Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 16 - Chapter 15 - The Treasure

Chapter 16 - Chapter 15 - The Treasure

MEDC SITE...

Huminga ng malalim si Gian habang tinitingnan ang paglilinis sa isang sakong reject.

"Pagkatapos ma dryer, saka natin ihalo sa high grade." utos ni Ellah.

"Gawin nating five is to one, kapag pwede pa, gawin nating five is to two." Suhestyon niya.

"Kapag naihalo na ang reject sa hindi, saka ninyo subukan i test fire."

Naalala niya ang napag-usapan nila ng tagapagmana.

"Iniisip kong ihalo ito sa mga high grade ninyong produkto at ng sa gano'n, hindi mahahalatang may halong reject."

Napaatras ang dalaga.

"Hindi pwede 'yang naiisip mo paano kung ang high grade naman ang ma reject eh 'di mas lalo tayong nalugi?"

"Sa negosyo, hindi mo kailangan ang sigurado, kailangan mong sumugal at subukan lahat ng pwedeng paraan."

"Nag-aaksaya lang tayo ng panahon, matagal na 'yang kinalimutan."

"Pagdating ng panahon, itong reject na naman ang ibabato sa'yo. Paano mo ma depensahan?"

Nagtama ang tingin nila at tila natahimik ito.

Mulo siyang tumingin sa gabundok na produkto.

"Maraming naghahanap ng pagkakataong mabahiran ulit ang reputasyon mo, kaya opinyon ko lang, hangga't kaya mong alisin lahat ng posibleng makasira sa'yo, agapan mo na."

Sa huli ay pumayag din ito.

"O sige kumuha tayo ng sample."

Napatingin ito sa kanya.

"Alam mo, naguguluhan ako sa'yo eh, kung gwardya ka ba o business man? Bakit marami kang alam tungkol dito?"

Natawa ang binata.

"Hindi naman, may kunting alam lang sa negosyo."

Pinuntahan nila ang production manager.

"Mr. Valdez, makakapag deliver ba tayo ngayon sa BMG plant?"

"Yes Ms. hinihintay na lang ang permit to transport."

"Wala namang problema sa dokumento hindi ba?"

"Wala po Ms."

"Mag lunch muna kayo."

"Opo Ms."

Naglibot pa sila bago pumasok sa opisina.

"Lunch muna tayo." Umupo ito sa isang maliit na mesa na may nakahanda ng pagkain.

Natigialn siya. "Kumakain ka ng ordinaryong pagkain Ms. Ellah?"

"Oo naman. Noong bata pa ako, laging gulay at isda ang ulam namin, minsan lang karne."

"Talaga?" Tumabi siya at umupo.

"Buti nga may ganito sa mga karenderya dito kaya inutos ko na bumili sila at dito ako kakain. Hindi kasi pwedeng lumayo at sayang ang oras."

Napatingin siya rito na maganang sumusubo ng pritong isda.

"Napakasipag mo, inuuna mo lagi ang kapakanan ng kumpanya bago ang sarili mo."

"Alam mo, umaasa sa akin ang mahigit isang libong empleyado kaya wala akong panahong ibaling sa iba ang atensyon ko.

Si lolo ang pangalawang mahalaga sa buhay ko, siya lang ay sapat na. Iyong pakikipag date ko 'yon ay dahil inutos niya, kahit minsan hindi ako nagtangkang magnobyo dahil sagabal sila sa trabaho ko."

Hindi na siya umimik at kumain na rin.

"Matanong ko lang, napilit ka lang ba ni lolo maging bodyguard ko?"

"Hindi, kusa akong pumayag. Isa pa kilala ko rin si don Jaime, napakabait niya at walang pinipiling tao, nakahanda siyang tumulong kahit kanino."

"Kung gano'n natulungan ka na ba niya?"

"Noon, pero hindi niya alam na ako ang tinulungan niya."

"Pwede ko bang malaman kung paano ka niya natulungan?"

"Nag-aagaw buhay ako noon nang sinagip ko si Vince, humingi ng tulong ang opisina sa mga malalaking kumpanya at isa si don Jaime ang may pinakamalaking naitulong."

"Kung gano'n bakit ka nabaril? Dahil din ba 'yon sa pagiging gwardya?"

"Hindi."

Tumalikod si Ellah at nagtungo sa lababo at naghugas ng mga kamay.

"Kung gano'n bakit ka nga nabaril?"

Sumunod siya rito bitbit ang mga pinagkainan nila.

"Sinabi ko na hindi ba? Sasabihin ko sa'yo kung sino ako kung magiging tayo, kung magiging akin ka."

Napansin niya ang pagkailang nito na ikinangiti niya.

"Tumigil ka nga!"

"Iyong sa ospital na pag-isipan mo ang sagot, napag-isipan mo na ba?" Yumuko siya.

"H-ha?" Umilap ang mga mata nito at tumalikod na ikinatawa niya.

"Bilisan mo diyan, may trabaho pa tayo."

"Yes ma'am!"

Nakahinga lang ng maluwag si Ellah nang nasa labas na siya, sinalubong siya ng production manager.

"Ms. Ellah, lumabas na ang resulta ng test fire, itong isa sa class B, at ang isa sa class A." sabay abot ng papeles sa kanya.

Kinakabahang tiningnan niya ang mga papeles.

"Ibig sabihin nito Mr. Valdez wala namang malaking ipinagbago hindi ba?" Namimilog ang mga mata ng dalaga.

"Tama kayo Ms. at dahil sa resultang 'yan lumalabas na pwede pa ngang pakinabangan, may kunting deperensiya pero hindi na 'yon mahahalata."

"Kung gano'n, nagtagumpay tayo?"

Napalingon siya sa likuran kung saan naroon si Gian na tipid na ngumingiti.

"Yes Ms."

'Hindi ako makapaniwala na magagawan pa ito ng paraan!'

Nakangiti rin siya pero napapaluha ang dalaga sa narinig.

"Mr. Valdez, kapag nakalusot tayo sa planta, mababawi natin ang milyon-milyon nating lugi."

"Tama po kayo Ms. at tinitiyak kong makakalusot tayo at hindi nila 'yon mapapansin."

"Sa susunod nating deliver Mr. Valdez, ay isasabay niyo na ang reject natin."

"Yes Ms."

"Salamat, pagbutihan niyo ang pagtatrabaho, isa kayo sa inaasahan ko Mr. Valdez."

"Salamat po sa pagtitiwala Ms."

"Salamat din ho sa inyo."

Masayang nilisan ng dalaga ang lugar.

Nasa loob na sila ng kotse nang magsalita siya.

"I can't believe this!" Sinulyapan niya ang gwardya na ngayon ay nagmamaneho palabas sa site.

"Gian thank you!" bigla niyang dinakma ang bisig nito.

Nabigla man ang binata ay hinayaan lang siya.

"Wala 'yon, actually suggestion lang 'yon."

"Suggestion na malaki ang resulta, sa totoo lang hindi ka talaga bagay maging bodyguard ko lang eh," aniya at kumalas na rito.

"Bakit, bagay na ba akong maging asawa mo?"

"Sira!" nangingiting umiwas siya ng tingin.

Humalakhak naman si Gian.

---

LOPEZ MANSION...

Papasok sila ng mansyon nang makarinig ng pag-uusap.

"Iyong nangyari sa apo ninyo, sana ay kalimutan na lang natin don Jaime, pinagsabihan ko na rin ang anak ko."

"God!"

Hinila ni Ellah si Gian pakubli sa gilid ng isang poste subalit nanatili silang nakikinig.

Maliit ang kanilang napwestuhan kaya nagsiksikan silang dalawa.

Nakasandig si Gian sa poste at niyayakap siya ng isang kamay nito. At ang isa pa ay nakahawak sa braso niya.

Samantalang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa dibib ng binata.

Naiilang man, hindi na lang niya pinansin ang posisyon nila.

Nakikita niyang may halos sampung lalake sa harapan ng kanyang lolo at may mga dalang mahahabang baril.

Nakaupo ang isang matanda na kausap ni don Jaime at kilala niya kung sino 'yon.

"Congressman, palalagpasin ko ito sa ngayon pero kapag naulit pa ito, makakaasa kang ilalaglag kita sa darating na eleksyon!"

"Hindi na mauulit don Jaime, alam mo namang isa kayo sa mga inaasahan ko."

"Iyong bodyguard ng apo ko mabuti na lang mabait at hindi nagsampa ng reklamo, na ospital siya dahil sa kagagawan ng magaling mong anak congressman.

Mabuti na lang din at hindi napahamak ang apo ko dahil kung hindi uubusin ko ang lahi niyo!"

Katahimikan.

Isang pulitikong mambabatas ang kausap ni don Jaime subalit nagagawa nitong mapatahimik.

Hindi pulitiko ang kanyang abuelo ngunit dahil sa taglay na kapangyarihan ay napapasunod nito ang kahit sino.

"Patawarin niyo kami don Jaime. Nahihiya akong pumunta rito pero mas nahihiya akong hindi magpakita."

" Congressman, isa rin kayo sa mga inaasahan kong magpoprotekta sa kumpanya ko kaya nasa inyo ang suporta ko."

" Salamat don Jaime. Makakaasa kayo don Jaime, hinding-hindi na makakalapit ang anak ko sa apo ninyo."

"Siguraduhin mo lang congressman, pati na rin sa bodyguard ng apo ko, huwag na 'wag siyang makalapit!"

"Opo don Jaime, makakaasa kayong tutuparin ko ang pangako ko."

"Iyong eskandalong kagagawan ng anak mo, siguraduhin mong hindi madadamay ang apo ko."

"Kami ng bahala don Jaime, lilinisin namin 'yon ng tahimik."

"Alam ko ang utak ng pulitika congressman, kaya lang umaasa akong tapat ka sa'yong sinasabi at tutuparin mo ang pangako mong pag protekta sa kumpanya."

"Makakaasa kayo don Jaime, hinding-hindi kayo mabibigo sa oras na ako ang mananalo."

"Sige na, makakaalis na kayo."

"Maraming salamat don Jaime," tumayo na ang lalaki.

"Tayo na!" anito bago umalis.

Hinila at niyakap siya ng mahigpit ni Gian para makubli siya ng husto.

Nakikita nila ang mga kalalakihang gwardya ng congressman habang papalabas.

Kasunod ang congressman at sa tingin nila ay ang kanang kamay nito.

Napakalakas ng kaba ng kanyang dibdib.

Nang makaalis ang bisita ay saka sila lumabas.

Nauna siyang naglakad kasunod ang bodyguard niya.

" You're afraid"

" Ofcourse, ikaw ba hindi?"

"No "

" And why?"

" Because you're safe "

Tila hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata.

"Lolo, anong ginagawa ng congressman na 'yon dito?" tanong niya sabay halik sa pisngi ng matanda.

"Humihingi ng diskargo tungkol sa nangyari."

"Good evening sir," bati ng binata.

"Magandang gabi sa'yo Gian, kumusta ka na?"

"Mabuti na ho, salamat."

"Mabuti naman."

"Lolo, tinawagan niyo ba sila?"

"Hindi, pero nananahimik man ako alam nilang hindi ako natutuwa sa ginawa ng anak niya kaya siya na mismo ang nagpunta dito. Matalino 'yang si congressman Dela vega. Agad siyang humingi ng paumanhin dahil alam niyang kapag hindi niya 'yon ginawa bibitiwan ko siya."

"Salamat po lolo," anang dalaga at niyakap ang matanda.

"Sir, aalis na ho ako."

"Sandali lang Gian, pwede ba tayong mag-usap?"

Nagkatinginan sila ng gwardya.

"Sige po."

"Magkakape lang tayo sandali sa labas. Magpahinga ka na apo alam kong pagod ka."

"Yes lolo," anang dalaga bago umakyat sa kwarto.

Nang makaupo na sila matapos pagsilbihan ng katulong ng kape ay nagsalita ang matanda nang silang dalawa na lang.

"Gian, tatanungin kita, kilala mo ba ang mga Dela vega? May alam ka ba tungkol sa kanila?"

"Kahit papaano may alam ako sir."

"Talaga? Anong alam mo?"

"Bakit niyo ho naitanong don Jaime?"

Humigop ng kape ang matanda bago sumagot.

"Sa pulitika, walang permanenteng kaaway, pero wala ring permanenteng kaibigan."

Nagkatitigan sila dahil sa sinabi nito.

Parang alam na niya ang gustong ipahiwatig ng don.

"Gusto kong may hawak na alas laban kay congressman sakaling bumaliktad siya. Magagawa mo ba akong tulungan?"

Naiintindihan na ni Gian ang pinupunto ng matanda.

"Kaya ko ho sir."

"Good! Talagang maaasahan kita sa lahat ng pagkakataon Gian. Aasahan ko ang sinabi mo."

"Makakaasa kayo don Jaime"

Humigop siya ng kape.

Talagang makikipag cooperate siya sa amo para makaganti.

"Gian, iniisip mo bang gumanti sa ginawa nila?"

"Hindi ho don Jaime. Ayokong mag-alala ang inyong apo."

Tinapik-tapik ng matanda ang kanyang balikat.

"Nakikita ko sa'yo na ang lahat ay naaayon sa mga plano mo at bawat kilos at galaw mo ay kalkulado at sigurado. Hindi nga ako nagkamaling kunin ka para bantayan ang unica hija ko. Salamat sa'yo."

"Walang anuman ho don Jaime. Tungkulin ko pong pangalagaan ang inyong apo."

"Gano'n pa man, maayos ba ang trato sa'yo ni Ellah ha?"

"Maayos naman ho."

"Good! Pinagsabihan alam mo na matigas ang ulo at makulit, pagpasensiyahan mo na."

"Matalino ho at mahusay ang inyong apo don Jaime pagdating sa negosyo."

"Kaya nga hinahanapan ko na 'yan ng mapapangasawa para kahit papaano may katuwang siya."

Hindi umimik ang binata at panay ang higop niya sa kape.

"Ikaw Gian, may girlfriend ka ba?"

"Ho?" Tumuwid siya ng upo.

"Ah, wala ho akong girlfriend."

Hindi umimik ang matanda at humigop din ng kape.

Hindi rin siya umiimik, habang humihigop ng kape.

"Matanong kita Gian, may gusto ka ba sa apo ko?"

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.

"Ho?"

Sumandal ito sa upuan.

"May gusto ka ba kay Ellah?"

Tumikhim siya kahit kabado.

"Ha? Hindi ho, don Jaime."

"Mabuti naman hijo, ayokong magkagusto ka sa apo ko. Dahil ang pangarap ko para sa kanya ay isang lalaking may alam sa pagnenegosyo at ng sa gano'n, tiwala akong hindi niya pababayaan ang apo ko at ang kumpanya. She's my only treasure."

Hindi nakaimik ang binata.

Mapait ang kape subalit pakiramdam niya mas pumait pa ito ng husto!

Matagal ang katahimikan.

"O siya, gabi na pala, dito ka na maghapunan."

Tumayo siya. "Hindi na ho don Jaime."

"Bueno, sige, mag-iingat ka."

"S-salamat ho."

"Iyong hiling ko ha, huwag mong kalimutan."

Tumango siya at mabigat ang mga hakbang na lumabas.

Mariin siyang umiling. Kahit sabihin pang pulis siya, wala pa rin siyang binatbat pagdating sa isang don Jaime Lopez.

Tiningala niya ang malaking bahay at mapait na ngumiti.

"Balang araw makukuha ko rin ang pinakainiingatan mong yaman don Jaime. "