IYA
Maaga akong nagising kinabukasan. Pasimple akong sumilip sa bintana para tingnan kung gising na ba si Ivan. Nakabukas ang bintana sa kwarto n'ya. Binuksan n'ya ba iyon o hindi na n'ya sinarhan mula ng pumasok ako doon? Alas singko pa lang ng umaga. Sinilip ko ulit ang ref sa loob ng silid. Wala pa ring pagbabago. Puro damo pa rin ang laman noon. Sa school na lang siguro ako kakain. Siguro naman may mga pagkain sila doon diba?
Nagmamadali na akong nagtungo sa banyo. After thirty minutes ay palabas na ako sa silid. Hindi na ako naghanap ng kung sino ng lumabas ako sa maids quarters. Para bang alam ng katawan ko kung saan pupunta. Kaya lang ng makalabas ako, naalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ako nag-aaral. Shems! Saan ba ako pumapasok? Huminga ako ng malalim saka lumingon sa malaking mansyon ng mga del Rosario. Magtatanong ba ako sa biological mother ko? Kaya lang yamot na yamot s'ya sa akin. Parang gusto na nga akong sakmalin kahapon. Napailing na lang ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pamomroblema ng may humintong school bus sa harapan ko. May nakasulat na Allejo de Ayala Academy sa labas ng kulay dilaw na mini-bus.
"Maria Delaila Magtanggol."
Huh?
Bakit naman parang sure na sure si kuya na ako 'yung tinatawag n'ya sa paraan ng pagtitig n'ya? Eh ako nga hindi sigurado kung ako ba 'yung tinatawag n'ya eh. Tahimik na tiningnan ko ang suot-suot kong school id at nang masigurong ako nga ang tinawag ng driver ay kaagad na akong sumakay sa bus. Ang sosyal. May ganito pala ang school na pinapasukan ko? Astiiiig!
Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami sa school. At dahil maaga pa, tahimik pa sa buong campus. May mangilan-ngilang mga estudyante na pero hindi ko mahagilap ang apat kong mga kaibigan. Nagtext ako sa kanila kagabi ah. Hindi kaya nila na-recieve?
"Hey! " napaigtad ako ng may kung sinong bigla na lang yumakap sa may likuran ko. Nang lingunin ko 'yun, it's Yana kasama ang tatlo pang nagagagandahang mga dyosa.
"Akala ko wala pa kayo eh. " sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Pwede ba 'yun, eh di binugbog kami ng boyfriend mo kapag nagkataon. " nakangising wika ni Josefa na ikinainit ng magkabila kong pisngi pagkaalala sa nangyari kagabi. To make up for his not so funny 'joke', binasahan n'ya ako ng children's story hanggang sa makatulog ako. Ni hindi ko na namalayan ang oras at kung anong oras ba s'ya umuwi kagabi.
"Hayy, hindi talaga ako makapaniwala na kayong dalawa na nga. " dagdag pa ni Josefa.
"Bakit? " hindi ko mapigilang itanong.
Talaga namang dinamdam ko iyong sinabi ni Ivan kagabi na ako daw ang nag-suggest na maging kami. Na parang ako lang 'yung may gusto sa kanya. So walang ligawang nangyari? Hindi n'ya ako niligawan? Walang pa-chocolate at pa-flower?
"Syempre masyado kang upright noon. Ayaw mong masasabihan ka ng hindi maganda dahil sa pagkakaroon n'yo ng relasyon na dalawa. Itinatanggi mo pa ngang may relasyon kayo eh." Ani Josefa ulit.
Ha? Bakit naman ako ganoon? Ikinakahiya ko ba si Iker? Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko s'ya. Mahal na mahal kaya bakit ako matatakot ma-inlove sa kanya? Not unless, isa talaga s'yang royalty. Aba, ibang usapan na 'yun.
"Nagugutom na ako guys." Pag-iiba ko na lang ng usapan. Baka maghapon akong hindi makapag-concentrate kung ke aga-aga ay si Ivan na kaagad ang iisipin ko.
"Tara muna sa canteen. Maaga pa naman at isa pa hindi ka pa nakakarating doon sa bagong tayong canteen. Pwedeng ng kumain mga taga junior high at senior high ng sabay doon. Malay mo, makita natin ang love of your life doon." Nanunukso ang boses na wika ni Yana.
Habang naglalakad kami, napansin kong si Yana at Josefa lang ang palaging nagsasalita. Talaga bang ganito katahimik itong sina Sue at Ces? Hindi naman ganito si Ces noong dinadalaw ako sa ospital. Maraming pagkakataon noon na nagsi-share din s'ya ng mga kwento. Tumatawa at palagi n'yang sinasaway sina Yana at Sue kapag sumusobra na sila sa kaingayan. Nahawa na ba s'ya kay Sue?
"Oo nga pala, paano ka nakarating dito sa school? Hinatid ka ni jowabels?"
Pinagtaasan ko ng kilay si Josefa.
"Duh. Eh di sa school bus."
Mulagat na napahinto sa paglalakad sina Yana at Josefa. Namimilog ang mga matang tiningnan nila ako ng may pag-uusisa.
"What? Bakit para kayong mangangain ng buhay sa paraan ng pagtitig na ginagawa n'yo?"
"Girl, ang Allejo Academy at Allejo Senior High ay walang 'school bus'."
"Mula ng itatag ang dalawang paaralan. Hindi sila nag-provide ng kahit na anong means of transportation sa mga estudyante."
Pinagtaasan ko ng kilay ang dalawa. So anong sinasabi nila, imaginary bus 'yung sinakyan ko kanina? Nagtatanong ang mga matang sumulyap ako kay Ces at Yana na parehong tumango.
"Eh ano ang sinakyan ko kanina?" pambihira. Parang sasabog na naman ang ulo ko dahil sa mga naririnig ko sa mga babaeng 'to.
"It's a school bus exclusively for the future Madam de Ayala. Grabe ah. Dinaig mo pa ang prinsesa kung tratuhin ka ni Iker. Yieee. Kenekeleg aketch," Josefa wiggle his butt na medyo masakit na sa paningin.
Wala pang masyadong tao ng dumating kami sa canteen. Inorder ko lahat ng sa tingin ko ay masasarap saka inabot ang atm na nakita ko sa ilalim ng kutson kagabi. Pinatingnan ko iyon kay Ivan at nakita nilang may laman pa iyon.
"Oo nga pala, mamayang lunch break samahan mo kami sa pagbisita sa negosyo natin ah. Pwede tayo lumabas ng school mamaya." Pabulong na wika ni Josefa.
"Negosyo natin? Anong negosyo natin?" Nababahala kong tanong. Sa bata ng mga edad namin, anong negosyo ang kaya naming gawin?
"Basta mamaya na."
"Nagbebenta ba tayo ng mga epektus? Ouch!" napaigik na lang ako ng maramdaman kong may sumabunot sa may kahabaan ko ng buhok.
"Umayos ka ha. Hindi tayo mga drug dealer! Magtatrabaho tayo ng marangal!"
Nakangiwing hinilot-hilot ko ang anit ko saka tiningnan ang apat. Paano namang hindi ako magdududa. Itong si Josefa, hindi naman mukhang marangal at mukhang gagawa ng marangal. Itong si Yana mukhang hindi rin gagawa ng marangal dahil para s'yang kontrabida sa tv na halos mangitim na ang mga mata dahil sa wagas na wagas n'yang eye liner na black. Itong si Sue, wala...hindi s'ya mapapansin dahil baka mapagkamalan lang s'yang hangin sa sobrang tahimik n'ya. Si Ces...? Sa ganda at alindog na taglay n'ya, baka mapagkamalan s'yang enchantress so medyo hindi rin s'ya nalalapit sa salitang 'marangal'.
"Ano? Ba't ganyan ka makatingin? Aba, paano ba inoperahan ng mga doktor ang utak mo? Bakit naging ganyan ka na?" Nai-stress na tanong ni Josefa.
"Anong ganito ako? Anong mali?"
"You're too honest. You're too brutal with your words. And at the same time kinililabutan ako sa pagiging mabait at mahinahon mo. Nami-miss ko na ang pagka-bayolente mo. I want our old Iya back."
Hala! Ano na namang bang pinagsasasabi ng manok na 'to?
Tsk.
Nilagpasan ko na lang silang apat. Mas uunahin ko pa ba silang intindihin eh pagod na pagod na ako? Naghanap ako ng bakanteng table na malapit sa may pintuan. Hindi ko na sila pinansin ng magtungo ako doon at magsimulang kumain.
Wala silang ibang choice kundi ang sundan ako. Doon kami nag-stay hanggang sa abutin kami ng alas-siete ng umaga. Nagdadatingan na ang ibang mga estudyante, kasama na ang sikat na grupo ni Ivan na pinagtitinginan ng lahat.
At dahil nasa may pintuan lang ang pwesto namin. Kitang-kita ko ang boyfriend kong ang gwapo-gwapo sa suot n'yang school uniform. Kahit naman yata basahan ang isuot n'ya hindi na mababawasan ang kagwapuhan at karismang taglay n'ya.
"Are you done?" Kaagad n'yang tanong sa akin ng makalapit. Hindi ko napansin ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.
Halos lumuwa ang mga mata nila ng kumuha ng isang bakanteng monoblock si Ivan at tila prinsipeng naupo doon ng mailagay ang upuan sa tabi ng inuupuan ko.
Dug. Dug. Dug.
Halos wala akong ibang marinig dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit para namang hindi pa ako sanay sa presensya n'ya? Palagi na lang akong nakakaramdam ng excitement at kaba sa tuwing makikita ko s'ya.
"Wait for me."
Bakit ko s'ya iintayin?
Tumayo si Ivan at kaagad namang sumunod ang mga alepores n'ya. Pumila sila sa unahan para maka-order ng kakainin. Sa takot ng ibang makasabay sa kanila, nagpulasan ang mga nauna na sa linya.
I found the situation unfair. Pupunta na sana sa unahan sila Ivan nung kaagad ko s'yang hilahin paalis sa kinatatayuan n'ya.
"Uy kayo. Nauna kayo sa pila hindi ba? Bakit kayo umalis?" Nagtataka kong tanong sa mga estudyanteng umalis sa pwesto nila.
Noong nasa ospital pa lang ay nalaman ko na na sina Ivan ang may-ari ng paaralang pinapasukan namin. Pero magkagayunman, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para sa lahat na lang ng pagkakataon ay mag give way ang mga tao sa kanya.
"What are you doing?"
Pinamewangan ko si Ivan saka pinagtaasan ng kilay.
"Nauna sila sa pila. Tigil-tigilan mo 'yang pagpapalabas ng aurang nakakatakot dahil sa halip na pumila sila ng maayos, naglalayasan sila sa takot." Itinuro ko pa ang mga estudyanteng akala mo ay basang sisiw na nasa isang tabi lang ng canteen.
"I'm born with it so how do I remove this so called aura?" Naa-amuse na tanong ni Ivan sa akin.
Natigilan ako. Paano nga ba?
Inirapan ko na lang s'ya dahil sa totoo lang hindi ko naman kung paano sasagutin ang tanong n'ya.
"Basta, sumunod ka sa linya. Huwag kang nang-aagaw ng pila," sabi ko na lang. Kaagad na tiningnan ni Ivan ang mga estudyanteng umalis. Inutusan n'ya ang mga ito na bumalik na sa pwesto nila. Take note, inutusan. Ang lakas talaga eh.