AJ
Deym. Kasalanan ba naming maging ganito kagwapo kaya napapaatras ang ibang kalalakihan? Pero dahil si Boss Iker na mismo ang umatras at nag-utos na mabigyang daan ang mga nauna ng pumila kanina ay wala na rin akong nagawa kundi ang umatras.
"Sa susunod pumila ka ha. At saka kapag umalis sila, dapat ikaw ang nagsasabi na hindi sila dapat umaalis."
Nagyuko na lang ako ng ulo. Uwian na. May nanalo na. I know how much she weighed on Iker's heart. Kaya lahat ng sasabihin n'ya from this day onwards ay magsisilbing batas.
"Ang kapal naman ng mukha. Sino s'ya para pagsabihan ng ganyan si Iker?"
"Wow ha. Girlfriend ba s'ya?"
"Lakas."
Ramdam ko ang biglang paglamig ng paligid. Sa lahat pa naman ng pinaka-ayaw ni Iker ngayon ay ang kinukwestyon ang katayuan ni Iya sa buhay n'ya. Or kung ano ang papel nito sa buhay n'ya.
We all know na sinabihan n'ya si Iya na huwag sasabihin sa ibang tao ang 'relasyon' nila dahil magdadala lang iyon ng panganib sa babae n'ya. Ang tanong ko lang, mapanindigan naman kaya nito? Baka mamaya kagaya din s'ya ng ibang mga babae na ipapangalandakan sa iba ang status at katayuan sa buhay ng boyfriend n'ya?
"Ayan na tropa! Wala na sila. Pwede ka ng pumila!" Itinulak pa ni Iya si Iker papunta sa counter ng canteen.
The temperature of surrounding suddenly drop. Again. Sino ba namang matutuwa sa tawag na 'tropa'. Mula ng ma-ospital si Iya, noon lang namin nakita how possessive si Iker pagdating sa kanya. Tapos tatawagin lang s'yang 'tropa'. I really envy her guts.
"Why do you care about them?" Nakataas ang kilay na tanong ni Josiah. I don't know his/her real name. But I know almost everyone calls him that way. But of course there's a certain someone who love to give nicknames that's why some of them calls him/her 'Josefa'. With the way he or she looked, mas maganda pa s'ya sa apat na mga kaibigan n'ya. And I must say, kahit na sa number 1 beauty queen ng senior high ay mas maganda s'ya. Ni hindi s'ya mapagkakamalang bakla. Huwag lang magsasalita dahil hindi masyadong girly ang boses n'ya although it's still sound mellow and nice.
"Bakit hindi. Every opinion matters." Seryosong sagot ni Iya.
"It doesn't."
Lumayo na ako sa kanila para makakuha na ng makakain. Ayoko nang makinig sa kanila. Hindi bagay sa kagwapuhang taglay ko. Baka mamaya sabihin pa ng ibang nakakakita na tsismoso ako.
"When your inlove. Nothing matters. As long as you love each other. Wala ng pake ang iba."
Kahit na hindi ko naman talaga sana gustong marinig ang pinag-uusapan nila...wala eh, I'm born with a sharp pair of ears. Minsan nga ang sakit na sa tenga.
"Then how are you going to improve as an individual if we don't take their thoughts into consideration?"
Napatingala na lang ako sa kisame habang pinakikinggan ang pag-uusap ng magkakaibigan. She really changed!
Ilang turnilyo kaya ng utak n'ya ang inalis ng mga doktor? Masyado s'yang mabait na minsan nakakapanibago. She look like an innocent bunny that others could easily bullied. Sabagay, there's Iker behind her. Who dares to mess with his girl?
YANA
Huminga na lang ako ng malalim. Alam ko naman na hindi lang ako ang nakakapansin sa malaking pagbabago sa katauhan ni Iya. Everyone of us are trying our very best to cope up with her.
Alam ko naman na hindi namin dapat sinisisi ang naging operasyon n'ya. If not because of that, she could have been vegetable for the rest of her life. So it's better to have her this way that forever lose someone like her. Hindi talaga ako palakaibigang tao, imbes makipagkaibigan, mas gusto kong makipagnegosasyon. That way both parties can benefit. Masyadong hassle yang pagkakaroon ng kaibigan. You just don't talk to them, as time goes by, you have to also invest your feelings, your time, your concern, and of course... your love. Sino bang tao ang hindi nag-iinvest ng pagmamahal sa kaibigan diba? You love them and considered them as your family. To me, Josefa, Ces, Sue and Iya had already become my family.
"Okay, okay. Let's eat fast. May ipapakita pa kami sa'yo remember?" tanong ko.
"Uhm!"
"Yeah."
Si Josefa at Sue ay parehong sumang-ayon. Mapwera kay Ces na nahawa na yata kay Sue. Mag-iisang buwan na s'yang ganyan. Parang wala sa sarili. Palaging lutang. Kapag kakausapin o tayanungin, ang tanging isasagot lang ay 'ha?' 'Uhh?'. Minsan gusto ko na s'yang kutusan. Hindi ko alam kung anong problema n'ya. Sabagay, wala sa aming nakakaalam dahil kahit sila Sue at Josefa ng tanungin ko ay wala ring maisagot. Ibig sabihin, sinosolo n'ya ang mga pinagdadaanan n'ya.
"Saan tayo pupunta? Magrerepack ba tayo ng mga epektus?" Pabulong na tanong ni Iya.
Isa pa 'to eh. Ansarap din nitong kutusan tas ihagis sa outer space. San ba nito napupulot ang mga lumalabas sa bibig nito?
"Pasmado ba bibig mo? Gusto mong ibabad ko 'yan sa maligamgam na tubig na may asin?" Heck. Am I the only one thinking straight now?
"Grabe naman. Pasmado kaagad. Teka lang, intayin na natin si tropa. Kawawa naman walang kasabay kumain eh."
My mouth twitch. Anong walang kasabay? Anong palagay n'ya kila Hanabishi? Hangin?
"Do you think I'm an idiot?" tanong ko nang hindi na ako makatiis. Masisiraan na yata ako ng bait dito kay Iya. She look at de Ayala like a lovestruck fool! Our previous Iya was nothing like this! Arrrgh! She's hurting my eyes. She and that damn de Ayala are hurting my eyes!
"Pleaaase." Nag-puppy eyes pa s'ya na never n'yang ginawa noon.
Her gesture made my world upside down. Feeling ko, nag-iiba na ang paningin ko sa mundo.
I massage the place between my eyebrows. My head is throbbing with pain. Nakaka-stress pala kapag wala sa sarili ang mga kaibigan mo.
"Okay, okay. I give up. Stop giving me that look. Kinikilabutan ako." mahina kong anas habang hinihimas ang magkabila kong braso na pinagtayuan yata ng balahibo. Ang malalala pa, balbunin ako kaya naman kitang-kita kong nagtayuan ang mga balahibo ko.
"You're the best Yanabelle!"
Ugh. Bakit hindi n'ya makalimutan ang pagbibigay ng nakakakilabot ding palayaw? Nanahimik na lang ako dahil baka mamaya, kung ano na naman ang marinig ko dito kay Iya. Sana magkaroon ng milagro at bumalik na s'ya sa dati. Ang hirap n'yang sabayan. Pakiramdam ko talaga, luluha na ako ng dugo anumang oras.