Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 65 - Chapter 64: The Over Protective Yana

Chapter 65 - Chapter 64: The Over Protective Yana

THIRD PERSON

"Uwi na tayo?" tanong ng nanlalatang si Josea kay Yana. Dahil sa mga samu't-saring pangyayari at rebelasyon ng araw na iyon, pagod na pagod ang pakiramdam n'ya. Gusto n'ya munang umuwi, pumikit kahit sandali lang at baka pagkagising n'ya ay may maisip naman s'yang nakaka-lift up ng mood.

"Wait,"

Pagod na tiningnan ni Josea si Yana na para bang sinasabi ng mga mata n'yang 'ano na naman? I'm so freaking tired can we please take a break?'

"I need your help," seryosong sabi ni Yana saka lumapit sa tatlong lalaki na nasa harapan ng mga keyboard at naglalakihang computer screens. Ni hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang tinging ipinupukol ni Josiah sa kanya." I will pay for your service," dagdag n'ya pang sabi ng makitang nagkatinginan ang tatlong computer genius.

" What do you want?" si Iker ang nagtanong.

Palabas na sana sila ng silid pero kaagad na huminto sa paglalakad si Iya nang marinig ang 'wait' ni Yana. Kaya naman s'ya na mismo ang nagtanong kay Yana kung ano ba ang kailangan nito.

"I want you to shutdown the Students NewsPortal." Yana said seriously.

"What?"

"Are you serious?" magkasabay na tanong ng dalawang binata na kasalukuyang nag-hihintay lang ng go signal ni Iker. Tahimik lang si Sky habang pinapanuod ang mga pangyayari.

"What happened, Yana!"

"Are you out of your wits, ghorl?" magkasabay rin na tanong ni Iya at Josiah. Usually, hindi naman ganito si Yana na parang nawawalan ng composure.

"May nag-post ng picture ni Ces kasama si Mr. Mendrez." Simpleng sabi n'ya kay Iya at Josea na ikinatigil ng dalawa. Para silang napako sa konatatayuan nila. "I also want you to track down the person behind this post. That coward bitch. Gusto kong malaman kung bakit parang ayaw n'ya na yatang mabuhay," nakangising dagdag pa ni Yana.

It's her first time making friends. At kahit na sabihin pa ng madla na isang kabit si Ces na ngayon ay kanyang kaibigan, hinding-hindi n'ya tatalikuran ang pagkakaibigan nila. Not unless, ayaw nitong tumigil sa ganoong uri ng gawain. Pero sabi nga ng mga tao dito sa Hidden Detective Club...ang kaibigan nila ang biktima, kaya mas lalong dapat nila itong tulungan.

"Anong sinasabi mo?

"Patingin?" Halos sabay pa na lumapit sila Iya at Josiah kay Yana na nakakuyom ang kamao habang hawak-hawak ang mamahalin n'yang cellphone. Halos makita na ang mga ugat sa kamay ng dalaga sa sobrang pagkakahawak doon.

Kinuha nila mula sa kamay nito ang cellphone at tiningnan kung gaano ba kalala ang larawan ni Ces na nakita nito doon para ipa-shutdown nito ang NewsPortal na matagal ng ginagamit ng mga estudyante sa Allejo de Ayala.

At muntik na nilang mailaglag sa sahig ang cellphone ng makita ang naka-post doon.

"Erase that website NOW," bago pa matapos basahin ni Iya ang nasa phone ni Yana ay kaagad na iyong nakita ni Iker kaya naman lumabas sa bibig ng binata ang utos na 'yun.

Mabilis na kumilos si Sky. Sa boses pa lang ni Iker alam n'ya ng may nabasa itong hindi maganda. Dahil kung wala naman, bakit nito ipapabura ang website na sila mismo ang gumawa para makapangalap ng impormasyon?Nagagamit nila ang Students NewsPortal sa ilang investigations nila. Mas madaling makakuha ng impormasyon sa mga kabataang walang ibang gustong gawin kundi ang magpasikat at magmagaling, o may sama ng loob at galit na hindi mailabas-labas na doon nila inilalabas sa website using anonymous account.

Parang lumulipad ang mga daliri ni Sky sa bawat keyboards. At bago pa may makakitang iba sa naturang post, nawala na sa mundong ibabaw ang website ng Allejo de Ayala Students NewsPortal.

"The trash section's ice queen is a mistress. Ang yabang-yabang mo, isa ka naman pa lang dakilang kabit. Siguro 'yang mga kaibigan mo kagaya mo ring mang-aagaw. Mga basura talaga!"

Nasa ibaba ng caption ang larawan ni Ces kasama ang may edad na lalaking nakita din nila sa mga computer screens kani-kanina lang.

"Who's behind that post?" Seryosong tanong ni Yana habang nakahalukipkip. Nakatitig siya kay Gig na hindi malaman kung paano sasabihin ang natuklasan.

Lumingon si Gig kay Yana, pagkatapos ay kay Iker.

"Bakit? Bakit s'ya nakatingin sa'yo?" Kinakabahang tanong ni Iya. Tinitigan n'ya sa mga mata si Iker. Alam n'yang may kakaiba sa tinging ibinibigay ni Gig sa boyfriend n'ya kaya naman bigla s'yang kinabahan.

Paano kung si Iker pala ang nag-post ng mga eskandong 'yun?

Paano na si Ces?

Paano na---

"Stop over thinking, stupid." Mahinang anas ni Iker sabay pitik sa ilong n'ya. ''Who is it?" baling naman ng binata sa kaibigan n'ya.

"Alam naman natin na walang gumagamit ng real account sa NewsPortal, kaya lang nung hinacked ko ang account nung nag-post, I've found out that she used Wella del Rosario's laptop. "

"Wella?" nakakunot-noong tanong ni Iya.

"There's two laptop na naka-register sa pangalan n'ya. Nasa iisang address lang," dagdag pa ni Gig.

"May ginagamit akong laptop sa room. Sabi nung matandang kasambahay kay Wella daw 'yun, ibinigay na lang s sakin kase pinaglumaan naman na. Dun ba nanggaling ang post? O sa bago niyang laptop? Pero hindi naman magkakilala si Wella at Ces diba?"

"It's Flaire." Duet na sagot ni Yana at Josea.

"Your ex?" Nakataas ang kilay na tanong ni Iya kay Iker na biglang nangunot ang noo.

"I don't even know her,"

"Bakit ba hiyang-hiya kang aminin na naging ex mo s'ya?"

"I don't even know her, okay?" Napu-frustrate ng sambit ni Iker na kulang na lang ay pandilatan si Iya.

"Okay, okay." Ex or not, he knows her or not, does it matter? Nagkibit-balikat na lang si Iya.

"Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako," paalam ni Yana sa mga kaibigan. " Can you commute?" Baling n'ya kay Josiah na biglang nanahimik.

"San ka pupunta?" Nag-aalalang hinawakan ni Iya sa braso si Yana. Kinakabahan s'ya sa expressionless na muka ni Yana. She's like a death god ready to take a life. Naninibago s'ya dito dahil hindi ngayon n'ya lang talaga ito nakita na parang galit na galit sa mundo.

"Walang sinumang pwedeng gumalaw sa mga kaibigan ko. At ang mga kaibigan ko, pamilya ko. So whoever hurts you, sa'yo, kay Sue, o sa lalaking 'to na mas babae pang kumilos at mas babae pa ang mukha kesa sa akin, o kay Ces, hindi ko kayo tatalikuran. Para saan pa ang impluwensya ng pamilya ko kung hindi ko 'yun pagkakaabalahang gamitin?" nakangising tanong ni Yana.

Hindi na nakaimik si Iya at Josiah na nasundan na lang ng tingin ang kaibigan. Nanghahapdi ang sulok ng mga mata nila. Parehong tila sasabog ang mga puso nila dahil sa labis na emosyon. Ni wala sa hinagap nila na sa kabila ng pagiging maangas ni Yana, napaka-thoughtful at loyal nitong kaibigan.

"Call Aj if you need help," ani Iker.

"No need. What's the use of my title if I can't kill a filthy cockroach?" tanong ni Yana na nangingibabaw ang self-confidence sa boses. Hindi na ito lumingon. Kumaway ito sa kanila habang nakatalikod.

"Title?" takang tanong ni Josea.

"The Mercenary Princess," sagot ng bagong dating na si Jaire.

Nagkatinginan sila Iya at Josea. Ang dami pa talaga nilang hindi alam sa isa't-isa. Ang pagkakakilala nila kay Yana ay isang gangster princess na lumaking kumakain sa gintong pinggan gamit ang mamahaling kutsara at tinidor na ginawa sa mga brilyante. And now malalaman nilang she came from a mercenary family? the fudge!