Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 66 - Chapter 65: You Have Us

Chapter 66 - Chapter 65: You Have Us

SUE

I know there's something wrong with Ces. Usually s'ya palagi ang nagpapaalala sa akin na kailangan kong kumain ng ganito, or dapat hindi ko palaging pinapairal ang pagiging mahiyain ko. Between us, she's always the ate. She always makes me feel safe whenever I'm with her.

Nagsimula ang pagbabago ni Ces noong maospital si Iya. Nakikita ko na pinipilit n'yang ipakita sa amin na ayos lang s'ya, na wala s'yang pinagdadaanan...pero noon pa man alam ko, may nagbago na sa kanya.

"Hatid na kita sa inyo," mahina kong sabi. Sa kanya lang ako hindi nauutal makipag-usap.

Pero unti-unti ko na ring naaalis ang pagkamahiyain ko sa harapan nila Josia, Iya at Yana. I'm so thankful with them. Itinuring pa rin nila akong kaibigan kahit na parang hangin lang ang kasama nila. Hindi kase talaga ako mahilig magsalita. Hindi ako sanay makihalu-bilo. Hindi ako sanay makisama kahit kanino. Mas gusto ko ang nagtatago sa likuran ng mga kuya ko at sa mga kaibigan nila---although hindi ko rin naman sila palaging kinakausap. Mas madala so, tumatango at umiiling lang ako kapag may itinatanong sila.

"Hindi na. Magc-commute na lang ako pag-uwi," malamig na sabi ni Ces.

Sanay na ako sa tono n'ya. Ganyan talaga s'ya makipag-usap. Cold. Pero deep inside, she's a warm person.

"Wala kang driver. It's okay, wala naman akong ibang lakad saka hindi magpapasundo sila kuya,"

Huminto sa paglalakad si Ces. Lumingon s'ya sa akin. Pagkatapos ay huminga s'ya ng malalim.

???

Bakit ganyan ang tingin n'ya?

Napipilitan lang ba s'ya sa suggestion ko? Huminga rin ako ng malalim dahil honestly, kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa ganitong attitude n'ya. Mas gusto ko 'yung nagtataray s'ya. 'yung diretcha n'yang sinasabi ang nararamdaman n'ya. Parang going with the flow na lang kase ang ginagawa n'ya ngayon.

It's making me sad.

And honestly, it's a bit frightening.

Tahimik kaming naglakad patungo sa mini van na binili nila mommy at daddy para sa akin. Galing kami sa convenience store dahil may binili s'ya. Hindi ko nakita kung ano. Ayaw n'ya akong pasamahin sa loob eh.

"Careful," sabi ko habang nasa likuran n'ya.

Hinintay ko s'yang maunang pumasok. Pero bago pa s'ya makapasok ay bigla na lang s'yang gumewang.

Halos sumabog ang ulo ko dahil sa pagkataranta nung saluhin ko s'ya.

???

What's happening?!

"M..ma..mang B-ben...! H-help!"

Huwaaahhhh!

What to do? What to do?

Nangangatal ang buong katawan na naupo ako sa tabi ni Ces.

"M-mang B-ben s-sa ospital!" kinakabahan, natatakot at natatarantang sabi ko na kaagad namang sinunod ni Mang Ben.

Kahit na sobrang nanginginig dahil s kaba at takot ang mga kamay ko, pinilit kong kunin ang cellphone sa bag ko. I call Yana. Pero walang sumasagot kaya naman si Josiah ang tinawagan ko.

Thankfully, he answered.

"S-si C-ces," I don't know kung naiintindihan ba ako ni Josiah. Parang kinakain na ng takot ang boses ko.

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko na parang gusto ng umalis ng puso ko sa dibdib ko.

["Speak properly, Sue. Anong meron kay Ces?"] Seryosong tanong ni Josiah mula sa kabilang linya.

"S-she fainted,"

["Wha---okay nasaan na kayo? Saang ospital mo s'ya dadalhin?]

"I-ite-itetext ko na l-lang s-sayo,"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Josiah. Pinatay ko na ang cellphone saka iniunan si Ces sa lap ko.

"S-sa pinakamalapit na o-ospital Mang Ben," I'm still stuttering pero pinilit kong patatagin ang boses ko. Ako lang ang kasama ni Ces ngayon. I should be brave.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang pinapakalma ang sarili ko. Pero sa mga sitwasyong ganito, gustong-gusto kong kumalma. Para makapag-isip ako at hindi palaging takot ang namamayani sa isip at puso ko.

****

City X Medical Hospital

"Kamusta si Ces?"

"Bakit ba s'ya nahimatay?"

Halos magkasabay pa na tanong ni Iya at Josiah na lakad-takbong lumalapit sa akin. Pakiramdam ko may mabigat na bagay na nawala sa dibdib ko noong makita ko sila. Sa wakas, dumating din sila.

"Huwaaa! T-thank y-you. T-thank y-you," pilit kong pinigilan na huwag maiyak pero sobrang nag-iinit na ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Kanina pa ako natataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Mabuti na lang at kasama ko si Mang Ben. Paano na lang kung hindi? Ano na lang ang gagawin ko?

Huhu.

Hindi talaga ako pwede sa mga ganitong sitwasyon. Pero para sa kaibigan ko, kailangan kong lakasan ang loob ko.

"It's fine. It's fine. We're here,"

Kaagad akong niyakap ni Iya. Tinapik naman ni Josiah ang balikat ko. "Sorry, medyo na-late kami," sabi pa ni Josiah.

"Sino ang pamilya ng pasyente?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng doctor na s'yang tumingin kay Ces.

"Kami po."

"Where's her parents?"

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Ang alam ko wala ng magulang si Ces.

"Her guardian?"

"A-ako po,"

Napatingin kaming lahat kay Mang Ben.

???

Kailan pa naging guardian ni Ces ang personal driver ko?

"..."

"Kamusta po ang pamangkin ko?" Magalang na tanong ni Mang Ben. Tinanguan n'ya lang ako habang lumalapit siya kay Dra. Nasa likuran n'ya si Iker de Ayala na nakapamulsa habang nakatingin kay Iya.

Ahh?

Hindi kaya alam na ni de Ayala na maghahanap ng guardian ang doctor kaya naman kinausap na n'ya ahead of time si Mang Ben?

Wow.

"Pagod lang po ang pasyente kaya s'ya nawalan ng malay. She's also stressed. Sir, na i-momonitor n'yo po ba ang mga kinakain n'ya dahil base sa check up namin kulang sa nutrients ang katawan ng pasyente?" Nakakunot-noong tanong pa ni Dra kay Mang Ben.

"And since she's pregnant, dalawa na silang naghahati sa mga nutrisyong nakukuha ng katawan n'ya. Low blood din s'ya at mukhang kulang na kulang sa tulog. Kumpleto po ba ng prenatal check up ang pamangkin n'yo Sir? Mahina po ang katawan niya. I suggest na paalagaan n'yo po s'ya sa isang OB-Gyne. "

W-what?

7 months pregnant???

"What?"

"Pregnant?"

"Mahina rin ang kapit ng bata. Ipainom n'yo po sa kanya ang gamot na nakalagay sa reseta. May instruction na po dun kung anong oras at kung ilang beses sa isang araw," seryosong wika pa ng doktor bago nagpaalam sa amin.

Para akong nauubusan ng lakas dahil sa natuklasan namin. Buntis si Ces? Pero, hindi naman 'yun halata sa tiyan n'ya. Para lang s'yang naka-extra rice.

Seven months???

"Anong gagawin natin?"

"Gising na po ang pasyente,"

Bago pa kami makasagot sa tanong ni Josiah ay lumabas na mula sa silid ni Ces ang isang nurse.

Nagkatinginan kaming tatlo. Pare-pareho kaming ayaw pumasok sa loob. Paano naman namin kakausapin si Ces? Paano namin sasabihin sa kanya ang mga narinig namin sa doktor? Alam n'ya ba na buntis s'ya? Kase kahit saang banda namin tingnan, hindi namin nakita sa kanya na kumilos s'ya as buntis.

"Sino po si Miss Sue? Hinahanap po kayo ng pasyente,"

"..."

"Let's go," hinawakan ni Josiah ang isang kamay ko pagkatapos ay hinawakan n'ya naman sa isang kamay n'ya si Iya. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob.

Nakatulala lang si Ces habang nakahiga. Wala akong mabanaag na kahit anong emosyon sa maganda n'yang mukha. Unti-unti s'yang lumingon nung marinig n'ya ang pagbukas ng pintuan.

"Anong nangyari sa'ken?" Ces asked with a blank expression.

"..."

Huminga na naman ako ng malalim. Ang sakit sa dibdib na makita s'yang ganyan. Na alam naman namin na may pinagdadaanan s'ya pero ayaw n'yang sabihin.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong n'ya. She's so cold. Para kaming nasa North Pole dahil sa pagiging cold ni Ces.

"Y-you f-fainted," sabi kong nauutal.

"You're fine. Sabi ng doktor healthy daw si baby." Ani Iya.

Lumapit s'ya kay Ces saka sinuklay ng kamay n'ya ang buhok nito.

"What? Healthy? Baby?"

Tumango kaming tatlo.

Nanlalaki ang mga matang yumuko si Ces at tiningnan ng masama ang tiyan n'ya na sa sobrang liit ay hindi mapagkakamalang seven months. Hindi kaya nagkamali lang ang doctor? Seven months ba talaga? Hindi kaya nagkamali lang kami ng rinig? Baka naman seven weeks lang talaga?

"Hah! Haha. Buntis nga ako? I thought I'm just imagining things," seryosonh sabi ni Ces na para bang inaasahan niya talaga ang tungkol sa bagay na iyon.

???

Tumatawa si Ces habang namumula ang kanyang mga mata. She looked devastated and yet, still so beautiful.

"This baby cannot exist," unti-unting nawala ang nakakapangilabot na ngiti sa mula ni Celeste. Sa halip, napalitan iyon ng kaseryosohan na never naming nakita sa kanya.

"C-cannot w-what?" Cannot exist? What does she mean by that?

"Mapapahamak lang ang batang 'to. That old man is a chauvinist pig! He's filthy and a monster! My child will only die in his hands!" seryosong sabi ni Ces habang naniningkit ang mga mata.

She called the child as 'my child'. Ibig bang sabihin noon, hindi niya kinamumuhian ang bata? At sino ba ang tatay ng bata?

"T-this child, w-who's t-the f-father o...o-f di..t-his c-child?" Kinakabahang tanong ni Josiah.

I can see his discomfort.

At base sa pag-i-stutter ni Josiah na never pang nangyari sa kanya, masyadong komplikado ang bagay na itinatanong niya. Kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"I don't know. That night, when that old man tried to defile me, mas nauna lang ako ng konti sa pagkilos. I made him drink the hallucination drug I got from somewhere. It cost mo so much of my savings, but it's fine as long as he thought that I'm the one he..." huminto sa pagsasalita si Ces.

"He has sex with?" Nakakunot-noong tanong ni Iya.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Hindi namin inaasahan na magiging ganoon siya kabulgar.

"What? I've read that from the magazine inside the hospital's private room," inosenteng sabi ni Iya sabay kibit ng kanyang mga balikat.

"So if not him who?"

"I don't know. All I know is that we're both drunk that night. All I can remember was that, he looked young and handsome. At naisip ko, mas mabuti nang ibigay ko ang virginity ko sa mas bata at mas gwapo hindi ba? Why would I give to someone I suspect na murderer ng parents ko? I better give my body to some one else. My parents gave me my life and my body. Hinding-hindi ko sila pagtataksilan sa pakikipagrelasyon sa matandang 'yun," mas lalong namuo ang galit sa mga mata ni Ces.

Huminga siya ng malalim at muling humiga. Noon lang namin nakita ang itsura ni Celeste na ganoon. Usually she is full of confidence and life. Ngayon, parang wala siyang kabuhay-buhay at walang kagana-gana sa buhay.

Dating nasa pilot section si Celeste. Kaya naman nagtataka kaming magkakapatid kung bakit biglang napunta siya sa trash section.

"T-that's the r-reason why y-you're with us right? You're not supposed to be in our class section," mahinang anas ko.

Sandaling sumulyap sa akin si Ces.

"Pilot section? I don't want to breath the same air as his hypocrite daughter," naniningkit na naman ang mga matang saad ni Ces. Punong-puno iyon ng galit na noon lang namin nakita sa kanya.

"It's better to with the so called trash section that to be with those people na mas basura naman ang pag-uugali,"

Sandali kaming natahimik.

"I really wanted to get rid of this baby. Pero sa tuwing kaorasan na ng operasyon, hindi ko kinakaya. Parang nakikita ko ang baby na umiiyak at nagmamakaawa. Kaya naman tinatakasan ko ang mga clinic personnel sa pinupuntahan kong clinic," mapait na sabi pa ni Ces na siyang bumasag sa katahimikan naming lahat.

Kumuha siya ng isang unan at niyakap iyon ng mahigpit.

"Just gave birth, okay? We will help you support and raise the baby. We will be the baby's godmothers!"

Napatingin na naman kaming lahat kay Iya.

"I-it's your baby after all. Kahit na sino pang Poncio Pilato ang tatay niya, we will love him kase nanggaling siya sa'yo," dagdag pa ni Iya na nagpatahimik lalo sa aming tatlo.

"U-umn, I-iya i-is r-right," pangsang-ayon ko.

I will also like the baby because she is Celeste's child.

Huminga ng malalim si Celeste. Na para bang may mabigat na bagay na nawala sa dibdib niya.

"Matagal ko ng gustong sabihin sa inyo. Para kung anu't-anuman, makakapag-adjust ako," emosyonal na sabi ni Ces. Kagaya ko, alam ko na malaki na rin ang parte ng buong tropa sa puso niya. Kaya alam ko na ang gusto niyang sabihin. Ayaw niyang madamay kami sa gulo niya. "Kapag nalaman ng buong school na buntis ako, hahalungkatin nila ang lahat sa akin. At baka malaman nila na isa akong kabit. Sa paningin ng marami, posibleng kabit ako. But aside from hugging his disgusting body, wala na akong ginawa na kahit ano sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng paraan para makaiwas na makasama siya sa isang silid. I even told him that I'm pregnant. That old bastard is so over the moon after learning that!"

Hindi kami nagsalitang tatlo. Nakinig lang kami sa pagsasalita ni Ces.

"At ayaw ko na madamay kayo. Baka pag-isipan pa nila kayo ng masama dahil may kaibigan kayong kabit,"

Napakunot-noo ako.

"Who cares about that? We know you more than anyone," seryosong sabi ni Iya.

"Yeah. Iya girl is tama. Wala kaming care sa sasabihin nila," segunda naman ni Josiah.

Tumango naman ako noong tumingin sa akin si Ces.

"H-how about Yana? W-where is she?" tanong ni Ces na makikita ang pag-aalala sa kanyang magandang mukha.

"Oh, may nag-post na ng paninirang puri patungkol sa'yo, girl," hindi makatiis na sabi ni Josiah.

"At busy si Yana sa paghahanap ng culprit. Sabi niya tuturuan niya daw sila ng leksyon at hindi siya papayag na siraan ka ng kahit na sino. Susunod na sana kami sa kanya pero tumawag si Sue kaya dito na kami dumiretso," anaman ni Iya.

Napakagat-labi si Ces.

Namumula ang kanyang mga mata.

Dahan-dahang lumapit si Iya sa kanya.

"Cry. You have us," seryosong sabi ni Iya. Pakiramdam ko ng sandaling iyon ay bumalik siya sa dati.

Iyong Iya na matapang at kayang makipagbasag-ulo kasama ni Yana.

Tuluyan ng tumulo ang luhang pinipigilan ni Celeste. Paimpit itong humikbi hanggang sa maging malakas iyong hagulgol.

Related Books

Popular novel hashtag