naisahan tayo!" sigaw ng isa.

Nag vibrate ang cellphone niya agad niyang tinignan si Vince ang tumatawag.

"Pare! nandito na ako ayos ka lang ba?"

"Oo pare, salamat!"

Nakahinga siya ng maluwag.

Ilang sandali pa, nag-umpisa ang bakbakan!

Parehas na nakabukas ang cellphone nila ng kaibigan at nakahandang mag-usap anumang oras.

"West" si Vince sinasabi nito ang dereksyon nito.

"West" siya.

"Clear" wika ni Vince sinasabi nitong walang kalaban sa dinadaanan.

"Clear" sagot niya.

"2 meters" si Vince sinasabi nito kung ilang metro na lang papunta sa kinaroroonan niya.

" 3 meters" siya

Ilang sandali pa nag-abot sila.

"Ayos ka lang?"

"Oo, salamat. "

Binigyan siya nito ng isa pang baril.

"Wala tayong laban dito, walang operasyon."

Alam niya 'yon. Kaibigan lang niya si Vince kaya ito sumugod kahit walang misyon.

Itinapon niya ang hawak na uzi.

Sabay silang tumakbo palabas.

Sabay din silang dumepensa sa sarili.

Kubli atake, kubli atake!

Barilan sa kaliwa, kanan, likod at harapan.

Hanggang sa nakalabas sila!

Si Vince ang nagmaneho at siya ang tumitira!

Nakasunod sa kanila ang isa pang kotse ng mga ito.

Pinalilipad ni Vince ang sasakyan habang nagpaliko-liko sa daan para makailag sa mga balang umuulan!

Binuksan ni Gian ang pinto at inilabas ang kalahati ng katawan, saka pinaputukan ang mga kalaban. At dahil magaling siyang umasinta lahat natatamaan.

Sinunod niya ang gulong nito. Nawalan ng kontrol at dahil matulin ang pagpapatakbo lumipad ang kotse ng kalaban at umikot sa ere at nang bumagsak sa daan pabaligtad, nag-apoy na ito.

Awtomatikong itinodo ni Vince ang pagpapalipad sa sasakyan para hindi sila abutan ng pagsabog.

Ilang sandali pa, sumabog ang kotse.

At sila ay ligtas na nakatakas.

"Pare, kilala mo sila?"

"Hindi, pero sigurado akong HK 'yon. Ang kaso kumuha ng back-up, nararamdaman ko eh kaya tinawagan kita. Buti na lang hindi ka huling dumating."

"Alam ko namang hindi ako dapat mahuli. Ayos ka lang? May sugat ka ba?"

"Wala naman, ikaw?"

"Wala rin. "

Ilang sandali pa normal na uli ang pagpapatakbo nito.

"Pare, huwag ka munang umuwi sa bahay mo delikado. "

Napabuntong-hininga ang binata.

"Doon muna ako sa HQ ng mga ilang araw. "

"Sasamahan kita, may kutob ka ba kung sino ang gumawa nito?"

"Pare, sa dami ng nakasagupa ko hindi ko na alam. "

"Duda akong anak ni congressman ang gumawa nito. "

"Wala akong ideya sa totoo lang."

Natahimik si Vince.

Tumunog ang cellphone niya.

Inilabas niya 'yon para makita at bumungad sa screen ang amo dahil ito ang tumatawag.

"Naks pare sino 'yang babae?"

Inilapit pa nito ang mukha sa screen.

"Mabangga tayo. "

"Boss? Patingin nga?"

"Hindi, 'wag na" akmang itatago niya pero mabilis ang mga kamay ni vince kaya naagaw nito.

"Tang ina pare! Siya ba 'to? Ayos na ayos ah? Honeymoon ba 'to?"

"Gago!"

"Sandali ito ba 'yong nasa hotel kayo? Wow! Akala ko ba santo ka doon? Iyon pala naka score ka na!"

"Tarantado akin na 'yan! Siya lang ang nagkusa niyan, hindi ko ginalaw ang boss ko gago!"

Sumusulak ang dugo niya kapag naririnig na inaabuso niya ang kabaitan ng kanyang amo gayong iginagalang niya ito mula buhok sa ulo hanggang sa kuko ng paa.

"Talaga? Pare sa tingin ko ikaw ang nag maniobra nito. O tingnan mo nakapikit ang boss mo at ikaw dilat ang mga mata, ibig sabihin wala siyang alam na kinuhanan mo siya?"

"Nalaman din niya. "

"Anong reaksyon?"

"Eh 'di nagwala. "

"Talaga? Eh bakit hanggang ngayon na sa'yo pa 'to?"

"Hindi ko binura. "

"Talaga naman! Kapag nakita 'to ni don Jaime sa kulungan ang bagsak mo!"

"Buti kung sa kulungan lang? Paano' pag sa kabaong?"

"Aba! Makakaasa siyang isusunod ko siya!"

Huminga ng malalim ang binata.

" Pare maraming salamat sa tulong mo. "

"Wala 'yon, kung para sa iniingatan kong kaibigan. Nakahanda akong protektahan ka kahit anong mangyari."

Tinapik niya ito sa likod.

"Ang drama mo bro! "

Natawa si Vince.

Tumunog ang cellphone nito, ang head nila ang tumatawag, hindi ito

sinagot ng kaibigan.

"Hindi kaya ito na ang panaginip mo? Kabaligtaran nga dahil iniligtas kita samantalang sa panaginip mo pinatay mo ako! Napaka talino ko talaga!"

" Hindi pa ito ang panaginip ko pare, " bara niya sa sinabi nito.

"Sige na nga, hindi na kung hindi, pero ipapaalam mo ba ito kay don Jaime?"

"Huwag na, ayoko nang mag-alala pa sila. "

"Hindi ang pag-alala nila ang ibig kong sabihin, kundi paalala na may nag attempt sa iyo at nang sa gano'n malaman nilang dapat silang lalong mag-ingat at mas dodoblehin ni don Jaime ang pag-iingat para sa apo niya."

"I don't think that's the best idea. "

"Bakit hindi? "

"Mahihirapan ako 'pag nagkataon, ako ang nagbabantay sa apo niya tapos may nakahandang pumatay sa akin.

Kapag tatanggalin ako ni don Jaime dahil doon, wala akong magagawa kundi tanggapin.

Kahit ipilit pa ni Ellah ang pagpigil sa akin wala pa rin siyang magagawa. Hindi ideal sa gaya niya na ipaglaban ang bodyguard lang where infact don Jaime can get what he wants and get the best protector for her beloved Ellah."

"And you are the best sir!" sagot ni Vince.

Na ikinatahimik niya.

Mapait siyang napangiti.

The best? Bakit hindi nakikita ng isang don Jaime Lopez?