Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 63 - Chapter 62: Scandalous Affair

Chapter 63 - Chapter 62: Scandalous Affair

THIRD PERSON

Tahimik na kumakain ang lahat. Nakapagtatakang maging ang maraming estudyante na kumakain sa naturang canteen ay pawang mga nananahimik din. Para bang hirap na hirap silang lunukin bawat pagkaing isinusubo nila dahil gustong-gusto nilang malaman kung ano ang koneksyon ng limang Grade 10 student sa tatlong sikat na grade 11 student ng Senior High na kapitbahay lang ng campus nila.

"Ano kayang meron? Hindi ba't sikat na sikat ang mga 'yan sa kabilang campus?"

"Sabi nung isang babae tropa n'ya raw si Iker de Ayala? Totoo kaya?"

"Teka, hindi ba't kinaiinisan ng mga higher section ang section C na 'yan? Ano ng mangyayari ngayong ka-close pala nila ang anak ng may-ari nitong school?"

Napangisi na lang sina Yana at Josefa. Kahit na medyo nakakainis ang pagbubulungan ng mga itong rinig na rinig naman nila, natutuwa silang malaman na nagwo-worry pala ang mga ito sa pwede nilang magawa.

"Ubusin mo 'yang gulay mo. Huwag kang nagsasayang ng pagkain." Parang batang pinagsasabihan ni Iya si Iker na nagsisisi na ngayon kung bakit pancit-bihon na punong-puno ng gulay ang na-order n'ya. Sa katititig n'ya kay Iya kanina, ang carbonara na katabi ng bihon dapat ang oorderin n'ya pero dahil mali naman ang itinuturo ng daliri n'ya...heto at nagdurusa s'yang umubos ng sandamakmak na bihon ngayon.

Limang baso na yata ng tubig ang nauubos n'ya pero hindi pa rin n'ya maubos-ubos ang iilang pirasong carrots at repolyo sa pinggan. Gustong-gusto na ngang kunin ni AJ ang mga gulay dahil sa awa sa boss. Hindi nila alam na sa kabila ng pagbabago ng ugali ni Iya, minamaltrato pa rin nito ang Boss nilang hindi naman sanay kumain ng sandamakmak na gulay.

"Ang bagal naman. "

"I'm full." Naka-poker face na iniurong na ni Iker ang plato palayo sa kanya na para bang diring-diring makita pa iyon.

"Hindi mo ba napapanuod sa tv kung gaano karami ang nagugutom?" napapailing na hinila ni Iya palapit sa tabi n'ya ang plato ni Iker at walang paa-paalam na kinuha ang kutsara ng binata, kinutsara ang tatlong subo pang gulay saka iyon isa-isang isinubo.

Everyone was stunned! It's like they were hit by a lighting. Nakanganga pa sila habang pinapanuod ang ginagawang pagsubo ni Iya gamit ang ginamit na kutsara ni Iker. Maging si Iker na nakaramdam sa biglang pagbabago ng paligid ay lumingon sa dalaga only to find her eating his left over food.

"Mabubusog ba ang mga taong nagugutom sa ginagawa mo?" naa-amused na tanong ni Iker. Nagsasayaw sa galak ang mga mata n'yang nagtu-twinkle.

"No. Pero hindi magandang nagtitira ng pagkain." Seryosong sagot ni Iya habang isinusubo ang huling pansit na natira sa plato.

"Kapag ba may natirang pagkain ang mga 'to, kakainin mo din?" there's danger in his tone na mas ipinaparinig sa mga taong naroon ang sinabi n'ya. Na para bang sinasabi n'ya rin na 'subukan n'yo lang magtira ng pagkain at ipakain sa girlfriend ko, tingnan ko lang kung magising kayong may mga bibig pa sa pagmumukha n'yo'. Bigla silang kinilabutan sa paraan ng pagtingin ni Iker sa kanila kaya naman isa-isa na silang nagsitayuan.

"Oy tropa, una na kami ah. Malayo pa ang lalakbayin namin." Dahil nagsipagtayuan na ang mga kaibigan n'ya ay nagpaalam na si Iya kay Iker.

Napakunot-noo si Iker. Tropa? Ilang beses na bang

ginamit sa kanya ng dalaga ang salitang 'yun. Parang gusto n'ya tuloy pa-imbestigahan kung sino ang nagpauso ng salitang tropa para makutusan n'ya hanggang humupa ang inis na nararamdaman n'ya.

Sinundan n'ya ng tingin ang papalayong si Iya hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin n'ya.

"You like her, huh."

"Let's go." Ni hindi man lang nag-abala si Iker na tingnan ang babaeng nagsalita mula sa may tagiliran n'ya.

"Sisiguruhin kong magsisisi ka sa ginawa mo sa akin!"

Parang walang naririnig na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad si Iker. Para sa kanya ang mga babaeng kagaya ng isang 'to ay hindi dapat binibigyan ng panahon at atensyon.

FLAIRE

Kulang na lang ay umusok ang tenga ko sa sobrang inis, galit at yamot na nararamdaman. F>ck! Akala ba ng babaeng 'yun, makukuha n'ya si Iker sa akin? Isa lang s'yang tagabundok na ang tanging silbi ay mag-donate ng dugo sa pinsan kong si Wella. Nyemas! Ano bang nakita ni Iker sa babaeng 'yun? Ni hindi marunong maglakad ng may poise.

Na-coma na, ba't naman nagising pa? Bwiset.

Did she think she's high and mighty just because Iker is on her side? Dream on country bumpkin.

"Paano ba 'yan Flaire, mukhang wala ka ng pag-asa,"

"Aasa ka pa rin ba? He bankrupt your family and you still want him?"

"I think that country bumpkin is someone who's important to him,"

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan kong nakapalibot sa akin. I don't know if they're being true to me. They still stick around even though I'm broke...my whole family is broke, honestly. Dahil lang iyon sa nairita si Iker sa ginawa kong paghalik sa kanya. Kailan ba talagang umabot s'ya sa puntong ganoon?

Can't he just let it go?

My insides is boiling with so much anger and hatred. If he can't be mine, hindi rin naman ako papayag na mapunta s'ya sa babaeng 'yun. I won't allow it.

"May information ako na makakatulong sa paghihiganti mo friend."

Lumingon ako sa nagsalita. It's Turyn del Franco. S'ya ang madalas mag-post ng mga scandal sa Student's Portal ng school website. Scandal ng mga kapwa din namin estudyante. She's not using her real account, though. Lahat ng mga info n'ya ay may halong katotohanan, hindi man pawang katotohanan, may halo pa rin. Dahil ang palagi n'ya lang ipino-provide ay maiikling video clip na wala namang audio o mga eskandalosong larawan na wala namang caption. Ayon nga sa kasabihan, 'to see is to believe'. So kung ano ang nakikita ng tao, iyon ang paniniwalaan ng majority.

"Anong info?"

"May scandal affair ang isa sa mga kaibigan ni Magtanggol."

Napakunot-noo ako. Bigla akong na-curious sa sinabi n'ya.

"I want to see the video."

"Nah. It's not a video. Nakuhanan ko lang sila ng picture. You just have to post it online and taddaaa! Siguradong magugulo ang buhay ni Raymundo kasama na ang pinakamamahal na Magtanggol ni Iker baby mo."

Picture?! Picture lang?! Paano naman magc-create ng gulo ang picture lang?

"Look." Inilabas ni Turyn ang cellphone n'ya at ipinakita sa akin ang isang malinaw na kopya ng larawan.

At ang mga taong naroon, ang cold beauty ng trash section at ang isa sa pinakasikat na business tycoon ngayon....si Mr. Mendrez, mahigpit na magkayakap sa isa't-isa habang nasa labas ng balkonahe ng isang hotel. They're wearing proper clothes naman pero hello?! Nakahawak si Mr. Mendrez sa makurbang puwetan ni Celeste Raymundo!

Hindi ko mapigilan ang mapangisi. Kahit na wala silang ginagawang milagro, base pa lang sa larawan na 'to dahil sa makikita nilang mga taong involve, paniguradong magwawala ang madlang people!

I laugh internally.

Ewan ko lang kung hindi maapektuhan 'yang lintik na si Magtanggol. She's just Wella's blood donor. Dapat nag-stay na lang s'ya doon. Sino bang may sabi na kuhanin n'ya ang atensyon ng lalaking gustong-gusto ko? I will make her suffer a huge blow. Hindi lang s'ya, isasama ko pati mga kaibigan n'yang nagmamahal sa kanya. Hmp! Dahil nagmamahalan rin lang sila, magsama-sama silang humarap sa scandal na 'to!

"Give it to me. Ako magpo-post."nangingislap ang mga matang anas ko.

"Using your real account?" Nakataas ang kilay na tanong ni Turyn habang nangingislap din ang mga matang punong-puno ng kademonyohan.

"As if I'm that stupid." nakangisi kong turan saka inilabas sa bag ang cellphone ko. Mabilis n'yang naipasa sa akin ang larawan.