Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 25 - Chapter 24: Suddenly It's Complicated

Chapter 25 - Chapter 24: Suddenly It's Complicated

IYA

"What are you doing?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Claud kay Ivan. Maging ako man ay hindi nakahuma sa inasal ni Ivan. Ano na naman kayang nakain nito at umaariba na naman ang mood swing. Dinaig pa ng pabago-bago nitong ugali ang panahon sa Pilipinas.

"Are you just giving these to her? " nakalarawan sa gwa---oo,  gwapo nitong mukha na hindi ito makapaniwala. "I can't believe you, "

Napa-face palm na lang ako sa sobrang stress. Ito bang taong 'to talagang nang-aasar? In all honesty ngayon ko lang napagtanto na nakakainis din pala talaga s'ya lalo na kapag umiepal. Hindi ba n'ya nakikita ang inaabot na pera ni Claud? O sinadya n'ya lang na hindi pansinin at pagkatapos ay pagbibintangan ako na namimigay? Grrr! Ito na yata ang bagong trip n'ya sa buhay. Ang asarin ako. Naku Ivann! Tinamaan ka talaga ng magaling!

"Mukha ba kaming nagkakawanggawa huh? Mukha ba? Pinaghirapan namin 'tong gawin tapos ipamimigay lang ganun?" mahina lang ang boses ko sa pagtatanong pero may bigat ang bawag pagbigkas ko ng mga salita. May kasamang panggigigil pa nga.

Pakiramdam ko parang bumalik na naman kami sa panahong unang beses pa lang kaming nagkita. Noong unang linggo na nakatira s'ya sa amin, wala kaming tigil sa pagbabangayan dahil masyado s'yang mareklamo at ako naman ay sobrang naiinis sa mga maliliit na bagay na inirereklamo n'ya. Wahhhhhh! Nakaka-praning eh.

"Anong tawag mo dito? Binabayaran na nga nung tao eh. Kung maka-react ka naman parang ikaw ang nag-provide ng puhunan. Akina nga 'yan bago ko pa makalimutang tao ako. Malapit na talaga akong magpalit anyo eh, " gigil na kinuha ko mula sa kamay n'ya ang mga paper bag na para kay Claud.

Kumunot ang noo ni Ivan. "Magpalit anyo? "

Aba, at talagang interesado?

"Malapit na akong maging halimaw. Ano bang problema mo ha? Bakit nandito ka na naman?! "

Saglit na hindi nakaimik si Ivan. Ang mga sumunod n'yang sinabi ang s'yang nakapagpatahimik naman sa akin pagkatapos.

"What? You don't want to see me? "

Damang-dama ko ang inis sa boses n'ya. Saan naman s'ya naiinis? Sa tanong ko? O baka naman naisip n'ya na medyo nakakainis na nga ang pinaggagagawa n'ya kaya naiinis na s'ya sa sarili n'ya.

"Bakit na naman ba kase? Hindi ba at sinabi ko na kanina na hindi ako pwede? " nakuuu, sana lang talaga... sana lang bigyan pa ako ng mahabaging langit ng nag-uumapaw pang pasensya. Bakit parang pakiramdam ko nagiging insensitive 'tong lalaki na 'to? Wala naman siguro s'yang balak sirain ang kinabukasan ng negosyo namin diba? "Nagbebenta ako dito. Huwag kayong humara-hara d'yan kung hindi din naman kayo bibili. Kailangan kong makaipon ng pera kaya sana naman huwag n'yong ginugulo ang negosyo namin," seryoso kong dagdag na ang pinatutungkulan ay s'ya at ang magagaling n'yang mga kabigan.

"Bibili ako, "

Huh?

Pinagtaasan ko ng kilay si Ivan. Tama ba ang narinig ko na sinabi n'ya.

"What? Am I not allowed to buy? " seryoso ding tanong n'ya sabay taas din ng kilay sa akin. Napailing na lang ako. Okay. I gave up. Ang hirap kalabanin lalo na kausapin ang nilalang na 'to.

"O heto. Bilhin mo 'tong lahat. " inalis ko sa kamay nila Josefa ang mga dala-dala niya saka iyon idineposito sa kamay ni Ivan. "Four thousand lahat 'yan, " ang presyong ibinigay ko sa kanya ay hindi presyong pangkaibigan. Naiinis ako ngayon kaya hindi ko s'ya bibigyan ng discount. Dinoble ko pa ang presyo ng palabok dahil wala lang, trip ko eh. Mayaman s'ya hindi ba? At bukod pa doon, epal din s'ya. At dahil ngayon n'ya lang naman ipinakita ang kaepalan n'ya, ayan ang parusa n'ya. Sabagay, sabi nga doon sa nabasa ko 'it takes a lifetime to know a person'. Kulang na kulang ang dalawang buwan para makilala mo ng lubusan ang isang tao.

"I dont have cash. Give me your bank account," medyo hindi ko iyon inasahan kase nantitrip lang naman ako. Bakit naman hindi diba? Kung pagtripan n'ya nga ako nakakakalbo na minsan. Hayaan ko naman na s'ya ang ma-stress sa ipambabayad n'ya. Pero dahil nakalimutan ko yatang yayamanin ang isang 'to, heto, sinasampal ako ng panghihingi n'ya ng bank account!

"Wala ako nun. Sino sa inyo may bank account? " baling ko sa apat. Hindi naman talaga dapat ikahiya iyon diba? Sila lang naman ang mayayaman. But...! Magkakaroon din ako n'yan sooner or later dahil itataga ko sa bato, yayaman talaga ako.

Nagtaas ng kamay si Sue at Yana.

Iyong kay Yana ang ibinigay ko. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Sue, kaya lang wala pa rin s'ya sa sarili n'ya. Iniisip n'ya pa rin siguro ang tungkol sa date nila ng fiance n'ya. Grabe 'tong mga anak mayaman na 'to may pa-fiance-fiance na kaagad ke-babata pa naman.

"Bibigyan ka namin ng one week para sa pagdedeposit. Hindi naman maliit na halaga ang apat na---, "

"Give me a minute, " putol n'ya sa mga sasabihin ko. Ang bossy talaga. Hindi na talaga nawala sa sistema n'ya ang ugali n'yang 'yan. Kung makapag-utos akala mo naman sinuswelduhan ang inuutusan.

Ilang sandali din s'yang nagpipipindot sa phone n'ya saka ko narinig na tumunog ang phone ni Yana.

"Our money's here, " Yana said happily while licking her pinkish lips. Iwinagayway pa n'ya sa harapan namin ang phone n'ya. Kita naming lahat ang tumataginting na sampung pisong libong halaga na pumasok doon.

"Teka nga, bakit sampu? " ipinamumukha ba ng taong 'to na barya-barya lang sa kanya ang lilibuhin.

"In every dish and dessert na gagawin mo, padalhan mo ako ng sampung order. Everyday. Kapag kulang na 'yang perang nasa iyo, give me a call, "

Call? Paano ko naman s'ya tatawagan eh hindi ko naman alam kung ano ang number n'ya. Bangag ba s'ya?

Kinuha ko ang maliit na paper bag na naglalaman ng pitchi-pitchi na para talaga sa kanya. Hindi ko na sana ibibigay 'to pero dahil nagdeklara na s'ya bilang isang suki ng aming munting negosyo, bakit naman ako tatanggi sa grasya?

"For you. Maraming cheese 'yan. Hindi kita masasamahan sa lunch ngayon kaya ayan ang bayad ko, " sinigurado kong mahina lang ang boses ko para kami lang ang magkarinigan. Tinanggap n'ya naman ng walang paligoy-ligoy ang inaabot ko.

Mabilis akong tumalikod sa kanya ng kuhanin na n'ya ang paper bag.

"Tara? " baling ko kay Claud at sa babaeng nagpakilalang Izel Arwen.

"Magkakaroon ng Acquaintance Party next month para sa Grade 10,11 at 12.  And because you're my model, ako ang gagawa ng gown mo, " habang naglalakad kami pababa ng hagdanan ay wika ni Claud.

Nagkibit-balikat lang ako. Ano naman ang pakialam ko sa party na 'yun? Habang bumababa kami ay lumingon ako kila Josefa. Nagmamasid lang silang apat. Kumaway ako ng konti sa kanilang apat. Hindi naman siguro sila magseselos ano? Ginagawa ko lang ito para sa negosyo. At dahil na rin sa utang na loob. Kung hindi ako nahimatay kanina, hindi ko sana papasukin ang pagiging modelo. Kuno. Pero dahil sinabi naman ni Claudette na madali lang, okay fine.

Ayon kay Claud, ipapakilala n'ya raw ako sa mga kaklase n'ya. Sabi nila Josefa, iisa lang daw ang section ng Fashion Design Strand dahil kakaunti lang naman ang mga estudyanteng nag-aaral para sa kursong iyon. Kung tutuusin nga daw ay wala naman talaga dapat ang strand na iyon pero dahil sa mga magulang na nagpupumilit na maglagay ng kursong ganun, naghanap pa talaga ng mga sikat na designer ang mga magulang para magturo sa kanilang mga anak. Wala na tuloy magawa ang pamunuan ng paaralan.

At dahil member ng Student Council si Claud madali na para sa kanya ang mag-excuse ng estudyanteng kailangan n'ya. Ipinagpaalam n'ya na pala ako sa susunod naming teacher. Mas nauna pang makaalam yung teacher kesa sa akin. Amazing right?

Tahimik ang buong department nila Claud ng makarating kami doon. Isang malaking building iyon na mga fashion design student lang ang pwedeng gumamit. May isang malawak na silid doon na napapalibutan ng glass wall na may malaki at mahabang entablado sa loob. The runway. Talaga pa lang may mga rampahang nagaganap. Bigla naman tuloy akong kinabahan. Anong kalokohan na naman ba itong napasok ko?

Ang sumunod na ay gawa din sa salamin kaya naman kitang-kita namin ang mga naghilerang mannequin sa loob. May nakalagay na 'The Display Room' sa labas ng pintuan ng silid. Ang sumunod na silid naman ay punong-puno ng mga mamahaling sewing machine. Sa bandang dulo ng naturang silid ay kitang-kita ko ang mga nakarolyong tela. Iba-ibang yari, tekstura at kulay.

"We're here, " binuksan ni Claud ang isang pintuan at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong classroom lang naman pala ang binuksan n'ya. Nagkukumpulan sa isang sulok ang mga kaklase ni Claud ng silipin ko. Hindi man lang akong nagtangkang pumasok. Ewan ba, bigla akong kinabahan.

"Hey, Claudette, where is your model? "

Hindi pa man ako nakakapasok ay narinig kong tanong na kaagad ng isang maarteng tinig. Yes, ang arte talaga kaya iyong kaba ko na unti-unti ko nang narerendahan ay dali-daling Nag-U-turn pabalik sa akin. Santisima!

"Kanina ka pa namin hinihintay. We're so excited to meet your model, "

Bukod sa nararamdaman kong kaba, hindi ko rin mapigilan ang pagtataka. Ganoon ba kaimportante ang mga modelong sinasabi ng mga ito? At bakit sa tono pa lang ng mga boses nila mula sa loob parang ang laki-laki na ng expectations nila mula kay Claud? Bigla tuloy akong pinanlamigan kahit na hindi naman malamig sa pwestong kinatatayuan namin. Nakahawak si Claudette sa kamay ko at wala sa loob na napahigpit ang kapit ko doon. Bakit parang hindi naman talaga madali ang lahat? Nung kinausap n'ya ako about being her model, parang ang dali-dali lang naman ng lahat base sa mga paliwanag at kwento niya.

"Relax darling, you have me, "

Tiningnan ko si Claud sa mga mata n'ya. Bukod sa nag-uumapaw na confidence lang ang nakikita ko doon, mayroon pang-isa. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. Nang hilahin na n'ya ako papasok sa loob ng kwarto ay hinili ko s'ya pabalik sa labas. Susme, feeling ko gyera ang papasukin ko sa loob. At hindi pa ako nakakapaghanda para doon!

Huminga ng malalim si Claudette. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang bahagyang pag-aalinlangan. Pero pag-aalinlangan saan? Nag-i-expect ba s'ya sa akin? Ang usapan lang naman ay isusuot ko ang mga designs n'ya diba? Wala naman sa usapan na isasalang n'ya ako sa gyera. Hinawakam n'ya ako sa magkabilang balikat. 

"Iya, the first time I saw you bigla kong na-realize kung anong klaseng model ba talaga ang hinahanap ko. And it's you. Nahanap ko sa'yo ang mga katangiang gusto ko. Besides, wether you like or not we're in this together now. You can't back out now that we're here,"

Hanudaw?!

"I have three rules for you." Aniya pa sa seryosong tinig. "Rule number one, Iya. Do not show them you're afraid or else they'll devour you whole. Rule number two, you have to wear my designs together with confidence. CONFIDENCE, darling.  And rule number three, always give them nightmares. Our enemy deserves it, "

Tinapik-tapik n'ya ang balikat ko matapos ang pag-i-encourage n'ya.

Rules?! Tinamaan ng lintik, hindi ito ang usapan namin kaninang umaga! Bakit feeling ko napasubo ako ng wala akong kaalam-alam at dahil nandito na ako bakit pakiramdam ko eh wala rin akong karapatang umatras?! At anong nightmares ang sinasabi n'ya? Itong mga nangyayari pa lang ngayong araw, isa na 'tong nakakahindik na bangungot para sa simpleng nilalang na kagaya ko.

"Kaya mo 'yan. You have us, back up mo kami, " mula sa likuran ay naramdaman ko ang pagtapik ni Izel Arwen sa likod ko.

Binigyan ko ng umaatikabong mental slap, double sidekick at ilang upper cut ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng back up! Wala talaga sa plano 'to! Pakiramdam ko umiiyak ako na walang luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

Tumahimik ang buong silid ng makapasok kaming tatlo.

"Uy, Arwen kanina pa kita hinahanap. Pwede ba kitang kuning photographer ko? "

"Nah, that would be so rude, Margareth. Alam mong photographer ko si Arwen, " malamig na sagot ni Claud.

"C'mon Claud, huwag ka namang madamot. Nagbabakasali lang naman ako. Ikaw nga eh, pilit na isinisiksik ang sarili kay Duke kahit na alam mong may fiancee, " dire-diretchong wika ni Margareth.

Napatingin tuloy ako kay Claud.

"Ahh, so kagaya ka rin pala nilang tsismosa? Naka-move on na ako sa kanya pero bakit parang ikaw hindi pa? Huwag ang love life kong walang kwenta ang pag-usapan natin dito. Remember the Acquaintance Party? Sa pagkakaalam ko mamimili si Miss T ng magandang gown design para sa gabing 'yun. Are you ready, Marjz? Hmm.. Palagay ko hindi pa, puro lovelife naman kase ng ibang tao ang inaatupag mo. Dapat yata sa kabilang Department ka nagpa-enroll. Nandoon ang mga masscom students, try mo lang. Mas bagay kase sa'yo ang maging pakialamera, " sa talas nang habas ng dila ni Claud, parang gusto ko s'yang bigyan ng round of applause. Havey!

Sandaling natahimik ang babae. S'ya iyong babaeng may maarteng boses na naririnig ko kanina. Medyo kinikilabutan ako sa fake eyelashes n'ya. Fake na fake naman masyado ang arrive. I bit my lower lip. Ano ba 'yan, nahahawa na ako sa kaartehan ng pananalita at sa mga lenggwahe ni Josefa.

"Ow, I see. So totoo nga, namulot ka sa basurahan ng modelo, " nakangising wika ni Margareth sa makamandag na tono ng makabawi. Ni hindi man lang nag-react sa pagiging tsismosa daw n'ya. O, totoo lang ang sinabi ni Claud kaya pinalampas n'ya na lang at ako naman ang plano n'yang tirahin? Ilang beses tuloy akong napalunok. Hindi na lang ako kumibo sa sinabi n'ya , kunwari hindi ko narinig kaya hindi ako apektado. Pero talaga pa lang basura ang tingin nila sa amin ha. Na-curious naman akong bigla sa isasagot ni Claud. Sa I.d ko pa lang, nakita na n'ya kung anong year ako at kung taga saang section. But after knowing all of that, kinuha n'ya pa rin akong modelo n'ya. Kase ang sabi n'ya nga ng sabihin kong galing ako sa patapong 'trash section', "it doesn't matter " naman daw.

"Nakalimutan mo na ba ang kasabihang may kayamanan sa basura? Look at her, she's a gem, " proud na saad ni Claud. At wala akong makitang pamamlastik sa maganda n'yang mukha o marinig na pang-uuyam sa tono ng boses n'ya.

Muntik pa nga akong maiyak sa pag-a-appreciate n'ya sa akin. Nakakatuwa naman kase. Kaya lang, hindi ba't pera 'yun? 'May pera sa basura' dapat 'yun diba?