IYA
"Alam mo ba? "
Napasulyap ako sa babaeng kausap ni Claud. Maliit lang s'ya at patpatin. Mukhang kaibigan s'ya ni Claudette at Arwen dahil wala akong maramdamang bad blood sa pagitan nila.
"Si Flaire ang nakuhang modelo ni Margareth kaya malakas ang loob n'yang sumali sa Best Ball Gown Competition sa darating na Acquaintance Party. Bali-balita sa Students Newsportal na nagkakamabutihan na raw sila Iker at Flaire kaya kahit hindi daw the best ang design na magagawa ni Margareth, naniniwala s'ya at ang kampo n'ya na sila ang mag-uuwi ng trophy, "
Hindi ko mapigilan ang mapanganga ng dahil sa narinig ko. Parang biglang huminto sa pagtibok ang puso ko.
A.. Ano n-nga ulit ang pinag-uusapan namin?
"Oww? "
Claud raised an eyebrow and give me a nerve-racking questioning look. Teka nga, teka nga sandali! Sandali lang Delaila, sandali! .
Bakit ka nga ba napanganga nang marinig mo ang sinabi ni patpat girl?
Dahil hindi ko inaasahan na nagkakamabutihan na pala sila?
At bakit nag-skip sa pagtibok ang puso mo?
Dahil kagaya ko, abnormal din ang puso ko?
Pambihira! Para na akong baliw na tinatanong at sinasagot ang sarili ko. Dinagdagan pa ng wagas na tingin nitong si Claudette. Pakiramdam ko napaka-transparent ko tuloy sa ilalim ng mga mata n'yang dinag pa ang laser beam.
"I thought he's already interested with someone else. Tsk. Tsk. Ipagigiba ko ang buong school na 'to kapag nakialam 'yang si de Ayala. What do you think, darling?"
"Ipagiba mo na rin pati mukha n'ya, "
Pareho kaming nagkatitigan ni Claud dahil sa sinabi ko. I heard her chuckle matapos yatang mag-sink in sa kanya ng sinabi ko. At gusto ko namang putulin ang dila ko dahil sa kadaldalan ko. Bakit ko nga ba nasabi ang bagay na 'yun?
At bakit parang ang asim-asim sa dibdib nung narinig ko?
"I will darling, I will, "
Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik na lang ako habang nakikinig sa usapan nila. At base sa itinatakbo noon, nalaman kong hindi pala gusto nila Flaire at Claud ang isa't-isa.
Hindi natuloy ang sinasabi ni Claud kanina about sa pagrampa. Marahil ang acquaintance party na darating ang dahilan. Mula ng warningan si Claud noong patpating babae, wala na s'yang ginawa kundi ang magpilas, magbura at mag-drawing sa sketch pad n'ya. Isang rason din siguro si Flaire kaya mas lalo s'yang naging seryoso sa ginagawa n'ya.
"Ahm, Claud I have to go, "
Mula sa ginagawa ay nag-angat s'ya ng paningin. Kanina n'ya pa ako sinukatan ng body measurements ko kaya hindi na siguro n'ya ako kailangan.
"Okay. Kita tayo ulit next week. "
Tumango ako. Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng maluwag dahil sa narinig ko. Mabuti naman at next week na naman kami magkikita. At mabuti na lang din dahil every Friday lang ako pupunta sa lugar na 'to. Parang nakaka-suffocate kase ang ambiance ng paligid.
"If you can, pwede mo bang rendahan si de Ayala para sa akin? "
"Like a horse or like a dog? " kunot-noong tanong ko. Parang alam ko na kung bakit n'ya nasabi iyon. Dahil ayaw n'yang mangyari ang senaryong sinasabi nung babaeng patpatin. Pero paano n'ya naman naisip na marerendahan ko ang isang 'yun lalo na at nagkakamabutihan na pala sila ni Flaire?
"That's what I liked about you. Straight and fierce. It doesn't matter how for as long as marerendahan mo s'ya. Tama 'yan, huwag mong paniniwalaan ang newsportal nitong school dahil palagi lang namang hearsay ang nasusulat nila doon. Hindi lahat ng mababasa or maririnig mo doon ay totoo. Base sa kung anong nakikita ko malaki ang probability na mas interested si de Ayala sa babaeng nasa harapan ko, " kinindatan n'ya ako pagkatapos n'yang mag-monologue.
Natameme ako sa mga sinabi ni Claud. Gusto ko sanang pumalag sa sinabi n'ya pero tumahimik na lang ako. Isa pa s'ya eh. Bakit kailangan n'ya pang i-boost ang self confidence ko. I shake my head. Gusto kong umasa pero malaking parte ng isipan ko ang nagsasabing huwag kong gawin iyon.
Dahil pakiramdam ko, it's not worth it.
Nagmamadali na akong bumalik papunta sa Academy namin. Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang makabalik ulit sa classroom namin. Lahat ng mga mata nila ay sa akin na naman nakatingin nang pumasok ako. As usual, may bago ba? Hindi ko na lang sila pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa upuan ko. Sila Ces, Josefa, Yana at Sue ay pawang mga nakatingin sa mga cellphone nila. Nakapagtatakang hindi nila napansin ang presensya ko. Ano bang pinapanuod nila?
"Anong meron? " curious kong tanong.
Parang na-estatwa ang mga ito. Sabay-sabay pa silang nag-angat ng paningin at parang nakakita ng multo ng mabungaran ako. Mabilis din nilang naitago sa mga bulsa ng uniform nila ang kani-kanilang cellphone. Ano bang meron?
At saktong-sakto naman na mula sa katahimikan ng nakararami ay biglang umiksena ang cellphone ni Park Soo.
"And because I know that you missed me, ayan, isang kiss para naman mawala ang pagka-miss mo sa akin, "
Teka lang. Kilala ko ang boses na 'yun ah. Pero bakit parang may kakaiba? Parang... Napaka-flirty naman yata ng dating. Saan ko nga ba narinig 'yun? At para pang nananadya ang pagkakataon, narinig ko na namang nagsalita mula sa phone ni Park ang maharot na babae.
"I missed you so much babe. I'm so sorry kung hindi ako nakarating sa lunch date na inayos mo para sa atin noong second day ng pasukan. I'm just so busy. I'm so sorry Iker, "
The way she say the name Iker. Naalala ko na!
"Si Flaire ba 'yan? " nakakunot-noong tanong ko. Naalala ko na ang boses. Doon ko pa iyon unang narinig sa may verandah ng kwarto ko habang nagbabasa ng libro.
Sabay-sabay na napasinghap ang mga talipandas kong kaklase. Ano bang problema ng mga taong 'to?! Kung makatingin naman sa akin para akong pinagtaksilan ng jowa. Eh wala naman akong jowa. Ni hindi ko nga alam kung ano 'yun.
"Beshy, ang puso mo, " parang maiiyak na ewan na sambit ni Josefa.
"Sabi nga nila ang pag-ibig ay parang Quiapo, dude. Punong-puno ng mga magnanakaw, " wika ng isa pa nilang kaklase.
I rolled my eyes. At sino ang magnanakaw? Ako? Alangan namang akong ang ninakawan eh wala naman kaming relasyon ni Ivan.
"Tumahimik nga kayo d'yan Josefa, Yana. "
Hindi na nga nagsalita ang dalawa. Pero ito namang si Celeste at Sue. Hindi ko naman kinakaya ang mga tinging ipinupukol nila sa akin.
"Ano?" gusto ko nang maglupasay at mag-flooring sa stress.
Ako ba naman ang palibutan ng apat na wirdo. Iyong dalawa ay nakakarindi, ito namang dalawa, nakakapangilabot ang mga tingin.
"Sumusuko ka na kaagad girl? Hindi pa nagsisimula ang laban, " ani Ces na tinitingnan ako na para bang kakaiba akong species na bigla na lang sumulpot sa balat ng lupa.
"You need help, Iya? " worried na tanong naman ni Sue.
Huminga ako ng malalim. Okay. Thankful ako dahil sa mga concern nila. But their reactions are too much and... And wrong. Hindi naman sila dapat nagre-react ng ganyan.
"Guys this is the last time na sasabihin ko 'to sa inyo so listen very, very carefully. "
Lahat silang apat ay inikot paharap ang katawan sa akin.
"I just want to make myself clear ha. First, wala kaming kahit na anong relasyon ni Ivan or Iker or kung ano man ang pangalan n'ya. Wala. As in wala." Well, how I wished na meron nga. God knows how much he mean to me. Kaso malabo 'yun. Magkaiba kami ng ginagalawang mundo. "Kung ano man ang nakikita n'yo ngayon, sa palagay ko he's just being nice to me dahil noong naaksidente s'ya sa lugar namin si lola ang nakakita sa kanya. Tinulungan namin s'ya and maybe that's the reason kung bakit he's nice to me. Pangalawa, hindi naman ako or tayo dapat lumaban dahil wala namang relasyong ipinaglalaban. Naa-awkward-an na ako, huwag n'yo na namang dagdagan pa, " mahabang paglilitanya ko. Nagpapakatotoo lang ako. At ayoko ng mga tingin nilang punong-puno ng compassion at awa para sa akin.
At isa pa malaking problema kapag nakarating sa bahay ng magaling kong nanay ang tungkol sa amin ni Iker. Ayokong ako ang pagmulan ng komplikasyon sa buhay n'ya dahil siguradong makakaapekto din iyon sa mga pangangailangan namin ng pamilya ko, lalong-lalo na ni lola.
Free
Nanahimik ang apat. Pero hindi ko keneri ang mga sumunod na reaksyon nila.
"Patay na! "
"Patay talaga! "
"Kayo ang nagplano n'yan. Hindi ko 'yan alam, "
"Oh no! "
Halos magkakasabay pa na bulalas nila. Para silang mga pinagsakluban ng langit at lupa. Napakunot-noo ako. Akala ko naman maiintindihan ng mga ito ang mga pinagsasasabi ko. Eh mukhang mas lalo lang yatang nagkabuhol-buhol ang utak ng mga bruha.
"Anong nangyayari? " singit ko. Para akong nakikipag-usap sa mga sabog ah. Ano na naman kayang tinira ng mga 'to?
"Wala talagang something sa inyo? " kunot-noong tanong ni Yana.
"Paulit-ulit? Kailangan talaga ulit-ulitin? " ako naman ang napakunot-noo. Hindi naman ganito ka-slow ang mga ito noong mga unang araw. Anong nangyari? Bakit parang palala sila ng palala sa paglipas ng mga araw?
"To the point na iginive-up ko pa ang mga pagpapantasya ko kay Iker babe. Isinuko ko na rin pati ang karapatan kong maging kasintahan s'ya para sa'yo at pagkatapos ngayon, sasabihin mong he's just being nice to you?! "
Ugh. Heto na naman ang OA na paghehesterya ni baklita.
"Kung walang namamagitan sa inyo bakit s'ya pumayag makipag-double date?! Tinanong namin s'ya kung pwede ba ninyong samahan na dalawa as a date si Sue at Gio. Tapos pumayag s'ya. Eh kung walang namamagitan sa inyo, bakit s'ya pumayag?!
Ano?
Anong pinagsasasabi nitong si bakla.
"Ka-date? Anong ka-date at anong double date? " feeling ko nagiging slow-witted na rin ako dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Parang hindi na rin yata nagpa-function ng maayos ang utak ko ah.
"Duh. Ano ba ang date? Kakain sa labas. Mamasyal. Holding hands. Kung maswerte pa may kasamang kiss! Pa-inosente? " tinitigan ko lang si bakla. Hindi talaga ako maka-relate sa sinasabi n'ya. Pagkuwan ay ang tatlo naman ang tiningnan ko. Pade-pareho sila ng mga reaksyon. Para silang mga kriminal na na-corner sa isang sulok.
Teka nga. Ano nga ulit ang sinabi kanina ni bakla?
"Kung walang namamagitan sa inyo bakit s'ya pumayag makipag-double date?! Tinanong namin s'ya kung pwede ba ninyong samahan na dalawa as a date si Sue at Gio. Tapos pumayag s'ya. Eh kung walang namamagitan sa inyo, bakit s'ya pumayag?!
Wait...
Ano ulit ang sinasabi ni bakla?
Okay...
Una. Kaming dalawa ni Ivan ang tinutukoy n'ya doon sa pangungusap n'ya.
Tama ba?
Pangalawa, sinabi n'yang walang namamagitan sa amin ni Ivan pero pumayag itong makipag-date? Bakit s'ya pumayag at bakit s'ya makikipag-date?
Pangatlo, tinanong ng mga talipandas na ito kung pwede ba naming samahan si Sue at ang fiance n'ya sa isang date kaya magiging double date... At pumayag ito?
Pang-apat, bumalik tayo sa walang namamagitan sa amin ni Ivan pero pumayag s'yang makipag-date.
Ngayon. Bakit nga pumayag at bakit may date!?
Dahan-dahan kong hinilot ang sentido ko. Ang sakit sa ulo. Nakakakalbo ng bangs. Ano bang pinaggagagawa ng mga taong 'to sa buhay!?
"Ano 'yung tungkol sa date? Pwede bang paki-explain? " promise nauubusan na talaga ako ng lakas. Ano na naman ba ang inupakan ng apat na 'to? Tinira ba nila lahat ng sapal ng niyog doon sa Kitchen?
"Eh kase kanina nung umalis ka. At noong paalis na si de Ayala. Bigla s'yang hinarangan---niyakap actually ni Josea at tinanong kung payag ba s'yang makipagdate sa'yo. Para lang naman daw masamahan sila Sue at Gio. Nag-isip s'ya tapos pumayag, " kwento ni Yana.
Pinagtaasan ko ng kilay si Josefa.
"Para hindi ka n'ya mapatay sa ginawa mong pagyakap sa kanya, ako talaga ang ipinain mo ano? " nanlilisik ang mga matang tanong ko kay baklita. Tinamaan ng magaling 'to. Para-paraan eh. Tapos para makalusot s'ya ako ang ipapain.
"Hindi masyado ah. Gusto ko lang talagang tulungan si Sue. Marerelax daw s'ya ng kaunti kung may makakasama s'yang kaibigan sa date n'ya, " nakangusong sambit ni Josefa. Pero hindi n'ya maitatago ang pagkislap ng mga mata n'ya. Grr! Sarap-sarap talagang dukutin! Hirap na hirap pa ang bakla sa pagtatago ng kilig na nararamdaman! Ang lantod talagaaa!!!
Tiningnan ko si Sue. Hindi s'ya nagsasalita habang nakatitig sa akin. Pero kitang-kita ko sa maamo n'yang mukha ang pag-i-expect.
Ugh!
Hindi lang basta sipa, suntok, sapak at tadyak ang ginawa ko sa sarili ko mentally. Parang gusto ko na ring ilibing ng buo ang sarili ko.
"Please, "
Napasulyap ako kay Sue. Nakikiusap ang mga mata n'ya. Ngayon lang din s'ya nagsalita sa akin na punong-puno ng pag-aasam at pag-aalala. Tumingin ako sa kisame saka nanghihinang ipinatong ang ulo ko sa sandalan ng upuan. May magagawa ba ako? They leave me no choice. Bukod pa doon ngayon lang s'ya nakiusap at wala akong lakas para tanggihan s'ya.
"Kailan? "
"Next week, "
Muntik ng maging jelly ang mga tuhod ko sa labis na panlalambot. Bakit ba sa tuwing nakikiusap ako sa tadhana na gumawa ng paraan para mapaglayo kaming dalawa... May ibang plano namang ginagawa ang mga baliw kong kaibigan. Ano bang kasalan ang nagawa ko at parang pinarurusahan ako ng malupet?
Gusto ko na ngang dumistansya diba?
Gusto kong ibaon na lang sa limot ang kung anumang nararamdaman ko. Walang kahit na sinong makakaalam na iniingat-ingatan ko ang dalawang buwan na kasama ko si Ivan noon sa bukid. Hindi naman ako humihiling ng milagro. Pero sana huwag naman subukin ng pagkakataon ang tibay ng loob na meron ako. Hangga't kaya kong lumayo lalayo ako. Kahit bigyan pa ako ng maraming pag-asa hindi ako aasa. Dahil iyon ang dapat hindi ba?