Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 58 - Chapter 57: Where He Came From

Chapter 58 - Chapter 57: Where He Came From

IYA

Nang matapos kaming kumain ay muli kaming bumalik sa kwarto ni Ivan. Sabi sa isang librong nabasa ko, bawal daw magsama sa iisang silid ang babae at lalaki dahil may mga bagay daw na hindi dapat mangyari ang nangyayari.

"Okay lang ba talaga na andito ako?" for the tenth time ay tinanong ko si Ivan na nauunang maglakad papasok sa kwarto n'ya. Naupo s'ya sa tapat ng study table saka kumuha ng makapal na libro.

"May nagbabawal ba sa'yo?" seryoso n'yang tanong. "Now lie down and sleep." blangko ang ekspresyon ng mukha n'ya habang nagsasalita.

I pout. Ano kaya kung akitin 'ko 'to?

Joke lang syempre. Baka mabato ako ng hawak n'yang libro eh, delikado. Hindi lang siguro tatlong buwan akong mako-comatose noon.

"Kakakain ko lang pahihigain mo na ako." And because I feel so alive and energetic, humila ako ng isang upuan at naupo sa tabi n'ya. "Anong binabasa mo?"

Wala naman talaga akong balak magbasa. Kaya lang nakakainis. Bakit parang mas naaakit pa s'ya sa libro kesa sa akin. Ihiniga ko ang kanang pisngi ko sa mamahaling kahoy na lamesa saka pasimpleng binuklat ang cover ng librong binabasa n'ya.

The Eight Continent and It's Origin.

The Eight Continent? Ayun sa nabasa kong Readers Digest sa ospital, isang alamat lang daw ang pang walong kontinente. Pero may mga taong nagki-claim na nag-i-exist ang nasabing continent. Itong librong binabasa ni Ivan na mukhang mas matanda pa sa kanunu-nunuan ng Pinas... isang librong pang-alamat din ba?

Pero...

Baki parang authentic naman ang libro? History Book ba 'to? Mukang sinauna ang pagkakagawa dahil sinaunang mga titik ang nasa book cover.

"Bakit ang seryoso mo naman d'yan? Mas mahal mo ba 'yan kesa sa akin?" pangungulit ko pa. Not minding the book and It's origin anymore. Ano namang mapapala ko sa binabasa n'ya diba?

Saglit s'yang huminto sa pagbabasa at sumulyap sa akin. My little heart skip a beat ng makita ko ang side profile n'ya. Bakit mas gwapo yata s'ya kapag naka-side view?

"Are you familiar with the Empire of Daire?"

Empire of Daire?

"You mean the Old Empire who ruled the whole Continent of Tetrad State before ? It's just a fairy tale, Ivan." seryoso kong wika. Nabasa ko rin ang tungkol sa empire of Daire sa readers digest. Nakita n'ya nga akong binabasa 'yun eh.

Ayon sa pagkakatanda ko sa nabasa ko, maraming dekada na ang nakalipas mula ng matapos ang pamumuno ng mga Daire. Ang mga sinaunang tao noon ay tinatawag ang sarili nila bilang mga Dairians. Before, there are five noble clan na sumusuporta sa emperyo. They are Ainsworth Clan, Deighton Clan, Tattersall Clan, Eastauffe Clan and Huxley Clan. Hanggang sa magtaksil ang isa sa kanila. The Tattersall massacre all the royal family. From infants to old. They burn down the whole palace leaving no trace behind. At mula sa pinagsunugan ng Daire Palace ay itinayo ang Tattersall Palace---claiming all the lands.

Hindi nagustuhan nang apat na angkan ang ginawa ng mga Tattersall kaya naman nagkaroon sila ng kani-kanilang kuro-kuro na nauwi sa pagtatalo hanggang sa nagkawatak-watak sila at mas pinili na lang na bumuo ng sari-sarili nilang bansa. While the Tattersall clan, Deighton clan, Ainsworth and Huxley clan create their own empire, the Eastauffe remained loyal sa lumang Emperyo. Kaya ang lumang Emperyo na mag-isang namumuno noon sa Kontinente ng Tetrad State, ay tuluyan na ngang nahati sa apat.

They now call it The Empire of Tattersall on the North, The Empire of Deighton on the East, The Empire of Ainsworth on the West and the Empire of Huxley on the South.

Base lang naman ang lahat ng iyan lumang-lumang reader's digest na nabasa ko nga sa ospital. And since I love reading history---na hindi ko alam kung bakit---na-hook ako kaagad sa kwento. Sinubukan ko pang maghanap ng iba pang topics na related doon pero wala na akong makita.

"Do you know that there's a rumor na gusto nilang ibalik ang Daire Empire?" tanong ni Ivan na wala na namang kaemo-emosyon ang mukha.

Napakunot-noo ako. Eh ano namang pakialam ko kung gusto nilang ibalik ang emperyo na 'yun? Alamat nga lang 'yun diba? 'Tong boypren ko na 'to, jino-joke time yata ako.

"Paano naman nila gagawin 'yun eh diba wala namang natira sa royal family?" Pagsakay ko na lang. Syempre, dahil nabasa ko na lahat ng related topics sa history na 'yun even though it does not exist, 'di syempre masasakyan ko mga trip ni Ivan diba?

Mula ng mabuo ang mundo, there are only seven continents namely: Africa, Europe, Asia, North America, South America, Australia (or Oceania), Antarctica and the supposed to be Eight continent ay ang kontinente ng Tetrad State. Ayon pa sa alamat, nasa likurang bahagi ng Europe at Asia ang Kontinente ng Tetrad State.

"May isang nakaligtas sa tulong ng kanang kamay ng emperador, the Eastauffe Clan,"

"Weh? Sabi ba d'yan sa librong binabasa mo?" curious na tanong ko. Bakit hindi ko yata nabasa dun sa binabasa ko? Kainis. Nabitin kaya ako doon. Tapos naghanap din ako sa internet, wala din ako mahanap online.

"No. Someone told me."

Napasimangot ako. Ang yabang naman. So anong gusto n'yang palabasin? Na ka-close n'ya ang taong lumikha ng kwento about sa Eight Continent?

"Hmp! Bakit n'ya naman ikukwento sa'yo 'yun?!" Nakairap kong tanong. Kakainis. Bakit s'ya lang ang pinagkukwentuhan?

"Hulaan mo." Nakangisi n'yang wika.

Bigla kong nakalimutan na naiinis nga pala ako sa kanya dahil sa ginawa n'yang pagngisi. Bakit kahit anong gawin n'ya sa mukha n'ya, ang gwapo-gwapo n'ya pa rin? Ngumisi lang s'ya partida...para na akong tinamaan ng granada. Kaloka. Mabilis akong nag-iwas ng paningin. Nag-iinit ang magkabila kong tenga.

"Hmm?"

Anong 'hmm'?

"Bakit 'hmm'?" Naguguluhan kong tanong. Naguguluhan na din ako. Ano nga ulit ang pinag-uusapan namin? Dahil sa pagngisi n'ya nakalimutan ko eh. Huhu. Nasaan naman ang hustisya doon?

"What do you think? Why would that someone tell me about the last Daire?"

"Aba malay ko naman. Simpleng mamamayan lang naman ako ng Bansang Pilipinas. Bakit naman ako magkakaroon ng interes na malaman ang tungkol sa bagay na 'yun? It's not like its real anyway.

"You're now my girl so you have every right to know every thing about it."

Gusto ko ng ipadyak ang mga paa ko. Eh ano kung girlfriend n'ya ako? Hindi ko pa rin makita ang logic kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol sa bagay na 'yun.

"Are you not curious?" He's still smiling lopsidedly at me. And it's distracting me to the bones! Bakit ba ang gwapo-gwapo n'ya? Nakakasilaw na super nakaka-distract pa.

"Bakit nga ba n'ya sinabi sa'yo?" para lang matapos na ay tanong ko.

Tiningnan ko si Ivan. Nakatingin din s'ya sa akin and he's smiling sadly and mysteriously.

"Because I'm the last Daire alive."sabi n'ya sa seryoso at malamig n'yang boses.

Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ipagpapalagay ko na lang na nagj-joke lang s'ya. Isang kakaiba at maaksyong joke.Kase, paano naman s'ya naging isang Dairian Prince kung pinatay na nga lahat diba? Hindi naman sa hindi ako naaawa doon sa mga royal blood na walang habas na pinagpapatay, pero... ISA NGANG ALAMAT ang LAHAT! Hello?! Gusto ba ulit ng lalaking 'to na ma-comatose ako? Susme, pinagtatrabaho n'ya ang mga braincells ko na dapat ay pinagpapahinga n'ya!

"Duke's ancestor flee from the burning palace carrying on his arm....my infant ancestor."

Huh?

"Weh?" gusto ko na tuloy isipin na hindi ako belong sa daigdig na ito. Na isa talaga akong terrestrial being. Na kamag-anak ako ni Mariang Makiling. O pwede rin namang malayong kamag-anak ni Mariang Sinukuan.

"We're came from the Empire of Tattersall. Nang malaman nila ang tungkol sa akin, walang araw na hindi sila nagpapadala ng mga assasins na papatay sa aming dalawa ni Duke."

hinilot-hilot ko ang sentido ko. Hindi ko kinikeri ang mga impormasyong ipinapasok ni Ivan sa ulo ko ngayon. Gustong-gusto ko na ngang maniwala na nag-i-exist ang pangwalong kontinente eh. Sa sobrang paniniwala ko, gusto na ring sumabog ng ulo ko. Pramis!

"Totoo?" hindi talaga ako naniniwala. C'mon dude, It's just a myth. A freaking myth! Bakit parang totoong totoo ang mga lumalabas sa bibig ni Ivan?

"Why would I lie to my future queen?" nakangiti n'yang tanong.

Natulala na naman ako ng makita ang ngiti n'yang yun. It's so dazzling muntik ko nang makalimutan kung sino na naman ako.

Ngumiwi ako sa kanya.

"Who wants to be your queen? I don't want to be a queen." Nakasimangot kong wika.

Kaagad na natigilan si Ivan sa sinabi ko. Hindi siguro inaasahan ang sinabi ko sa kanya.

"Why?"

"Ang dami-dami kayang ginagawa ng queen. I just want to stay at home taking care of my husband and children," pagdedeklara while puffing up my chest. Hump! Who wants to be a queen?

"I'll be a queen but in my own home. I don't want an empire to take care of," since carried away na carried away din naman s'ya about sa Continent of Tetrad State, eh di kakarerin ko rin ang pag-ayaw ko sa posisyong inaalok n'ya.

"That's also a nice idea," mahinang wika ni Ivan na tila ba pinag-iisipang mabuti ang sinabi ko.

Nagkibit na lang ako ng balikat.