Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 64 - Chapter 63: The Other Woman

Chapter 64 - Chapter 63: The Other Woman

YANA

Dahil nagpasya na si Ces na mauuna na siyang umuwi, mabilis na nag-offer si Sue na sasabayan s'ya dahil nag-aalala ito. Kami naman ni Josefa ay nag-aalala din para kay Iya kaya naman napagdesisyunan namin na ihatid s'ya sa Hidden Detective Club nila de Ayala. Alam naman namin na doon s'ya sasabay sa pag-uwi.

Bali-balita na sa buong campus ang ginawang pag-kompronta ni Flaire kay de Ayala. And I don't trust that witch. Kabilin-bilinan ng mga doktor ng kaibigan namin na dapat maingatan lalo-lalo na ang head injury ni Iya. Hindi pa s'ya lubusang magaling at nag-aalala kami na baka may gawing hindi maganda sa kanya si Flaire Adams. Mas mabuti na yung nag-iingat kami. After Iya's kidnapping, hindi na namin s'ya pinababayaang magpunta sa isang lugar ng nag-iisa.

Kumatok sa pintuan si Josefa nang makarating kami sa building kung nasaan ang Hidden Detective Club nila de Ayala. I'm wondering before kung saan ko narinig ang pangalang 'yun ng grupo. Sila pala ang sikat na sikat na high school detectives na mostly ay mga high school and college students ang mga kliyente. Hindi lang sa City X kilala ang magandang serbisyo nila, maging sa mga karatig city din.

Bumukas ang pintuan pero nakakunot-noo ang lalaking nagbukas mula sa loob noong makita n'ya kami. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. Subukan n'yang magreklamo at malalaman n'ya kung paano ako magbalibag ng lalaking sumisimangot sa harapan ko.

"Asan si de Ayala?" tanong ko.

Tinitigan n'ya ako ng matagal. Pagkuwan ay tumingin s'ya sa mga kasama ko.

"They're doing something," hindi na s'ya tumingin sa akin. Binuksan n'ya ng malaki ang pintuan. Mabilis akong pumasok habang hila-hila sa kamay si Iya.

"Oh, hi Skyler. I'm Josiah. Single ka ba ngayon?"

Huminto ako sa paglalakad saka lumingon sa binabaeng nakahanap na naman ng bagong putahe. This flirt! Ni hindi pumipili ng lugar. Kung saan-saan na lang nagkakalat.

"Hindi ka aayos?" nagbabantang tanong ko kay Josefa.

The flirt just rolled her eyes. This flirt doesn't want us to use 'him and his' when referring to her. We must use 'she and her' dahil kapag hindi iyon ang ginamit namin, aish, maghapong nakasimangot, nag-i-inarte masyado. Aside sa pagiging malandi, masyado pa s'yang demanding.

Tiningnan ko s'ya ng may pagbabanta kaya naman dumistansya na s'ya sa lalaking tinawag niyang Skyler. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang lalaki. Gwapo ito kahit na may suot-suot na salamin. Aish. Basta talaga may muscle ang braso type na type ng baklang 'to eh. Makakatikim na talaga ng sapak sa'ken 'to kapag hindi pa 'to umayos.

"Nandito tayo para ihatid lang si Iya ha, hindi para landiin mo ang mga tao dito,"

" Ang taray-taray naman eh. Ikaw na ang pumalit kay Ces. Mas malala ka pa, you're like our nanay. Nakakainis na. " nagmamaktol na sambit ng bakla.  I rolled my eyes at her.

" Where's your Ivan na?" Si Iya naman ang binalingan ko. Nakangiti lang s'ya habang nakatingin sa bangayan namin ni Josefa.

Heck.

I miss the old her. Really.

"I think nasa office n'ya," sagot n'ya sa akin na nagniningning ang mga mata.

Napailing na lang ako. Kung dati ay itinatago n'ya sa amin ang nararamdaman n'ya kay de Ayala, ngayon, tingin n'ya pa lang nakikita ko na kung gaano kaimportante sa puso n'ya ang mokong na 'yun. Dinaig pa ng mga mata n'ya ang bituin sa kalangitan sa pagt-twinkle.

I shrugged my shoulders. Whatever.

Kahit na ang sakit pa sa mata ng ginagawa nilang pagtititigan at minsan pa ay parang timang itong si Iya habang ngumingiting mag-isa, as long as it makes her happy, lulunukin ko na lang siguro ang pangangasim na nararamdaman ko.

Ganito siguro talaga kapag single ano?you will look at a happy couple like they're some sort of idiot pair human beings. Tinginan pa lang nila mapapangiwi na ako at napapaisip, 'will I be like this too?' No way!

I still wanted to be the handsome me when I fall inlove.

Anyway, I can cleary see that Iker is serious about our Iya. Subukan n'ya lang lumandi kagaya ng ginagawa nitong malantod na baklang nasa tabi ko, pasasabugan ko talaga s'ya ng granada sa pagmumuka n'ya.

Tch. Because of this flirt, kung anu-anong mga salita na tuloy ang natututunan namin.

Napahinto ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang pumasok kami sa isang silid. Ni hindi kumatok si Iya ng pihitin n'ya pabukas ang pintuan. Lakas ah. Malaki talaga ang tiwala n'ya na hindi s'ya babatuhin ng kung anuman ng mga taong nasa loob ano? Hindi n'ya ba alam na entering without permission is a bit bastos?

Huminga ako ng malalim. Mapapakamot na lang talaga ako sa ulo. Parang kaming dalawa na lang ni Sue ang matino sa grupo. Kahit si Ces na dating maasahan namin, ngayon ay may sariling mundo na rin. Is she broken hearted? Ni hindi namin s'ya makausap ng matagal. Wala rin s'yang kagana-ganang sumagot kapag tinatanong namin s'ya. Para ngang mas gusto n'ya pang tumambay sa banyo kesa sumama sa amin.

"So what do I do?" Narinig kong tanong ni Hanabishi. Seryoso ang boses n'ya kaya naman alam ko ng nasa kalagitnaan sila ng meeting.

Gusto ko sanang hilahin na muna palabas si Iya pero narinig ko ang pagsinghap ni Josefa. Nakataas ang kilay na tiningnan ko s'ya. Naglalaway na naman siguro 'to dahil sa mga lalaking nandito. Sarap n'yang tirisin eh.

"Umayos ka--

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dalhin tinakpan  ni Josefa ang bibig ko gamit ang isang palad n'ya. And using that hand, iniikot n'ya ang ulo ko paharap sa tatlong naglalakihang screen.

W-what?

Am I having hallucinations?

Tama pa ba ang nakikita ng mga mata ko?

Kung hindi ako nagkakamali, si Ces ang nasa screen. Halos lahat ng mga larawang naroon ay may mukha ni Ces. At sa lahat ng mga larawan, may kasama siyang matandang lalaki na kung hindi nakahalik sa mukha n'ya, ay nakahawak sa maseselang parte ng katawan n'ya.

"That old scum? Anong ginawa n'ya kay Ces?" Halos sumabog ang retina ko dahil sa mga hindi kanais-nais na pictures. At bakit nila tinitingnan ang mga larawang 'yan ni Ces? "What are you doing? Are you spying on us?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay de Ayala.

Wala ba siyang tiwala sa amin kaya isa-isa n'ya kaming pinaiimbestigahan? For them to get that kind of information from Ces, alam ko ng hindi sila sumikat dahil lang sa mayayaman sila, kundi dahil may kakayanan at resources talaga sila.

After Ces sinong kasunod? Ako? Si bakla? Or si Sue?

"Yung isang kliyente namin, anak ni Mr. Mendrez. She wanted to know kung sino ang itinatagong kabit ng ama n'ya. At base sa imbestigasyon namin, it's your friend Ces."

"What?!" Halos sabay-sabay naming bulalas na tatlo. Anong kabit? Si Celeste...kabit? Kabit s'ya nung sinasabi niyang boyfriend n'ya? Kaya ba kahit kailan hindi n'ya kami maipakilala sa lalaking 'yun? At kapag pumupunta kami sa bahay niya, palaging walang ibang tao kundi s'ya lang?

"She never told us about that."

"She will never tell that." sagot ko kay Josefa. Sinong tanga ba ang magk-kwento kahit na sa kaibigan mo pa na isa kang dakilang kabit?

Pero bago pa kami maka-recover sa kaalamang 'kabit' ang kaibigan namin, may isang bomba na namang ibinagsak sa harapan namin ang isa sa mga kasama ni de Ayala.

"She's pregnant. Seven and a half months,"

"W-what?!" halos manlambot ang mga tuhod ko dahil sa kaalamang 'yun. Buntis si Ces? Pero sa liit ng tiyan n'ya na parang naka-extra rice lang...seven and a half months na 'yun?

"Kaya ba ang tahimik n'ya this past few months?" nag-aalalang tanong ni Josefa.

Napapansin n'ya rin pala 'yun. Akala ko ako lang ang nakakapansin.

"Hindi kaya alam ni Sue ang tungkol d'yan? This past few days din palagi n'yang sinasamahan si Ces." Curious na wika ni Iya. "Sino ba 'yang matandang 'yan? Looking at her photos, hindi naman s'ya mukhang masaya. She's only sixteen," mahinang dagdag pa ni Iya na mahigpit ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

"He is her dad's former secretary," sagot ni Iker na tumayo mula sa kinauupuan n'ya.

"We learned that she's the victim here. That old man blackmail her," sagot ng isang nasa harapan ng laptop. May mga binabasa itong reports.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Noon pa mang napabalitang nag-file ng bankruptcy ang kompanya nila, alam ko ng may mali. Kilala ang pamilya nila Celeste sa pag-i-import and export ng mga de-kalidad na textile products. There's also something wrong about her parents accident two years ago. They were on the top of importing and exporting the best textile products.

"So hindi talaga na-bankcrupt ang CL Textile Incorporated? Isang malaking kompanya 'yun, paano sila na-bankcrupt just after Celeste's parents death?" tanong ko saka tiningnan si de Ayala.

"What do we do?" nag-aalalang tanong ni Josefa. "We have to help her,"

"If we want to help Ces... We must get the help of his mother," turo ko kay Hanabishi.

"My mom?" tanong nito sabay turo sa sarili n'ya.

"Yup. The Asia's Ironlady. Wala pang naipapatalong kaso ang lawyer mong nanay. I'm one if her fan," I said honestly.

Natahimik si Hanabishi. Tinapik tapik n'ya ang babasaging lamesa gamit ang pilot ballpen na hawak n'ya.

"Should I talk to her?" Tanong ni de Ayala na ikinagulat ko. Alam ko namang wala s'yang pakialam kay Ces. At mas lalong wala s'yang pakialam sa kung anumang mangyari sa kaibigan namin. But I know he's doing this for Iya's sake.

"Nah, I'll talk to her," ani Hanabishi. "Give me her files Ryle," baling n'ya sa lalaking nakaharap sa isang laptop. S'ya 'yung nagsabi kanina na biktima lang si Ces ng mga pangyayari.

"Okay. I-print ko lang," kaagad naman itong tumayo saka inayos ang printer.

Ilang minuto lang ay inabot na nito ang isang folder na naglalaman ng files kat Hanabishi.

"I suggest na bantayan n'yong mabuti ang kaibigan n'yo. Ilang tao na ang tinawagan n'ya to have an abortion,"

The heck?!

This guy loves to throw bombs ha?!