AMELIA HOMES...
Matapos maihatid si Ellah sa mansyon ay dumeretso ng uwi si Gian.
Habang sumisimsim ng wine ay iniisip niya ang nangyaring pag-uusap nila ng dalaga sa loob ng sasakyan nito habang nasa labas ng mansyon.
Hindi siya makapaniwala sa mga binabalak ni Ellah.
"Sabihin mo lahat sa lolo mo, kailangan niyang malaman 'to," kalmadong suhestyon niya matapos itong umiyak.
Inaasahan niyang tatango ang tagapagmana subalit sa kanyang pagkabigla ay umiling si Ellah at tumitig ng malalim sa kanya.
"No."
"A-ano?" tila nabingi siya sa narinig.
"Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol dito, hindi mo kilala ang lolo ko, kung ano ang kaya niyang gawin pagdating sa akin, kaya niyang pumatay."
"Kaya ko ring pumatay... para sa'yo."
Huminga ng malalim ang dalaga.
"Hindi ko sasabihin, alam kong malalaman niya rin, pero hindi mula sa akin at hindi rin mula sa'yo."
"Hindi ko maintindihan-"
"Oo, hindi nga," putol nito.
"So please leave it to me Gian. Maraming salamat sa pagligras pero, please respect my decision."
Iyon lang.
Iniwan siya nito na parang walang nangyari.
Ibinaba ni Gian ang baso sa mesa at sumandal sa sofa at ipinikit ang mga mata.
Masakit ang buong kalamnan niya at kailangan niya ng tamang tulog ngayong gabi.
Ngunit paano niya 'yon magagawa kung palaging sumasagi sa isipan niya ang babaeng 'yon?
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito sasabihin sa abuelo?
Natural lang na magalit ang matanda ngunit alam naman nito ang totoo.
Kailangan nitong malaman na ang unica hija nito ay nasa panganib!
---
LOPEZ MANSION...
Sina Ellah at don Jaime ay nasa terasa habang ang don ay sumisimsim ng kape.
Gustuhin man niyang magpahinga na ay ininteroga pa siya ng abuelo pag-uwi.
"So, how was your date my dear?"
Masayang ngumiti si Ellah at nagsimulang magsinungaling na tila natural lamang.
"So far, it's good grandpa, I mean he's gentleman and nice."
Tunay na ngumiti si don Jaime na para bang musika ito sa pandinig.
"Si Roman Delavega ay isang congressman, at ang anak niya ay isang business man, ang kumbinasyon ng kapangyarihan at impluwensiya ay hindi na masama. Siguro ang anak niya ang nakatakda mong mapangasawa. Hindi magtatagal, maaayos din namin ang ano mang hindi pagkakaintindihan.
Tikom ang bibig ni Ellah habang nakatitig ng mataman sa matanda na masayang ngumingiti.
" Ano sa tingin mo hija? Is he the husband that we wanted?"
"Soon grandpa."
Muling humigop ng kape si don Jaime at kuntentong tumango, ngunit may kakaiba siyang napansin sa mga blangkong titig nito sa kawalan.
Mariin siyang umiling.
Hindi nito malalaman ang tunay na nangyari dahil wala namang magsusumbong, ni hindi gagawin 'yon ng isang Xander Delavega!
---
DELAVEGA MANSION...
"DAD!"
Nagpupuyos sa galit ang isang Xander nang makauwi habang bitbit ang kalibre kwarenta 'y singkong baril sa kanang kamay.
Handa siyang barilin ang sinumang haharang sa kanyang daraanan!
Isang lalaking nasa mahigit sisenta ay kalmadong dinampot ang baso ng alak nang malamang dumating na ang anak.
"Senior, nandito na po si Xander ," imporma ng kanyang kanang-kamay.
Tahimik lamang si senior Roman.
Natagpuan ni Xander ang amang nakatayo sa terasa habang umiinom ng wine.
Lahat ng tauhan nito ay nakatayo sa gilid nito.
"How was your date son?" tanong ni senior Roman sa kalmadong tono, kahit pa tila papatay na ang itsura ni Xander.
Tinitigan ni Xander ang matanda.
"Do not act as if nothing happened dad! I am almost killed by the fucking bodyguard of that fucking woman!"
Umupo ang kanyang ama sa metal na upuan at hinawakan ang basong may alak saka uminom.
Ang inasta nito ay mas lalong nagpatindi ng kanyang galit na tila ba hindi apektado ang matandang ito sa kanyang ipinahayag!
"A bodyguard? Are you kidding me Xander?" tumawa si senior Roman ng patuya.
" Yes dad! That fucking bodyguard almost..."
"Xander," putol ni senior Roman na siyang nagpatahimik sa kanya.
"Alam ko ang gusto mo, pero hindi natin 'yan magagawa."
"DAD!"
"Tatakbo ako ngayong eleksyon Xander at wala kang karapatang mantsahan ang pangalan natin dahil lang sa walang katuturan mong pride! Kakausapin ko si
Jaime Lopez at tingnan kung ano ang magagawa ko."
Itinikom ni Xander ang bibig dahil alam niyang hindi siya mananaig laban sa ama.
Ang isang senior Roman Delavega ay isa sa pinakamakapangyarihang tao sa syudad, at kilala rin ito bilang " ambitious politician" na gagawin ang lahat makarating lang sa itaas.
Kasalukuyan itong kongresista na planong tatakbo bilang senador sa darating na halalan.
---
NATIONAL HIGHWAY...
Linggo ng gabi.
Makikipagtagpo na naman sa ibang lalake ang tagapagmana.
Sa pagkakataong ito ay may-ari ng isang hotel.
Kahit masakit pa ang kanyang katawan ay ginawa pa rin niya ang trabaho bilang gwardya.
"Hindi mo talaga sinabi sa lolo mo ang nangyari kagabi?" tanong niya habang nagmamaneho patungo sa tagpuan ng mga ito.
"Hindi, ayaw ko lang na mag-aalala pa siya."
"Paano kung mangyari ulit 'yon?"
Hindi na kumibo si Ellah.
"You should tell him."
"For what? It will just stress him out."
Hindi na muling nagsalita pa ang binata. Nakakaramdam na siya ng tila panlalamig ng buong katawan.
"Ayos ka lang ba kagabi? Pasensiya na kung nadamay ka pa."
Sinulyapan niya ito.
"Ayos lang ako. Ikaw ang inalala ko."
"I'm fine."
Hindi na kumibo si Gian habang nag-iisip kung bakit hindi man lang napabalita ang insidenteng nangyari kagabi.
"Hindi ko man lang narinig sa balita ang tungkol doon."
"Ganyan ka lakas ang kapangyarihan ng mga Delavega. Kaya nilang pagtakpan ang isang krimen."
Kung sakali ngang napabalita siguradong masisira ang pangalan ng mga ito. Kaya naman ginawa ng mga ito ang lahat upang mailihim ang naturang insidente.
Napaisip si Gian.
'Kung sakali bang namatay ako kagabi ganoon na lang 'yon?
Mamamatay ba akong walang nakakaalam dahil sa tindi ng kapangyarihan at impluwensiya na kayang maglihim ng katotohanan?'
"Siguro hindi na mauulit ang insidenteng iyon," basag ni Ellah sa katahimikan.
Bumuntong hininga ang binata.
"Ayos ka lang ba? Wala ka bang ibang nararamdaman?"
Umiling si Ellah.
"Sumasakit ang katawan ko at parang magkakasakit yata ako."
Bumagal ang kanyang pagmamaneho.
"Ano kaya kung ipagpapaliban mo na lang ito?"
"No. Magagalit si lolo."
Tumiim ang bagang ni Gian.
Hindi na nga maayos ang pakiramdam ng babaeng ito pero itinuloy pa rin ang pakikipag date sa kahit na sinong lalake.
"Pero kung ipinaalam mo ang nangyari kagabi tiyak hindi ka papayagan na makikipagtapo ng lalake sa pagkakataong ito."
"It's okay. I think it won't happen again."
"But you are sick!" bahagya ng tumaas ang boses niya.
"Wala ito, I can handle this than to disappoint my grandfather!" asik ni Ellah.
Itinikom ni Gian ang bibig hanggang sa makarating sila.
Inalala lang naman niya kapakanan nito.
Inihatid niya ang ladyboss sa loob ng restaurant sa isang VIP room.
Nakita niya ang isang lalake at ang masasabi niya lang ay napakaswerte nito.
May itsura na mayaman pa!
"Hi! Thank you for coming," ngumiti ang lalake at pinaghila ng upuan ang dalaga.
"Hello," umupo naman si Ellah.
"Sa labas lang ako," ani Gian at umalis.
"Sure" tugon ni at hinarap ang lalake.
Nasa labas pa rin ng VIP room si Gian.
Base sa nakita niya kanina, sigurado siyang hindi na muling masasaktan ang tagapagmana.
Sumandal ang binata sa dingding at humugot ng malalim na paghinga.
"Mabuti naman dumating ka."
Dinig ni Gian ang sinabi ng lalake.
"What?"
"I am thankful that my time is not waisted upon waiting for on almost one hour."
"I, I'm sorry, as a matter of fact, I am sick, but I still want to come."
"What? Then we must postpone this date. Your health is much more important than this. We can meet some other time."
Umigting ang panga ni Gian at mariing ipinikit ang mga mata.
Wala siyang intensyong makinig sa usapan ngunit nanghihina ang kanyang mga tuhod sa narinig.
'Ang lalaking gaya nito ang karapat-dapat sa kanya, hindi ang kagaya ko.'
Tuluyan siyang umalis at tinungo ang sasakyan nang makaramdam ng tila mainit ang katawan.
Hinaplos niya ang noo at leeg bago kinumpirma ang isang bagay.
May sakit siya.
Subalit hindi niya ininda at iniisip pa rin ang tagapagmana.
'Matapos ng nangyaring insidente dahil sa pakikipagtagpo sa kahit kaninong lalake, heto na naman ang babaeng iyon! Parang hindi man lang na trauma at parang sanay sa gyera!'
Isinandal niya ang ulo sa upuan.
Naalala niya ang barilang naganap kagabi.
Naisip niyang kaya nga niyang ibuwis ang buhay para sa dalaga.
Hindi niya matatanggap na mapahamak ito habang nasa kanyang mga kamay.
Subalit nasaan ito ngayon? Masayang nakikipagtagpo sa ibang lalake.
"Tangna namang buhay 'to!" naiinis na mura ni Gian.
Panay ang sulyap niya sa labas ng restaurant.
Bumuga ng hangin ang binata.
Masakit ang kanyang katawan dahil sa natamong bugbog. Ngunit mas masakit ngayon ang nararamdaman niya.
Muli niyang sinulyapan ang restaurant.
Tiningnan niya ang orasan sa kotse.
Alas otso y medya na ibig sabihin mag-iisang oras na subalit hindi pa rin lumalabas ang dalawa.
Kung bakit kasi tila ba napakabagal ng oras gayong naiinip na siya sa kakahintay.
Kung kailan ka nagmamadali ay siya namang bagal ng oras.
Maya-maya pa lumabas ang mga ito kaya ganoon na lang ang kanyang tuwa.
Ngunit ang saya na 'yon ay dagli ring naglaho nang mapansin niya ang isang bagay.
Magkahawak-kamay ang dalawa.
Biglang sumakit ang kanyang mga mata sa nakita.
Ipinikit niya ang mga mata nang makitang hinalikan ng lalaki sa pisngi ang amo malapit sa labi nito.
Umahon ang galit sa kanyang dibdib at animo gusto na niyang gibain ang pagmumukha ng kahalikan nito.
Ngunit, wala siya sa posisyon para makialam sa relasyon ng kanyang amo, tauhan lang siya.
Isang hamak na tauhan!
Pagkuwan ay pagak na natawa ang binata hindi makapaniwala sa kanyang ikinikilos.
"Ano bang nangyayari sa akin?"
Tauhan lang naman talaga siya, walang kinalaman sa buhay pag-ibig ng amo.
Nang malapit na ang dalaga sa kotse ay inayos niya ang sarili.
At walang imik na pinagbuksan ito ng pinto.
Wala ring imik na pumasok ang dalaga.
Walang imik na nagmaneho siya palabas.
Nasa daan na sila pero nanatiling walang umiimik sa kanila.
Humugot ng malalim na paghinga si Gian bago nagsalita.
"Saan po tayo?" tipid niyang tanong.
"Uuwi na" tipid din nitong sagot.
Wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang dalawa.
Pakiramdam ng binata napakahaba ng gabi, sinulyapan niya ang dalaga, nasa labas ito ng bintana nakatingin. Itinutok niya ang paningin sa daan.
"Bakit napakatahimik mo na naman ano bang nangyayari sa'yo?"
Hindi siya umimik.
Nakapagtatakang wala ito sa mood habang kanina lang may kahalikan.
"Ano ba? Magsalita ka, sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo bigla ka nalang mananahimik diyan."
Muli, hindi siya nagsalita.
Mas lumala yata ang panlalamig na nararamdaman niya kaya hininaan niya ang aircon.
Marahas na huminga ng malalim si Ellah.
"Gian ano ba! Sumagot ka!" sigaw na ni Ellah.
"Wala!"
Hindi na rin ito nagsalita.
Mahaba pa ang byahe ngunit nakakabingi ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Ihinto mo diyan sa tabi ng pharmacy."
Sinunod niya ang utos nito.
Lumabas ang dalaga at saglit lang may dala na itong gamot.
"Hindi mo siguro napapansin pero may sugat ka sa gilid ng labi mo."
Nilagyan nito ng gamot ang bulak.
Napahinto ang binata nang maipit sila sa traffic.
"Lumapit ka dito."
Tama naman ito ang mga mababaw na sugat lang ay hindi na niya pinapansin pa.
"Okay lang ako, hindi pa ako mamamatay nito."
"Kahit na, gamutin mo 'yan!"
Kinuha niya ang bulak at inilagay sa gilid ng kanyang labi.
"Hindi mo nalagyan ng husto."
Lumapit ang dalaga at kinabig ang kanyang mukha paharap dito. Agad nitong nilagyan ng gamot ang gilid ng labi niya at pagkatapos nilagyan ng plaster.
Nagtagpo ang kanilang paningin ngunit sabay silang nag-iwasan.
Tama lang dahil paalis na rin sila doon.
Hanggang sa nakarating sila ng tirahan wala silang imikan.
Pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga.
Bumaba ito ng walang lingon-likod.
---
BAR CODE...
Dumeretso si Gian sa bar.
Mapait man ang likidong gumuguhit sa kanyang lalamunan ngunit mas mapait pa rin ang kanyang nararamdaman.
Nilulunod niya ang sarili sa inumin upang kahit paano mabawasan ang sakit na kanyang nararanasan.
Nagmumukha na siyang gago sa pinagagawa ngunit hindi niya mapigilan.
Tumatawang tinutungga niya ang alak na tatak black label. Hindi makapaniwalang nakakaramdam siya ng ganitong sakit sa nangyari kanina.
Siguro kaya siya nagkakaganito dahil hindi niya matanggap na siya itong nagpapakasakit, magbubuwis ng buhay ngunit hindi man lang pinahahalagahan ng babaeng 'yon.
Nakalimutan na ang ginawa niyang pagligtas dito at ngayon ay masaya na.
Alam niyang umeepekto na ang likido sa kanya subalit wala siyang pakialam!
Nang makaramdam ng antok ay nahiga siya sa sofa.
"Sir, gising na po, kayo na lang ang natira dito eh, magsasara na ho kami madaling araw na," niyugyog siya ng mga ito.
"Uunnnggg"
Kinuha ng mga 'yon ang kanyang cellphone.
Wala na siyang pakialam sa sobrang antok.
"Tol, pakihanap nga ng number na pwedeng matawagan at tumulong dito."
"O heto pare, boss ang nakalagay, tiyak lalake kaya madadala siya nito."
"Tama sige tawagan mo na."
Maya-maya ay nagbalik ang mga ito.
"Sir, gising may susundo na sa'yo."
"Sino ba 'yan? Ikaw ba 'yan Vince?" tanong niya habang nakapikit.
Mabigat ang kanyang pakiramdam at nahihilo siya sa tindi ng sakit ng ulo.
Subalit hindi umimik ang tinatanong niya at pinagtulungan siyang alalayan makalabas.
Naramdaman niyang nasa loob na sila ng kotse.
"Vince pare, hindi ko na yata kaya, aalis na ako.
Masakit na eh, masakit ng makita na may iba siyang kinakatagpo.
Masakit ng ihatid siya sa kung sino-sinong lalake.
Para akong sasabog, pero wala akong magawa dahil utos 'yon ni don Jaime."
Huminga siya ng malalim.
"Pero kahit gano'n, kaya ko palang itaya ang buhay ko para sa babaeng 'yon pare. Akala ko hindi na kami makakaligtas.
Pare buti na lang dahil kung hindi, baka pinaglalamayan mo na ako ngayon.
Pare masakit palang isipin na kahit sa huling hininga mo ang ililigtas mong tao ay walang pagpapahalaga sa'yo.
Pare, hindi ko na alam ang gagawin ko."
Katahimikan.
"Ang sakit pare, hindi ako 'to eh, hindi naman ako nasasaktan nang dahil lang sa babae.
Alam mo, kahit na masama ang pakiramdam ko ay hindi ko pa rin kayang tumanggi pagdating sa kanya. Kasi trabaho ko na protektahan siya paano kung biglang may mananakit na naman? Paano kung masaktan na naman siya at wala ako? Pero tama pa ba itong ginagawa ko pare? Tama pa ba na ako naman ang nasasaktan?"
Kuyom ang isang kamay niya at ipinukpok sa sariling dibdib.
"Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko? Bakit hindi niya nakikita? Dahil ba sa isa lang akong hamak na gwardya? Iniisip niya siguro na trabaho ko naman talaga ang bantayan siya. Aminado naman akong hanggang doon lang ako. Ako lang itong gago na lumagpas sa limitasyon. Wala siyang alam pare, wala siyang alam na habang masaya siya nasasaktan ako. Tulungan mo ako pare, ayoko ng ganito, ayokong nasasaktan ako. Tulungan mo ako na makalimutan siya."
Humugot ng malalim na paghinga ang binata kasabay ng pagkarinig ng mahinang hikbi ng isang babae kaya awtomatikong kumabog ang dibdib niya.
"Sino 'yan?" Kabadong tanong niya at pilit ibinubuka ang mga mata.
Sigurado siyang babae ang tinig na 'yon!