Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 27 - Chapter 26 - The Purpose

Chapter 27 - Chapter 26 - The Purpose

PHOENIX AGENCY...

"Hoooahhh!" nanlalaki na ang mga mata nito napatayo pa. "Joke ba 'yan?"

"No, I'm serious. "

"At bakit daw? Don't tell me dahil na naman sa pag-ibig?"

Umiling siya.

"I tried to abduct her. "

Laglag sa upuan ang kaibigan!

"W-what!"

"Pare, nakuha ko siya eh. "

Mas nanlaki ang mga mata nito.

"I-ibig mong sabihin n-nakuha mo ang..."

"Napakarumi talaga ng utak mo! Linisin mo nga 'yan!" bulyaw niya.

Umupo ito uli.

"Linawin mo kasi. "

"Nagtagumpay ako, nadukot ko siya mula sa mga stupid bodyguards niya."

"K-kailan 'yon nangyari?"

"Kahapon"

"Tang ina pare! Hindi ka ba kinasuhan!"

Umiling siya.

"Mahabang kwento, pero in the end, nagpasalamat si Ellah. "

Umiling-iling ang kaibigan.

"Nakuha ko na, iniisip mong bumalik para kung sakali man, hindi talaga siya makikidnap kung ikaw ang magbabantay tama ba ako?"

"Exactly. "

"Wow! As in wow! Bodyguard na lang pala ang role mo pare? Paano naman kami?"

"Ikaw ang papalit sa akin, " derektang sagot niya.

Napatanga ang kaibigan.

"Vince pare, matagal na tayong magkasama pero palagi ka na lang pangalawa sa akin, gusto ko namang ikaw ang mangunguna. Gusto kong makita ang galing mo kapag ikaw na ang humawak sa grupo. "

Umiling-iling ito.

"Inaamin ko, gusto kong maging leader pero hindi sa paraang gusto mo. Ayaw kitang palitan, hindi ko 'yon magagawa."

"Listen, kahit temporary lang, ako mismo ang mag sasabi sa head natin. For the mean time na hindi ako kasali sa grupo. "

Sa pagkakataong ito, naglaho na ang tuwa sa anyo ng kaibigan at naging pormal.

Maaring napagtanto ni Vince na hindi siya nagbibiro.

Humugot ito ng malalim na paghinga.

"Pare, Lopez ang pinag-uusapan dito. Matagal ko ng sinabi sa'yo huwag mong ilapit ng husto ang sarili mo sa mga 'yon. Mga demonyo ang mga gaya nila. Ginagamit ka lang, pinaglalaruan pare mapapahamak ka!"

Nagtiim ang kanyang bagang at tinitigan itong mabuti.

"Pare, ang demonyong tinutukoy mo ay siyang nagligtas ng buhay ko noon. Kung hindi dahil sa demonyong 'yon matagal na akong wala sa mundong ito."

Hindi ito umimik at humugot ng malalim na paghinga. Maaring sapat na ang kanyang sinabi upang makuha ang kalooban ng kaibigan.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo."

"Sa trabaho natin lagi tayong nasa panganib, hindi natin alam kung kailan tayo mapapahamak-"

"Naroon na ako, pero kasi iba ang landas na tinatahak mo. Opisyal ka rito pagdating sa mga Lopez, gwardya ka lang-"

"Protektor pare, hindi lang ako basta gwardya."

Hindi na ito nakipagtalo pa at tumahimik na lang.

Matagal na niyang alam na tutol talaga ito pagdating sa mga Lopez kaya nauunawaan niya.

Sa gaya niyang walang kayamanan, kapangyarihan at impluwensiya ay wala talagang laban pagdating sa mga Lopez.

Ngunit alam niyang kailangan siya ng mga ito bilang protektor ng nag-iisang apo.

"Maraming salamat sa pag-aalala, pero sa ngayon pare kailangan ko ng pang-unawa mo."

"Pansamantala lang hindi ba?"

"Oo, pangako. "

Huminga ito ng malalim.

"Sige, tatanggapin ko. "

"Salamat!"

"Sa isang kundisyon. "

"Ano 'yon?"

Tumingin ito sa kanya. "Hayaan nating si hepe mismo ang magsasabi sa akin. "

"Okay, nakuha ko ang punto mo. Sige payag ako. "

Nagpasalamat ang binata at nagpaalam.

Ang tanging nagawa ni Vince ay pagmasdan ang kaibigan na paalis.

Kinakabahan siya sa desisyon nito dahil masasangkot sa mga Lopez.

Ang mga taong mahirap kalabanin at mahirap ding kaibiganin.

Gano'n pa man, ay tiwala siya sa kaibigan. Alam niyang bago pa man ito mag desisyon ay nakaplano ng mabuti. Ano man ang problemang kahihinatnan alam nitong solusyonan.

Dito siya bilib sa kanilang leader, pinaghahandaan ang bawat resulta sa bawat desisyon.

---

LOPEZ MANSION...

Wala sa mood si don Jaime at alam agad 'yon ng dalaga base pa lang sa itsura nito.

"Ellah, mag-usap nga tayo. "

Kinabahan siya, kapag ganito na ang tono ng kanyang lolo tiyak na mayroong problema.

"Bakit po lolo?"

"Sabihin mo ang totoong nangyari kung bakit nasa hospital ka. "

Napalunok ang dalaga.

"Huwag kang magsinungaling kagaya ng mga bodyguards mo!"

Sinubukan niya kumalma at pinigilan ang kaba sa pamamagitan ng pagngiti.

"Lolo, what do you mean?"

Nanlilisik ang mga matang nilingon siya ng abuelo, pinigilan niya ang humugot ng malalim na paghinga sa takot na mas magalit pa ito.

"Akala mo ba talaga hindi ko malalaman ang totoo? Akala mo ba talaga magagawa niyo akong gawing tanga!"

Sa lakas ng sigaw ng abuelo ay natahimik ang dalaga.

Alam niyang may pinagbabasehan ang sinasabi ng matanda kaya kung magmamaang-maangan pa rin siya mas lalo lamang itong mawawalan ng tiwala.

"A-ang totoo po lolo..."

Hindi niya masabi-sabi ang kasunod.

"Tell it straight!"

"Gian abducted me. "

Napamulagat ang mga mata ni don Jaime at ilang segundo bago ito nakahuma.

"Punyeta!" Ibinato nito ang tungkod sa galit. "Sinasabi ko na nga ba wala talagang gagawing matino ang hayop na 'yon!" Dumagundong sa buong mansyon ang tinig ng don.

Gano'n pa man hindi nagpatinag ang dalaga.

" I just realize... paano kung totoo pong kidnapper ang kumuha sa akin lolo?" halos bulong lamang iyon ngunit narinig pa rin ng matanda.

" Anong sinabi mo?!"

"N-naisip kong hindi pala ako kayang ipagtanggol ng tatlong robot na 'yon."

"Hindi sila ang pinag-uusapan natin dito kundi ang gagong 'yon!"

Napapikit siya sa narinig.

Oo nga at gago talaga' yon ngunit sa kabila ng lahat naging sanhi 'yon upang magkaroon siya ng matatag na desisyon.

"That's my point lolo, naisip kong ibalik si Gian para maging bodyguard ko."

"Ano?! Nahihibang ka na ba! Sinubukan ka na ngang dukutin, pagkakatiwalaan mo pa!" Halos gusto na nitong tumayo mula sa pagkakaupo sa wheelchair.

"Isipin niyo po, kung sakaling nakidnap talaga ako, hindi niyo ba papalitan ang tatlong 'yon? Lolo, nasubukan na po sila, at hindi nila ako na protektahan. "

"Kahit na! Kukuha ako ng iba! Pagkatapos niyang umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo at inuto ako, kukunin natin siya uli? Nasaan ba ang utak mo!"

"Alin po ba ang mas mahalaga sa inyo? Ang pride niyo ba? o ako?"

Napatingin ang don sa kanya pero hindi nakapagsalita.

"Kung ang inyong pride ang mahalaga, fine! Titiisin ko ang tatlong robot na 'yon. Pero huwag kayong magsisisi kung sakaling may totoong dudukot sa akin. "

"Tigilan mo ako Ellah, tigilan mo ako sa gagong 'yon!"

Nagbabanta na ang tono ng abuelo dahilan upang yumuko na lamang siya at mahinang umusal.

"Pero ang gagong 'yon... ang siyang nagpoprotekta sa akin."

Tumalikod siya at humakbang paalis. Alam niyang wala ng pag-asa at walang makakabali sa desisyon ng isang Jaime Lopez.

"Pag-iisipan ko ang sinabi mo. "

Nang marinig ang sinabi ng abuelo ay hindi niya napigilan ang pagngiti at lumiwanag ang anyo.

Binalikan niya ang don.

"May itatanong lang po ako, sino ang nagsabi sa inyo?"

"Mahalaga pa ba 'yon?"

"Ofcourse lolo!"

"Bakit pa?"

"Gusto ko siyang pasalamatan."

Napalingon ang don sa kanya.

"Malaki ang pasasalamat ko dahil may nagsabi sa inyo ng totoo, natakot po kasi ako, pero bilib ako sa kanya dahil matapang siya. "

Huminga ito ng malalim.

"Tauhan siya ng marketing manager. Pero si Javier mismo ang nagsabi sa akin. "

"Paanong nalaman niya lolo?"

"Dahil pang-apat siya sa nakulong sa bodega!"

Napanganga ang dalaga.

"Kung gusto mo pa ng paliwanag itanong mo sa magaling mong bodyguard!" anito sabay alis.

Dumeretso siya sa kwarto at nagpalakad-lakad habang tinatawagan ang binata.

Kapag kumalat sa kumpanya ang balitang nakidnap siya walang ibang may pakana nito kundi ang pang-apat na nakulong.

At ang mga taong naghihintay lang ng kanyang pagkakamali ay gagawa ng paraan upang siya ay mapatalsik sa posisyon.

"Ang walang hiya! Hindi sinabing apat pala ang ipinakulong niya gago talaga!"

Saglit lang agad nang may sumagot sa kabilang linya.

"Hoy Villareal! Bakit hindi mo sinabi ang totoo na apat pala ang nasa bodega! I can't believe you're such a stupid jerk!"

"Hoy Ms.! Be careful of your language! Akala mo kung sino ka ah?"

Bagaman nagtaka ay sinikap niyang pakalmahin ang sarili para lang makausap ang taong sadya.

"Who's this? "

"Gian's girlfriend!"

Animo nanigas siya at hindi agad nakahuma.

"Are you still there?"

Tila na blangko ang kanyang isipan at hindi pumapasok sa kanyang utak ang sinabi ng babae.

"Put it down!" boses ng lalake ang kanyang naulinigan sa kabilang linya.

Pinakinggan niyang mabuti ang usapan.

"Hey Gian, you're here!" masayang turan ng babae.

"I said put it down! Bakit mo pinakialaman ang phone ko?" matigas na wika ng lalake at agad kumulo ang kanyang dugo nang marinig ang tinig nito.

"Oh, sorry, I'm just curious. I saw the picture in your contact, a girl beside you sleeping peacefully. Isa ba siya sa mga babae mo?"

Sinong babae?

"Damn it Hailey! Get out!"

"Fine, pero ang pinaka ipinagtataka ko, boss ang nakapangalan sa contact mo. Are you fucking your boss?"

"Go to hell lady!" galit na galit na sigaw nito.

Ini -off niya ang tawag.

Napakabulgar magsalita ng babae.

Tapos nobya ng gago na 'yon?

Gago pala talaga siya eh!

Nagpupuyos ang kalooban na naupo siya sa kama.

Saglit lang ito na ang tumatawag.

"Go to hell Gian!" galit na sigaw niya kahit hindi sinagot ang tawag nito.

Pero hindi na talaga ito tumigil sa katatawag.

Inis na sinagot niya.

"What is it Mr. Villareal!"

"I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Ah shit! may iba kasing sumagot."

"Is it true?"

"Ang alin?"

"That bitch is your girlfriend?"

"Ofcourse not! Hindi ko..."

"Totoo bang picture ko, ah hindi larawan nating dalawa ang nasa screen ng phone mo?"

"O-oo pero..."

"Bullshit Gian! Anong picture 'yan?  Pinahiya mo ako!" galit na galit na sigaw ng dalaga.

"Damn! Nasaan ka ba? Pupuntahan kita diyan!"

"No!"

"Listen, hindi tayo nagkakaintindihan, wala akong intensyon na ipahiya ka o anu pa man. Ginawa ko 'yon para lagi ko 'yong nakikita kapag..."

"Shit! Ano pa man ang sasabihin mo, napahiya ako!"

"Ellah please, mag-usap tayo. "

"No!"

"Pupunta ako sa mansyon kapag hindi mo ako kinausap. Alam mong hindi ako nagbibiro. "

"Shit ka! Sabihin mo ang gusto mong sabihin!" galit na sigaw na naman niya.

"Mahal kita. Huwag ka ng magselos."

"Ginagago mo ba talaga ako ha!"

Halos sumabog na siya at balak na niyang ibato ang hawak na cellphone.

"Kung wala kang matinong sasabihin pwes ako meron!"

sigaw na naman niya.

"Ano 'yon?"

"Apat pala ang ikinulong mo sa bodega at ngayon nagsumbong ang pang-apat kaya nalaman ni lolo. Ngayon, ako ang naiipit sa ginawa mo! Natitiyak ko na bukas ako ang bukam-bibig ng lahat ng empleyado, kundi ka ba naman tanga! Sana sinabi mong apat sila!"

"I-I'm sorry. "

"Sa tuwing magkakasala ka, laging 'yan na lang ang naririnig ko. Wala ka na bang gagawing matino ha!"

"I have an idea. "

"At ano 'yon?"

"Kunin mo ako uli. "

"What do you mean?"

"Bilang bodyguard mo. "

"That's absurd!"

"That's the best option. "

"Maybe, kanina, pero pagkatapos ng nalaman ko nagbago ang isip ko!"

"Okay, nagbago ang isip mo pero, makakaya mo bang mag-isa ang panghuhusga nila? Let me give an example. May dinukot bang natuwa at nagpasalamat? Ikaw lang 'yon.

Second, may nadukot bang lumalabas na connivance ng abductor? Ang mga bodyguards mo hindi mo hinayaang makapagsumbong sa iba.

Third, ikaw ang biktima pero sa halip na matakot ka, pinagtakpan mo ang taong dumukot sa'yo."

"Shit!"

"Kung kaya mong harapin ang mga issue na 'yan then hindi kita pipilitin."

Napabuga siya ng hangin.

"Fine! Pag-iisipan ko. "

"Bilisan mo, I'll give you ten seconds. "

"Bitch Gian! Akala mo may time bomb kung mag-utos ka!"

Natawa ito sa kabilang linya bago naging seryoso.

"Biro lang, sana pag-isipan mo na tanggapin ako uli. Gusto ko lang na protektahan ka. Hindi ako makakapayag na may aagrabyado sa'yo nang dahil sa akin."

Naiinis talaga siya kapag ito na ang kausap niya!

Hindi lang siya basta na pe-pressure. Naaalog ang utak niya!

---

MEDC OFFICE...

Napakasaya ng binata.

Dahil muli nga naman siyang nakabalik sa piling ng dalaga.

Bilang bodyguard nga lang nito.

Naalala niya ang pinag-usapan nila ng kanyang head.

"Villareal, gusto kang ibalik ni don Jaime bilang bodyguard uli ng apo niya. Tinatanggap mo ba?"

Hindi siya nagpahalata pero parang gusto niyang sabihing I do!

"Bakit daw po sir?" kunwaring tanong niya.

"Hiniling daw ng apo."

Huminga siya ng malalim.

"Okay sir, tinatanggap ko. "

Napatayo ang head.

"Villareal, akala ko ba may iniinda ka? Malusog ka na yata ngayon?"

"Sir, hindi naman po masyadong mahirap at delikado ang trabaho. "

"Alam ko, kaya lang, gusto mo bang maging bodyguard na lang?"

"I'm sorry sir, pero hanggat may masakit sa likuran ko, hindi po muna ako tatanggap ng mabigat na assignment. "

Napabuntong-hininga ang head.

"Mukhang kailangan ko ng bigyan ng break ang alalay mo. "

Namilog ang kanyang mga mata.

"That's great sir!"

Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya.

"Kakaiba ka Villareal!"

"Sir, natutuwa lang ho ako, pasensiya na. "

"Ikaw na nga ang papalitan, natutuwa ka pa, " naiiling ang head nila.

"I-I'm sorry sir. "

"But it's just temporary, pag galing mo ikaw na ulit ang team leader."

"Thank you sir. "

"So hindi mo ba tatanggihan si Mr. Lopez?"

"Kaya po ba natin siyang tanggihan?" ibinalik niya ang tanong.

"Fine, bumalik ka na uli doon. "

" Thank you sir! "

" Malaki ang utang na loob ko sa don na 'yon dahil sa kanya buhay pa ang special asset ng kumpanya. At ikaw ang tinutukoy ko. "

Naalala niya rin ang sinabi ni don Jaime.

"Ingatan mong mabuti ang apo ko Villareal! Ikaw na kumidnap sa kanya noon, ikaw din ang magbabantay sa kanya ngayon. Kaya umaasa akong hindi mo ako bibiguin kagaya ng nagawa noong tatlo na hindi nila na protektahan ang apo ko. "

" Salamat po sa pagtitiwala don Jaime. Humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko noon. "

" Sa totoo lang tutol akong ikaw pa dahil sa ginawa mo. Pero pinili ka ng apo ko kaya magtitiwala pa rin ako sa'yo."

"Patawarin niyo po sana ako sir. "

"Wala na ' yon, ang importante ay ngayon. "

"Makakaasa po kayong iingatan ko ang inyong nag-iisang apo don Jaime. "

"You look so happy Mr. Villareal?" putol ng dalaga sa pag-iisip niya.

"Oh, is it obvious?"

"Very much!"

Huminga siya ng malalim. "Ikaw ba hindi?"

"Alalahanin mo may atraso ka pa sa akin. "

Bahagya siyang natawa. "Tungkol ba sa larawan?"

Nilingon siya ng dalaga.

"Kinuhanan kita ng nakatulog ka na. Naalala mo hindi ako agad umalis kahit pinalayas mo. Nang tumalikod ka pahiga ay nanatili lang ako roon hanggang sa nakatulog ka. Madaling araw bago ako nakalipat sa kabilang kwarto."

"Gusto kong makita."

"Inalis ko na, pasensiya na kung hindi ko pinaalam sa'yo."

Hindi na ito kumibo.

"Ang sarap pala sa pakiramdam 'yong makabalik sa piling mo. "

"What!" napalingon ito.

"Bilang bodyguard, " paglilinaw niya.

Humugot ito ng malalim na paghinga.

"Mr. Villareal, naalala mo pa ba ang usapan natin noon?"

"Alin doon? 'yong nagpasalamat ka sa pagdukot ko sa'yo?"

"Nananadya ka ba talaga?"

"Hey, relax, you're so hot. "

"Sinabi ko noon, na ibabalik natin ang dati. Kung saan ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. "

"Naalala ko. "

"Ngayon, gusto kong ngayon na 'yon mag-uumpisa. Ilagay mo ang sarili mo sa lugar kung saan ka nararapat. Tauhan ka at ako ang amo mo."

Naiwang nakatanga si Gian.

Bunaba ang dalaga na nang nakataas –noo at tikom ang bibig.

Nakasunod sa kanya ang kanyang bodyguard tatlong hakbang ang distansya.

Hindi na ito kumikibo mula ng sinabi niya ang sadya.

"Good morning Ms. Ellah, " halos sabay na bati ng mga naroon.

Hindi siya umimik.

"Gian, you're back!"

Wala man lang itong reaksyon.

"Welcome back sir!"

"Long time no see Gian!"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang mga empleyado.

"Listen, everyone from now on, Mr. Villareal is my new bodyguard, again!" Tumalikod na siya at muling naglakad.

"Wow! Ang galing naman!"

"Pero sandali sayang 'yong trio boys 'di ba?"

"Okay lang, atleast nakabalik ang poging si Gian!"

Walang lingon-likod na dumeretso siya sa elevator.

Sumunod ang gwardya.

Nang bumukas 'yon napakaraming tao sa loob.

Saglit siyang nag-isip kung sasabay ba siya o hindi muna?

Ang una ang kanyang ginawa, sumunod ang gwardya.

"Good morning Ms. Ellah, " bati ng lahat.

Hindi siya umimik.

"Good morning Gian. "

Tango lang ang tanging reaksyon nito.

Sa totoo lang nagsiksikan na sila ngunit sumiksik pa rin ito sa likuran niya!

Naiirita siya dahil nararamdaman niya ang init ng katawan nito.

Hindi tuloy siya kumportable paano nga nasasagi niya ang braso nito at ang likod niya ay nakalapat sa dibdib nito!

Tuloy gusto niyang magsisi kung bakit nakisiksik pa siya.

Nakakahiya na nakakailang.

Nais lang naman niyang makita kung sino ang manghuhusga sa kanya.

Gusto niya ring ipakita na hindi siya apektado.

Nakarating sila ng pangalawang palapag at lahat ng naroon ay lumabas.

"Bye Ms. Ellah, Gian, " halos na sabay na wika ng mga ito.

Nanatiling hindi siya umiimik

ngayong silang dalawa na lang.

Wala rin namang kibo ang kasama magmula pa kanina.

Lumayo siya at pumunta sa harap.

Nanatiling nasa gilid ang binata. Nakita niyang nakasandig pa ito habang nakayuko.

Malapit na sila sa pangatlong palapag nang biglang pinindot nito ang panglimang palapag.

Kunot-noong napatingin siya rito ngunit biglang kinabahan nang makitang umiigting ang panga at madilim ang anyo.