Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 57 - Chapter 56: A Different Version of Her

Chapter 57 - Chapter 56: A Different Version of Her

IYA

Pinagmasdan ko ang loob ng silid na pinagdalhan sa akin. Mas malaki pa ang hospital room ko kesa dito. Mas mas malaki rin ang refrigerator na nasa loob ng hospital room ko. Nakakunot ang noo na lumapit ako sa ref saka iyon binuksan.

Wala man lang prutas. Puro mabeberdeng gulay lang ang nakikita ko. Sandwich na may lettuce. Lettuce. Lettuce. Steamed spinach. Ampalaya with egg. Monggo with ampalaya leaves.

Teka nga, kailan pa nadala dito ang mga damong 'to? Mukha ba akong kambing o baka sa paningin nila. Inis na isinarado ko ng malakas ang ref. Pakialam ko naman kung masira, wala namang kwenta ang laman!

Nakahalukipkip na tumingin ako sa labas. Alas singko na ng hapon ng ihatid ako ni Ivan sa gate ng mga del Rosario. Tiningnan ko ang relong suot ko. Alas siete na ng gabi. Hindi pa naman ako inaantok. Saka hindi rin naman ako nagugutom dahil marami akong kinain sa ospital kanina. Mas mabuti siguro kung kalkalin ko na muna ang mga gamit ko dito.

Sinimulan kong halungkatin ang mga notebook ko. Binasa ko lahat ng mga pwede kong basahin. Ang closet, lahat ng mga damit hinalughog ko. Ang banyo, lahat ng mga sabon at shampoo inamoy ko. Ewan ko ba. Parang syunga lang. Nakita ko kase sa tv doon sa ospital na inaamoy nung magagandang babae ang mga sabon at shampoo nila sa loob ng banyo eh. Buti na lang okay naman ang mga amoy nitong mga ginagamit ko.

Hinalughog ko ang buong kwarto. Pati ilalim ng kutson. Nakita ko rin kase sa tv na pwedeng pagtaguan ang ilalim ng kutson ng mga kung anu-ano. Marami nga akong nakita doon. ATM card, isang manipis na notebook. Isang set ng gel ballpen. At isang litrato. Sa larawan ay may matandang babae at lalaki.May kasama silang batang babae at may buhat-buhat silang sanggol.

Wala sa loob na hinaplos ko ang larawan. A warmed feeling suddenly embrace me. Habang nakatitig ako sa mukha ng matanda, hindi ko alam kung bakit pero biglang-bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot. Parang miss na miss ko s'ya. At habang nakatitig ako sa malawak n'yang ngiti na halos magpasingkit sa nga mata n'ya... hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang nag-alpasan ang masaganang luha mula sa mga mata ko.

'Sino ang matandang 'to? Bakit pakiramdam ko napaka-importante n'ya sa akin?'

Kinuha ko ang atm, notebook at picture saka iyon inilagay sa bag na nakita ko. Muli kong tiningnan ang relo. Mag-aalas dose na ng gabi. Ang tagal ko pa lang naghalungkat. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Tsk. Nakakainis naman. Bakit kase puro weeds ang laman ng ref?!

Ivan! Ginugutom nila ako dito! I cry without tears upon remembering his handsome face.

Wait...

Dali-dali akong lumabas sa balkonahe ng kwarto ko at totoo nga ang sinabi ni boyfriend! May malaking sanga nga ng puno na nag-uugnay sa balkonahe ng kwarto ko patungo sa isa sa mga bintana ng kabilang mansyon.

Dala-dala ang backpack ay dali-dali akong sumampa sa pasamano ng balkonahe saka walang kahirap-hirap na naglambitin sa matabang sanga ng puno. Smooth lang ang paglalakad ko. Parang naglalakad lang sa ilalim ng buwan. Nang marating ko ang bintana kung saan malapit ang sanga ay walang paa-paalam na binuksan ko iyon at tila pusang tumalon papasok sa loob ng kwarto.

Madilim sa loob. Tahimik.

Ipinikit at iminulat ko ang mga mata ko na para bang sa paarang iyon ay masasanay ang paningin ko sa dilim. Walang kaingay-ingay ang ginawa kong pag-landing kaya siguro hindi nagising si Ivan. Iyon ay kung natutulog na s'ya.

Wait, tulog na ba s'ya?

Nang medyo masanay ang mga mata ko sa dilim ay may nakita akong anino. May mahabang buhok!

Babae?

Pero bakit parang may hinahanap s'ya? Nanakawan n'ya ba si Ivan? O baka naman gustong pagsamantalahan ng babaeng 'to ang boyfriend ko? Aba, hindi n'ya yata alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'off limits' ah. Hindi n'ya ba alam na AKO ang girlfriend?

Hmp! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya saka walang sabi-sabing hinaklit ko ang buhok n'ya.

"Paano ka nakapasok dito? Anong ginagawa mo sa kwarto ni boyfriend?!" gigil na hinila-hila ko ang buhok n'ya.

"Ouch! Let go of me evil woman! Eduardo! Edmond! Edward!"

Ni hindi pa ako kumukurap ay bigla na lang bumukas ang mga ilaw. Tumambad sa harapan ko ang isang napaka-gwapong nilalang na may mahabang buhok. Ngek! Hindi pala s'ya babae.

Dahan-dahan akong napaatras.

Maling kwarto ba ang napasukan ko? Bakit wala dito ang mas gwapo kong boyfriend?

"What are you doing here?" Nakataas ang kilay na tanong ng gwapong lalaking may mahabang buhok. Hinilot-hilot n'ya ang ulo n'ya dahil nasaktan siguro sa bonggang pagsabunot ko. Eh sino ba kaseng may sabi na magpahaba s'ya ng buhok?

Sabagay, wala namang batas na nagbabawal sa mga lalaking magpahaba ng buhok.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan. Kwarto 'to ni Boyfriend. Bakit ikaw ang nandito eh hindi naman kita boyfriend?!" Ganting pagtataray ko. Oh bakit, s'ya lang marunong?

Tinuruan din kaya ako nung mga bidang babae na napapanuod ko sa tv 'no.

Tiningnan ko ang mga gwapong lalaki na nagtakbuhan din papasok sa kwarto. Pero wala sa kanila ang nagmamay-ari ng mas gwapong mukha ng boyfriend ko. Ang gwapo kaya nun. Cold s'ya pero pagdating sa akin, ngumingiti. Heh. Sa akin lang 'yun ngumingiti.

Asan na ba 'yun?

Inilibot ko sa buong kwarto ang paningin ko pero wala talaga akong nakitang boyfriend ko.

"Saan n'yo dinala ang boyfriend ko?"

"Ah...Boss Mam.."

"Mam..."

"Naliligo po si Boss."

Saktong natapos magsalita ang isa sa mga gwapong kuya ng biglang bumukas ang isa sa mga pintuan. Iniluwa noon si Ivan na nakatapis lang ng tuwalya sa lower part ng katawan n'ya.

Hindi ko mapigilang mapatulala. Ang gwapo-gwapo pala ng abs ng boyfriend ko? He walk gracefully, an aura of a noble Prince emitting from his body. Well, panis 'yung mga bidang leading man na nakita kong hubad baro sa tv kung ikukumpara sa well-built na pangangatawan ni boyfriend. Hindi naman maskulado ang dating ng katawan n'ya, saktong-sakto lang 'yun para mapahiya ang salitang 'sexy' kung bibigyan iyon ng definition. Partida, sixteen pa lang 'yan. Nangingislap ang mga mata ko habang nakatitig sa katawan n'ya--este sa kanya. Sa kanya lang. Napatingin lang talaga ako sa katawan n'ya.

He's tall, fair--dahil hindi naman s'ya maitim--sexy and excessively handsome!

"You're drooling." mahinang anas ni Ivan na kaagad nakapagsuot ng malaking bath robe.

Tsk. Saan nanggaling ang makapal na bathrobe na 'yan? Isang malaking sagabal sa magandang tanawing pinagmamasdan ko. Pero dahil ayoko namang masabihan na manyakis ako, itinikom ko na lang ang bibig ko saka inirapan si Ivan.

"Akala ko kase pagkain ka. Gutom na gutom na kaya ako. Puro damo 'yung nakalagay dun sa ref nila dun oh." Inginuso ko pa ang kwarto na pinanggalingan ko.

"Hindi ka pa kumakain?"

"Hindi pa."

Naramdaman ko ang biglang pagbaba ng temperatura sa paligid. Kaagad akong lumapit sa kanya para amuin. Kung magalit naman parang isang dekada akong ginutom doon sa kabila.

"Magluluto ako. Anong pwedeng lutuin sa kusina n'yo?"

"Hindi ka magluluto, o-order tayo ng kakainin mo."

Napakagat labi ako dahil sa sinabi n'ya. Nakapa-domineering aba. Saan pa s'ya mambubulabog ng ganitong oras. Mag-aala-una na kaya ng madaling araw.

"Kapag di mo ko pinagluto, uuwi na lang ako." Sagot ko sa kanya saka pumihit pabalik sa bintanang pinanggalingan ko. Akmang aakyat na ako ng may mga bisig na kaagad pumulupot sa bewang ko.

"Okay, okay. I'll help you cook." Sumusukong wika n'ya saka ako ibinaba.

Ngumiti ako ng malawak saka s'ya iginiya palabas sa kwarto n'ya.

DUKE

She became so docile and easy going after those multiple brain operations, huh. I don't know if I should be happy or worried dahil sa pagbabago ng ugali ni Magtanggol.

Pero mas mabuti naman iyon kesa natigok s'ya. Of all people, kami lang sa bahay na ito ang nakakita kung gaano kalaki ang naging epekto kay Iker ng kidnapping na nangyari sa babae n'ya. Walang araw na hindi sinisisi ni Iker ang sarili n'ya. Walang araw rin na hindi n'ya tinu-torture ang mga taong naging sanhi ng pagkaka-ospital ni Iya.

Maging ang mga guardians ni Iker ay napauwi sa bansang ito dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya.

So having a different version of her is much more better than having her dead. Dahil siguradong hindi lang pagto-torture sa mga taong kumidnap kay Iya ang mangyayari. Something much more terrifying might happen.  I shake those ugly thoughts out of my head.

Kailangan pa rin naming magtago. Our strength is not enough compare sa mga grupong inupahan para hunting-in kami.