IYA
Natapos na at lahat ang klase namin sa maghapon pero walang masyadong pumasok sa isipan ko. Paano ko naman maiintindihan ang klase eh naglalakbay sa mangyayaring date ang kaisipan ko. Kasalanan talaga 'to ng apat na 'to eh. Mga walang magawa sa buhay.
"May alam akong pwesto sa MegaMall na magandang bilhan. And oo nga pala, aattend ka sa Acquaintance? " si Ces ang nagtatanong.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng campus at hinihintay ang sundo ni Yana. Iprinesinta nito ang sariling sasakyan para hindi daw kami mag-commute papunta sa City X MegaMall.
"Kailangan eh. Sa sobrang groggy ko pa kaninang umaga, inoohan ko lang lahat ng mga tanong n'ya, " sabi ko na para bang hindi big deal ang party na 'yun.
"Aattend ba kami? "
Pinagtaasan ko ng kilay si Bakla. At anong gusto n'yang palabasin sa tanong n'yang iyon?
"At bakit hindi? Hahayaan n'yo akong sumugod sa gyera mag-isa? "
Nagkatinginan ang apat.
"Well you know girl, we hate going to that party kase, "
"Isa pa lang ang pinuntahang acquaintance ng section namin at hindi na naulit 'yun. Magkakaklase na ang karamihan sa amin since grade seven, iyong iba namang nadagdag ay nakisakay na rin sa kalakarang ginagawa namin. May nangyari kaseng hindi maganda noong unang punta namin. So ayun, hindi na kami umulit,"
"Yup. Masyado nila kaming tinatratong basura eh alam mo naman, wala naman kaming paki. The heck with them and their twisted brains. Every year na may party na ganyan, gumagawa kami ng sarili naming party. Pati mga teachers hindi na rin kami pinipilit. Feeling nga namin mas natutuwa sila kase pabor 'yun sa kanila. "
"Pero hindi naman lahat ng section C ganoon. Sa amin lang naman nangyari. Hindi kase kami nagpapaalipin sa mga higher section unlike sa mga sumunod na na section C. Okay lang sa kanila ang maging puppet. At isa pa, trouble is our bestfriend, "
"Napaka-unforgettable noong unang acquaintance namin alam mo ba? May gusto sanang isayaw si Park, taga pilot section. Nagalit 'yung jowa, si ateng feeling dyosa naman ng kagandahan. Ayun, syempre hindi naman kami papayag na gulpihin nila ang kasama namin. We bully each other pero kapag iba na ang bumubully sa isa sa amin, riot na 'yun!"
"Sino nga ulit 'yung feeling Ambassador ng Kagandahan girl?"
"Si Maricar Pule. "
"Ayun, simula noon nagka-phobia na si Park sa mga babaeng unat na unat ang buhok na taga-higher section, "
Sabay-sabay na naghagalpakan ng tawa ang mga bruha matapos magkwento. Nakikini-kinita ko na tuloy ang itsura ni Park Soo.
"So hindi kayo pwedeng gumawa ng exemption since last year na natin 'to sa Academy? Wala man lang ba kayong pasabog ngayong magtatapos na ang taon? Next year pwedeng maghiwa-hiwalay na kayo hindi ba? Hindi naman siguro lahat ay dito din papasok ng Senior Year, "
Nagkatinginan ang apat dahil sa sinabi ko.
"Pwede siguro. Itanong natin sa klase natin bukas, "
"I like the idea, hmmm. "
"Well, hindi naman siguro masamang bigyan natin ng hindi makakalimutang gabi ang buong Academy bago tayo umalis, "
"For once, let's rule! "
"Hmm, bakit hindi natin gawing The Trash Ball ang gabing 'yun? " nakangising tanong ni baklita.
Tiningnan ko ang apat. Madali naman pala silang kausap eh. Akala ko mahihirapan ako sa pagkumbinsi sa kanila. At hindi ko mapigilang mapangisi sa sinabi ni Josefa. The Trash Ball ha, haha. Ang lakas ng dating in fairness.
"Hahaha. Gusto ko 'yan! Tapos ang mga isusuot natin ay gawa pa ng mga sikat na designers na ginamit ng mga sikat na artista." humahalakhak na sambit ni Yana.
"At paano naman natin gagawin 'yun aber? " nakapamewang na tanong ni bakla kay Yana. Maging ako man ay napaisip. Kung aarkila s'ya ng mga gown ng mga sikat na artista na ginawa pa ng mga kilalang designer, baka naman maubos na ang kayamanan ng angkan nila.
"Enebe, syempre hihiram tayo. "
Pinagtaasan namin ng kilay si Yana. Kung imposible ang bumili, mas imposible naman na may mahiram s'ya.
"Kaibigan ni Daddy iyong isang orginizer sa black market. Sabi n'ya sa akin noon may mga gown daw s'ya na isusubasta nila. Baka pwedeng hiramin mun natin. "
"Pwede 'yun? Hindi ba susugururin ng mga goons ang school kapag nagkataon? "
"Pupwede 'yun. "
"Next time na natin pag-usapan 'yan. Hanapan muna natin ng pang-awra itong si Iya, "
Lahat kami ay nagkasundo sa suhestyon ni Ces. Pero tumatak na sa isipan ko na kaibigan ng daddy ni Yana ang isang orginizer sa subastahan. Ano kaya ang feeling nang nasa lugar na ganon? Parang ang astig.
Bumaba na kami ng sasakyan. Dahil sa kwentuhan ay hindi namin namalayan na naroon na pala kami sa mismong Mall. Malaki iyon at matao. At kagaya namin, marami ring mga estudyante ang pakalat-kalat sa naturang lugar. Kaagad naming tinungo ang boutique na sinasabi ni Ces. Hindi iyon pansinin at mukhang ayaw pasukin ng mga sosyal na kabataan dahil mukhang luma na ang lugar.
"Bakit pinapayagan ng Mall ang ganitong Boutique? Mukhang napabayaan. " nakakunot-noong tanong ni Josefa
"Isa sa mga anak ng may-ari ng Mall ang boutique na 'to kaya walang gumagalaw dito. Na-meet ko na minsan ang may-ari. Simple lang s'ya at mukhang wirdo, " ani Ces.
Napatango-tango ako. Mabuti na lang at maraming alam si Ces kung hindi baka hanggang ngayon ay naghahanap pa rin kami ng mabibilhan ng mga kakailanganin kong damit. May tiwala ako sa taste at fashion sense ni Ces.
Tahimik sa buong boutique nang makapasok kami. Bukod sa ilang mannequin na naka-display sa labas, wala naman akong makita na mga rack kung saan nakalagay o naka-display dapat ang mga damit.
"What is this place?" tanong ni Yana na kagaya ko ay nakakunot din ang noo.
Mas mukhang haunted ang lugar na ito kesa bilihan ng mga damit. May naramdaman akong kumapit sa braso ko at nang lingunin ko kung sino 'yun ay nakita ko si Sue na tikom na tikom ang mga labi.
"Ces, girl. Anong lugar ba itey?" parang natatakot din na tanong naman ni Josefa. Nakakunyapit s'ya sa braso ni Yana.
Ako naman. As long as walang mga kandila at hindi amoy-kandila ang lugar, hindi naman ako nininerbyos o tinatablan ng takot. So okay lang ako as of the moment.
"Tsk! Ano ba naman 'yan bakla! Huwag mo nga akong mayakap-yakap!" Asar na inalis ni Yana ang mga braso ni Josefa na mas sexy pa sa braso n'ya. Pero mas hinigpitan ni baklita ang kapit sa braso n'ya kaya naman hindi n'ya iyon maalis.
"Ano ba?! Sa ating dalawa ikaw ang amazona at ako ang dyosa dapat ipinagtatanggol mo 'ko. My beauty is afraid right now. My gee! Bakit mo kase kami dinala dito? Disin sanay hindi ako yumayakap ng ganito ka-intimate sa tuod na 'to! Hindi ako sanay yumakap sa tuod! Mas gusto ko ang may abs. Ang malaman. Ang macho! Ang ouch!" Kahit medyo madilim ang paligid ay nakita ko ang maarteng paghampas na ginawa ni baklita kay Ces habang nakapulupot pa din ang isang kamay kay Yana.
Kitang-kita ko rin ang malakas na paghampas ni Yana sa kanya.
"Ang kapal mo naman. Ayoko ring hinahawakan ako ng bakla."
Magbababagan na sana ang dalawa ng biglang bumukas ang mga ilaw.
"May kailangan kayo?"
Lahat kami ay muntik nang mapatalon sa gulat ng makarinig ng tinatamad at inaantok pa na boses. Napatingin kami sa babaeng lumabas yata mula sa hangin. Naka-crop top s'ya at jagger pants--habang nakapaa lang. Mukha s'yang bagong gising dahil sa magulo n'yang buhok at namumungay na mga mata--na saganang sagana sa eyeliner at mascara.
"Ahm, we're looking for ootd's. Para sana dito sa kaibigan naming galing sa probinsya,"
Gusto ko sanang pagtaasan ng kilay si Ces. Kailangan ba talaga n'yang ipangalandakan na galing ako sa probinsya? Pero hindi na ako makakilos dahil kaagad akong tinitigan ng babae. Hindi naman ako natakot. Nagulat lang. Kakaiba kase s'yang tumingin. Medyo creepy na nakaka-concious.
"You are?"
"I-iya. Iya Magtanggol."
"Well, I'm Kaitlyn. Welcome to my weird looking--," she rolled her eyes na para bang joke lang sa kanya ang lugar na s'ya naman mismo ang may-ari. "Quiet, and peaceful little boutique."
Paano namang hindi magiging tahimik ang lugar na 'to eh mukha ngang haunted? Sinadya n'ya bang maging ganito ang itsura ng business n'ya para walang maglapitan na mga costumer? Kung ganito pala ang trip n'ya, dapat doon na lang s'ya sa carnaval nagtayo ng negosyo.
"Come here, pumili na lang kayo dito. Wala ang mga kasama ko kaya walang mag-aassist sa inyo. Is that okay? Call me if you lot are done," aniya at muling pumasok sa isang makipot na pintuan pagkaturo sa isang salaming pinto.
Dahan-dahan naman kaming lumapit sa pintong itinuro n'ya. At napanganga kaming lahat nang makita ang napakalaking walk-in closet na naglalaman ng sandamakmak na mga kasuotan.
"Homygash! Oh em gee!" Kaagad na umalis si Josefa sa pagkakalambitin kay Yana at tinakbo ang mga naggagandahang dress na nakahilera sa isang lugar. Biglang nawala ang takot n'ya nang makitang ang liwa-liwanag ng higanteng closet.
Dahan-dahan din kaming humakbang papasok sa loob. Bukod sa mga jeans at plain shirt, wala naman akong ibang mapiling isuot. Hindi ako komportableng magsuot ng ibang klase ng damit kaya na-stock ako sa paghahanap ng mga jeans at shirts.
After thirty minutes ay may humila sa akin.
Muntik ko na sanang suntukin pero nasilaw ako nang makita ko ang sobrang pagkinang ng mga mata ni Josefa. Sa sobrang pagtu-twinkle ng mga mata n'ya, bigla akong kinilabutan.
"Isukat mo 'to lahat,"
"La---hat?"
Muli na namang tumaas ang nananahimik kong kilay. Baka isang linggo na ang lumipas di pa kami tapos magsukatan sa dami ng pinili nitong si bakla.
"Huwag kang OA bakla. Pumili ka ng desenteng tingnan. Igagaya mo pa sayong malantod ka. Here, unahin mo 'to," itinambak ni Yana sa braso ko ang mga damit na pinili n'ya.
Para makatakas kay Josefa ay dinala ko ang mga damit na pinili ni Yana sa fitting room. May mga jumper. Shorts. Skirts. Crop tops. At mga jacket ang naroon. Kulang na lang ay set ng eye liner at mascara. Pwede na akong maging alipores n'ya. Para hindi naman sumama ang loob ni Yana. Kumuha ako ng ilan sa mga pinili n'ya. May nakita naman ako na bagay sa akin eh. Bagay kahit walang ilagay na mascara at eye liner sa mga mata ko.
"Nakapili na ako,"
"Here. Choose."
Sinunod kong kinuha ang mga pinili ni Ces. Simple lang ang mga tabas noon. Karamihan ay mga dress na pwedeng-pwedeng pangharabas dahil maayos ang gawa at istilo. Iniwanan ko ang mga dress na sobrang iikli. Iilan lang naman iyon.
Nang lumabas ako ay si Sue naman ang nag-abot. More on pantulog naman ang ibinigay n'ya. Napaisip tuloy ako. Pati ba sa pagtulog kailangan ng ootd? Napailing na lang ako at kinuha halos lahat ng mga pinili ni Sue. Simply because, ang ku-cute ng mga ibinigay n'yang pajamas.
Last kong kinuha ang mga pinili ni Josefa. Hindi ko na lang pinansin ang gasumot n'yang pagmumukha. And in fairness, napaka-classy ng mga pinili n'ya. Pwede na ngang isuot ang isa sa mga pinili n'ya sa date este sa pekeng date na gagawin namin ni Ivan.
I bit my lower lip nang bigla na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Tsk. Bakit ba ako kinakabahan eh dala lang naman ng pangangailangan ni Sue ang date na 'yun?! Hindi ako dapat kabahan dahil hindi naman ako ang nag-aya sa kanya at mas lalong hindi rin s'ya ang nag-aya sa akin.
"Ano? Matagal pa ba? Marami ka pang isusukat,"
Nanlalaki ang mga matang binuksan ko ang pintuan ng fitting room.
"Anong marami pa?! Wala na akong ipambabayad!"
Para sa mga damit na 'to, uubusin ko ang 30k na ibinigay ng nanay kong magaling. Sapat na siguro ang mga damit na iyon hanggang sa matapos ko ang senior year. Pambihira. 30k para sa tatlong taong gagamitin na damit. Tinamaan ng magaling. Kung hindi ko lang masasagasaan ang malaking ego ng yayamanin kong nanay, nungkang bumili ako ng ganito kadaming isusuot.
Tsk.
Sabagay. Ikinahihiya na nga n'ya ako bilang anak n'ya hindi ba? Baka kapag hindi ko sinunod ang gusto n'ya sa pagsusuot ng mga tamang damit, hindi na rin n'ya ako kilalanin bilang 'malayong kamag-anak'.