Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 67 - Chapter 66: Yana's Territory

Chapter 67 - Chapter 66: Yana's Territory

YANA

Midnight Club. 8PM

Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang tinitingnan ang text na isinend sa akin ng isa sa mga alipores ni Iker de Ayala. Mukhang magt-tip ako ng malaki dahil sa bilis nilang kumalap ng impormasyon ah. Wala pang kalahating oras mula noong magtanong ako sa kanila kung nasaan si Turyn del Franco at Flaire Adams at heto kaagad ang reply nila.

Napaka-basic na lang sa kanila ng larong hide and seek. Ngayon ko lang na-realize, hindi namin naitago si Iya noon dahil capable kami kundi dahil si de Ayala mismo ang hindi nagpumilit na ipagsiksikan ang presensya n'ya noong mga panahong gulong-gulo si Iya sa sarili n'ya.

What a gentleman.

Ngayon ko lang aaminin na naungusan ako sa handsome points ni de Ayala during that time.

Inayos ko ang helmet na ginamit ko saka naupo sa BMW K 1200S na regalo sa akin ng mga kuya ko last year.

["Hello?'']

Pupungas-pungas pa ang boses nung nasa kabilang linya.

"Puy, I need your help," kaagad kong sabi sa kaklase slash ka-grupo kong si Peter Uy. Yep. Lahat kaming mga delinquent sa school ay may kanya-kanyang grupo. Bilang anak ng isang kinikilalang Mafia Lord, hindi syempre pupwede na pipitsugin lang ang mga achievements ko sa buhay.

Kaya naman sa aming magkakapatid, ako na nag-iisang babae ang siyang magmamana pa yata sa posisyon ni daddy sa underground organization na pag-aari niya. All my kuya are soft human beings. Ako na babae ang siya pang tigasin sa aming lahat.

May sarili akong grupo. At sa mga simpleng gulo na kagaya nito, hindi ko na kailangan pang i-involve ang pamilya ko or else ilang buwan akong i-ground ng parents ko. Pinapabayaan nila ako sa mga pinaggagawa ko huwag lang daw akong papatay at gagawa ng magdadala ng kahihiyan sa aming pamilya.

Putspa. Bakit naman ako papatay kung kaya ko naman silang pahirapan hanggang sa hilingin nilang patayin ko na lang sila?

["Boss Yana? Anong nangyari?"] tanong ng nasa kabilang linya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Midnight Club. Isama mo ang kambal," iyon lang ang sinabi ko saka inilagay na sa phone holder ang cellphone.

Heh. Akala ba ng dalawang babae na iyon ay makakapag-celebrate sila? In their dreams! Ipapakita ko sa kanila kung pano ang tamang pagsira sa buhay ng may buhay.

"Where are you going?"

Lumingon ako sa nagsalita. Si kuya Yrwin. As usual may dala-dala na naman s'yang halaman. Malapit ko na talagang isipin na 'yung mga alagang halaman n'ya na lang ang makakasama n'ya hanggang sa kanyang pagtanda.

"Somewhere," tipid kong sagot saka pinaharurot ang mamahaling big bike motorcycle na antagal ko na ring hindi ginagamit. Wala pa rin talagang kupas ang baby BMW K 1200S ko.

After 20 minutes ay nasa labas na ako ng Midnight Club. Inabot ko sa valet ang susi ng BMW K 1200S saka naka-chin up na pumasok ako sa loob ng club. Underage ako pero dahil kabilang ako sa isa sa maimpluwensyang pamilya dito sa City X, walang pwedeng pumigil kung saan ko man gustong ituntong ang mga paa ko.

"Hello Miss Yana,"

Ni hindi ko pinansin ang dalawang bouncer na bumati sa akin. Nagdire-diretcho ako sa loob ng club. Nasa gitna ng dancefloor ang dalawang nilalang na hinahanap ko.

Hinintay ko silang matapos sa pagsasayaw saka ko sila nilapitan nung bumalik na sila sa kanilang table.

"Oh, hey Yana!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil hindi ko naman kilala kung sino ang damuhong 'to.

"Who are you?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Tsk. Tsk. Tsk. I really, really like you. Nakukwento ba ako sayo ni Yu?"

Ah. So he is kuya Yu's friend.

"Hindi kita kilala," hindi naman ako nagparito para maki-party at tsismisan. May kailangan pa akong 'kausapin'. Nilagpasan ko ang tropa ni kuya Yu. Nagtungo ako sa table nila Flaire saka prenteng umupo sa tapat ng dalawa.

"Ey, yow!" Nakangising bati ko sa kanila. I flip my hair while looking at them.

Kitang-kita ko na natigilan silang dalawa. Pero kaagad din silang nakabawi.

"Miss Frado, hindi ko alam na laman ka rin pala ng ganitong lugar," sabi ni Turyn na nakangiti, pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang takot na ayaw n'yang ipahalata sa akin.

Lalong lumawak ang pagkakangisi ko. Ang pinakamagandang biktima sa lahat ay 'yung taong kabadong-kabado na pero nagagawa pa ring ipakita na kalmado lang s'ya. I salute that kind of person, mas masarap i-torture.

"Well, why not? You two are here, why can't I?"

" But you know. You are not invited here."

Lumingon ako sa nagsalita.

Oh well,

What a nice opportunity. Akalain mong nagsama-sama silang tatlo ngayong gabi?

"Kaitlyn Mendrez, what a surprise. Yumaman lang ng biglaan ang pamilya mo... can afford mo na kaagad ang ganitong lugar?" tanong ko habang naglalaro ang kakaibang ngiti sa mga labi ko.

Dahil totoo namang pangmayaman lang ang lugar na ganito. Lahat ng pwedeng magpunta dito ay kailangang kumuha ng VIP Card. Since nandito sila sa table na katabi ng dancefloor nakaupo I guess pipitsuging card lang ang afford nila. Habang kaya naman akong dalhin sa pinakamahal at exclusive na silid ng VIP card na binili ko gamit ang sariling pera na kinita ko sa pustahan noong kasagsagan ng drag racing.

Hindi ko mapigilan ang pagngisi pa lalo habang nagpapalipat-lipat sa kanilang tatlo ang paningin ko.

Ang kakapal ng mga mukha.

Nagsama-sama pa talaga silang tatlo dito. At para ano? Para i-celebrate ang pagkasira ng buhay ni Ces? These bitches. Nagpupuyos na ang kalooban ko sa sobrang galit pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Saglit na natigilan si Kaitlyn pero mabilis din s'yang nakabawi.

"Ganun talaga ang buhay. Minsan nasa ibabaw ka, minsan ikaw naman ang nasa ilalim. Parang 'yung kaibigan mo," sabi n'ya habang nakangisi ng nakakaloko.

"So anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakatingin sa wine na nakalapag sa glass table. Kinuha ko iyon saka sinipat-sipat ng tingin.

"Wala naman. Hindi ko lang akalain na para sa pera papatulan ng kaibigan mo ang dad---,"

Bago pa makatapos sa pagsasalita ang hitad, mabilis kong naibuhos sa kanya ang wine. Sapul na sapul s'ya sa mukha.

Hmp!

Gusto ko nga ring basagin sa pagmumuka n'yang pagkakapal-kapal ng make-up ang wine glass pero pinilit ko ang sarili kong 'wag gawin 'yun. Hindi ako magpapaka-bayolente sa ngayon dahil ayokong magpaka-cheap.

"Ahhh!" Gulat na napasinghap si Kaitlyn.

Alam ko namang hindi n'ya inaasahan ang ginawa ko. I smirk at her.

Tingnan ko lang kung makapag-yabang pa ang hitad na 'to kapag dumating na sa bahay nila ang mga pulis na may dala-dalang warrant.

"Andito lang tayo para mag-enjoy Miss Frado. Wag mo namang dalhin dito ang pagiging gangster mo," umiiling-iling na sambit ni Turyn. Pinunasan nito ng hawak-hawak na panyo ang basang mukha ni Kaitlyn.

"Wala ka pa bang balak magpalit ng grupo Frado? Hindi ka ba nandidiri sa mga kasama mo? Isang kabit, isang bakla, isang gold digger at isang pipe," nang-uuyam na bulong ni Flaire na kaming apat lang ang nakakarinig.

Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi n'ya.

What the eff?

Lalapitan ko na sana si Flaire para makita n'ya kung anong hinahanap n'ya pero biglang nag-ring ang phone ko. Nang sagutin ko 'yun, hindi ko maintindihan ang nagsasalita sa kabilang linya kaya naman lalo akong naaburido.

"Who's this?!" asar na tanong ko.

Mananapak na ako, saka naman biglang tatawag 'to tapos hindi naman magsasalita ng maayos. Paksyet lang.

["Yan-yana. I-it's me,"]

Natahimik ako nung marinig ko ang pangalang binanggit.

"Sue? Bakit ka napatawag? Kamusta si Ces?" Hindi ko mapigilan ang pagbangon ng pag-aalala sa dibdib ko. Patuloy kong hinihiling na walang masamang nangyayari kay Celeste.

[C-ces de-d-decided t-to ke-e-ep t-the b-b-baby,"] mahinang bulong ni Sue sa kabilang linya.

Napakagat-labi ako.

Hindi ko masisisi si Ces kung ganoon ang magiging desisyon niya. It's her own blood and flesh afterall.

[P-punta k-ka na d-dito. H-hinahanap k-ka n-ni Ces. S-sabi n-niya i-ila-lalaban daw niya ang b-baby kahit na anong m-mangyari. Kahit na masira daw ang pangalan niya. Hindi niya raw ipapalaglag ang bata. Sabi pa niya si baby na lang daw ang natitira niyang kapamilya,"] malungkot na sabi pa ni Sue sa pautal-utal na tinig. Sa bandang dulo ay hindi na siya nag-i-stutter pero halos pabulong na lang ang sinasabi niya. Good thing malakas ang pandinig ko.

Huminga ako ng malalim.

"I understand. May gagawin lang ako. Susunod na rin ako diyan mamaya," sabi ko saka pinutol ang tawag.

Pinaningkitan ko ng mga mata si Kaitlyn na kaagad umatras palayo sa akin nung makita n'ya ang paraan ng pagtitig ko sa kanya.

"Boss?!"

Lumingon ako kay Peter na kararating lang.

"Dalhin mo silang tatlo sa hide out natin. May pupuntahan lang ako," utos ko kay Peter.

"A-ano?!" Gimbal na tanong ni Kaitlyn.

"Nababaliw ka na ba del Frado? Kikidnapin mo kami ng lantaran?" Malakas na sigaw ni Turyn.

Pinagtinginan kaming lahat ng mga taong naroon.

Ngumisi ako sa kanila.

"Nakalimutan niyo na ba? Sa teritoryo ko, ako ang Boss," kaswal na sabi ko saka itinuro pa sa kanila ang mga taong kasalukuyang nasa loob ng club.

Noong una ay nakatingin ang lahat sa amin. Pero noong makita nilang involve ako ay kaagad silang lumayo sa amin at ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "See? They don't care about you guys. Walang nakakita na pumasok kayo dito. Walang nakakita na kinausap ko kayo. At mas lalong walang makakakita kung paano kayo ilalabas ng mga kasama ko. Don't piss your panty just yet, wait for me...alright?" Kinindatan ko pa sila saka tinapik sa balikat si Peter uy at ang mga kapatid ni Sue.

"Where's Sue?" Tanong ng isa sa kambal.

"At the hospital. I'm going there. Bahala na kayo sa tatlong 'yan. Alam niyo na ang gagawin," sabi ko saka mabibilis ang mga hakbang na lumabas na sa club.